Share

Chapter 6

Nang matapos ang laban ng mag-pinsan nagpunta na kami ng kapatid ko sa ring binantaan pa ako ng kapatid ko na huwag naman sugatan ang mukha ng asawa niya na kapatid ko rin.

"Ang kapal! Hoy, ayos lang na dungisan ni ate ang mukha ko hindi pa naman tayo babalik sa London para sa royal routine natin may pupuntahan pa tayo next week." pananaway ni Michelle sa asawa niya na kapatid ko rin inasar naman ito ni Aisha.

"Kuya, ano ka ba! Ako nga dinungisan mo magka-dugo pa tayo nyan, si ate Michelle pa kaya? Magaling silang dalawa." wika ni Aisha sa pinsan niya na kapatid ko nailing na lang ako.

Sobrang protective ni Mencius sa asawa niya natakot na kasi ang mokong nang muntik ng mamatay noon ang kapatid ko sa kamay ng mga kidnapper.

"Oo nga, Mencius kaya niya akong labanan...kung ano naman kung madugisan ang magandang mukha ni Chelle? Magagamot naman 'yan, tara na nga, sis huwag kang magpa-buntis dyan sa mokong na 'yan." pagbibiro ko naman natawa naman ito at si Aisha maliban sa kapatid ko na naka-simangot na ang mukha.

Ang dalawa naming kapatid na sina Ophelia at Odessa may sarili nang buhay ngayon nasa Japan sila nakatira kasama ang kanilang pamilya. Ordinaryong japanese ang napanga-asawa nila namumuhay ng tahimik nilayo nila sa underground ang mga anak nila pero, hindi nila pinagkait na may matutunan nang mga martial arts, kung fu, at iba pang dangerous fighting technique ang mga pamangkin ko.

Maaga sila nag-asawa nagkikita na lang kami ng mga kapatid ko kapag may reunion family o death anniversary, birthday o holidays. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nila nakaka-miss lang talaga ang mga kapatid ko.

Ang kapatid ni tito Chie na si tito Kennie kasama namin naninirahan sa Pilipinas at America. Siya na lang ang nabubuhay sa pamilyang Swellden lahat sa pamilya nila kinuha ng maykapal maliban sa malayong kamag-anak nila na naninirahan sa ibang bansa.

"Oha! Ate Odelia! Ate Michelle! Reyna vs Reyna ang labanan!!!" tili sa amin ni Aisha inaasar niya ang kapatid ko na si Mencius na sumasama ang tingin sa akin.

"May pupuntahan pa kami ng asawa ko next week, ate Odelia baka hindi siya makilala ng publiko!" pananaway ni Mencius sa akin wala naman akong pakialam basta nakipag-suntukan lang ako.

Sinasangga na lang ni Michelle ang ginagawa kong pag-sipa at pag-suntok sa kanya parehas na kami duguan at may pasa na sa katawan. Tuloy pa rin ang ginagawa namin may hawak pa kaming dalawa na armas kaya mas nagagalit sa amin si Mencius.

"Who cares?" sigaw ko na lang sa kapatid ko nasa labas ng ring at umiilag naman sa ginagawa kong pag-sugod ang kapatid ko na kalaban ko.

"Damn!" sigaw ni Michelle nang matumba ko siya sa lapag nang lalapitan siya ng asawa niya tinaas ang kamay para pigilan ito.

Humingi kami ng tubig sa dalawa at nag-pahinga pantay ang laban namin minura pa ako ng kapatid ko habang ginagamot ang asawa niya na duguan.

"Parehas naman kami ni ate na duguan, hubby hindi ka na nasanay kayo nga nagpapatayan na kayo kapag nag-training kami pa kaya?" wika ni Michelle sa asawa niya natawa at naiiling na lang ako.

Mabuti malakas ang dugong nanalaytay sa kapatid ko ang pagiging Li kundi, magbabago ang tingin namin sa isa't-isa. Hindi pa nagpapa-ramdam ang dalawang kapatid ko na nakatira sa Japan.

"Oo nga, bro, nag-text o tumawag na ba sa'yo sina Ophelia at Odessa?" tanong ko sa kapatid ko ginagamot ako ng pinsan ko nagsabi naman kami sa kanila na dumating na kami ni Aisha sa America.

"Hindi sila nagpaparamdam man lang ngayon lang sila gumanito sa atin," sambit ni Mencius sa akin natahimik naman ako.

Kahit malayo sila may mga bantay sila ng pamilya namin. Kaya kahit masakit ang katawan ko gumalaw ako para pinakuha ko sa pinsan ko ang cellphone ko nasa may bangko. Tinawagan ko sila sa viber nila at hindi nila sinasagot ang tawag ko.

"Sa cellphone mo nga tawagan," aniko na lang sa kapatid ko at kinuha niya ang cellphone pina-tawagan ko sa cellphone ng pinsan ko ang mga nag-babantay sa kanila.

"Baka may ginagawa sila ngayon kaya, hindi nila sinasagot ang viber nila hindi ko alam ang oras nila ngayon, ate gabi dito." wika ni Michelle sa akin may trabaho sila sa Japan naging normal na mamamayan sila doon.

Pinakuha ko namab sa pinsan ko ang tumbler ko at inabot naman kaagad sa akin. Tumingin pa ako sa cellphone ko na may orasan. Madaling araw na pala inabot ang ginagawa namin ng madaling araw mabuti na lang walang gagawin mamaya ang mag-asawa.

"Alam mo naman na hindi sila ganito," sabat ni Mencius sa asawa niya mas protective pa ito sa mga kapatid namin kaysa sa akin na mas kadugo ko pa sa kanila.

