Share

Kabanata 4

Kabanata 4

"EMERAUDO Romani, one of the secret agents assigned to take down Cinco Mortales, died in his last assignment." Paliwanag ng babaeng agent habang nasa isang silid sila kasama ang matandang lalakeng nagngangalang Manuel.

Kumuyom ang mga kamao ni Emeraudo nang matitigan ang itsura ng kapatid sa projector. He was badly wounded by multiple gun shots but what killed him was the gunshot in his chest.

"Gresso Lindstrom, the leader of Albana syndicate who's on the top list of human traffickers in the world, is behind your brother's death. Lindstrom has been a candidate for the Cinco Mortales leaders' circle for two years now but we don't know why he was refusing the offer."

Nagflash sa screen ang mukha ng lalakeng nagpautos ng pagpatay ng kanyang kapatid. Dumilim ang mukha ni Emeraudo. Tinandaan niya ang bawat detalye ng mukha nito, sinisigurong sa oras na makaharap niya ay makikilala niya.

"As of now, we have no traces of Lindstrom's whereabouts but according to the last reports, his brother, Trojan Lindstrom is on the run. Agent Romani had been trying to convince Trojan to be part of the mission. Six months ago, Trojan asked for Agent Romani's help. We made a conclusion that what Agent Romani did for Trojan made Gresso Lindstrom order your brother's assassination."

The agent moved the slide and it flashed a familiar woman's photo. Kilala niya iyon. Biglang napaayos ng upo si Emeraudo.

"Veronica Medesa. One of Cinco Mortales' Supreme's adopted children and trained assassins, is married to your brother. She was last seen with your brother two nights before he was killed."

Gumalaw ang panga ni Emeraudo. Sumara sandali ang kanyang mga mata nang dumaloy ang matinding galit sa puso niya. Sinasabi na nga ba niya. May kakaiba sa babaeng iyon kaya wala siyang tiwala una pa lamang.

"Were you able to track her?" Malamig niyang tanong.

"No but she's been trying to reach out to your brother through different people. She doesn't know yet about what happened to Agent Romani." Kinalso ng agent ang mga palad sa mesa at seryoso siyang tinitigan. "If we will be able to get the information we need from Veronica, the Cinco Mortales mission will be over."

Nakamot ni Emeraudo ang kanyang patilya habang inis na natatawa. "Okay, let me get this straight. My brother died carrying my name and now, you want to send me to this fucking mission to continue what he started? What else besides claiming my own name should I do, hmm? Fuck his wife who, if you'll think about it, is technically married to me?" He laughed. "You guys are insane."

Nagkatinginan ang  matandang lalake at ang agent. Mayamaya'y umangat ang sulok ng mga labi ng lalake bago ito tumingin sa kanya.

"There is another way, Mr. Romani. Veronica Medesa left the Supreme for your brother. However, she kept her mouth shut about the Supreme. Now the MI6 is on a hunt for your brother's wife. The love of his life and the woman who inspired him to be one of us, just because she wouldn't talk about the Supreme. If we won't be able to get the information from her, MI6 and Wildflower will come for her soon. I bet your brother will never want her dead. But," the old man smiled. "If you will be part of the MI6 Pacific team and work with my son, Giovanni Wolf, I will use my authority to postpone her assassination until you prove her innocent of the Supreme's crimes."

"Not only that." The woman placed a key on the table. "You will have full access on your mother's safe. Maybe you will find what you're looking for there..."

Sandaling hindi nakakibo si Emeraudo. Ayaw niyang pasukin ang mundo ng kanyang kapatid ngunit ang safe ng kanilang ina, maaaring naroroon nga ang makatutulong para malinis niya ang pangalan nito sa organisasyon.

His jaw clenched and his fingers tapped on the table while he's staring at the key. He sighed. Kailangan din niyang maiganti ang kanyang kapatid at hindi niya iyon magagawa kung mananatili siya sa poder ng kanilang ama.

He gulped and gazed back to the old man. "Tell me everything I need to know..."

PINAGMASDAN niya ang kanyang sarili sa salamin habang inaayos ang kanyang necktie. His hair is properly waxed and his attire made him look aristocratic. Pakiramdam niya ay nakatitig siya sa kanyang kapatid.

