Naningkit ang mga mata ko ng makita si Ginny at Dori na kinakausap si Sage. Kitang-kita ko kung paano malanding haplusin ni Ginny ang braso n’ya habang maarte itong tumatawa. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagtawa ng impakta. Nagmumukha s’yang tanga dahil hindi naman bumubuka ang bibig ni Sage.Ang sarap suntukin sa ngala-ngala ni Ginny. Nanggigigil ako!Sinabi ko kay Sage kahapon na huwag na s’yang pupunta rito sa palengke pero heto s’ya’t agaw pansin sa lahat ng mga kababaihan.Alam kong wala akong karapatan para pagbawalan s’ya sa mga gusto n’yang gawin pero concern lang naman kasi ako sa kanya. Paano kung makita s’ya ng mga taong humahabol sa kanya rito? Edi dedu s’ya?Bahala nga s’ya sa buhay n’ya!May tumawag kay Sage na lalaki kaya kaagad n’yang tinalikuran ang dalawang chanak. Nakita ko kung paano mag-flex ang biceps n’ya nang buhatin n’ya ang isang sako ng bigas. Parang lahat ng mga kababaihan sa paligid n’ya ay natigil sa ginagawa nila dahil sa panunood sa kanya.Pogi
“Ilang araw ko ng na no-notice na palagi mong iniiwasan si daddy Sage? Pabebe yurn?”“Shut up!”“I-chika na ‘yan!” Binangga ni Basilyo ang balikat ko kaya naman sinamaan ko s’ya ng tingin bago umayos ng tayo.“Napagtanto ko lang na masyado pala akong maganda at perfect para sa kanya. I think, he deserves better even though wala nang mas bi-better pa sa akin,” pahayag ko dahilan para makatanggap ako ng malakas na batok mula sa kanya.“Pasalamat ka kaibigan kita dahil kung hindi, mukha mo ang binatukan ko imbis na ‘yang batok mo,” banta n’ya. “Pero seryoso nga, anong nangyari after n’yang malaman na nage-emote ka sa eskinita?”Anong nangyari?Naglaplapan lang naman kami. Ako ang unang nag-initiate na halikan s’ya kaya naman hiyang-hiya ako sa sarili ko. Kahit ilang beses ko pang sabihin sa sarili kong ginawa ko ‘yon para iligtas si Sage sa mga taong humahabol sa kanya ay hindi pa rin ‘yon sapat para mabawasan ang kahihiyang nararamdaman ko.“Ikaw ang nagsabi sa kanyang nandoon ako sa es
“Iyan ang napapala ng mga pabebe! Main goal, magpahabol pero ang resulta hindi naman hinabol. Okay kayo ‘e. Nakita ko ang chemistry n’yong dalawa pero dahil sa kaartehan mo ay napunta s’ya sa iba,” litanya ni Barbie mong Basilyo.“Hindi naman ako nagpapahabol ‘e.” Nakanguso kong depensa. “Nagpabebe lang naman ako.”“Ganun din ‘yon, gaga!” Singhal n’ya pa. “Kapag ‘yon namarkahan na ni Mosa, wala na, finish na. Babye ka na kay Pogito mo.”Napasabunot ako ng bongga sa sarili kong buhok. Ayan, Tabitha! Mag-inarte ka pa!“Hindi ko hahayaan mangyari ‘yon!” Malakas na loob na saad ko.“Tama ‘yan, gurl! Pinalaki lang kitang malandi pero hindi duwag! Miyembro tayo ng samahang Maria Clara at Gabriela kaya walang bibitaw kay daddy Sage!”“T*ngina n’yo naman. Dito pa talaga kayo sa eskinita nagpaplano ng kasamaan n’yo.”Sabay kaming napa-angat ng tingin ni Basilyo kay Magot. Naka-squat kasi kami na parang tumatae sa kasulok-sulukan ng eskinita. Nakapamewang ito sa amin habang naka-angat ang isang
“Ang tagal n’ya naman,” bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa batuhan dito sa may ilog. Nakalublob ang mga paa ko sa tubig at tahimik itong pinagmamasdan.Hinihintay ko kasi si Sage. Alam kong dito s’ya dadaaan sa ilog kaya naman dito ko s’ya napiling abangan. Hindi ko s’ya nagawang kausapin kanina. Bukod kasi sa lintik na babaing kasama n’ya ay talagang iniiwasan n’ya rin ako.Nasasaktan ako dahil sa cold treatment n’ya sa akin pero naisip kong kasalanan ko rin naman kung bakit s’ya ganun sa akin. I pushed him away at ngayong lumalayo na s’ya sa akin ay ako naman ‘tong naghahabol sa kanya.Marahas akong napabuntonghininga. Napatingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang unti-unti nitong pagdilim. Ang magagawa ko na lang ay ang humingi ng sorry sa kanya. Nagalit ako dahil sa mababaw na kadahilanan kaya kasalanan ko kung bakit lumamig ang treatment n’ya sa akin.“Hindi kaya sa bahay na s’ya ni Mosa tumutuloy ngayon?” tanong ko sa sarili ko saka ko yinakap ang dalawang binti ko.Sino