Nang may sumagot sa isa sa tauhan na nag-babantay sa kanila tinanong namin kung nasaan ang dalawang kapatid namin at hindi nila sinasagot ang tawag namin nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan ang pamilya ng asawa sa kapatid ko kaya hindi nito sinasagot ang tawag.

"Where are they now?" tanong ni Mencius nakikinig lang kami sa sasabihin ng kausap namin.

"They were at the police station today, Ophelia and her sister-in-law argued over the inheritance of the deceased mother-in-law." kwento ng tauhan namin nagka-tinginan naman kaming apat sa nalaman.

Wala naman talaga karapatan ang kapatid ko doon.

"Where's Odessa? Where is she? We can't contact her." tanong ko naman sa tauhan namin nasa iisang lugar lang naman sila.

"Lady Odessa, I'm talking to your siblings, lady Ophelia is looking for you two." narinig naming tawag ng tauhan namin at narinig namin ang boses ng kapatid namin sa kabilang linya.

"Shit! Akin na nga, ang hawak mong cellphone." narinig naming tawag ni Odessa sa tauhan namin.

Pinagalitan namin kaagad ang kapatid namin nang i-kwento niya ang nangyari.

"Ayaw namin maging dagdag isipin, ate at kuya may problema na nga tayo kay Aisha eh..naawa ako sa asawa niya sa kanya pinamahan ang lupa at bahay pero, inaangkin ng ate at kuya niya sa kanya binigay ni oba-chan ang buong mana sa lupa at bahay." kwento sa amin ni Odessa at napansin namin na nang-gigil na si Ophelia video.

(Auntie)

Aangal talaga si Ophelia kung may katwiran naman dahil nakatapos ito ng law at business management. Kausap pa rin ng police ang kapatid namin katabi nito ang asawa at hipag daw 'yon ang kwento ng kapatid ko na si Odessa.

Lumayo siya sa kanila at pina-bantayan sa tauhan namin ang kapatid namin.

"Pag-usapan na lang ng pamilya nila ang tungkol sa mana-mana, sis maayos din 'yan nangyari na ito sa ating pamilya at wala siyang karapatan na mag-demand dahil, asawa lang siya tulungan na lang niya makamtam ng asawa niya ang legal na mana nito huwag gagamitan ng dahas, Odessa." sabay naming wika ni Mencius natawa pa kaming dalawa umiiling na lang ang dalawang kasama namin.

"Muntik na kaya, ate inawat ko lang dahil masyadong mabait ang asawa niya sa mga kapatid niyang sakim naman pala sa mana ng magulang." banggit ni Odessa kumunot pa ang noo nito nang mapansin ang paligid.

"Walang matutulog dito, sis may i-kwento pa kami sa inyo na malaking pasabog may ganap na hindi nyo nalaman dahil hindi namin kayo nakontak kaagad kanina." wika ni Michelle sa kapatid namin at nakita namin na nagbago ang mukha nito.

Nag-kwento pa ito sa amin kung paano sila inabot sa police station. Nagmura tuloy kaming dalawa ni Mencius at gusto namin murahin si Ophelia—ang kapatid namin.

"Kaya nga umabot kami dito sa police station, ate saglit mukhang nagtatalo na naman sila." bulalas ni Odessa sa amin naiiling na lang kaming apat sa nakikita naming video.

"Talagang may dugong Li si Ophelia kamukhang-kamukha niya ni tito dad boy version lang," pahayag ni Michelle sa amin umalis na kami sa training room at dumaan sa secret door para makarating sa second floor.

Totoo ang sinabi ng kapatid ko sa amin at ugali ni dad nakuha din ng kapatid namin. Nakuha ko naman ang ugali ni mommy at tita Jia kwento sa akin ni tito Kennie kaya mahirap ako kausapin kapag bad mood ako. Si Mencius nakuha niya ang ugali ni dad at batang version nito pero, nandoon pa rin ang mata ng babaeng dahilan wala na ang magulang ko. Si Odessa naman, nakuha niya ang ugali ng magulang namin masama kung magalit kung bad mood pero, may kabaitan pa rin sa katawan.

Inakbayan ko na lang ang kapatid ko sa malaking kwarto kami magpa-pahinga hindi namin kailangan mag-hiwalay ngayon dahil sa dalawang kapatid namin na may pinag-dadaanan sa Japan. Kahit magkaka-hiwalay at may kanya-kanya nang buhay hindi napuputol komunikasyon namin.

Hindi kami katulad ng ibang pamilya na kapag malayo na ang kamag-anak wala nang pakialam may pakialam lang kung tungkol na sa pera at yaman. Hindi kami pinalaki ni mommy at daddy nang ganoon bago man namatay si daddy ang bilin sa amin ni daddy na kapag nagkaroon ng sariling pamilya huwag namin kakalimutan ang bawat isa.

Android TV na ang gamit ng pamilya namin kaya binuksan ng kapatid ko ang viber at bumungad sa amin ang mukha ng dalawang kapatid namin na kasama ang asawa, hipag, bayaw pati ang mga tauhan namin nandoon.

Humiga na lang kaming lahat sa malaking kama nang maburyong sa panonood at pakikinig sa TV. Mamasyal ulit kaming dalawa ng pinsan ko sa mall sasamahan na lang kami ng dalawang kapatid ko humikab ako hindi ko maiwasang isipin si Tyler nang magkita kaming dalawa.

Kahit matagal na kami hindi nagkita nandoon pa rin ang presensiyang pinaramdam niya sa akin na hinahanap ko sa ibang lalaki. Yumakap ako sa katawan ng kapatid ko na si Michelle katabi ko ang pinsan na natutulog napagod ito sa ginawa namin dahil ang tindi kung humilik kahit babae.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status