Share

01 - Pogito

"D-Daddy, you're driving to fast." Humigpit ang yakap ko sa teddybear ko dahil sa matinding takot. "I-I'm scared, d-daddy. Slow down, please." Pakiusap ko sa kanya pero imbis na pabaglin ang takbo ng kotse ay mas lalo pa n’ya itong binilisan.

Lumingon sa akin si mommy na nasa passenger seat saka n'ya inabot ang kamay ko.

"Don't be scared, princess. Mommy's here."

"B-But mommy..." I'm on the verge of crying but because of my mother's warm hands, my fear slowly fades away. She sang my favorite song and I sing along with her.

Napansin ko ang panaka-nakang pagsulyap ni daddy sa rear view mirror pero hindi s'ya sa akin tumitingin kundi sa labas ng bintanang nasa likuran ko. Lumingon ako sa bintana pero wala naman akong nakitang kakaiba.

Walang mga sasakyan sa likuran at unahan namin, tanging kami lang.

"Mommy, saan tayo pupunta? Lilipat na naman po ba tayo ng house?"

"Y-Yes, princess."

"Pero bakit po gamit ko lang ang inimpake ninyo?" I asked again.

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni mommy dahil sa pangingilid ng mga luha n'ya.

"Mommy?"

"Do you remember your ate Delilah?"

"Yes mommy! Miss ko na s'ya."

Si ate Delilah ang nag-alaga sa akin simula ng baby ako pero last year nang mag-resign s'ya sa trabaho bilang yaya ko. I was so sad when she leave. Para ko na rin kasi s'yang mama dahil sobrang bait n'ya sa akin. She always braid my hair and secretly gave me sweets.

"Kikitain natin ngayon ang ate Delilah mo. Sa kanya ka muna namin iiwan habang inaayos pa namin ng daddy mo ang paglipat natin."

"Pero susunod kayo sa amin, diba?"

"O-Oo, princess. Susunod kami ni daddy sa'yo. B-Be a good girl to ate Delilah, huh? Huwag mong papasakitin ang ulo n'ya."

"I'm a good girl naman mommy eh. Naughty lang minsan." I giggled.

Inabot ni mommy ang pisngi ko saka n'ya ito masuyong hinaplos. "I love you princess."

"I love you too mom and dad."

"I love you too, pretty girl," saad ni daddy.

I smiled at them sweetly.

"H-Honey," tawag ni mommy kay daddy.

"Sh*t!" mura ni dad. "Malapit na tayo sa port. Ready her things. Nag-aantay sa harap ng barko si Delilah," pahayag ni daddy. He's serious and mad of something.

Nang ibaling ko ang tingin ko sa bintana ay nakita ko ang malalaking barko na nakadaong sa pier. Napa-'o' ang bibig ko dahil sa sobrang pagkamangha.

"Princess," tawag sa akin ni mommy kaya mabilis akong napalingon sa kanya. Tumigil na rin ang sasakyan. "You need to go out na, princess. Your ate Delilah is waiting for you," pahayag ni mommy saka n'ya tinanggal ang seatbealt ko at inilagay sa likuran ko ang pink kong backpack.

"Hindi n'yo ako sasamahan papunta sa kanya?"

"N-No. N-Nagmamadali kasi kami ng daddy mo. I-I'm sorry." Hinawakan ko ang pisngi ni mommy saka ko pinunasan ang mga luha n'ya. "See that ship baby? Diretso lang ang lakad mo, don't look back, okay?"

"O-Okay."

"Sige na. Naghihintay na sa'yo ang ate Delilah mo."

"Princess," tawag sa akin ni dad. Dumukwang ako papalapit sa kanya saka n'ya ako binigyan ng halik sa noo ko.

Lumabas ako sasakyan na mabigat ang dibdib dahil ito ang unang beses na mahihiwalay ako sa mga magulang ko. I need to be brave. Alam kong bibilisan nila ang pag-aasikaso para makita ulit ako.

After all, they love their naughty princess more than anything else.

Sinunod ko ang instructions ni mommy. Dire-diretso lang ang lakad ko papunta sa ship. Lumawak ang ngiti ko nang makita si ate Delilah na kumakaway sa akin kaya naman kumaway din ako sa kanya pabalik.

