Share

CHAPTER 6

PAGGISING na paggising ni Valerie kinaumagahan, kaagad siyang tumakbo sa banyo. Nagsuka siya ng nagsuka. Napahawak siya sa gilid ng sink saka nagmumog. Pagkatapos niyang nagmumog at naghilamos, tiningnan niya ang hitsura niya sa salamin. Napabuga na lang siya ng hangin nang makita na sabog ang buhok niya at napansin niya sa mukha niya na medyo tumaba siya.

Imbes na husgahan ni Valerie ang sariling katawan, natawa na lang siya ng mahina saka napahawak sa kaniyang tiyan. Maybe because she’s been eating too much recently. Well, gutom siya eh at gusto ng baby niya kain siya ng kain.

Lalabas na sana si Valerie ng banyo nang maramdaman niyang magsusuka na naman siya. So, she just let herself puke and puke until her body was contented. Muli siyang nagmumog. Pakiramdam niya ay napagod siya sa kakasuka kaya naman pagkalabas niya ng banyo muli siyang nahiga sa kama at bumalik sa pagtulog.

Nang magising siya tanghali na at mataas na ang sikat ng araw. Gusto pang matulog ni Valerie dahil ‘yon ang hinihingi ng katawan niya pero kailangan niyang bumangon dahil kailangan niyang pumunta sa restaurant niya upang tignan ito. May mapagkakatiwalaan naman siyang manager na siyang nagma-manage ng restaurant at may mga chef doon na mapagkakatiwalaan din pero on going an expansion ng restaurant kaya kailangan niya itong tignan.

Napipilitang bumangon si Valerie saka lumabas ng kwarto. Bumaba siya sa kusina at nagluto ng almusal. Doon lang niya naisip na ang hirap ng walang kasama sa bahay. Siya ang lahat ng gagawa. Magluto ng pagkain, maglinis, maglaba at lahat-lahat na.

Napailing siya habang nagpiprito ng bacon. Some women were happy when they will get married to the man they love after couple of months especially when they already had a baby, they will complain about household chores. Sila na lang kasi ang gumagawa lahat ng mga gawaing bahay, isali mo pa ang pag-aalaga ng bata.

That’s why she doesn’t want to get married. Kung ano ang gawain niya noong wala pa siyang asawa ay alam niyang ganoon din ang gawain niya kapag nagka-asawa siya. Walang pinagbago. Nadagdagan nga lang.  So, even she’s alone she was happy and contented.

Swerte lang ni Wynter kasi mabait ang napangasawa nito at halatang ayaw nitong mahirapan ang kaibigan niya.

Then suddenly, Mikhail’s face suddenly came into Valerie’s mind.

“Bakit siya pumasok sa isipan ko?” Valerie felt goosebumps.

Nang matapos siyang magluto, kumain na siya habang kausap ang manager ng restaurant.

“Don’t worry, pupunta ako diyan mamaya para tignan ang construction ng restaurant.” Aniya.

“Sige, Ma’am.”

Valerie ended the call. Ipinagpatuloy niya ang pagkain niya saka siya naghugas ng mga nagamit pagkatapos niyang kumain. Bumalik siya sa kwarto niya pagkatapos at naligo.

Nagsuot siya ng kulay brown na maternity dress saka siya nagsuot ng flat sandals since bawal sa kaniya ang heels dahil buntis siya.

Then she’s off to her restaurant.

Pagdating niya doon, she was welcomed by the Manager. Sabay nilang tinignan ang construction ng restaurant. Siguro may ilang buwan pa siguro bago ito matapos. Ipinakita sa kaniya ng Architect na kinuha ang design ng restaurant na pinili niya. She’s contented that every single detail of the design followed what she wanted.

Valerie smiled. I should inform Wynter. She’s my number one investor. But she just got married. Forget it. I’ll inform her later.

After checking the construction of the hotel, tiningnan niya rin ang restaurant sa ibaba. It was the same as before. The restaurant had many customers. She looked around and smiled.

