Share

Kabanata 1

KABANATA 1

MYCA’S POV

“You will regret everything if you don’t marry me, Myca,” Farish said using his most authoritative and warning voice.

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko siguro kailanman maiintindihan ang mga lalaking katulad niya. Kung paano niya nasasabi sa akin ang bagay na iyan ay hindi ko maintindihan kung ano ba ang gusto niyang ipunto. Bakit ko naman pagsisisihan ang hindi maikasal sa kanya? Mas matutuwa pa nga ako eh!

I rolled my eyes heavenward. “Nahulaan mo ba na ikaw ang future ko?” sarkastiko kong tanong sa kanya.

Mukha na siyang nagngingitngit ngayon sa galit. Gusto ko na agad umalis sa lugar na ito. I can sense his anger as if I have stamped on his big ego and pride. Pero wala akong pakialam kahit pa magwala siya rito. Hindi ako plastik na tao kaya ipapakita ko pa rin sa kanya ang aking pagkadisgusto. Ang mahalaga ay naprangka ko sa kanya ang lahat. Hindi niya ako masisisi kung ayaw ko sa kanya at kung bakit ganito ako umakto sa harap niya.

“Alam mo, Farish. Nakakatawa lang isipin na gusto mong magpatali sa isang katulad ko gayong hindi ka naman nabubuhay kung isa o dalawang babae lang ang naikakama mo araw-araw. I will never marry you just because our parents think that we will have a happy life. You disgust the hell out of me. Kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na sayo na hindi ko kailanman maaatim na makita ‘yang pagmumukha mo araw-araw.” I gritted my teeth.

Sinamaan niya ako ng tingin. “Kaya kong magbago para sayo,” seryoso niyang sambit.

“Pero kaya ko bang magbago para sayo? Hindi, Farish. Kahit pa ang mundo ang subukan mong angkinin para sa akin ay hindi ako matutuwa na ikaw ang maging katuwang ko sa buhay.” Tumawa ako nang malakas. “You know what? It would be better if we don’t see each other again. Marami pa ang mga babaeng puwede mong pagpilian. What about the girl earlier? Isn’t she a good kisser? I really think you will match each other well.” I smirked at him to annoy him even more.

Kahit pa isumbong niya ako kay mama ay hindi ako matitinag. Hindi ko pa alam kung ano ang magandang gagawin ko para makumbinse ko si mama at papa na hindi ko gustong magpakasal sa kahit sino mang malayong kamag-anak namin. I don’t care if that is part of their traditions. Naiisip ko pa lang ang kahahantungan namin ni Farish ay para na akong masusuka. I don’t think we will be happy with each other’s company. I know myself too well. Hindi ko kailanman hahayaan ang sarili ko na isubo at lunukin ang pagkain na hindi ko naman gusto kung alam kong maisusuka ko lang din naman. I thought I will have my own freedom after I become an adult. But I was disappointed to know that my parents will still force me to marry someone from a distant relative. This is beyond force marriage.

“Do you think this marriage will only benefit me? This is for your own good sake. Alam mong magkakaroon ka ng malas na buhay kapag hindi ka sumunod sa tradisyon natin. Even if you marry the man you love, you will only live in despair.”

Pinagtaasan ko lamang siya ng kilay. Hindi nila ako matatakot. Mamumuhay rin naman ako nang malas na buhay kung sa kanya ako ikakasal. Kaya ano namang ipinagkaiba nun kung pareho akong magdudusa kung pipili ako ng isa sa dalawa? Ang kaibahan ay kahit kunti ay makakaramdam pa rin ako nang saya dahil kahit papaano ay kasama kong namumuhay ang taong mahal ko. Maybe I should try dating men now so that I can find the future love of my life. Tignan ko lang kung maging malas pa ba ako sa buhay.

“Save that belief to yourself. Kahit ano pang sabihin mo ay hindi ako papayag na magpakasal sayo. Itaga mo ‘yan sa bato, Farish!” I said with finality to end our conversation and then I stood up and left him there dumbfounded.

Masama ang pakiramdam ko sa mga sumunod na araw. Bukod sa hirap kaming humanap ng mga aplikante na may experience na sa pagtatrabaho sa isang resort ay araw-araw akong ginagambala ni mama sa opisina ko. Even papa would always try to ruin my night just to remind me that I still have to attend to that grand family gathering and choose the man I will marry. Hindi na lamang ako nagsasalita dahil ayaw ko na mawala sa isip ko ang mga plano ko sa bago kong resort at mapalitan ang isip ko ng ibang isipin. I have to focus more on my resort and stay positive for the rest of the month until I am able to forget my deepest nightmare.