"Ate!" I called her, pero kaagad na nawala ang tuwa sa mukha n'ya at napalitan 'yon ng takot at pagkagulat.

Nang lumingon ako sa likuran ko ay nakita ko ang dahilan nang naging reaksyon ni ate Delilah. Nakita ko ang pagbalot ng apoy sa sasakyang kinalalagyan ni mommy at daddy. They're still inside, watching me from a far, their eyes are sad but they're still smiling.

"M-Mommy! D-Daddy!" Iyak ko. Tatakbo na sana ako papalapit sa kinaroroonan nila nang isang malakas na pagsabog ng tuluyang nagwasak sa buong sasakyan. Bumagsak ako sa sahig dahil sa panghihina ng mga binti ko. I screamed and cried in horror. "No! No!"

***

TAGAKTAK ang pawis ko nang bumangon ako mula sa lupang kinahihigaan ko. Hinabol ko ang hininga ko dahil sa kakapusan sa hangin habang hawak ang dibdib. Ganito ako sa tuwing nagigising. Parang hinihika kahit wala naman ako ganoong sakit.

"C-Calm d-down, Tabitha" I whispered to myself.

Sa araw-araw na ginawa ng maykapal ay walang palya ang mga panaginip kong iyon sa pagpapaalala sa akin kung paano namatay ang mga magulang ko sa mismong harapan ko. Dapat sanay na ako pero hindi. Mga magulang ko 'yon at kahit kelan ay hindi ako masasanay na makita silang araw-araw na namamatay sa panaginip ko.

Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa paligid . Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ang pares ng mga itim na matang nakatitig ng mariin sa akin. Nakaupo s'ya sa lupa habang nakasandal sa puno.

Mula sa maganda n'yang mukha ay bumaba ang tingin ko sa katawan n'yang pinagpala. Nakagat ko ang ibaba kong labi ng makitang may abs s'ya.

Kyahhh! First time ko makakita ng abs.

One, two...sheyt! Namamalikmata ata ako. Bakit ang dami? Eight ang pandesal n'ya!

Yummy!

"N-Nasa heaven na ba tayo?" wala sa sariling taong ko sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay n'ya at nag-igting ang panga n'ya. "Anghel ka ba?" sunod kong tanong sa kanya.

Imbis na matakot sa sama ng tingin n'ya sa akin ay kinilig pa ako. Willing akong magpabalat sa kanya ng buhay.

"Tsk. Why did I even saved her?" narinig kong bulong n'ya sa sarili n'ya.

Ang pogi naman ng pogito ko!

Chineck ko ang sarili ko at nang makita ang naka-print na mukha ni Capitan sa t-shirt ko ay doon ko napagtantong buhay ako at wala sa langit.

Kasi naman si pogi! Akala ko s'ya na ang magdadala sa akin kay San Pedro.

"Anong nangyari? Nasaan na ang mga lalaking humahabol sa–!" Napasinghap ako nang maalala ang na witness ko kanina bago ako mawalan ng malay. "M-Murderer!" sigaw ko sabay turo ko kay pogi.

Walang nagbago sa ekspresyon n'ya. Umiwas s'ya ng tingin sa akin saka n'ya isinandal ang ulo n'ya sa katawan ng puno bago pumikit.

Sana all, tree.

Tinampal ko ang labi ko dahil sa salitang lumabas kanina mula sa bibig ko. He killed someone to save me. Wala kang utang na loob, Tabitha!

Now what? Pwede na ba akong umalis?

Malapit nang lumubog ang araw kaya kailangan ko nang umalis para hindi ako abutan ng dilim pababa rito sa bundok. Baka nag-aalala na rin sa akin si mama Delilah. Ang paalam ko kasi sa kanya kanina ay mag-aani lang ako ng kamote na pangbenta ko bukas.

'Yong kamote ko nga pala.

"Ehem." Tumikhim ako para kunin ang atensyon ni pogito. Na-mezmerize na naman ako nang makita ang nakakalunod n'yang itim na mga mata. "S-Salamat nga pala sa pagmurder–I mean sa pagligtas mo sa akin kanina. Don't worry, wala akong pagsasabihan sa ginawa mo."

