Share

CHAPTER 2: His New Home

Ilang araw na ba ang nakakalipas. Hindi na mawari ni Zeil kung ilang araw na s‘yang puyat at naka upo lang sa pinaka harapang bangko sa gilid ng kabaong ng kanyang ina. Hindi rin n‘ya alintana ang nangingitim niyang eyebags at ang ilang araw niya nang suot na damit.

Ilang pilit na s‘yang sinabihan ng kanyang tito na maligo muna at magbihis ngunit sadyang matigas ang kanyang ulo at ayaw n‘yang makinig rito.

Ang kanyang tito na lamang ang kanyang kamag anak. Siya ang rin ang taong tumulong sa kanila ng kanyang ina at nag ayos ng lamay nito.

“Zeil hindi ka pa ba maliligo o magbibihis man lang?” muling ani nito sa kanya at naupo sa kanyang tabi at nagpakawal ng malalim na buntong hininga.

“Hindi na tito. Gusto ko lang makasama si Mommy rito.” walang emosyong sagot ng batang si Zeil.

“Sinabihan ko nga pala ang daddy mo nang makita ko s‘ya kanina sa grocery store. Baka pupunta s‘ya rito mamaya.” panimula nito sa kanya.

“Hindi namin s‘ya kaiangan dito ni Mommy,” maikling sagot n‘ya rito.

“Pero kailangan mo s‘ya sa ngayon Zeil. Sa kanya mapupunta ang custody mo kahit gusto kitang doon na lang sa amin. Kasi s‘ya parin ang daddy mo.” sagot nito sa kanya.

“Ayaw ko sa kanya. Kinamumuhian ko s‘ya. Siya ang rason bakit namatay si mommy ko.” madiing ani ni Zeil habang madiing naka kuyom ang kaniyang mga kamao. Nagsimula na ring tumulo ang mga luhang ilang araw niya na ring pinipigilan.

“Shhh... Tama na Zeil. Sa ngayon ay wala ka pang magagawa. Ngunit pagdating ng araw, tutulungan kita maghigante sa kanila. Uubusin natin lahat ng mga taong nakasakit sa‘yo at sa mommy mo. Kaya kailangan mo munang magpalakas, magpakatalino, habang nasa poder nila. Kailangan mong matutunan ng kilos ng mga kaaway mo tulad ng isang mabangis na lion.” ani nito sa kanya at niyakap s‘ya.

Matapos ang pag-uusap nilang dalawa ay hinatiran na s‘ya ng kanyang umagahan.

Natapos na lang ang huling gabi ng lamay ngunit bilang lang ang mga taong dumadalo. Karamihan lang rito ay tauhan ng kanyang tito Henry.

Napabuntong hininga na lamang si Zeil dahil kahit sa huling araw ng lamay ng kanyang ina ay walang nagpakitang daddy niya para damayan s‘ya. Walang nagpakitang daddy niya para masilayan ang kanyang mommy sa huling pagkakataon.

***

Kasalukuyan siyang nakatayo sa harap ng puntod nito nang mag-isa. Wala na ring mga bisita dahil nagsiuwian na rin sila.

“Zeil,” tawag ng isang pamilyar na boses sa kanyang likuran. Hindi s‘ya lumingon rito na para bang hindi niya ito rinig.

“Zeil anak...” ani nito nang makalapit sa kanya.

“Bakit ngayon ka lang? Kanina pa natapos ang libing. Huli ka na.” ani nito sa kanya ngunit sa lapida pa rin ng kanyang ina ang kaniyang paningin.

“Zeil anak, I‘m sorry....” mahinang ani nito sa kanya na para bang hindi bukal sa kanyang puso ang sinabi nito. Napatawa naman ng pagak ang bata.

“Bakit ka ba sa ‘kin nagso-sorry Dad? Hindi ba dapat kay Mommy? Kayo ang dahilan bakit siya nagpakamatay. Dahil iniwan mo kami at sumama sa ibang babae!” ani nito sa kaniyang ama at bumaling rito. Nagtatangis na ang kanyang mga ngipin habang naka-kuyom ang mga kamao at masamang nakatingin sa kanyang ama.

“Dad bakit? Bakit mo nagawa sa 'min to ni Mommy? Bakit mo kami nagawang iwan?” umiiyak nang bulyaw sa kanya ni Zeil. “You didn‘t love us! I hate you! I really hate you!” malakas na sigaw ni Zeil habang lumuluha.

