Share

CHAPTER 14

PALABAS na ng convenience store si Matt nang makita sa peripheral vision niya si Maliyah sa kabilang parte ng kalsada at tinitingnan siya. As usual, naka-leggings at t-shirt na naman ang babae. Pakiramdam niya ay siya ang hindi kuportable sa suot nito. But still, it’s better than wearing shorts. 

“Bakit kaya siya nakatingin ng ganyan?” bulong niya at nakatigilid mula rito para kunwari ay hindi niya ito nakita at medyo madilim ang parteng iyon ng kalye. “Malamang minumura na ako niyan sa isip niya,” aniya at bumuntung hininga saka tinungga ang biniling energy drink. Gabi na hindi pa rin siya makatulog. May maliit na mesa at upuang magkakaharap sa labas ng convenience store. Maliban sa ibang bagay ay hindi rin mawala sa isip niya ang naging reaksyon ni Maliyah kaninang umaga nang halos ipagtabuyan niya ito sa harap ng maraming tao. 

Nagulat si Matt nang maabutan ang dalaga sa lugar na iyon at halos ayaw ihakbang ang mga paa sa dadaanan. Naiintindihan niya iyon at galing ito sa mayamang pamilya pero ang hindi niya maatim ay ang makita nito ang sitwasyon ng mga nakatira roon kung saan din siya nakatira ngayon. Nahihiya siya? Hindi. Mas ayaw niyang malaman ng iba na ipinanganak siya sa mayamang pamilya pero pinagsisiksikan ang sarili sa buhay ng iba na mahirap ang pamumuhay. 

Wala siyang pangamba sa sasabihin ng iba pero alam ni Matt na hindi niya hawak ang kung anuman ang nasa isip ng mga ito. 

Tiningnan niya ang sariling repleksyon sa salamin ng convenience store at natuon din ang kanyang paningin kay Maliyah na ngayon ay tumalikod na at umalis. Matt knew that Maliyah is adjusting to the new place. She’s raised by her wealthy parents and suddenly lived here with almost nothing. And it’s weird because every time he is looking right into her eyes, she looks… sad. Minsan iniisip na lang niya na baka may namimiss ito at sa malayo nanggaling kaya ginagawa niya ang lahat na kaibiganin ang dalaga. 

Matt knows that deep inside, Maliyah wants to be friends with him. Baka natural lang dito ang mataray o defense mechanism kung tawagin ng iba. Everyone has their own way of coping up with something. Alam niya na kailangan niyang humingi ng tawad dito pero hindi niya alam kung paano. Matt is not used to apologizing. 

“SAAN ka galing?” Nagulat si Maliyah nang abutan sa labas ng gate si Jake at nakaupo sa semento roon. Hindi ito nakatingin sa kanya bagkus may nilalaro ito sa cellphone nito. 

“Ayokong tinatanong ako ng mga bagay-bagay,” aniya at pumasok na sa loob. 

“Ikaw ang bahala. Sinasabi ko lang naman at maraming nagkalat na mga lasing diyan sa labas tuwing ganitong oras,” kalmadong paliwanag ng lalaki na nasa cellphone pa rin ang atensyon. “Hindi ako concerned sa `yo. Mas iniisip ko ang dalawang matanda. You’re old enough to save yourself from trouble. You even make trouble oftentimes.” 

Pinigilan ni Maliyah na sipain ang lalaki habang hindi ito nakatingin. His presence and even the words coming out of his lips annoy her. She can’t stand a blunt person who thinks he knows everything. Kung wala si Jake sa bahay na ito o hindi ito nakisama sa dalawang matanda, she would be doing her thing now. He is the reason why she can’t succeed. Maliyah feels like his eyes are all over her. Not because she is pretty but because he thinks she’s after something which is true. She is indeed after something. 

“Don’t think of doing something stupid, woman. I am not gonna let you get away with it.” 

Hinigpitan na lamang niya ang hawak sa plastic na may lamang dalawang can ng beer at pumasok na sa loob. Pag-akyat niya sa taas ay nagtatawanan sina Joacquin, Rezel, Daniel, at Alden. Tipong aakyat na siya pero hindi niya alam bakit bigla na lang siyang natigil.

Mas nangingibabaw ang tawa ni Daniel. “Mas magaling ka naman kaysa kay Maliyah. Pinakain kami ng sobrang pait na pagkain noong unang beses niyang nagluto rito,” paliwanag nito na ikinatawa ng iba. “She is a princess.” 

