"Good evening, Mr. Sermiento. Nice too see you again." Bati ng isang ginoo kay Karlos habang nagkakamayan silang dalawa.
Kasalukuyan kaming nasa isang engrandeng okasyon. Hindi nabanggit sa akin ni Karlos kung saan kami tutungo, basta ang sinabi lang niya ay may pupuntahan daw kaming espesyal na okasyon.Nilibot ko ng tingin ang buo naming paligid. Mukhang napakaespesyal nga ng gabing ito dahil hindi lang basta-bastang ordinaryong bisita ang mga dumalo sa okasyong iyon. Pasimple kong pinagmamasdan ang aming paligid at hindi ako masyadong gumagalaw dahil baka may makahalata na nakakakita na akong muli.Nagsuot ako ng itim na sunglasses dahil iyon ang binilin sa akin ni Ivan, medyo hindi kasi ako mahusay umakting kaya nag-iingat lang din siya.Pagkatapos niyang makipagbatian sa mga kakilala niyang negosyante ay kaagad din naman siyang lumapit sa akin at inakbayan ako sa akiKanina pa ako palakad-lakad at palingon-lingon sa aking paligid, habang hinahanap ko si Karlos. Nagpaalam kasi siya sa akin kanina na pupunta lang siya sandali ng restroom, ngunit halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya bumabalik. Iniisip ko na baka natangay na naman siya ng mga kakilala niyang negosyante o baka nakipagkuwentuhan na naman siya sa mga kasosyo niya sa negosyo.Subalit halos nalibot ko na yata ang buong hasyenda ay hindi ko pa rin siya nahahagilap. Nagpunta na rin ako sa men's restroom at inaabangan siya sa paglabas mula roon sa banyo, ngunit mukhang wala rin siya roon.Saan kaya siya nagpunta? bakit ang tagal naman yata niyang bumalik? Ang paglalayag sa aking isipan habang naglalakad ako at may hawak na metal stick pang-suporta sa aking paglalakad dahil kailangan ko pa ring mag-ingat sa bawat ikinikilos ko at dahil kailangan ko pa ring magpanggap na bulag
Dalawang taon ang makalipas magmula no'ng mamalagi ako sa ibang bansa kasama ang aking anak na si Emily.Pagkatapos ng dalawang taong iyon ay muli akong bumalik sa Pilipinas na kasama ang aming anak ni Karlos, upang ipakilala sa kaniya ang naging bunga ng aming pagmamahal nuon sa isa't-isa.Sapat na ang dalawang taong iyon upang makaipon ako ng lakas ng loob at ipagtapat sa kaniya ang matagal ko nang itinatago sa kaniya. Nakipagkita ako sa kaniya sa isang private restaurant upang makipag-usap sa kaniya ng masinsinan. Habang naglalakad ako papunta sa pinareserve niyang table ay natanaw ko kaagad ang pamilyar na mukha ng isang babaeng katabi niya.Nakasuot akong puting off-shoulder blouse at simpleng black-trouser na may five inch heels na suot sa aking paa, habang maayos namang nakaipit ang mahaba kong buhok na taas-noong naglalakad papunta sa kanila. "Alona." Ang unang salitang narinig ko mula kay Karlos na
Makalipas ang isang taon pagkatapos naming makapag-usap dalawa ni Karlos ay nabalitaan ko na lamang na isinuko niya ang kaniyang sarili na kasama si Shaina, pagkatapos niyang makapanganak. Nalaman ko rin na pinaubaya niya ang kanilang anak sa mas ligtas na lugar, sa isang bahay-ampunan. Kung saan nangako sila sa mga tagapagbantay doon na babalikan nila ang kanilang anak pagkatapos nilang malinis ang mga kasanalang nagawa nilang dalawa. Pinaubaya rin niya sa kamay ng mga owtoridad ang tungkol sa USB na ibinigay ko sa kaniya na may nilalamang ebidensiya tungkol sa mga krimeng ginawa ng sarili niyang ama na si Henry Sermiento at kasama na roon ang anak nito sa labas na si Jake. Maraming kaso ang kinakaharap nila ngayon at unti-unti ring bumagsak ang sarili nilang kumpanya. Bukod pa roon ay marami rin silang nahanap na ebidensiya na magpapatunay sa krimeng ginawa
"Magandang gabi, ginoo at ginang." Binati ni Karlos ang mag-asawang negosyante at may-ari ng malaking hacienda na kinatatayuan nila ngayon.Kasalukuyang ipinagdiriwang ang ikadalawampu't limang kaarawan ng kanilang unica hija na si Alona Desepeda. Kilalang maganda, balingkinita ang katawan, matalino, nag-iisang tagapagmana ng Marcaida at isang mahusay na ballerina.Ngunit sa kabila ng perpektong katangian nito, kabaligtaran naman ang pag-uugali na mayroon siya. Siya ay hambog, pilya, spoiled-brat, matalas ang dila at mababa ang tingin sa mga lalaking gustong angkinin ang kaniyang puso. Naniniwala siyang yaman o pera lang ang gusto nila mula sa kaniya. Kaya magpahanggang ngayon ay wala pa rin siyang mapili na mapapangasawa niy, kahit marami naman ang manliligaw niya at pumipila sa kaniya.Ang mag-asawang Desepeda na lamang ang kusang-loob na maghanap ng lalaking makakatuluyan nito. Nag-aalala lang sila na baka hindi na ito makapag-asawa pa sapagkat napakapihikan nito, lalo na pagdating
