Share

CHAPTER 15

“IKAW nga ay umamin na, Jake. Hindi ko talaga maatim na hindi marinig mula sa `yo ang totoo,” kuryosong sabi ni Daniel habang nakaupo silang tatlo sa sala ng bahay. May trabaho si Joacquin at isinama si Rezel sa bookshop nito. Si Maliyah naman ay tumambay sa baba. Hindi sumama si Daniel sa dalawang matanda at sila ni Alden ay nagdesisyong isara muna ang restaurant at pareho silang pagod. Due to personal reasons ang nilagay nila sa karatula sa labas na nakadikit sa glass wall ng restaurant. 

Napakunot-noo si Jake sa naging pahayag ni Daniel. “Ano na naman ba?” walang gana niyang tanong dahil malamang sa malamang na walang kwenta rin ang kasunod niyon. 

“Na gusto mo si Maliyah. Sorry, Alden, ah?” baling nito sa katabing si Alden na parang pakialam at panay selfie lang din. “Alam kong gusto mo rin si Maliyah pero mas gusto ko na si Jake naman ang bigyan natin ng pagkakataon. Single since birth itong kaibigan natin, e.” Nainis siya sa litanya ni Daniel na feeling love expert, e wala rin namang chicks. 

Napahilamos ng kanyang mukha si Jake. “At ano ba iyang mga pinagsasabi mo, D?” 

Tumawa ito at nanunuksong tiningnan siya. “Hindi na kita naririnig na tumatawa o nag-iingay, Jake. Ganyan ka pala magkagusto, ano? Sobrang halata? Sabagay kapag nga talagang hirap ka mag-express ng feelings, minsan ang way mo na lang ay maggalit-galitan which is naiintindihan ko naman. Ginawa ko rin iyan sa kapitbahay namin noon na may asawa na pero crush ko pa rin,” sabi nito na tila inaalala pa ang nakaraang pinagdaanan. 

“Hindi ko nga kasi siya gusto, Daniel. Tingnan mo nga, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, ano`ng magugustuhan mo sa kanya?” 

“Maganda siya.”

“At?” sunod niyang tanong. “Maliban sa pagiging maganda, ano pa?” 

Sandaling napaisip si Daniel at matagal bago makasagot. “Mabait?”

Tumawa siya nang malakas. Ang tagal din ng huling tawa niya. “Mabait? Sigurado ka ba sa mga pinagsasabi mo?” Sasagot pa sana si Daniel nang bigla silang makarinig ng sigawan mula sa baba na mismong tapat lang ng kanilang bahay. At ang problema ay boses ni Maliyah ang naririnig nila. 

“Shit!” mahinang mura niya at mabilis silang bumaba. 

“ANO`NG sinabi mo? Bruha?!” sigaw ni Maliyah sa babaeng dumaan sa karinderya ni Aling Mila. Maayos naman ang umaga niya sana at kanina lang ay nagkasagutan sila ni Jake habang nagluluto siya. Okay na, e. Naka-move-on na siya pero biglang itong babae ay dadaanan na lang pero magpaparinig pa. 

“Hindi ba? Kalat na sa buong barangay na bruha ka. Galing ka kasi sa mayaman na pamilya kaya wala kang ibang ginawa kundi ang umarteng prinsesa na hindi man lang marunong magluto!” sigaw nito pabalik sa kanya na talaga namang ikinagulat niya. 

Mas maganda naman siya kaysa sa babae. Kayumanggi ito at nakasuot ng denim shorts na halos labas na rin naman ang buttcheecks nito. Suot ang dilaw na na tanktop at naka-messy bun ay maayos pa rin ang hitsura nito. 

“At sino`ng mas bruha ang nagkalat ng bagay na iyan? Sabihin mo sa akin at ako ang sasabunot sa kanya!” galit niyang sabi at tiningnan ng matalim ang babae. Nakahanda na rin itong sumugod sakaling magkamali siya ng galaw. Nanlilisik ang mga mata nito at nakakuyom ang dalawang kamao. Sanay na siguro ito sa bakbakan? Maliyah was always involved in a catfight before.

“At bakit ko sasabihin sa `yo? Itatanggi mo pa ba? Alam na ng lahat. Ang bait-bait ng lolo’t-lola mo tapos gaganyan-ganyan ka? Walang utang na loob! Alam mo? Mas maganda at magaling pa iyang bagong babae sa bahay ninyo.” 

Matapos sabihin ng babae ang lahat ng iyon ay kumulo ang dugo ni Maliyah. Hindi niya napigil ang sarili at sinugod ang babae. Agad niyang dinakma ang buhok nitong naka-bun at buong lakas na hinigpitan ang hawak doon.

Ganoon din ang ginawa nito sa kanya at sa kanilang dalawa at talo siya. Nakalugay ang buhok niya at medyo mahaba iyon. Nagkabungguan pa ang mga noo nila.

“Aray! Bitiwan mo `ko!” sigaw niya pero hindi rin binibitiwan ang buhok ng isa. At bakit siya titigil? Masakit din ang ginagawa nito sa kanya. 

