Share

CHAPTER 4

Magulo ang isip ko nang makarating sa Black and White Cafe. Tanda ko pa ang mga sinabi ni Joannah sa'kin.

Sabi pa niya, ang FDS Bar ay isang pribadong bar kung saan ang mga mayayaman lamang ang nakakapasok. Kung ano ang nangyayari sa loob ay mananatili lamang sa loob.

Ang swerte ko raw at nakapasok ako sa nasabing bar, kasi minsan kapag nag-aayos ako ay mapagkakamalan talaga akong mayaman. Hindi naman sa feeling mayaman ako kung tumindig at mamustora ay sadyang ganoon lang talaga ang imahe nila sa'kin. Kaya pala siguro hindi ako pinalabas ng bar marahil ay napagkamalan nila akong bagong costumer na mayaman.

'Yong tumulong sa'kin, sino kaya siya? Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya dahil sa pagmamadali. Mukhang mayaman siguro 'yon. Ipinasok pa nga ako sa isang mamahaling hotel.

Naku, ngayon lang yata ako nahiya. Sana naging sapat na ang pasasalamat ko sa kanya. Baka hanapin ako nun at pag-bayarin sa perwisyong ginawa ko. Baka nga rin singilin ako nun sa pinang-hotel niya sa'kin at kung ganoon nga ay kukulangin ang ipon ko sa mahal ng hotel na iyon.

Bigla na naman tuloy akong namroblema. Mukha naman siyang mayaman pero may mayaman paring naniningil ano.

***

"Late ka na naman Monina." Nakapameywang na bungad sa'kin ng amo kong si sir Stan.

"Pasensya na sir. Masakit kasi ang tiyan ko kanina, mabuti nga sir naagapan ko kaagad at uminom ako ng gamot kaya agad din naman nawala," ani ko saka pina-lambot ang mukha.

"Akala mo naman ay maniniwala ako sa'yo eih nirason mo na 'yan kahapon." Napailing siya sabay talikod sa'kin.

"Go, mag-simula ka na at marami na ang costumer." Pahabol niyang sabi saka naman ako napa-buntong hinga.

Mabuti na lamang at mabait si sir Stan. Sa edad nitong bente-nuwebe ay napaka-responsable na nito sa kanyang napiling business. Tanda ko pa ang sinabi niya sa amin ng mga ka-trabaho ko.

"Guys, do your job with passion. Mahal ko ang cafe na ito. This is where my heart is and I'm happy and proud na nakapag-tayo ako ng negosyo without the help of my parents. So please, love my cafe as much as I do."

Noong oras na iyon, bagohan pa lang ako. We were celebrating the fifth anniversary of the cafe that time. He told us about his story and I was being inspired listening to his words that's why I have planned to stop my studies and let my sister and brother continue thier studying.

It was hard for me, ofcourse it's my last year then I'll be graduating college with my chosen course, engineering. But I have to give way.

Kapag naka-ipon na ako ng malaki saka ko na ipagpapatuloy ang college. Na-motivate ako nun kay sir Stan. Sabi niya maari tayong tumigil sa karera pero hindi ibig sabihin susuko na tayo.

Nakaka-inspired diba?

***

"Here you go ma'am and sir. Enjoy your date," ani ko saka binigyan sila ng matamis na ngiti matapos kong mailapag ang order nila.

Nag-thank you naman sila saka ko tinalikuran para maasikaso ko naman ang order ng iba. Malakas nga ang cafe na ito, dinarayo pa nga ito mula sa iba't-ibang lugar pati nga rin mga taga ibang bansa. Masarap kasi talaga ang servings dito.

Araw-araw yata ay wala akong pahinga sa pag-seserve at kung makaka-upo man ay oras lang ng lunch break. Di bale, masaya naman akong makitang nakangiti ang mga tao sa loob ng cafe.

***

Natapos ang araw na iyon na sobrang pagod ang aking katawan. Ramdam ko 'yon habang papasok ng bahay. Bumungad sa'kin ang matamlay at naka-busangot na mukha ni mama. Wala pa si papa marahil ay nag-iinom na naman iyon.

Tantiya ko'y mag-aalas sais na ng gabi pero wala parin ang mga kapatid ko. Baka may project ang mga iyon sa eskwelahan.

"Magandang gabi ma," bati ko sa kanya.

Agad 'kong tinungo ang lamesa upang makahanap ng pagkain.

"Walang ulam diyan, wala akong pambili. Pambihira natalo na naman ako sa tong its." Ramdam ko ang gigil sa kanyang boses.

"Ako nalang po ang bibili ng ulam para sa hapunan," ani ko sa kanya.

"Mabuti pa nga," wika niya sa'kin.

Tatalikod na sana ako papuntang kwarto nang biglang may pahabol siyang sinabi sa'kin.

"Monina, 'yong bill kasi ng kuryente nandito na tsaka si Zemuel nanghihingi ng pam-project eih wala akong maibigay. Baka pwedeng ikaw na muna ang mag-bayad at mag-bigay kay Zemuel?" Pakiusap ni Mama sa'kin.

"Sige ma, ako ng bahala," ani ko sa mahinang boses saka tuluyang pumasok sa kwarto.

Di na naman bago iyon sa'kin. Minsan nga nag-sasabay pa ang lahat ng bayarin sa bahay pero kahit kailan hindi ako nag-reklamo. Nakakapagod kung iisipin, hinihiling ko kung kailan matatapos ang bisyo nilang mama. Hirap na nga nag-bibisyo pa, isang beses lang ako nagalit pero hindi naman nila ako pinakinggan kaya hinayaan ko na lamang sila sa kanilang gawain.

Darating ang araw maiisip din nila na hindi tama ang pag-bibisyo. Mamumulat din sila.

Kaya ako, kailangan kong tapangan ang loob ko, kailangan kong magsumikap. Mabait naman ang magulang ko, nararamdaman ko naman na mahal nila ako kaya lang mali ang ipinapakita nila sa amin ng mga kapatid ko. Mahal na mahal ko rin sila kaya kahit masakit at nakakapagod, kailangan kong maging masipag para sa kanila at para sa sarili ko.

Magulang ko parin sila, nirerespeto ko sila bilang isang magulang na nag-bigay ng buhay sa'kin. Kung bakit ako naririto iyon ay dahil sa kanila. Ayokong mag-tanim ng galit at kamuhian sila dahil hinayaan nila kami, ako na maging ganito. Basta't kumpleto kami ay okay na ako, basta't kasama ko sila sa araw-araw ay magiging masaya na ako. Hangga't hindi nila ako sinasaktan ng pisikal ay walang kaso iyon sa'kin at hangga't hindi sila nanghihingi ng pera sa'kin para iwalwal sa bisyo nila ay walang problema din iyong sa'kin.

Maraming mga anak ngayon ang walang mga magulang. Ang iba ay itinaboy o pinalayas, ang iba ay hinahayaan na malulong sa droga at makagawa ng krimen. Ang nakakalungkot ay iyong mga anak na namatayan ng magulang. Wala silang makakasama upang harapin ang bukas at walang mag-aalaga sa kanila kapag nagkaka-sakit.

Ako, kahit ganito ang set-up namin ay kuntento na ako. Sinasabayan ko na lamang ang bawat problema sa pamamagitan ng pag-tawa. Ayokong isipin lagi lahat ng mga pag-subok sa buhay ko at baka ma-stress lang ang beauty ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status