“Maliyah is gorgeous and it’s not her fault if her parents raised her to be like that. Her family is wealthy and I want that, too,” sagot ni Rezel. “I want things that she has.” 

“Bakit pa? Successful ka naman na. Manager ka ng isang bigating hotel, maganda at responsable. Independent ka rin. Kung may pera ka man, pinaghirapan mo iyon,” dagdag ni Daniel. 

At dahil wala rin siyang pakialam sa sinasabi ng mga ito ay umakyat na siya. Sandaling natigilan ang mga ito nang dumating siya. 

Maliyah laughed at their reaction. “What? It’s okay. You can talk about me the whole day. I don’t care by the way,” cool niyang sabi at dinaanan lang ang mga ito papuntang kwarto. 

Nakita niyang magsasalita pa sana ang iba sa mga ito pero mas pinili niyang huwag na lang pansinin. She would just be wasting her time if ever. Maliyah loves spending time with herself. It feels good. Nang makapasok siya sa kwarto niya ay biglang nag-flash sa isip niya ang nakita kanina. 

They are just laughing there like friends for a decade. Maliyah understands why Rezel belongs to the group. The woman has everything. And so what? She can also do things that Rezel can’t.

“Argh! Why am I always comparing myself to her?” saway niya sa sarili at binuksan ang isang canned beer pagkaupo pa lang niya sa kama. “Aaaah! This is so good!” aniya at napatingin sa labas ng bintana. Kung hindi lang nakalaylay ang ibang sanga ng puno ng sampalok doon ay mas maganda sana ang view. May billboard pa ng isang sikat na beauty brand doon mismo sa tapat ng kanyang bintana kung saan katabi lang din ito ng convenience store na pinagbilhan niya kanina. 

Bigla niyang naisip ang sadya niya sa lugar. “Where the hell are you, moron? Why can’t you just show your fucking face to me?” she cursed and drank all the beer inside its can. Maliyah regretted not buying more of it. 

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mahinang katok sa kanyang pinto. Tahimik na rin pala ang mga ito sa labas at mukhang na-guilty rin na pinag-usapan siya habang wala. Patamad na tumayo si Maliyah at nilakad ang pinto na ilang hakbang lang. And when she opened the door, no one’s there. It’s just that she saw a plate on the placement on the floor with a transparent plastic food cover on it. After seeing a fried chicken and some broccoli on the plate, Maliyah realized that she’s still hungry. Kung naaalala niya ay naka-dalawang subo lang siya kanina. May kasama na ring kubyertos ang pagkain na nandoon. 

Nilingon niya ang kanang hallway papuntang kusina at papuntang hallway pero wala siyang makitang tao. Possible kaya na ang kanyang lolo o lola ang nagluto? Sinabi kaya nina Joacquin na hindi siya nakakain nang maayos kaninang dinner?

Kung hindi man isa sa dalawang matanda ay malamang na hindi si Jake. He hates her and the feeling is mutual. And so Maliyah will eat it. 

“Kung mamamatay man ako ngayon, karma na ang bahala sa naglason nito pero gutom ako,” aniya at agad na nilantakan ang nakalagay roon. Ang nasa isip lang ni Maliyah ng mga oras na iyon ay si Alden. Sinabi ni Daniel na may gusto si Alden sa kanya na halos ayaw niyang paniwalaan. Who would like someone like her? Joseph needed her that’s why he stayed for three years. And aside from him, no one did. May mga nagparamdam noon pero hindi rin nagtagal. Hindi natagalan ng mga ito ang ugali niya na mataray. It never hurt her though. Sa tuwing may umaalis, iniisip na lang ni Maliyah na hindi ito ang mga taong dapat niyang kasama. No one made an effort to know her more. 

Nang matapos siya sa pagkain ay saka niya binuksan ang isang canned beer na nasa loob pa ng plastic bag. Ngayon ay wala ng rason para magutom pa siya sa gitna ng gabi. If hunger is the issue, Maliyah used to eat at two or three in the morning and she endured it for weeks already in this new place. Paminsan-minsan ay tanging prutas o kape na lang ang nakukuha niya roon. She can’t complain in the middle of the night since there are no maids in the house. 

“You need to find him, Maliayah so you can leave this place,” bulong niya at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana ng kanyang kwarto.

"WHAT the f*ck?!" Ang buong akala ni Jake ay nananaginip siya at naririnig ang boses ni Maliyah na may kasamang pagmumura. Nanggagaling ang boses nito sa kusina. Nang tingnan niya ang oras sa kanyang cellphone ay nakita niyang alas-kwatro pa lang ng umaga. Bakit ito nasa kusina at hindi naman nito ugali ang gumising nang maaga? 