“Bitiwan mo rin ako! Akala mo ba aatrasan kita? Hindi ako natatakot sa `yo!” banat ng babae na mas lalo lang nagpagalit sa kanya. Ubos na rin ang lakas ni Maliyah kahit pa sabihing nakasabunot lang siya roon. 

Sina Aling Mila at ang ibang nandoon ay panay sigaw na tumigil na sila pero parang ayaw ni Maliyah na makinig doon. Mas iniisip niyang manalo sa away nila ng babaeng ito na bigla-bigla na lang sumulpot at nagsasabi ng kung ano-ano. Wala pa siyang nakitang mas bastos dito sa mga kalapit na bahay kaya nakakasiguro siyang hindi ito nakatira malapit sa kanila. 

“Maliyah, tama na nga iyan! Matt! Awatin mo nga itong dalawa!” sigaw ni Aling Mila at naramdaman niyang may humila sa kanila ng babae palayo sa isa’t-isa. Ang buong akala niya ay si Matt iyon pero hindi. Si Jake at galit ang mukha nito. Mas masakit pa nga yata ang pagkakahawak nito sa kanyang braso kaysa sa sabunot ng babae. 

Bakit ito magagalit? E, hindi sila close at mas lalong hindi naman ito nadadamay sa kung anuman ang nangyari sa kanya ngayon. 

“Tama na iyan,” sabi nito nang mahinahon pero ramdam niya ang diin at galit sa boses nito. Ganoon ito lagi kapag siya ang kausap. Ngunit sa tuwing naririnig niya na kausap ang iba sa loob ng bahay, ang gaan nitong kasama. Maybe because she’s new and they didn’t have a good start. 

Galit niyang iwinaksi ang kamay ng lalaki. “Bakit ka ba nakikialam sa buhay ng iba? I am not bothering you, so please mind your own business,” malamig niyang sabi at inayos ang buhok. Tiningnan niya ang babaeng ngayon ay hawak din ni Jake sa iisang braso. “Ikaw, sabihin mo sa boss mo na ang babaw naman niya. Magkakalat na bruha ako? As if close kami, ano? Kapag nalaman ko kung sino siya, kakalbuhin ko siya at higit pa sa sabunot na napagdaanan mo ngayon.” 

Tumaas lang ang kilay ng kanyang kaharap na tila ba hindi takot sa kanya. Sino ba ang may malaking galit sa kanya para magkalat na bruha siya? People in this place doesn’t even know a lot about her. Hindi lumalabas ang kanilang mga kapitbahay at walang masyadong tsismosa. Ano ang purpose at may magkakalat nang ganoon? Maliyah doesn’t really have any idea about it. 

“Pumasok ka na sa loob,” mahinahong sabi ni Jake na ngayon naman ay nawala na ang kunot sa noo nito. 

Namaywang si Maliyah. “Alam mo, hindi kita maintindihan, Jake. Kung tratuhin mo `ko  parang joke itong nararamdaman ko. You’re making me look like a fool in front of my grandparents, you act like my boyfriend or my father, you are hurting me with your words sometimes, and now… you look like you care about me.” Hiningal siya matapos na sabihin ang mga bagay na iyon. 

“What you do reflects your grandparents. And was I ever wrong about you, Maliyah? Did I ever say something wrong?” 

“Yes! When you told me that I am ungrateful. I was never ungrateful to people who deserve gratitude, Jake. Don’t judge me because you’ve never been in my shoes.” 

Walang nakialam sa kanila maliban kay Aling Mila at normal lang siguro iyon lalo na at hindi naman siya kilala ng ibang nandoon. Muntik na siyang maiyak habang kinakausap si Jake pero kung hahayaan niyang mangyari iyon ay talo siya. Jake is always acting differently towards her. So what if she’s a princess? There are people who are okay with people who were born into wealthy families. Some rich people are welcomed by society and make good friends with those who are unfortunate. 

Kahit ilang beses na isipin ni Maliyah ang ilang mga rason ay wala siyang mahanap na tamang sagot. Si Jake lang ang makakasagot sa kanyang katanungan. If she knew, they would just end up in an argument again. She cannot imagine being in good terms with Jake. 

“Sumunod ka na lang,” narinig niyang sabi ng lalaki. Nakatayo lang pala sila roon sa harap ng karinderya at natulala siya ng ilang minuto. 

Imbes na sumunod nga ay dumiretso siya ng lakad pakanan at iyon ay papunta sa basketball court kung nasaan naglalaro sina Matt. Masakit na sa balat ang sikat ng araw at walang pakialam si Maliyah. She was seen having a catfight in front of other people. While walking, Maliyah realized that nothing good happened to her since she landed in Iloilo. 

Inayos niya ang magulong buhok na kahit suklayin niya ng kanyang mga daliri ay may sabit pa rin. “F*ck that woman! Amoy-araw tuloy ako,” pabulong niyang sabi at ipinagpatuloy ang paglalakad.