Aalis na sana siya nang may makabangga siya sa pintuan. Mabilis siyang napahawak sa gilid ng pintuan habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa tiyan niya.

“Oh my god. I’m so sorry, hija.” Paumanhin ng babae.

“Hija, are you okay?” nag-aalalang tanong naman ng kasama nitong lalaki.

Valerie looked at them. The two are on their middle-aged, probably fifty-five to sixty years old and they are probably a couple. Well, obviously, they are couple.

Ngumiti si Valerie. “Okay lang po. Hindi naman po ako nasaktan.”

“Are you pregnant?” tanong ng babae.

Tumango si Valerie. “Yes po.”

“I’m really sorry, hija. Hindi kita napansin.”

“Ayos lang po talaga ako.” Sabi ni Valerie saka nagpaalam na sa mag-asawa.

Valerie was planning to go home and sleep all day but she ended at the mall and bought some decorations. She wanted to make the nursery for her baby.

MIKHAIL tiredly leaned on his swivel chair. Kagagaling lang niya sa underground at agad siyang dumeretso sa kumpanya niya upang magtrabaho dahil maraming natambak na gawain niya. Wala pa siyang maayos na tulog. Actually, wala siyang naging tulog.

“Sir, ayos lang po ba kayo?” tanong ni Lyneth na siyang sekretarya ni Mikhail.

Mikhail, still closing his eyes, nodded his head. “I’m just tired.”

Lyneth sighed. Tiningnan niya ang mga ipapapirma niya sana sa Boss niya. Sa nakikita niyang itsura nito, mukhang hindi ito makakapagpokus sa pagpirma ng mga kailangan nitong pirmahan. Kailangan pa naman nitong basahin at tignan ng maigi ang mga dokumento na kailangan nitong pirmahan para walang aberya.

“Sir, bakit hindi na lang po kayo umuwi at magpahinga? Halata kasing pagod na pagod kayo.”

But Mikhail didn’t respond.

“Sir?”

Napailing na ang si Lyneth nang makitang nakatulog na ang amo sa kinauupuan nito. Inilapag na lang niya ang mga kailangan nitong pirmahan sa table nito saka siya lumabas ng opisina nito. Pero paglabas niya sa opisina ng amo, nakita niya ang mga kasamahan niya na naghihintay sa labas.

“Huwag niyo ng hintayin ang mga pinapapirma niyo. Sir Mikhail was tired. Baka mamayang hapon na ‘yon mapirmahan. Understand our Boss.” Seryosong saad ni Lyneth.

“Pero, Lyneth, kailangan na ‘yon ngayong umaga.” Sabi ng Head of Finance.

“We need his sign to approve the design of the product.”

“We need his sign to launch the promotion of the latest product.”

“We need to…”

Was Lyneth could do is to sigh. “Wala tayong magagawa.” Sabi niya. “Boss seems really tired. Kapag ginising ko siya at pinilit na ipapirma ang mga pinapapirma niyo, baka sigawan pa niya ako. Kayo na kung gusto niyo.” Aniya.

Agad namang nagkatinginan ang mga ito saka unti-unting nagsialisan dahil wala talaga silang magagawa kundi ang maghintay.

NANG magising si Mikhail, nangangawit ang leeg niya dahil nakatulog sa mismong swivel chair niya. Masakit ang ulo niya. Marahil ay dahil na ito sa pagkakapuyat niya ng ilang gabi. Marami siyang mga ginawa sa underground lalo na at sila ngayon ni Hercules ang pumipigil sa grupo ng ilang Mafia Boss upang hindi maaberya ang grupo ni Cassiuz at Maverick.

Napabuntong hininga na lang siya at napatingin sa pinto ng opisina niya nang bumukas ito. Alfred entered his office with paper bags in his hand.

“Boss, binilhan kita ng pagkain. Kumain ka muna, Boss. May gamot din diyan para sa sakit ng ulo.” Sabi ni Alfred.

