Mali bang mag mahal ng mas matanda sa akin? Mali ba na mahalin ko siya kahit na pareho kaming babae? Kung mali pala ito, bakit hinayaan ako ng dyos na mahalin ko siya?
View MoreLayla "Huwag ka ng lumabas pa at may ipapagawa ako sa iyo. Total gusto mo naman na may gawin e." Nasabi na lang niya sa akin at maya lang ay may mga folder na itong bitbit na tumayo at inilapag yun sa may table dito sa kanyang receiving area. "Yang mga folder na yan ay pwede paki read na lang kasi kung iisa isahin ko pa yan ay baka abutin ako ng syam siyam. Mga proposal yan at kung wala naman future ay paki alis na para titignan ko na lang pag dating sa akin." Sabi naman niya. Kaya naman mabilis na tumango ako dito. Yan ganyan may ipagawa ka hindi yang gusto mo naka tunganga lang ako dito. Nakita ko naman na medyo parang ayaw pa nito na may gagawin ako. "Hayst ayaw ko lang naman kasi na mapagod ka e. Yang nandyan ka lang ay sapat na sa akin yun.," sabi pa nito pero hindi ko na nga lang ito pinansin at kinuha na kaagad yung isang folder at nag sinimulan ko na kaagad itong basahin. Dahil naka focus na ako ngayon sa ginagawa ko ay hindi ko na ito namalayan na tumayo na pala ito
Layla "Sabihin mo yan sa taong tanga baka sakali na maniwala pa sa iyo. Tsaka lumayo ka nga sa akin at huwag mo akong hawakan. Nakala diri ka." Inis naman na sagot ko sa kanya. Duh malay ko lang kung sino sinong mga lalaki nito ang kanyang nahawakan na. Tapos gusto pati ako ay haplos haplosin niya na gaya ng dati duh hindi na pwede yun no. Tsaka ano sya may tattoo na basta na lang lilitaw dito sa aking harapan at mag a act ng ganyan na para bang walang nangyari o ginawa itong kababalaghan. "Wala.ka ng magagawa pa Layla kung hindi ang sundin na lang ang nasa kontrata." Nasabi na lang nito sa akin at bumalik na itong muli sa kanyang upuan. "Ano nga palang trabaho ang gagawin ko?" Tanong ko na lang dito. Mag ta trabaho na lang muna ako habang nag iisip kung ano ang mga hakbang na gagawin ko. Hindi pwede na manatili ako dito at sumunod na lang sa mga gusto niyang ipagawa sa akin. "Maupo ka na lang dyan. O kung gusto mo ay doon ka na lang sa room ko may kama doon at tv pwede k
Layla Punong puno ng galit na sinumbatan ko na ito. Yung mga hindi ko nasabi sa kanya noon ay ngayon ko nailalabas ngayon kaya naman naka yuko lang ito ngayon at halos hindi na niya kaya pang salubungin ang galit na galit kong tingin sa kanya. "Kung may konsensya ka pa ay pababayaan mo na lang ako na maka alis sa company na ito at tuluyan na lang na mag kalimutan na tayo. Dahil nagawa mo naman na ang bagay na yun noon pa e. Yung pinag palit mo ako sa kababata mo. Ni hindi mo na nga nakuha man lang na mag pakita man lang sa akin o kaya naman ay mag sabi man lang na "hoy putangina mo, break na tayo ha kasi dumating na yung kababata ko na mahal ko." Wala man lang na kahit ganun. Basta mo na lang akong iniwan sa ere. Kaya sana man lang mahiya ka na sa pinag gagawa mong ito at kung sa tingin mo ay may babalikan kapa pwes wala na. Kaya mag kalimutan na lang tayo ng tuluyan." Sabi ko dito. Tatayo na sana ako upang umalis. Dahil sure naman ako na hindi na ito mag hahabol pa matapos kong
Layla Hindi naman na ito umimik pa. Pero naka tingin lang naman siya sa akin at hindi ko alam kung pumipikit pa ba ito. Kasi naman ay naka titig lang talaga siya. Na para bang pag inalis niya ang tingin sa akin ay mawawala ako sa kanyang paningin. Kaya naman ako ang naiilang sa ginagawa nito e. Sama nyo pa ang halos mabingi na ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko na ewan ko ba kung bakit nag papakitang gilas ito ngayon sa pag tibok. Huwag nitong sabihin sa akin na nag papakitang gilas siya sa manluluko na babaeng ito. Huwag na huwag ng mag papadala pa sa kanya. Dahil ang mga katulad nitong man luluko ay hindi na dapat pang pinapaniwalaan ang kanyang mga pinag sasabi kasi alam mo ng hindi yun totoo. Maya lang ay may kumatok na sa pinto kaya naman binitiwan na ni Vexana ang braso ko at tumayo na ito upang buksan ang pinto. Habang naka tingin lang naman ako dito. Nakita ko naman na si Ms. Pharsa pala ang nasa labas ng pinto at may inabot itong folder kay Vexana. Nag usap pa an