“I‘m sorry anak... I‘m sorry. You still don‘t understand things. Masyado ka pang bata para malaman ang totoong dahilan.” maluha luhang ani ng kanyang daddy sa kanya.

“Then tell me! Tell me everything I should need to know! I‘m smart right? Siguro naman maiintindihan ko rin'!” bulyaw nito sa kanyang ama.

Umiling lang ito sa kanya at niyakap siya. “Zeil, you‘re still young to know this. I‘m sorry.... But I promise I wont lie to you, I‘m going to tell you everything if you are older enough to understand the situation.” ani ng kanyang ama na nagpakalma sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ‘yon. Ngunit sapat na ang mga salitang ‘yon upang kumalma siya.

“Zeil, I know this is too much for you pero kailangan mo nang sumama sa bagong bahay natin. Titira ka na kasama ako..." ani ng kanyang ama at nag-isip pa ito saglit kung sasabihin ba niya sa anak o hindi ang gusto n‘yang sabihin.

“It‘s fine Dad, I know what you want to say. As if I had another choices here.” malamig na ani ni Zeil at naglakad na patungo sa sasakyan ng kanyang daddy. Hindi niya na ito hinintay pa na ayain s‘ya nitong umuwi.

Grade 6 pa lang siya pero tila parang matanda na siya kung umasta. Mabilis n‘yang binuksan ang back seat ng sasakyan at agad na umupo roon. Dali dali namang sumunod ang kaniyang ama sa kanya.

Nang makapasok ito ng sasakyan ay hindi na umimik pa si Zeil. Naka toon na lang ang kaniyang paningin sa labas ng bintana.

Napabuntong hininga na lamang ang kaniyang ama bago pina-andar ang sasakyan. Alam niyang galit na galit pa ang anak sa kanya at mahaba habang panahon pa bago siya mapapatawad nito.

Napakunot ang noo ni Zeil nang mapansing hindi sa bahay nila patungo ang tinatahak na daan ng kanyang ama.

“Where are we going? Hindi na ba tayo dadaan sa bahay para kumuha ng gamit ko?” nagtatakang tanong n‘ya rito.

“Hindi na, de-deretso na tayo sa bahay natin. Ipapakuha ko na lang sa katulong ang lahat ng gamit mo.” naka-ngiting tugon ng kanyang ama.

“Correction. Bahay n‘yo.” supladong ani ni Zeil at muling itinuon ang tingin sa daan.

“Magiging bahay mo rin sa ayaw at gusto mo Zeil. Kasama ng bago nating pamilya.” ani nito. Hindi na rin umimik pa ang batang si Zeil. Ayaw niya na ring makipagbangayan sa Dad niya.

“By the way, you already have your own room. Ikaw na rin ang bahala sa decorations. Sabihin mo lang kung ano pa ang mga kailangan mo pang bilhin at idagdag roon.” ani ng kanyang daddy na hindi niya pinapansin.

Hindi niya ito iniimikan hanggang sa makarating sila sa kanilang bagong bahay.

Hinintay niya munang pagbuksan siya ng pinto sa sasakyan bago siya bumaba. Tahimik lang siyang naglakad kasama nito na para bang inaalam ang kanyang buong paligid.

“Were home...” masayang wika ng kanyang daddy nang mabuksan ang pinto. Hindi naman maiwasang mapaismid ni Zeil nang makita ang reaksiyon nang kanyang ama.

“Daddyy!” masayang bati nang batang naka-upo sa sofa at mabilis na sumalubong sa kanyang ama at agad na yumakap rito.

Halos mapatulala naman si Zeil nang makita kung sino ang batang ‘yon. Walang iba kundi si Amanda. Ang batang katabi n‘yang naghihintay sa waiting shed noon.

“Daddy sino po s‘ya?” nagtatakang tanong nito sa kanyang daddy.

“Siya ang kuya Zeil mo. Mula ngayon dito na siya titira kasama natin.” masayang wika ng kanyang daddy.

“Zeil, siya naman ang kapatid mo. Siya si Amanda Ceistria.” wika pa ng kanyang daddy na mas ikinagulat niya.

“P-pareho kami ng apelyedo?” takang wika ni Zeil.

“Dahil magkapatid kayo ni Amanda. At pareho ko kayong anak.” wika ng kanyang ama.

“M-magkapatid kami ni A-Amanda?” wala sa sariling wika niya.

R.G ROMIE

Hello, salamat po sa pagbabasa ng aking akda. Kung nagustuhan niyo po ito paki add na rin po sa inyong mga library 😊😊😊

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status