Share

Kabanata 3

HINDI maipinta ang mukha ni Savannah Dawson nang lumabas siya sa sasakyan dahil sa inis at galit niya kay Damon dahil sa pagtrato nito sa kaniya. Hindi ba ito aware na anak siya ng Boss nito para gawin niya iyon sa kaniya? Kaya ayaw niya sa lalaking iyon, dahil wala itong pakialam sa mga taong nasa paligid nito bukod sa kaniyang ama na parang doon lang ito sumumpa ng katapat.

Walang lingon-lingon na pumasok siya sa malaking bahay na puno ng sama ng loob at dumeretso sa sariling silid niya. Pabagsak siya humiga sa kama. Dahil sa inis niya kay Damon, kinuha niya ang unan at gigil na ibinato iyon. "Bwesit ka talaga, Damon!" Paimpit pa siyang sumigaw at marahas na bumangon sa kama. "I need cupcakes," bulong pa niya dahil iyon ang naging comfort food niya sa tuwing hindi maganda ang araw niya. 

Naisip niyang maligo para kahit pa paano ay mapawi ang inis at galit niya sa lalaking iyon at nang makakain na rin siya ng paborito niyang cupcake. Nang akmang hahakbang siya, nahagip ng mga mata niya ang nag-iisang litrato na nakapatong sa side table ng kama niya. Sumeryoso ang mukha niya at bumakas ang lungkot at pangungulila roon.

Hinawi niya ang itim at tuwid na buhok na lampas sa balikat niya at inipit iyon sa likod ng tainga niya. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa table at marahang kinuha ang litrato ng isang lalaki. Binalot ng lungkot ang puso niya at bumalik lahat ng aalala ng nakaraan na pilit niyang itinatago at iniingatan.

"It's been a year, Grayson but I still love you and I miss you," mahinang bulong niya. Mapait siyang ngumiti habang marahang hinaplos ang litrato. Naramdaman niya ang panunubig ng mga mata niya kaya bahagya siyang tumingala. 

Isang taon na ang nakakaraan simulan nang maghiwalay sila ni Grayson, hindi dahil sa kagustuhan nilang dalawa, kung 'di dahil sa kagustuhan ng kaniyang ama. Sinubukan nilang ipaglaban ang relasyong mayroon sila, pero tila ba hindi iyon tinutulan ng tadhana dahil si Grayson na mismo ang bumitaw. Sa kabila niyon, alam ni Savannah at naniniwala siyang mahal pa rin siya nito at babalik ito para ipaglaban siya.

"Honey." Mabilis siyang kumurap kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata niya. Agad niya iyong pinahid gamit ang kaniyang mga daliri. Boses iyon ng kaniyang Mommy. Nataranta siya at agad itinaob ang litrato. "I'm miss you, Honey!" 

Pilit siyang ngumiti nang pumasok sa silid niya si Vivian, ang mommy niya na malamang, kakauwi lang nito mula sa out of town trip kasama ang mga kaibigan nito na parehong nasa magandang estado ng buhay. Tumayo siya at lumapit sa Ina para yakapin.

"Finally, you're here, Mom," sambit niya habang yakap ito. Naramdaman niya ang pagtapik nito sa likod niya. Pilit niyang inaalis sa isip ang tungkol kay Grayson.

"I'm sorry, Honey for being late. Kararating ko lang at alam kong na-miss mo ako kaya dito agad ako pumunta bago sa Daddy mo," nakangiting sambit ni Vivian nang humiwalay sila sa pagkakayakap. Tiningnan pa siya nito.

Ngumuso siya at naglalambing na pinulupot ang braso sa katawan ng Ina. "Bakit ngayon ka lang, Mom? I waited you to come home kasi I need an ally." Natawa ang Mommy niya at napakiling.

"May ginawa na naman ba ang Daddy mo?" Alam na kasi ni Vivian ang dahilan kapag naglalambing siya at naghahanap ng kakampi.

Parang batang tumango siya. "Dad gave me a bodyguard again, and guess what, Mom he was Damon Falcone. I hate him. He's arrogant and ruthless," pagra-rant niya sa ina.

Niyakap siya nito. "Kaya pala mukhang stress ka because of Damon. Honey, Damon is nice and he's great, he can protect you sa kahit kaninong kaaway. I know, may pagkaarogante siya pero subukan mo siyang kilalanin, he's a nice and cool," pagtatanggol nito. "A bodyguard has been taught to be like arrogant and ruthless person. Kasi kailangan nilang maging matapang and maging matigas ang puso para ipagtanggol ang kanilang mga pinuprotektahan."