Sa kabila ng paglalakad ni Alona at panlalabo ng mga mata dahil sa namumuong luha, bigla niyang nabangga ang binatang waiter na may hawak na tray ng baso ng alak. Kaya naman, nabitawan niya ito at nabasag sa sahig.Dahil dito, naagaw niya ang atensyon ng kanilang mga bisita. Lumingon ang mga ito sa kanila at tumingin sa kaniya.“Pasensya na po, Ma'am. Hindi ko po talaga sinasadyang mabangga ka,” paumanhin ng waiter sa kaniya habang pinupulot at nililinis ang mga nabasag na baso.Hindi makagalaw ang dalaga. Nalilito siya kung ano ang gagawin niya at tila umiikot ang paningin niya. Napansin kaagad siya ni Ivan kaya nilapitan niya ito at hinawakan sa braso."Ms. Alona, okay ka lang ba?" nag-aalala niyang sabi habang sinisiguradong wala siyang sugat o galos na natamo sa katawan.“Ivan,” mahinang sambit ng dalaga. Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang umakyat ang kaniyang ama sa entablado at kinuha ang kanilang atensyon."Atensyon sa lahat ng mga naggagandahang dilag at mga ginoong dumalo sa
Nakabalot ng benda ang mga mata, ulo, braso, at binti ni Alona. May mga neck braces din na nakakabit sa leeg ng dalaga.Sa ngayon, ang oxygen concentrator lang ang sumusuporta sa kaniyang katawan para mabuhay.Halos hindi niya maigalaw ang buong katawan niya at hindi rin siya makapagsalita. Para siyang bangkay na nakahiga ngunit humihinga pa rin at gising na gising ang kaniyang diwa.Nanginginig na lumapit sa kaniya si Ivan at mabigat ang bawat hakbang niya. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata at hindi siya makapaniwala sa sinapit ng dalaga.Pero hindi siya gaanong nakalapit kay Alona dahil biglang dumating ang magiging asawa niyang si Karlos. Binangga pa siya nito sa balikat, pero hindi na lang niya ito pinansin.“Alona! naririnig mo ba ako?" sabi niya na may pag-aalala. Dahan-dahang ginalaw ng dalaga ang isang daliri niya at nakita ito ng dalawang binata.Napangiti si Karlos at napaluha, sabay halik sa kamay niya. Tumalikod na lang si Ivan at lumabas sandali ng kuwarto.Bumuga
Habang walang tao sa loob ng silid ni Alona ay pumasok naman sa loob si Ivan at maingat niyang sinara ang pintuan upang hindi niyang magising ang dalaga sa pagkakaidlip.Dahan-dahan din niyang inilakad ang kaniyang mga paa palapit kay Alona at saka siya huminto sa harapan nito habang pinagmamasdan ang napinsalang katawan nito dahil sa aksidenteng nangyari sa kaniya.Halos tumulo ang mga luha niya sa gilid ng mata, lalo na nang umakyat ang tingin niya sa mukha ng dalaga na kasalukuyang nakabalot naman ng puting benda ang buong mukha nito."Patawad kung nabigo kita at hindi kita naprotektahan. Pero sisiguraduhin ko na pagbabayaran ng taong iyon ang ginawa niya sa'yo," mahina ngunit mariin niyang sinambit sa kaniyang bibig habang nakakuyom ang dalawa niyang kamao.Tila gumalaw naman ang hintuturong daliri ng dalaga sa kaliwang kamay niya at napansin din naman iyon kaagad ni Ivan, kung kaya't bigla siyang natahimik at napatingin sa mukha ng dalaga. Batid niya na narinig ni Alona ang mga si
Pagkatapos maiparada ni Ivan ang kaniyang sasakyan sa parking lot ay apurahan naman siyang sumakay ng elevator. "Sandali lang!" saktong pasara na ito, pero mabuti na lang at naabutan pa niya."Salamat," aniya nang makapasok na siya sa loob at pinindot ang number button sa may gilid. Halos hindi naman siya mapakali at panay din ang pagtingin niya sa kaniyang relo. Hanggang sa napukaw ng atensyon niya ang isang misteryosong tao na nasa likuran niya. Tangging silang dalawa lamang ang nasa loob ng elevator at napansin niya sa reflection na nasa kaniyang harapan ang taong nakatayo sa likuran nito habang nakamasid sa kaniya. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa, pabalik. Nakasuot siyang jogger na itim, nike rubber shoes at black- hoody jacket na natatakpan naman ang kaniyang mukha.Hindi niya matukoy ang itsura nito dahil sa hoody jacket na nakatakip sa kaniyang ulo at mukha. Ngunit sigurado naman siya na