Nakipag-eye to eye lang s'ya sa akin bago muling pumikit.

Back to you, Tabs!

"Aalis na ako. Salamat ulit."

Bago pa man ako maka-isang hakbang palayo ay nahawakan na n'ya ang pulso ko.

"Who told you to leave?"

"Huh? H-Hindi pa ba pwede?" Inosente kong tanong sa kanya.

"Tsk. Walang akong sinabi na pwede kang umalis."

"P-Pero kasi..."

Napaluhod ako sa harap n'ya nang bigla n'ya akong hilahin. Hawak ng isa kong kamay ang balikat n'ya samantalang mahigpit pa rin ang kapit n'ya sa pulso ko.

"You owed me big time. Hindi libre ang pagligtas ko sa'yo, miss."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya.

Oh em gee! Katulad din ba s'ya ng mga palaka kanina? Katawan ko lang din ba ng habol n'ya?

Owkie. Warakin mo na ako.

Ack! Alagad ka ni Maria Clara, Tabitha! Huwag kang papadarang sa alindog n'ya!

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha n'ya at doon ko napansin ang pamumutla n'ya.

"A-Ayos ka lang ba?" tanong ko. Akmang hahawakan ko na sana ang pisngi n'ya nang bigla na lang bumaksak ang ulo n'ya sa balikat ko. "P-Pogi? Anyare? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" sunod-sunod kong tanong.

Dahan-dahan ko s'yang isinandal sa puno at chineck kung may lagnat s'ya o sugat. Nang ilapat ko ang palad ko sa noo n'ya ay normal naman ang temperatura n'ya pero napansin ko ang pamamawis ng noo at leeg n'ya.

"Oh ghad! Anong nangyayari sa kanya? Huwag ka munang made-deds pogi. Sayang ng genes mo!"

Aanakan mo pa ako!

Jusko Tabitha! Malala ka na! 

Nahagip ng mga mata ko ang duguan n'yang hita kaya naman doon na ako nag-panic ng bongga. Nakapulupot doon ang damit n'ya na punong-puno na ng dugo. Ito siguro ang dahilan kung bakit s'ya namumutla at nanghihina.

"A-Anong gagawin ko?"

Kumalma ka muna, Tabitha! Think!

Wala akong alam sa medisina pero may alam ako ng kaunti sa pagiging albularyo. Future doctor quack-quack kaya 'to.

"D-Dito ka lang, pogi. Kukuha lang ako ng tubig panglinis sa sugat mo at mga halamang gamot."

Halos magkandarapa ako sa pagtakbo. Ayokong abutang patay na si pogi kaya naman hindi na ako nagsayang ng oras.

Malapit na lang dito ang narra. May maliit na sapa 'ron na pwede kong pagkunan ng malinis na tubig. Pumitas na rin ako ng mga halamang gamot saka 'yon inilagay sa may bra ko, wala akong bulsa 'e.

Hindi ka pupweding madedo, pogi! Wait for me, bebe ko!

I will save you, pogito! Hindi ka pa pweding kunin ni kamatayan. Kailangan mo munang ikalat ang lahi mo dahil endager na ang mga katulad mo. Kung hindi ka para sa akin, malay mo, anak mo na pala ang ka-meant to be ko.

Hingal na hingal ako pagbalik ko sa kinaroroonan ni pogito. Dali-dali akong lumapit sa kanya saka ko s'ya inalalayang makahiga. Pinunit ko ang laylyan ng suot kong t-shirt saka ko pinunasan ang noo at leeg n'ya.

Mamaya ko na hahawakan ang abs n'ya.

Nanginginig ang mga kamay ko nang tanggalin ko ang nakapulupot na tela sa hita n'ya. Sinimulan kong linisan ang sugat n’ya at lagyan ito ng halamang gamot. Matapos ang ilang minutong paggagamot sa kanya ay nagawa kong iligas s'ya kay kamatayan.

"In your face, reaper!"

Nakita ko ang pag-relax ng mukha ni pogi habang mahimbing na natutulog.