Ngumuso si Savannah dahil sa pinagtatanggol ng ina niya ang lalaking iyon. "Pero, Mom I don't like having a bodyguard. I can protect myself alam niyo 'yan ni Daddy," giit niya.

Hinaplos ni Vivian ang buhok niya. "We know, Honey pero kailangan naming makasigurado na ligtas ka dahil hindi natin alam kung sinong gagawa ng masama sa iyo. You're Daddy was just being worried and concern." Kaswal itong ngumiti. "Sige na, baka magtampo ang Daddy mo kasi hindi ko siya agad pinuntahan," natawa pa ito.

Bumitaw siya sa pagkakayapos sa ina at ngumiti. Niyakap pa uli siya nito at hinalikan sa tuktok ng buhok bago siya iwan sa sariling silid. Pinagmamasdan lang niya ang paglayo nito. Kahit pa paano'y nakaramdam siya ng comfort mula sa ina pero hindi iyon sapat, kailangan pa niya ng cupcakes para tuluyang mapawi ang lungkot niya.

Bumaling si Monica sa litrato at nilapitan iyon. Marahan niya iyong itinayo. Saglit pa niyang tiningnan ang larawan, bago nagpasiyang pumunta na sa bathroom para maligo. Kailangan niya ng malamig na tubig dahil hindi maganda ang naging araw niya.

Naramdaman niya ang ginhawa nang lumapat sa katawan niya ang malamig na daloy ng tubig mula sa shower na nanunuot sa balat niya. Marahan niyang hinaplos ang hubad na katawan habang nakatingala siya. Napayuko si Savannah nang dumampi ang mga palad niya sa parteng bakok niya. Masuyo niyang dinampian ng mga palad ang isang birthmark roon na para bang isang buwang bilog na nakaangat sa balat niya kaya nakakapa iyon.

Ilang saglit pa siyang nag-stay sa bathroom bago nagpasiyang tapusin ang kaniyang paliligo dahil hindi na siya makapaghintay na kumain ng cupcakes. Agad siyang nagbihis at pinatuyo ang sarili. Humarap siya sa malaking salamin na sapat ang kabuuan niya para makita roon. Nang makita niyang maayos na siya, nagpasiya na siyang lumabas ng silid.

"Your Dad wants you to go to his office." Bahagya siyang napaatras nang marinig ang boses ni Damon. Muntik pa siyang mapasigaw dahil sa gulat. Nakita niya ito na nakasandal sa wall, sa gilid ng pinto ng silid niya. Saglit lang siya nitong tiningnan. "Kung magtatanong ka kung bakit, don't try to ask me dahil hindi ko alam ang dahilan." Tumalikod na ito at naglakad palayo habang nasa bulsa ang kamay nito.

Naiwan si Savannah na kunot ang noo dahil wala siyang ideya sa dahilan ng kaniyang ama. Napakamot siya sa batok at napabuntong-hininga dahil kanina pa niyang gustong kumain ng cupcakes pero hindi niya magawa. Nakasimangot na naglakad siya patungo sa office ng ama sa bahaging dulo ng hallway.

"Why, Dad?" walang emosyong tanong niya sa ama nang pumasok siya sa silid nito. Nadatnan niya roon ang ama na si Greg at ang kaniyang ina na agad siyang nginitian.

Ngumiti sa kaniya si Greg. "Have a sit, Honey," anito at tiningnan ang upuan sa tapat nito. 

Kumunot ang noo niya dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa dahilan nang pagtawag ng kaniyang ama sa kaniya. Dahan-dahan siyang umupo habang may tanong sa hitsura ng mukha niya.

"Me and your Dad have to discuss something about you and your future, Honey," sabi naman ni Vivian na nasa tabi ng kaniyang ama.

Mas lalong kumunot ang noo niya at kinabahan sa ibig nitong sabihin. "Future, Mom? I think we don't need to talk about it, 'cause we know what my future would be. Secured na ang future ko with our savings, our company," aniya. Tiningnan niya ang mga magulang na nagtataka.

Nagkatinginan ang Daddy at Mommy niya. "Alam namin, Honey, that's why we made your future secured dahil nag-iisa ka lang na anak namin ng Mommy mo and we've always wants better future for you." Seryoso lang ang mukha ni Greg na bakas doon ang kagustuhan nitong maging maayos ang buhay niya.

"Tama ang Daddy mo at masisigurado lang namin na secured ang future mo, when we know that you're in the right people, a right man for you that would help you in life, in managing our companies."

Bahagyang napakiling si Savannah sa narinig at tila alam na niya ang sunod na sasabihin ng mga ito. "What do you mean, right man for me, 'Ma?" kinakabahan niyang tanong.