Humagod ang kirot sa puso niya. He slightly smiled as he wore Tejano's typical expression. For the past years, he became his brother, but whenever he looks at the mirror, he sees Tejano.

Tejano. Opisyal na siyang naging si Tejano mula nang tanggapin niya ang offer ng MI6 Pacific. About six years ago, he signed his papers and officially became Special Agent Romani. Naging magpartner sila ni Special Agent Wolf na ampon ng taong nagpasok sa kanya sa misyon.

They did serious undercover jobs. Naroong naging bahagi sila ng sindikatong kasapi sa Cinco Mortales, pero nang mabuking ang disguise, kinailangan na naman nilang manatili malayo sa Cinco Mortales.

All those years, people see him as Tejano. Siya lamang, ang babaeng agent, at ang boss niya ang mga taong nakakaalam ng katotohanan.

He mastered everything about his twin. Maging ang pinakasimpleng mga detalye at mga lenggwaheng natutunan nito. Nahihirapan lamang siya sa dalawang bagay. Ang manatiling kaibigan ang maging tingin niya sa kapatid ng pumatay sa kakambal niya, at ang makitungo nang maayos kay Veronica kapag nakikipagkita ito. 

That's why he avoided Veronica. Dinahilan niya ang pagproteksyon dito kahit ang totoo, isa ito sa mga sinisisi niya sa pagkawala sa kanya ng kakambal niya. If only Tejano didn't love her so much, he'd kill her himself. Para na lamang sa alaala ng kanyang kapatid kaya dinidistansya niya ang kanyang sarili rito.

He sighed heavily. Kinalso niya ang kanyang mga kamay sa sink saka siya umismid. "I didn't know you got a cooler life. I love my toys. Thanks to you." He murmured to himself. Kinakausap na naman niya ang kanyang kapatid habang nakatitig siya sa kanyang imahe sa salamin.

"Tonight, I'll finally have the chance to see the one who killed you." Napuno ng galit ang kanyang puso at ang kanyang mga mata ay dumilim. Now he's seeing himself again. The real him. Not the deceiver Tejano.

Kumuyom ang kanyang mga kamao. "Sadly, I can't lay a finger on him yet. I tried to convince him before through one of my men and guess what? The asshole really joined Cinco Mortales." He smirked and let out an insulting chuckle. "What a stupid puppy. Now there's a bigger possibility that he'll be sentenced to death once he's captured."

Bumuntong hininga siya. "But if I'll be the one to ask, I'd kill him myself..."

He felt his sensor on his wrist beeped, senyales na kailangan na niyang umalis ng hotel room. Tinignan niya ang lalakeng tunay na guest at ngayon ay masarap ang tulog dahil sa tranquilizer na sinaksak niya kanina.

Tejano folded his arms and went out of the bathroom. Nilapitan niya ang lalakeng nakadapa sa sahig saka bahagyang inuga ang katawan gamit ang kanyang paa.

"Sleep well, Prince Orzak." He laughed. "Next time, pick a better perfume. This one is disgusting."

Lumapit siya sa kama at kinuha ang maskarang isusuot niya saka siya tuluyang lumabas ng hotel room ng taong dapat ay dadalo sa party. Aattend ang lider ng Albana at nagbabaka-sakali silang hindi lamang ito ang lider na bahagi ng Cinco Mortales na dadalo.

As soon as he stepped out of the room, he is in character again. Saktong lumabas din ng katapat na silid ang partner niya. Suot na nito ang hyperreal mask. Ito na muli si Ramirez.

Umismid ito sa kanya saka siya pinasadahan ng tingin habang nakataas ng isang kilay. Binasa nito ang ibabang labi ng dulo ng dila nito saka umiling.

"Looks like you're ready to kiss some ass again."

He grinned. Nagsimula silang maglakad sa hallway. "Coming from the lover boy. Pustahan tayo. Nandito na naman ang mga ligaw na bulaklak."

"Yeah but my Clary isn't part of the team. Ewan ko lang si Agatha."

"I bet they sent new ones. Why don't we take our competition to the next level?" Aniya, siniko pa ito.

"Are we rivals?" Tumaas ang kilay nito.

Umismid siya. "You don't know?"

Ramirez sarcastically made a frown. "Oh, I'm so sorry, dear motherfucker. I am not aware that I'm in a competition with you. I thought you're just a toxic fan."