“Sage…Pogito?”Sinusubukan kong kunin ang atensyon n’ya pero nanatili s’yang walang pakialam sa akin.Okay naman kami kanina ah! Hinalikan n’ya pa nga ang noo ko bago n’ya harapin ang mga kalaban n’ya. He even checked if my hands are fine, kaya bakit bumalik na naman ang panlalamig n’ya sa akin?Pa-fall talaga! Tapos ako naman, laging nafa-fall!Wait, did I already fall?Tumakbo na ako para masabayan s’ya sa paglalakad. Palagi kasi akong nahuhuli dahil sa laki ng mga hakbang n’ya. Hindi ko alam kung sinasadya n’ya ‘yon para maisawan ako, noon naman kasi ay palagi n’ya akong sinasabayan sa paglalakad ko.Haist! Ang daming issue, Tabitha?“Sage, sorry na. Bati na tayo please? Hindi ko naman―”“You almost got hurt today because of me. Mas makakabuti kong lalayo ka na lang sa akin.”“Ayoko! Kahit paulit-ulit mo pa akong itaboy palayo sa’yo ay paulit-ulit din kitang kukulitin at lalapitan. Hindi lang ako muse sa baryong ‘to, ako rin ang Ms. Persistent ng Brgy. Datung Ermita, just so you kn
Kasabay ng pagmulat ko ng mga mata ay ang mabilis na pagkalabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Ramdam ko ang malamig na pawis na dumadaloy sa noo at leeg ko pati na rin ang panginginig ng mga kamay ko.Same nightmare again. Hindi talaga ako tinitigilan ng mga alaala ng pagkamatay ng mga magulang ko. All this years, ay paulit-ulit nitong sinisira ang tulog ko.Ikinuyom ko ang mga kamao ko para pigilan ang panginginig nito. Inayos ko ang pagkakahiga ko bago ipako sa kisame ang mga mata ko pero kaagad din na nalipat ang tingin ko kay Sage nang maalalang katabi ko s’ya ngayon.Tumagilid ako ng higa saka ko pinagmasdan ang maamo n’yang mukha. Kahit tulog s’ya ay mukha pa rin s’yang nagsusungit sa akin pero infairness, ang gwapo-gwapo n’ya pa rin.Gusto ko s’yang yakapin pero baka isipin n’yang minomolestya ko s’ya kahit yakap lang naman ang gusto ko.Managinip ka na lang ulit, Tabitha!Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit ayaw n’yang kontakin ang pamilya n’ya. Kung tatawaga
“Galit ka?!” Pagkompronta ko kay Sage pagpasok ko sa bodegang kinaroroonan n’ya.Sinigurado ko talagang masosolo ko s’ya bago ko s’ya sugurin para makapag-usap kami ng matino ng walang iistorbo sa amin.Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong sugurin at sigawan s’ya ngayon. Gulong-gulo na kasi talaga ako kung bakit s’ya pabago-bago ng mood kapag kaharap n’ya ako.Kagabi lang ay halos kainin na namin ang dila ng isa’t isa sa sobrang okay naming dalawa tapos ngayon ay bigla s’yang manlalamig sa akin?Bipolar ba s’ya?“Sage!” sigaw ko sa pangalan n’ya nang hindi n’ya ako lingunin. Napapadyak ako sa inis. Malalaki ang hakbang kong lumapit sa kanya saka ko marahas na hinila ang braso n’ya para iharap s’ya sa akin.“Kanina pa kita kinakausap! Ano ba talagang problema mo, huh?” Nanggagalaiti kong asik habang masama ang tigin sa kanya.Mula sa pagiging seryoso n’ya ay bigla na lang gumuhit sa labi n’ya ang isang pilyong ngisi.“A-Anong nginingisi-ngisi m-mo r’yan?! Am I joke
Kaagad din na umalis si Tiyo Manolo nang malamang wala si papa Ramon sa bahay. Hindi ko na s’ya pinansin kanina habang kausap s’ya ni mama Delilah dahil naiilang ako sa ngiting ibinibigay n’ya sa akin.Ngiting timang kasi. Kainis!“Para saan ‘to?” tanong ni mama Delilah ng abutan ko s’ya ng pera.“Sahod ko po ngayong buong linggo, mama. Inipon ko po talaga ‘yan para may pangbili po kayo ng gamot n’yo,” sagot ko.Hindi ‘yon ganun kalaki pero makakabili na s’ya ng ilang tableta ng gamot n’ya para sa sakit n’ya sa puso.Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon ni mama at pangingilid ng luha n’ya.“Salamat anak, pero hindi ko matatanggap ‘to. Gusto kong ipunin mo ‘to para sa mga pangangailangan mo.”“Pero mama,”Kinuha n’ya ang kamay ko saka n’ya ibinalik sa palad ko ang perang para dapat sa kanya.“Huwag mong isipin na responsibilidad mo kami, Tabitha. Isipin mo rin ang sarili mo. Wala akong perang naiaabot sa’yo para sa mga pangangailangan mo habang lumalaki ka at ngayong nagagawa mo ng su