Share

Chapter 2

Dian Pov:

Dinala ako ni Fred sa isang silid. Ano na naman kayang ginagawa ng lalaking ito.

"Bitawan mo nga ako, ano bang problema mo ha?" Naiinis na tanong ko sa kaniya

"Ikaw ang problema ko, Dian mag sabi ka nga ng totoo sa akin anak ko ba siya?" Biglang tanong ni Fred na siyang ikinagulat ko.

"Ha ahh no, hindi hindi mo siya anak, at paano mo naman siya magiging anak." Nabubulol kung sabi.

Ano nang gagawin ko? Hindi niya dapat malaman, akin lang ang anak ko. Gusto ko nang umalis kaya humanap ako ng pagkakataon para makaalis dito, Pero hindi talaga ako tinigilan ni Fred.

"Paano mo nasabi na hindi ko anak ang batang iyon ehh wala ka namang asawa. Tapatin mo nga ako Dian, kung ako man ang ama ng anak mo karapatan kung malaman kaya pwede ba." Galit na wika niya

"Kahit anong sabihin mo hindi mo siya anak, kaya pwede ba tigilan mo na ako."iritang wika ko at kinuha ko ang pagkakataong iyon para maka alis.

Bwisit muntik na ako doon ahh. Kahit ano pang sabihin niya wala akung paki. Yes siya ang ama ng anak ko pero akin lang ang anak ko. Maka sarili na kung makasarili pero akin lang ang anak ko.

Dali dali akung bumalik sa pwesto kung saan ko iniwan ang anak ko, pero nagulat ako sapagkat wala na doon ang anak ko. Kian nasaan ka na. Nag-aalala na ako sa anak ko.

Nang biglang may nabungo ako, tiningnan ko ito si Freny pala.

"Hoy Freny saan ka ba nag punta kanina ka pa hinahanap ng anak mo". Nagaalalang tanong niya.

"Mahabang kwento Freny, Nasaan na si Kian nakita mo ba siya?" Nagaalalang wika ko

"Ayon kalaro si Ashton, saan ka ba kasi nag punta?" Tanong na naman niya

"Si Fred Freny, hinila niya ako kanina hindi ko nga alam kung anong gagawin ko kanina kinabahan ako, paano kung malaman niya, paano kung kunin niya sa akin ang anak ko, Anong gagawin ko?" Maiiyak na wika ko.

"Its ok Freny may panahon para diyan at kung malaman man niya kung anong totoo, ok lang iyon alam kung wala ako sa posisyon para sabihin to sayo pero Freny karapatan din ni Fred na malaman ang totoo na anak nga niya si Kian."paalaang wika ni Nasha.

"I know Freny pero wag ngayon, hindi pa ako handa." Wika ko.

"Its ok Freny hanggat hindi niya malalaman ang totoo at hanggat hindi mo sinabi sa kaniya ang totoo hindi niya malalaman." Wika ni Nasha

"Thank you Freny."wika ko

Pagkatapos naming mag-usap ay pinuntahan ko na ang anak ko. Alas dyes na nang gabi natapos kaya karamihan sa mga boys ay bagsak na bagsak na lalong lalo na si Kaicer at Clyde maging si Kuya Kurt. Si Fred lang ang hindi lasing, siguro sinadya niya na hindi malasing at napansin ko din na kanina pa niya ako tinitigan.

Mahimbing nang natutulog si Kian kaya nagpaalam na ako kay Nasha.

"Freny uuwi na kami, malalim na din ang gabi at tulog na din si Kian by the way congrats pala." Wika ko.

"Ehh Freny pwede dito nalang kayo mag overnight, marami pa namang bakanting kwarto dito." Wika ni Nasha.

"Hindi pwede Freny ehh, uuwi kasi sina Momy bukas at kailangan namin silang sunduin." Paliwanag ko.

"Ganon ba ehh paano ba yan nakainom ka kanina, hindi naman pwede na ikaw ang mag maneho". Wika niya.

"Ehh Freny kunti lang naman yon, promise kaya ko at isa pa hindi ko naman hahayaan na maaksidente kami ng anak ko no". Natatawang wika ko.

Pagkatapos kung sabihin iyon ay inilabas ko ang susi ng sasakyan. Pagkatapos ay kinuha ko na ang mga gamit namin.

Kukunin ko na sana si Kian ng biglang may humablot sa kamay ko. Si Fred, kinuha niya ang susi.

"Hey Fred ibigay mo yan sa akin". Wika ko ngunit patuloy lang siyang lumakad at lumabas na parang walang naririnig.

Wala akung nagawa kundi kunin si Kian at sundan si Fred.

Pinagbuksan niya kami ng pinto. Pagkatapos ay nag drive na siya.

Wala kaming imikan, hanggang sa makarating kami sa bahay.

Bumaba na ako at bumaba din si Fred. Kinuha ni si Kian at siya ang nagbuhat nito papasok sa loob ng bahay. Nang maihiga na niya sa Kian ay agad din siyang umalis kaya hinabol ko siya.

"Wait Fred". Tigil ko sa kaniya.

"Thank you wika ko. Walang expression sa mukha niya pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko ay agad din siyang umalis.

Alam kung galit siya sa akin, anong magagawa ko hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya ang totoo ngayon. Pinuntahan ko ang anak ko at inilipat ko sa kwarto namin.

Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng mainom nang makasalubong ko si Yaya.

"Ma'am ok lang po ba kayo?". Nagaalala niyang tanong nang mapansin niyang medyo nahihilo ako.

"Ahh ok lang ho ako yaya, sige po kukuha lang ho ako ng mainom" wika ko.

"Ayyy ako na ho Maam".wika niya

"Hindi yaya ako na ho." Wika ko pagkatapos ay iniwan ko na siya at nag dumiritso na ako sa kusina.

Naguguluhan na ako, hindi kona alam ang gagawin ko. What if alam na nga ni Fred na anak niya si Kian? What if kunin niya sa akin ang anak ko, No hindi ako papayag.

"Momyyy"" iyak nang anak ko kaya dali dali akung pumunta sa kinaroroonan niya.

"What's wrong Kian" tanong ko.

"Mom someone called at your phone and I ask him, then he said that he is my Dad. Is that right Mom?"naguguluhang wika niya

"Kian alam mo naman na diba. Nasa malayo ang Dad mo busy siya at nagtatrabaho para sa atin," kinakabahang paliwanag ko.

"But Mom bakit po sinabi nong tumawag sayo na he is my Dad." Litong tanong niya

"Maybe he is pranking you" nakangiti kung wika sabay kurot sa pisnge niya.

Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na kami sa silid at natulog.

*******

Kailangan kung alamin kung anong totoo hindi man niya aminin sa akin pwes hahanap ako ng ibidinsiya at ipapamukha ko sa kaniya na tama ang kutob ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status