He laughed. "Gago."

"Anyway, prepare yourself. The bird is always ready for our call."

He jerked his head up. "Paramihan ng mabubuko."

Ngumisi ito bago nila tinulak ang pinto ng great hall kung saan nagaganap ang isang arabian party. 

"Deal."

HUMIGPIT ang hawak ni Agent Romani sa kanyang baso nang matitigan ang lalakeng kasama ni Roscoe.

Dalawa. Dalawang lider ng Cinco Mortales ang naririto ngayon, ngunit ang mga mata niya, kay Gresso Lindstrom lamang nakatutok.

Mariing umigting ang kanyang panga at sumiklab ang galit sa kanyang puso nang madinig itong humalakhak. How could that man manage to laugh when he had been behind numerous deaths? Hindi lang ng kanyang kapatid kung hindi pati ng mga taong inosenteng kung kani-kanino nito pinagbebenta?

Right. Wala ka nga palang kaluluwang hayop ka.

Tinungga niya ang champagne at akmang pupuntahan ang kanyang partner nang mapansin niya ang isang babaeng tila hindi komportable habang pilit hinahawakan ng isa sa mga guest.

Kumunot ang kanyang noo. From the woman's curled red hair to her blue eyes, hindi siya maaaring magkamali. It's the same woman he bedded years ago.

Ang nag-iisang babaeng hindi niya naalis sa kanyang sistema mula nang kunin niya ang pagkabirhen nito.

The corner of his lips curved upward as he scanned her now fully bloomed body. Halos lumuwa ang mayaman nitong dibdib sa disenyo ng itim na couture gown na may mahabang slit. Ang pang-upo ay mas mabilog na, ang balakang ay mas lumaki at ang hita, damn, he suddenly craved to run his palm on that part of her body.

Hindi niya nagugustuhan ang pagkunot ng noo nito na tila naiirita na sa namimilit na humapit dito. Hindi na tuloy siya nakapagpigil.

He drank the last of his champagne and immediately stormed towards the woman. Paglapit niya rito ay agad umangkla ang kanyang braso sa maliit nitong baywang at ang kanyang palad, bahagyang pumiga sa tagiliran nito.

He felt her snap when he pulled her closer to his body. Lumapat ang likod nito sa kanyang katawan at ang lalakeng nanghaharrass dito, nabaling ang tingin sa kanya.

"Hey, darling. Sorry I got so busy with our friends." He said sweetly.

Napatingala ang babae at ang mga labi ay bahagyang umawang. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata. Gumalaw ang mga kilay nito na tila kinikilala siya, at nang napansin niyang bahagyang lumaki ang mga mata nito, ibinalik niya ang kanyang tingin sa lalake.

"Do you have anything to say to my girl, Mister?"

Tumikwas pataas ang kilay ng lalake na tila hindi naniniwala. "Your girl?" Bumaling ito sa babae. "This is your boyfriend?"

"Oh you don't believe me?" Anas niya bago hinarap ang babae at walang anu-anong hinalikan sa mga labi.

Her eyes popped but as he started moving his lips, she quickly got lost with his kisses. Lumiyab ang katawan ni Agent Romani nang gumanti ito ng halik. Nabuhay na naman ang pagnanasa sa kanyang katawan. Ang pagnanasang sa isang babae niya lamang nadama.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, makahulugan niyang tinitigan ang lalake. "Need I say more?"

Inis itong lumayas sa kanilang harap. Pinanood niya itong naglakad palayo at nang ibalik niya ang tingin sa babae, nakatitig na ito sa kanyang mga labi.

She gulped, her eyes still looking lazily at his lips. "T—Thank you..."

Umarko ang labi ni Agent Romani pataas. Hinawakan niya ang likod nito at pinagmasdan kung paano itong suminghap sa simpleng paglapat ng kanyang palad sa likod nito. 

Lumawak ang kurba sa kanyang mga labi. Still the sensitive girl I fucked before, hmm?

He lowered his head and pulled her closer. Nadarama niya ang pagkatuliro nito lalo nang humagod ang mainit niyang hininga sa panga nito bago siya bumulong sa tainga ng babae.

"I think we both know that I don't trade kisses for a thank you..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status