Share

Chapter 38 In love and pain

Ngunit walang gustong bumiyahe ng gabi sa mga nilapitan ni Elisa. Ang iba ay pagod na raw at ang ilan naman ay natatakot dahil nga maghahating gabi na. May isa namang pumayag ngunit kinabukasan na ang gusto dahil wala pa raw siyang pahinga mula sa mag-hapong biyahe. Malungkot at bigong umuwi si Elisa.

“Ang mabuti pa siguro ay matulog ka na muna Elisa.” Suhestiyon naman ni Aling Lagring. “Kailangan mo rin ng pahinga.”

“Sige po Aling Lagring. Matulog na rin po kayo?”

Ngunit mailap ang antok ng gabing iyon para kay Elisa. Wala pa raw malay si Oliver at habang tumatagal ay lalong tumitindi ang kanyang kaba. Hindi nawawala sa kanyang isip ang matinding pag-aalala kay Oliver. Napapaiyak siya tuwing naalala ang kalagayan nito sa hospital. Ayon kay Artem ay wala pa rin itong malay dahil sa dami ng dugong nawala bunga ng matinding tama sa ulo at mukha.

Naitanong tuloy ni Elisa sa sarili kung bakit sadyang mapag-laro ang tadhana. Kung kaylan siya nagkaroon ng pag-ibig ay tila babawiin pa kaagad
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status