Bago ako umalis ay inayos ko muna ang pwesto n'ya. Pinag-cross ko ang braso n'ya sa dibdib n'ya matapos kong palibutan ng mga bato ang gilid n'ya. Hehehe.

Wala na akong oras para hanapan s'ya ng mga flowers kaya bato na lang ang ipinalibot ko sa kanya. Pinatungan ko rin s'yang dahon ng saging para hindi s'ya lamigin.

"Ayan!" I exclaimed while clapping my hands. "Bye muna, pogi."

Aalis na sana ako nang maalala ko ang abs n'ya. Baka hindi ko na s'ya makita bukas kaya naman lumapit ako sa kanya at pasimpling pinindot isa'isa ang walo n'yang pandesal.

"Sheyt."

***

"BA'T ngayon ka lang? Saan ka na naman naglayas?" Mataray na tanong sa akin ni Margo a.k.a Magot, anak ni mama Delilah.

"D'yan lang sa farm ko," sagot ko na ikinangiwi n'ya.

"Feelingera ka talaga! E hindi naman 'yon sa'yo! Nang-angkin ka lang ng lupa."

Atleast napakinabangan ang lupa!

"Hehehe. Farm ko 'yon kasi nandoon ang mga tanim kong mga kamote."

"Ewan ko sa'yo, Tabs. Kumain ka naman siguro ng lupang polluted."

"Hoy! Grabe s'ya! Pataba ang kinain ko kaya brainy ako."

"Ano na naman ang pinagtatalunan n'yong dalawa d'yan?" tanong ni mama Delilah na kakalabas lang sa kusina bitbit ang platong may pritong galunggong.

"Aba mama! May pa-galunggong ka ah! Malakas ba kita sa palengke?" tanong ko kay mama.

"Oo anak."

"Syempre, ako kasi nagbantay." Proud na saad ni Magot sabay flip ng hair n'ya.

"Stop flipping your hair! Baka lumipad kuto mo sa pagkain!" suway ko sa kanya na ikinasimangot n'ya.

"Wala akong kuto!"

"Akala mo lang wala! Pero meron! Meron!" Ma-dramang sigaw ko sa kanya.

"Aba–" Hindi na naituloy ni Magot ang dapat na sasabihin n'ya ng pumasok sa loob si papa Roman at Dorothy a.k.a Dori.

"Papa!" Lumapit si Magot sa ama n'ya saka s'ya nag-bless sa kamay nito. Lumapit rin ako kay papa Roman pero katulad ng parati n'yang ginagawa ay sinamaan n'ya lang ako ng tingin kaya naman umatras ako at itinago ang kamay ko sa likuran ko. "Labhan mo. Kailangan ko 'yan bukas," utos n'ya sa akin.

"Hmp. Sampid." Narinig kong bulong ni Dori.

Lumabas ako sa bahay at nagtungo sa poso para labhan ang jacket ni papa Roman. Tahimik lang ako habang naglalaba ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni mama Delilah.

"Kumain ka muna, anak. Dinalhan na kita ng pagkain."

"Salamat, mama."

"Pagpasensyahan mo na ang papa Roman mo. Pagod lang siguro 'yon sa trabaho."

"A-Ayos lang po. Sanay na po ako," sagot ko na nagpalamlam ng mga mata ni mama Delilah.

Simula ng manirahan ako sa bahay nila noong sampung taong gulang palang ako ay malamig na talaga ang pakikitungo sa akin ni papa Roman. Ilang beses ko silang naririnig ni mama Delilah na nag-aaway nang dahil sa akin.

Ayaw ni papa Roman na sumasabay ako sa kanila sa pagkain dahil naaalibadbaran daw s'ya sa pagmumukha ko kaya simula nun ay mag-isa na akong kumakain.

Wala namang problema 'yon sa akin dahil totoo namang sampid lang ako sa pamilya nila. Si mama Delilah lang ata ang kakampi ko sa bahay samantalang si papa Roman naman at Dori ang magkakampi sa pagda-down sa akin. Si Magot, mabait naman s'ya sa likod ng kasungitan n'ya pero kahit ganun ang turing nila sa akin ay mahal na mahal ko pa rin sila.

Sila na ang pamilya ko kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status