“Bakit mo kasi siya pinatulan?” Ni hindi man lang nagulat si Maliyah nang magsalita si Matt mula sa kanyang likuran. Narinig niya ang pagtawag ni Aling Mila sa lalaki kanina pero baka nga mas mabilis makialam si Jake kaya nauna ito sa paghihiwalay sa kanila no`ng babae na may sobrang iksing shorts. 

Bumuntung-hininga siya. “Just please leave me alone. Isa ka sa mga suspect ko,” aniya at may mga tricycle driver sa kanyang dinadaanan na tinitingnan siya at mukhang sa ilang linggo niya rito ay ngayon lang siya nakita. 

Kung bakit naman kasi ang tahimik ng area nila. Sa dulo pala ay maraming mga bahay. Hindi rin naman masasabing challenged areas iyon dahil disente ang mga bahay na nandoon. Sa banda nila kasi ay halos walang nakatira sa mga katabing bahay at wala siyang nakikitang nagsisipaglabasan. 

“Ako? Ano naman ang kasalanan ko? Hindi ko ikakalat na bruha ka.” Napatigil siya sa paglalakad at seryosong nilingon ang lalaki. Bakas sa mukha nito ang gulat na akala siguro ay hindi niya papansinin. 

“Kung saan mo man narinig ang salitang ‘bruha’, okay lang. Bruha naman talaga ako. Walang utang na loob, prinsesa at mataray. Kung makapagsalita kayo ay parang alam ninyo ang buhay ko,” galit niyang sabi na halos iduro na ang lalaki. “Matt, sinabi ko sa `yo `di ba? Na lahat tayo may sugat na ayaw natin sabihin o ipaalam sa iba? Hindi ko ba pwedeng kimkimin iyon sa sarili ko at mamuhay nang normal? Ako lang ba ang ipinanganak na mayaman at maldita?!” 

“H-hindi naman sa ganoon iyon, Maliyah.” 

“Kaya nga,” aniya at nilapitan ang lalaki. Pagkatapos niyon ay kinuha niya sa bulsa ang pera. “Ito ang bayad ko sa bills ng ospital, sa ice cream at sa pagkain kay Aling Mila. Huwag mo na akong kakausapin kahit kailan. Iyong pagtaboy mo sa akin ng isang beses ay sapat na, Matt.” Sinikap niyang sabihin ang mga salitang iyon. 

Samantala ay naiwang tulala naman si Matt sa gitna ng daan dahil sa sinabi ni Maliyah. Hinigpitan niya ang hawak sa perang inilagay ito sa kanyang palad. Alam niyang may mali siya at ngayon sana ang araw na hihingi siya ng tawad dito pero bad timing at iba ang naabutan niya. 

Nagdesisyon siyang hindi na nga sundan ang babae habang naglalakad. Safe ang lugar na iyon kung kaya’t wala siyang ibang pangamba. Sa dulo kung nasaan ang basketball court ay dead-end na rin. Babalik at babalik ito sa harap ng bahay ng dalawang matanda. 

“Kakailanganin ka rin niyan, Matt,” pagkausap niya sa sarili at pinagmasdan ang babae na ngayon ay nakatalikod at diretso lang ang lakad. 

"ABA, ma'am! Buti naman at napadayo kayo rito sa amin?" Nagulat si Maliyah nang makasalubong ang taxi driver na nasakyan niya noong unang dating niya sa lugar. Kung iisipin ay tatlong linggo na siya sa lugar pero hindi man lang niya naalalang tagarito pala ang matanda. 

Bored na bored siya sa buhay at kahit pag-iisip ng ibang bagay ay hindi niya magawa. Nakakatanggap man siya ng pera mula sa kanyang lolo ay magkano lang din. Ni hindi nga kasya kahit pang-shopping lang. Ano nga naman ang aasahan niya sa mga ito na ang tanging hanapbuhay ay pagpapaupa o kung hindi siya nagkakamali ay pagsasaka? Wala siya sa lugar na pagsabihan ang mga ito at ganoon din ang mga ito sa kanya. 

They all have their own lives. They don't miss her and Maliyah needs a place to stay but not with them. 

Inayos niya ang sarili at ngumiti nang pilit. "Ah, opo. Buryo na rin kasi ako sa bahay kung kaya't napalabas." 

Tumango ang kanyang kaharap na ngayon ay nakasuot ng puting sando na naninilaw na dahil siguro sa kalumaan. Wala na rin halos buhok ang matanda na hindi niya napansin noong gabing iyon dahil naka-sumbrero ito. 

"Gusto po ba ninyong tumuloy muna sa bahay? E, hanggang dito na lang din itong kalye. Umiinom po ba kayo ng tuba?" masayang tanong nito at ikinailing niya. 

"Ano po iyon?" 

"Halika at ipatitikim ko sa `yo." Mabilis naman siyang sumunod dito. Ayaw pang umuwi ni Maliyah at ito lang ang choice niya sa ngayon. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status