Gisselle
“Uy, papaano nga kayo nagkakilala?” pangungulit ko rito nang makalayo kami. Bahagya ko pa itong hinila papunta sa mga sunflower kong tanim na naglalakihan na.
Dinig ko buntong hininga ng lalaki bago ako hapitin sa baywang at halikan sa sentido. “Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Nagtatrabaho siya sa akin, nanghuhuli ng mga wanted na kriminal na may patong na pera sa ulo. Isa sa mga magagaling na tagahanap ko ang isang ’yon.”
“Ah, bounty hunter.” Iyon ang naalala kong sinabi ni Hunter na trabaho niya noong unang beses niyang tumapak dito sa bahay. At ngayon ko lang nalaman kung ano ba talaga ang tinatrabaho nito. Noon kasi ay wala naman akong pakialam dito.
“Hmm, yeah. Delikado ang trabaho niyan. Pero laking tulong nila sa amin para mahanap ang mga wanted na kriminal dito.”
“May mga kai
Gisselle“Wala ba kayong sasakyan?” tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay hatid-sundo si Kisses ng driver niya. At si Hunter, may sarili ring sasakyan. Makaraan ang ilang sandali ay napapitik ako ng mga daliri. “Ah, gusto n’yo lang pala mamerwisyo sa akin.” Tumango-tango ako nang mapagtanto iyon.Ngumiti nang pang-asar sa akin ang kapatid ko.Umismid ako bago ibalik sa harapan ang tingin. Ano pa nga ba ang magagawa ko?Pagsakay nila ay agad kong pinaandar ang sasakyan. Sinulyapan ko pa ang mga ito na magkayakap sa backseat na ikinaismid kong muli.“Saan ka galing, Hunter? Tila kagagaling mo lang sa misyon, a,” biro ko rito na agad nitong tinanguan.“Oo, may minamanmanan kasi akong pugante sa school banda. May mga nakalap na akong impormasyon kaya uuwi na muna ako.”Natigilan tuloy a
Carlos Joseph Guevarra Hindi ko inaasahan na sa isang gabing iyon, may makikilala akong babaeng magpapabago sa buhay ko. Ako na ata ang pinakasuwerteng lalaki sa gabing iyon. “Sir, may isa kaming nahuli.” Hindi ito makatingin sa akin at mukhang nagmamatigas pa kaya naman napailing-iling ako. Halatang mayaman na pasaway. Pero aaminin kong kaakit-akit siya tingnan. Kay gandang bata pero mukhang pasaway. “G-Gisselle Leanne Montehermoso y Louise, eighteen years old,” utal-utal na sambit nito habang ino-obserbahan ko ang kilos. Halatang natataranta ito dahil sa takot. Inabutan ko agad ito ng tubig para kahit papaano ay kumalma. Eighteen years old? Napakabata pa nito tingnan kung tutuusin. Kaya naman bilang parusa nito ay pinatawan ito ng isang buwan na community service. Mabuti na nga lang at nakikipagtulungan ang ama niya sa amin.
Gisselle Inis kong hinilot ang sentido at napairap nang lihim. Maka-ilang ulit kong kinusot-kusot ang mga talukap na nais nang magsara dahil sa kaantukan. “Hoy! Matutulog ka na? Huwag muna, ha!” Bahagya akong nag-angat ng tingin kay Althea at inis na umismid. “Anong oras pa ba kasi natin ito tatapusin? Haler, hindi naman tayo mga aswang na panggabi ang raket, ’no. May bukas pa, Thea.” Nagkamot ito ng kilay at napanguso. Wala itong nagawa kundi ang ligpitin ang mga banner na ginawa namin. Tumulong na rin ako sa pagligpit ng mga kalat namin dahil hating-gabi na at heto pa rin kami at abalang-abala. Kung hindi lang para sa grades, at sa mga dancer namin na representative ng section namin para sa isang activity na gaganapin sa school ay hindi ako mag-aaksaya ng oras at pagod dito. Ligtas nga kami mula sa pagsasayaw, hindi naman sa ganito na paggawa ng props. “Oh, gabing-gabi na. Matulog na kayo.” Napa-ayos a