Layla Ipinag handa pa ako ng meryenda ng secretary bago ito nag paalam na lalabas na muna at marami pa daw itong gagawin na trabaho. Binilinan pa ako nito bago pa siya lumabas ng office na kung may kailangan pa daw ako ay sabihan ko lang siya sa labas. Basta wait ko lang daw si Ma'am dito sa office niya at parating na daw ito. Kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang sundin na lang ito. Kahit na sa totoo lang ay hiyang hiya ako kasi naman bakit dito pa sa office kailangan na mag hintay dito e pwede naman na doon na lang ako sa labas diba. O kaya naman ay turuan na niya ako ng mga kailangan kung gawin dahil sure naman ako na siya din ang mag tuturo sa akin ng mga bagay na yun. alangan naman si boss pa diba? Hindi ko naman na ginalaw ang hinanda nitong coffee sa akin kahit na na te temp ako na inumin na ito. Alam nyo naman na medyo may pagka adik ako sa kape e. Baka lang kasi bigla dumating si boss at makita ako nito na na pa kape kape lang. Baka Hindi pa man ako nag si
Layla Kinabukasan Maaga akong nagising kasi ito na ang first day of work ko at ayaw ko naman na ma late pa ako sa trabaho. Sobrang nakakahiya kapag nangyari yun. Baka mamaya ay maunahan pa ako ng CEO na pumasok. Sabi pa naman ay maaga nga daw itong pumapasok. Kahit na medyo late na ako naka tulog kagabi dahil sa walang katapusan na pangungulit sa akin ni Ate at gusto na nga nito na lumipat na sa company na pinag ta trabahuhan ko ng makita nito ang kotse na gamit ko pauwe. Gusto pa nga sana niyang hiramin at e test drive nya lang daw dito sa may village at hindi naman daw ito lalabas at para naman masubukan daw nito ang makapag drive man lang ng ganoong klase ng sa sakyan. Pero hindi ako pumayag. Mamaya may naka tira pala na dito sa subdivision na taga Vexla tapos makita nito ang kotse ma sumbong pa ako sa HR. Nakakahiya naman kung mangyari yun. Kaya naman kahit anong pilit nito sa aki. ay hindi talaga ako pumayag. Kahit mag tampo na siya sa akin nyan. Pero hindi pwede ta
Layla "Tigil tigilan mo nga ako Layla sa pang go goodtime mo sa akin na yan ha. Saan ba talaga galing ang kotse na yan ha??" maliit na ang tingin na tanong pa rin sa akin ni Mama. Kaya naman wala sa oras na napa kamot na lang ako ng aking ulo at agad ng kinuha mula sa bulsa ko ang phone ko at nag video call ako kay Melissa. Ilang ring lang ay sinagot naman nito iyon kaagad. "Oh best napatawag ka? Bakit?" tanong naman nito kaagad sa akin. Kita ko pa na katabi nito si Miya at nasa isang restaurant sila at kumakain. "Melissa pwede ikaw na nga lang mag explain dito kay Mama kung saan galit itong Rolls-Royce na gamit ko. Kanina pa ako nag papaliwanag pero hanggang ngayon ay di naniniwala sa akin. Parang hindi ako anak kung makapag hinala sa akin e." sabi ko naman sa kanya. Nakita ko naman ang agad na pag tawa nito sa sinabi ko at ng balingan ko ng tingin si Mama upang ibigay sana sa kanya yung phone ko at sila na ang bahalang mag usap ni Melissa ay masama na ang tingin nito s
Layla Agad naman na naningkit ang mata nito sa sinabi ko sa kanya. Di siguro niya ini expect na ganun ang sa sabihin ko dito. Bakit ba e ayaw ko nga sa kanila at tsaka pakialam ba niya kung hindi ang katulad nito ang type ko. Hindi na ako basta basta na lang pa payag na mangyari ulit sa akin ang ginawa noon ni Vexana. Never na no. "Akala mo naman kung sino kang maganda. Pasalamat ka nga at kahit paano ay nilapitan kita dito." galit na sabi nito sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay. "Sino ba kasi nag sabi sayo na lapitan mo ako ha? Aba hindi ko na kasalanan pa kung hindi ko like sumama sa mga katulad mo no. Di lahat ng tao ay basta na lang sa sama sa hindi niya kilala. Tsaka umalis ka na nga. Isturbo ka sa pagkain ko e." inis na pag tataboy ko sa kanya. Agad naman na akong tinalikuran nito kaya naman nag patuloy na ako sa aking pagkain. Nakita ko na inaasar na ito ng kanyang mga kasama sa table at mukhang asar na asar naman yung isa dahil ang dilim ng mukha nito. Ka
Layla Matapos kong mamili ng mga kailangan ko ay nag pasya na muna na kumain na rin tuloy ako dito sa mall. Sakto at tanghali naman na at saka gusto ko lang na e treat na rin ang aking sarili dahil sa pagkaka tanggap ko sa trabaho. Tiyak na matutuwa nito ang parents ko pag nalaman nila na may work na ang kanilang bunso. Hindi na ako nag chat pa kay Melissa na mag shopping kami kasi naman alam ko na may date sila ngayon ng jowa nito na si Miya. Yun kasi ang usapan ng mga ito na after ng pag pasa namin nga lang sana ng application namin kanina ay di naman namin expected na interview na kami kaagad. Pero napa ganda naman ang nangyari at ito nga at both na kaming may work ni Melissa. Hindi na kami aasa pa sa pera ng magulang namin. Mag iipon talaga ako kapag sumasahod na ako kasi gusto ko naman na makapag patayo na ako ng sarili kong bahay o kaya naman ay maka bili man lang ako ng condo ko na maipag mamalaki ko na galing ang pera na pinambili nun sa sarili kong sikap sa mga nai
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.