Nang malapit na sina Seb sa lokasyon kung saan naroon sina Allyana ay pinahinto niya saglit ang kotse at sinabing hahanap siya ng daan patungo sa building. Hindi agad sumang ayon si Dion, ngunit, desidido si Seb sa kanyang nais gawin kaya wala na siyang nagawa pa. Napag usapan nilang maghiwa-hiwalay bago makarating sa gate. Sina Dion na ang bahala sa pagpasok nila sa gate, habang sina Dylan naman ay naghanap rin ng daan para makapasok sa loob ng building, ganoon rin si Seb na dumaan sa kabila, kasama ang ilang tauhan nito.Nang nasa gate na sina Dion ay inutusan niya ang isa niyang tauhan na pasabugin ang malaking gate. Ginawa naman iyon ng kanyang tauhan at naghagis ng dalawang granade, kasunod noon ang malakas na pagsabog. Sinundan agad nila ito ng magkasunod na putok ng baril at ang ilan niyang kasama ay nagsimula nang pumasok sa loob, habang nagpapaputok. Narinig niyang nagpaputok na rin ang tauhan ni Albert. Mabilis ang naging kilos nila, hanggang sa nagtago sila sa gilid
Matapos mailipat ng magkahiwalay na kwarto sina Keane at Allyana ay halos ayaw namang umalis ni Seb sa tabi ni Allyana. Hinihintay niya itong magising at nais niyang siya ang unang makita nito kapag nagising. Hinahayaan na lamang siya ng magulang ni Allyana at tila naiintindihan nito ang kanyang nararamdaman dahil nalaman na rin naman nila kung anong mayroon sa kanila ni Allyana. Nakikita nila ang saya sa mga ni Seb habang nakatingin kay Allyana at nakikita rin nila kung gaano nito kamahal ang kanilang anak.Sa mga oras na iyon ay hinayaan na muna ni Dion si Seb sa gusto niya at siya na ang kumilos para tugisin si Albert. Nalaman niya mula kay Dylan na siya ang huling nakakita dito at sinabi rin nito kung anong ginawa niya kay Albert. Hindi naman nagreklamo si Dion sa ginawa nito at naiintindihan kung anong nararamdaman ni Dylan. Hinanap nila si Albert at nalaman nilang nasa isang hospital ito at nag aagaw buhay dahil sa natamo nitong mga tama ng baril. Nakita niya pa kung p
Masayang binabati ng mga bisita ang bagong kasal na sina Sebastian at Allyana. Hindi man makapaniwala ang iba na ikinasal muli si Allyana ay nalaman rin naman ng mga ito ang dahilan sa nangyari sa kanila ni Dylan. Ganoon pa man ay makikita sa mga ito ang tuwa at saya para sa kanilang dalawa.Noong kunin ni Seb ang kamay ni Allyana sa harapan ng magulang niya ay walang naging totol ang mga ito at sa halip ay natutuwa pa para sa kanilang dalawa.Wala na rin silang balita kay Keane at Dylan. Naisip niyang tinupad ng mga ito ang kagustuhan niya, kaya magaan na rin ang loob at balang araw ay mapapatawad rin niya ang mga ito.Naging made of honor naman si Chelsea sa kanilang kasal, habang si Dion rin ang naging partner nito. Hindi pa rin maiwasang mag asaran ang dalawa, ngunit, nakikita nila Allyana na higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sa dalawa. Para kay Allyana ay matutuwa siya kung magkatuluyan ang mga ito, tulad nila ni Seb. Sa reception ng kasal, naging abala ang bagong kasal
Sabay na bumaba si Keane at Allyana sa kotse, nang nasa harap na sila ng isang hotel. Napatingin naman si Allyana sa hotel at nagtatakang tumingin kay Keane. "W-What are we doing here?" naguguluhan niyang tanong sa kaibigan.Napangisi lang si Keane sa kanya at hinawakan siya sa braso at hinila papasok sa loob ng hotel. "Woi, ano bang gagawin natin dito?" muling tanong niya dito. "We're having a surprise for you. Tomorrow will be your wedding, that's why we granted you a surprise," nakangiting sabi nito habang hawak siya nito sa braso. Kahit naguguluhan ay sumunod na lang siya dito. Sumakay sila sa elevator at nang nasa loob na sila ay muli siyang tumingin kay Keane. "A-Ano bang klaseng surprisa iyon, Keane? B-Bakit parang kinakabahan ako?" tanong niya dito. "Duh? Surprise nga di ba? Well, kailangan mo talagang kabahan, dahil mawawala na ang pagiging inosente mo," pabirong sabi nito sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya habang nakatingin kay Keane. Natawa naman si Keane sa naging