GisselleWalang imik akong bumaba ng sasakyan pagdating namin sa police station. Napansin ko pa na ako lang ang nag-iisang nadampot doon, and the rest ay puro mga naka-uniporme na ang kasama ko roon.Tila ba biglang nanikip ang dibdib ko habang pinalilibutan ako ng mga pulis. Sari-saring alaala ang bigla na lamang rumagasa sa isip ko na ikinahilo ko na lang bigla. Shocks.“Sir, may isa kaming nahuli.”Nabigla ako nang pagpasok namin ay agad nila akong pinaupo sa tabi ng lamesa ng tila pinuno nila rito. Kumunot ang noo ko at humalukipkip agad nang mag-angat ng tingin sa akin ang lalaking abala sa binabasa nito sa hawak niyang papel.Ramdam ko ang titig nito sa akin ngunit nagmatigas akong hindi ito lingunin. Pinanatili ko ang mga mata sa blangkong pader nila rito upang huwag tuluyang atakihin ng anxiety ko, habang pilit na iwinawaksi sa isip ang mga alaala ng nakaraan na hanggang ngayon ay nagbibigay takot at pagkabalis
GisselleMarahan kong nakagat ang ibabang labi at umiling dito. Hindi ko napigilan ang muling pagbuhos ng mga luha ko habang nanginginig sa kaba. Mas lalo akong natakot nang maramdaman ko ang paghablot sa akin ni Dad at ipinasan ako.Tila lahat ng tapang ko ay naglaho sa mga oras na ’yon. Nanlabo ang paningin ko dahil sa luha at hindi napigilan ang pag-alpas ng hikbi.“Bakit ba takot na takot ka? Hindi ka naman kakatayin dito. Ang lakas nga ng loob mong gumawa ng kalokohan, ngayong sinisingil ka na ay tiklop ka naman,” ani Dad pagkalapag nito sa akin sa upuan na inupuan ko kagabi rito sa presinto.Talagang sinadya niya iyong iparinig sa mga pulis na naririto para mapagtawanan ako, at hindi naman siya nabigo dahil pati iyong lalaki na kausap ko kagabi ay natawa nang mahina.“Ahm, pagpasensiyahan n’yo po sana si Gisselle, Sir. Takot po kasi ’yan sa inyo kaya nagkakaganiyan,” dagdag pa
GisselleNaghintay lamang ako sa pagdating ni Dad nang ilang minuto, bago ito dumating na kasama na naman si Mom. Madilim na rin nang maka-uwi kami sa bahay. Wala akong imik nang paupuin ako ni Dad sa tabi ni Kisses na busy sa ginagawa nito sa laptop niya. Humalukipkip lamang ako at itinarak ang mga mata sa sahig upang huwag salubungin ang tingin ng aking ama. Tumabi sa gilid ko si Mom na pasimpleng kinalkal ang bag ko nang walang magawa. Hinayaan ko lamang ito dahil wala naman akong itinatago sa ina ko na kahit na ano. “Kumusta naman ang unang araw ng parusa mo, Gisselle?” Huminga ak
GisselleSa huli ay mabilisan kong tinapos ang paglilinis. Ibinalik ko ang walis at mop sa likod ng police station nila bago maghugas ng kamay sa gripo.Napainat ako ng likod at tinanaw ang panghapon na sikat ng araw. Naisipan kong tumambay muna roon dahil tahimik, saka ko binuksan ang phone ko. Ini-stalk ko ang account ni Guevarra, at nakita kong marami pala itong followers at friends.May mga litrato rin ito nang naka-uniporme at kung ano-ano pa na mabilisan ko lang na tiningnan. Ang mga comment sa mga litrato niya ay puro papuri sa kabutihan, katapatan at kaguwapuhan kuno niya. Tsk.Mamaya ko na lang susuriin ang mga ’yon sa bahay.In-exit ko ang album niya at nag-scroll sa wall niya. Nagse-share pala ito ng awareness patungkol sa mga rebelde ng bansa. Katulad na katulad sa ginagawa ni Uncle Zach at ng asawa nitong former rebel.Talagang kinokondena nito ang kamalian at katamaran, at nagpo-promote ng disiplina sa mga tao. Pati mga mag
Gisselle Sa likod ko lang nakasunod si Guevarra na katamtaman lang ang takbo ng motor. Umismid ako. I don’t understand this guy. Parang may kakaiba sa kaniya. Hindi ko lang masabi kung ano. I still don’t trust him, nakakatakot nang ibigay muli ang tiwala sa mga tulad niyang pulis. Bakit kaya ito concern na concern sa akin? Naiinis ako dahil ayoko nang ganito. Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa nakaraan ko na pilit ko nang ibinabaon sa limot. Inihinto ko agad ang sasakyan nang maramdaman kong sumama na naman ang pakiramdam ko. Later on, I saw myself gasping for air. Mariin kong ipinikit ang mga mata habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Damn it! Iniling-iling ko ang ulo upang damhin kahit papano ang sarili. Ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko kasabay ng pagsakit ng dibdib ko. Suminghap ako’t pinukpok ang dibdib.