Imbes na labasin ay nahiga muli siya sa kanyang kama. Si Joacquin ay tulog pa rin. Halos ayaw pa ngang bumukas ng talukap ng kanyang mga mata.  At nang bumalik siya sa pagkakahiga ay saka lang niya na-realize ang nangyayari. Nagluluto ba ito ngayon? Himala naman yata iyon. Tuloy ay hindi na rin siya mapakali at bumangon na lamang nang tuluyan. Mas pinili na lamang niyang silipin ang babae sa kusina na ngayonn ay panay pa rin ang pagmumura. 

Ni hindi man lang nito namalayan na nandoon na pala siya sa kusina. Sumandig si Jake sa bulwagan nito at pinagmasdan ang babaeng ngayon ay nagpi-prito ng itlog at ginawang panangga ang takip ng rice cooker. Nailing siya at hindi na ito pinakaelaman. Kung magsasalita si Jake ay malamang na makakatikim lang siya ng kung anu-ano`ng mga salita rito. 

Does he hate her? The answer is no. Jake doesn’t hate Maliyah. But most of the time, she would upset him. When Maliyah is acting like a princess or she can buy anything because of money, he hates it. Jake doesn’t care about money. He was never interested in earning a lot of it. He just wants to be happy and spend his life with people who are important to him. 

“Ganyan na ba ako kaganda sa paningin mo, Mr. Lavender? Naka-leggings at t-shirt lang ako niyan, ah?” Maririnig sa boses ng babae ang sarkasmo at pagmamalaki. She is indeed beautiful. Kung pagiging totoo ang pag-uusapan ay hindi itatanggi ni Jake na si Maliyah ang pinakamaganda sa mga mata niya. He couldn’t deny that thing and he is a man. So what if she’s pretty? 

Jake wants someone he could share the same sentiments. He wants to love someone that he wouldn’t have any problem with in the future and it may sound selfish but it’s something that he, himself can only understand. Maliyah is not that woman. 

Napakamot sa kilay si Jake. “I am watching how you ruin that food, princess. Buhay mo iyan at ayaw kong makialam,” aniya at napatirik ng mga mata ang dalaga. Kung hindi niya alam ang pinagdaanan nito sa buhay ay malamang na papatulan niya ito. 

Namaywang ang dalaga matapos na ilagay ang sirang sunny side up sa plato. Napunta na naman sa kanya ang paningin nito. “Bumili ako ng mga sariling pagkain ko, so, wala ka ng karapatang pagsabihan ako tungkol dito.” 

“At ang ipinambili mo ay pera rin ng lolo mo,” sabat niya. 

“Na ibinigay na niya sa akin, so technically, akin na iyon, tama?” 

“You view things differently when you earn your own money, princess.” 

Hindi nagsalita ang babae at tila hindi narinig ang kanyang sinabi. Nilagay nito sa pan ang bawang na sliced na at iginisa sa mantika. Kung saan man nito natutunan ang pagluluto ng fried rice ay mukhang natututo na nga. 

Agad na nagsalubong ang kilay ng babae nang buksan ang isang rice cooker. “What the! Walang kanin?!” bulalas nito na mas lalong nagpailing sa kanya. “Inubos ninyo ang kanin kagabi?” 

Nagkibit-balikat siya. “Nandito si Alden kaya may kakain talaga ng parteng para sa `yo. Lalaki halos lahat ng nandito sa bahay kaya huwag kang mag-expect na may matitira kinaumagahan.” 

“Argh! This is so annoying! I hate this place!” sigaw nito na nagpakunot-noo sa kanya. Why is she acting that way over rice? 

Pinatay ng babae ang gasul at iniwan lahat. Akmang dadaan ito sa pwesto niya ay mabilis na iniharang ni Jake ang kanyang braso dahilan para mapatigil sa paglalakad ang babae. 

“You hate this place?” pagalit na tanong niya na agad naman sinagot ng dalaga sa pamamagitan ng masamang tingin sa kanya. “You do? The place which is giving you a roof and a room to sleep on?”

Inalis ni Maliyah ang kamay niya sa daanan nito. “I do. I really hate this place. And so what?”

“I can’t believe that a person is capable to act that immature over rice. You are so petty… Maliyah.” Diniinan niya ang pagkakasabi sa pangalan nito. Unang beses na sinabi niya iyon at mismong sa harap pa ng dalaga. “You can leave if you want. No one will stop an ungrateful person like you after all.” 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status