Mikhail saw the worry in Alfred’s eyes.

“Thanks, Alfred.”

Inilapag ni Alfred ang hawak na paper bag sa table ng amo.

Nahagip naman ng mata ni Mikhail ang mga folder at may note sa ibabaw nito.

‘Sir, need to sign. ASAP.’

Mikhail sighed. “Hindi ko pa man nasisimulan ang trabaho ko. Pakiramdam ko pagod na ako.” But at least, I rested for a while.

“Alfred, how’s Valerie?” he asked. Naglagay siya ng ilang tauhan niya upang bantayan si Valerie. Gusto niyang makasiguro na magiging maayos ito kahit pa ayaw nito sa kaniya.

“Ahmm, maayos naman siya, Boss.”

“May mga nakita ba ang mga tauhan nating umaaligid sa kaniya? I mean, from the underground?” Binuksan niya ang paper bag at inilabas ang laman nito.

Umiling si Alfred. “Wala naman, Boss. Hindi mo naman siya nilapitan bilang Crimson so no one will target her.”

“But I’m worried, Alfred. Forget it. Bibisitahin ko na lang siya kapag natapos ko ang kailangan kong gawin.”

Tumango si Alfred.

Kumunot ang nuo ni Mikhail. “Have you eaten already?” tanong niya.

Umiling si Alfred.

“Sa ‘yo na ‘tong isa.”

“Boss, sa inyo na lang. Wala kayong maayos na kain nitong mga nakaraang araw. You need to replenish your energy.” Tumikhim si Alfred. “Boss, kailangan niyo ring mag-ayos ng sarili niyo.”

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Mikhail at sinimulan ang pagkain.

Natawa ng mahina si Alfred. “Boss, tingnan niyo na lang ang sarili niyo sa salamin.” Then he stormed out from his Boss’ office. Mahirap na baka batuhin siya nito. Ayaw niyang magkabukol.

Napailing si Mikhail saka nagpatuloy sa pagkain. Though he was curious why Alfred told him to see himself on the mirror. So, he made a mental note that he will look at himself later in the mirror to see what Alfred wanted to say.

After taking the medicine for headache, Mikhail was about to start his work when his phone rang. Napabuga na lang siya ng hangin nang makita kung sino ang tumatawag sa kaniya. Nagdesisyon si Mikhail kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi. But then he decided to answer the call from his dearest mother. He doesn’t want to be scolded by his mother later when they meet.

Ilang buwan na lang magpapaalam na siya sa kalendaryo pero pinapagalitan pa rin siya ng kaniyang ina na parang bata minsan kapag nagkikita sila at kung may ginawa siya na hindi nito nagustuhan.

Mikhail took a deep breath before answering the call. “Mom.”

“Mikhail Romanov, what took you so long to answer my call?!” Joana, his mother, yelled from the other line.

Nailayo ni Mikhail ang hawak na cellphone mula sa tainga niya dahil sa lakas ng boses ng kaniyang ina.

Mikhail sighed. “Mom, pwede bang huwag naman kayong sumigaw?” Nahilot niya ang sentido.

“I can yell at you whenever I want, young man. So, when will you introduce my daughter-in-law?”

Kumunot ang nuo ni Mikhail. “Daugther-in-law?”

“Mikhail, you’re not young anymore. Get married and have kids.”

“Mom.” Mikhail groaned. “Akala ko naman kung ano ang sasabihin niyo kung bakit kayo tumawag? Bye, Mom. I still have worked to do and I’m tired. I’ll visit you and dad when I have time.” And with that he ended the call.

Hindi na niya hinintay ang tugon ng kaniyang ina.

Malalim na napabuntong hininga si Mikhail saka napailing. Wala ng ibang sinasabi ang kaniyang ina kapag tumatawag ito kundi magpakasal siya upang magkaanak.

Napailing si Mikhail saka sinimulan ang trabaho.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Tria 0911
update na po Author please
goodnovel comment avatar
Marlo Bandong
pa update po author please.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status