Kinabukasan ay naghanda na sina Allyana, sa gaganaping pag iisang dibdib niya sa lalaking minamahal niyang si Dylan. Matapos ang nangyari no'ng gabi ay wala na siyang maalala sa sunod na nangyari. Ang huling naalala niya ay nakatulog na siya sa couch at no'ng nagising siya ay katabi na niya si Keane na natutulog. Kahit puyat sa nangyari kagabi ay naroon pa rin ang excitement dahil sa kanyang kasal.Abala ang mga make-up artist na kinuha ng ina niya, para ayusan siya at ang iba pang magiging abay sa kanilang kasal. Dahil nga nag iisang anak lamang siya ay engrande ang magiging kasal niya. Hindi man niya ito hiniling ay binigay ito ng magulang niya. Masaya ang mga ito para sa kanya, lalo na at kilala ng mga ito ang lalaking pakakasalan niya. Gusto rin ng magulang niya si Dylan, dahil mabait ito at may respeto sa kanya, maging sa magulang niya. Kaya nga no'ng magpropose sa kanya si Dylan ay buong puso niya iyong tinanggap."Ang ganda mo, ija," papuri sa kanya ng kanyang ina, habang nasa l
ALLYANA'S POVMatapos ang kasalan sa simbahan ay dumiretso na kami sa reception. Habang nasa simbahan kami kanina at talagang hindi maipaliwanag ang saya ko. Subrang saya ang nararamdaman ko , dahil ganap na kaming mag asawa ni Dylan. He is my everything. My love. "Congratulations!" sigaw ng lahat para sa kanila."Thank you!" ganti ko sa kanila.Nakita ko rin ang ilan sa kaibigan namin ni Dylan, na tuwang-tuwa sa amin. Nakikipagapiran kay Dylan at yumayakap namin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan nila para sa aming dalawa."Congratulations!" muling bati sa amin ng ilang mga bisita at mga kakilala nina Mommy."Thank you for coming!" sabi naman ni Dylan sa mga ito."Honey, restroom lang ako saglit," paalam na bulong niya
Napaiktad ako nang hawakan niya ako sa balikat. Tila na tumatayo ang mga balahibo ko, sa tuwing nadadampian ng mga kamay niya."Relax," sabi niya sa akin.Naramdaman ko ang kamay niyang unti-unting bumaba, papunta sa bewang ko at doon bigla niya ako niyakap saka niya pinatong ang ulo sa balikat ko."Huwag kang masyadong kabahan. Lets go, let's take a bathtub together," sabi niya sa akin.Napabuntong-hininga ako at tumango."Ngunit bago iyon, alisin muna natin ito," sabi niya.Siya na mismo ang nag un-lock sa suot kong bra at maging sa pagbaba ng undies ko. Nahihiya man ay hinayaan ko siya. Napangisi pa siya habang nakatingin sa katawan ko, saka niya hinawakan ang kamay ko patungo sa bathroom. Nang makapasok kami ay nauna siyang lumusong sa bathtub at inaya akong samahan siya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinatalikod sa kanya, upang mapasandal ako sa sa dibdib niya. Kaya naman naramdaman ko ang bagay na iyon sa likuran ko."This is our first time to do it together. Anong pakiramdam?"
Naalimpungatan ako, nang maramdaman kong wala na akong katabi. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at hinanap si Dylan. Tumayo ako sa kama at tinawag siya, ngunit wala akong nakuhang tugon mula sa kanya. Nagtataka na ako kung bakit hindi siya sumasagot sa akin. Tumingin ako sa orasan upang tingnan kung anong oras na at nakita kong alas-tres na ng madaling-araw. Kaya nagtataka ako kung bakit wala siya sa tabi ko. Kinuha ko ang robe at isinuot sa katawan ko. Naglakad ako patungo sa sala, ngunit hindi ko siya nakita."Dylan?" muling tawag ko.Ngunit wala akong narinig na tugon mula sa kanya. Pumunta ako sa banyo at wala naman siya roon. Muli akong napaupo sa kama at iniisip kung saan siya pupunta sa ganitong oras. Habang nag iisip ako ay napatingin ako sa side table na malapit sa kama. Natigilan ako ng makita ko ang wedding ring niya na naroon. Tumayo ako at naglakad patungo roon saka kinuha ang singsing. Nagtataka akong nakatingin dito. Bakit ito nandito? Bakit hindi niya ito isinuo