Nagkatinginan ulit ang mag-asawa, tumango ang kaniyang ama bago humarap sa kaniya ang mga ito. Tumayo sa pagkakaupo ang ina niya at lumapit sa kaniya. Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya nang umupo ito sa tabi niya.

"Honey, huwag mong isipin na pinanghihimasukan namin ang buhay mo dahil ang gusto lang namin, kapag nawala man kami, nasa tamang tao ka at mamahalin, aalagan ka na kagaya ng ginagawa namin sa iyo," seryosong ani Vivian na nangungusap ang mga mata. Tiningnan nito ang kamay niya at marahan iyong pinisil bago nag-angat ulit ng tingin. "We decided to arrange your marriage, Honey."

Parang napantig ang tainga niya sa narinig mula sa kaniyang Ina. Pakiramdam niya'y nabingi siya at hindi agad naproseso ng utak niya ang narinig. Hindi siya nakaimik at napaawang ang bibig habang nakatingin lang sa ina.

"Hindi madali sa amin ang desisyong ito, Honey pero I believe it would be the better decisions for you, for your future. At least, kilala namin ang lalaking pakakasalan mo at hindi kung sino lang na lalaki ang makukuha mo," segunda naman ng ama niya na parang may gustong ikahulugan.

Nang maproseso niya ang narinig napangisi siya. "Wait, I don't get it, Mom bakit kailangang kayo ang mag-arrange ng kasal ko? I'm on my age to decide in that matter at hindi niyo ako kailangan pangunahan," inis na dahilan niya. Napapikit saglit ang Ina niya.

"I know, Honey alam namin ang kapasidad mong magdesisyon pero this time, we want the best for you. This is not about us, it's about you, for your future," giit ni Vivian.

"Nagdesisyon na kami ng Mommy mo and it's final, Savannah and you can't do anything about it," maawtoridad na sabi ni Greg. Alam na ni Savannah ang tono nito at kapag tinawag na siya nito sa totoong pangalan, wala na siyang magagawa dahil hindi lang ito ang unang beses na ginawa nito ang ganoong bagay.

Walang emosyon na tiningnan niya ang ama. Umiling siya. "Sino ang lalaking ipakakasal ninyo sa akin?" hindi interesadong tanong niya.

"He is Killian Lozano, I know you know him at siya ang lalaking dapat mong pakasalan, hindi ang kung sino'ng lalaki lang," mariing sagot ng kaniyang ama.

Kilalang-kilala niya si Killian dahil anak ito ng isang bilyonaryong negosyante na kasusyo ng kaniyang ama. Gwapo at matipuno ang huli pero hindi niya ito gusto dahil bukod sa mayabang ito, wala rin itong respeto sa ibang tao, lalo na sa mga taong nasa baba niya sa estado.

Umiling siya habang bakas ang pagtutol sa mukha. "No, Dad, hindi ako magpapakasal sa lalaking iyon o sa kahit kaninong hindi ko naman mahal," lakas-loob na giit niya. Alam niya ang kayang gawin ng ama niya kung tututol man siya pero hindi siya papayag na ikasal sa hindi niya mahal. Napatiim-bagang siya. Tumayo siya sa pagkakaupo at seryosong tiningnan si Greg. "Pinakialamanan niyo na noon ang buhay ko, ang sarili kong puso pero sa pagkakataong ito, Dad, hindi na ako papayag. I have my choice whether I will get married or not." Pagkasabi niyon, tumalikod siya at marahas na humukbang palabas ng silid. Pero nang akmang bubuksan na niya ang pinto, napahinto siya dahil sa sinabi ng ama.

"You know what I can do, Savannah kaya sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka."

Umirap siya. Nangalit ang mga ngipin niya, saka tuluyang binuksan ang pinto at lumabas doon kasunod ng pagtulo ng luha sa mga mata niya. Nakita niya si Damon, 'di kalayuan sa kaniya. Pinahid niya ang luha sa mga mata. "Please, Damon don't follow me kung ayaw mong mapahamak," banta niya rito nang akmang susundan siya. Mas binilisan pa niya ang lakad. Gusto niyang makalayo sa bahay na iyon dahil pakiramdam niya'y sinasakal na naman siya.

Hindi siya papayag na muli na namang pakialamanan ng pamilya niya ang kaniyang puso at ang gusto niyang gawin. Ginawa na nila iyon noon at hind na niya hahayaang maulit iyon.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Anu ba Ang mga magulang mo Savannah pinipilit ka nila sa ayaw mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status