Matuling lumipas ang mga araw at buwan at hindi na ako ginagambala nina mama at papa dahil akala nila ay susunod ako sa kagustuhan nila dahil sa aking pananahimik noon. Kaya naman ay masaya rin ako nang mas dumami ang sumusubok sa resort ko at naging sikat na rin sa ibang mga tao na karamihan na ngayon sa mga pumupunta rito ay mga foreigners. I made some changes and added some exciting and adventurous activities on my resort to satisfy my costumers. In that way, they will leave positive feedback and other people will get attracted.

“We will visit there next month. Napag-usapan namin ni Aamon na mamalagi muna sa Pilipinas sa loob ng tatlong buwan para ang kompanya ko naman ang pagtuunan ko ng pansin. By then, we can go out even just for a day. I miss you so much, Myca,” nakangiting sagot sa akin ng kaibigan ko.

I smiled widely at her words. Iniba ko ang anggulo ng camera ko para maayos niyang makita ang magandang tanawin dito sa resort ko sa Manila. Now I am facing the hotel while my background is the beautiful ocean. At least I will have a peaceful life even just for a day. Allison is the very definition of peace and tranquility so I know that I will be relaxed when she is near me.

“Siguraduhin mo lang na darating ka kahit wala akong pasalubong galing sayo,” sambit ko.

Tumango-tango naman siya. “Oo naman! Just make sure that you will give us the best room in your resort.”

I grinned. Haynaku, ang saya sigurong magkaroon ng malayong buhay. Hindi ko maiwasang pangarapin minsan na magkaroon ako ng buhay na katulad ng sa ibang tao. Siguro nga ay iba-iba ang tadhana ng bawat tao at iba-iba rin minsan ang insekuridad na nararamdaman nila sa buhay. Ngumiti na lamang ako kay Allison. I can’t help it but space out for a little while.

“Excuse me, sinusubukan mo ba akong kunan ng pictures?”

Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa harapan ko. Ibinaba ko ang cellphone ko at tiningala kung sino iyon. Napatulala ako sa kanyang mukha nang mga ilang minuto dahilan kung bakit ko siya nakitang nag-ngising aso at tumawa na para bang nakakatawa ang ginagawa ko. I just felt my heart thumps faster. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Nakatayo lang naman sa harapan ko ang crush ko. Bigla akong namula kaya pinaypayan ko ang sarili ko.

“I’m sorry. What were you saying?” medyo kabado kong tanong nang makabawi ako sa pagkagulat.

Itinuro niya ang cellphone ko. Napatingin naman ako roon bago siya balingan ng tingin ulit na suot ang lito kong mukha.

“I know that I am handsome but isn’t it too rude to take pictures of me without my consent?” he stated on his arrogant voice.

GANITO PALA ANG ISANG IAN TESSIMOND! GRABE KUNG MAKAPAG-EXPECT SA MGA BABAE? AKALA NAMAN NIYA AY KAYA NIYANG KUNIN LAHAT NG ATENSYON NG MGA BABAE!

My face turned cold after hearing his words. Napangiwi ako dahil hindi ko makuha noong una kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero nang mapagtanto ko na mukha ngang may kinukuhanan ako ng litrato kanina dahil sa pagkaka-anggulo ng cellphone ko ay hindi ko mapigilang mapanganga.

“You are wrong. I was having a video call with my best friend and I am angling my phone to have better a view of this ocean,” I reasoned out with my calm voice.

“Really? I know girls move too well. Marami nang babaeng ganyan ang ginamit na paraan para kunin ang atensyon ko. Now you have my full attention, Miss.” He smirked and combed his hair using his fingers.

How unbelievable! I got turned off… a little. Tumawa ako nang sarkastiko at inirapan ko siya. I can’t believe myself that I actually have a thing for him. Kung hindi ko lang alam na ganito na talaga siya ay baka kanina pa ako nakikipagsigawan sa kanya. I first saw him on my best friend’s wedding day. He is one of the cousins of Aamon, Allison’s husband. Plus we have hang out before because Allison invited me when they had a night out party in Washington. Crush lang naman ang meron ako sa kanya. But it irritates me because it’s true that he can get anyone’s attention. Gwapo siya at matipuno. Hindi lang maipagkakaila na playboy siya. Palagi iyan ipinapaalala ng kaibigan ko sa akin. Can you believe it? I hate playboys but I have a crush on him. Kahapon lang siya nag-check in kasama ang isang babae. At ngayon lang kami nagkita.

“Kung ayaw mong maniwala ay tignan mo ito,” inis kong untag at inangat ang cellphone ko para ipakita sa kanya si Allison na nasa kabilang linya.

Medyo nagulat siya sa kanyang nakita pero nang makabawi ay humalakhak siya. Kumunot naman ang noo ko.

“You have a nice and sexy body, Miss. But you don’t have to show me that to let me forget what you did earlier.”

Nanlaki ang mga mata ko. It dawned on me that I am almost naked on my home screen wallpaper! Pinatay pala ni Allison ang video call namin! Para akong nanlamig. Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha ko. Goodness, Myca Fortezo, anong kahihiyan itong ginawa mo? Agad kong itinago ang cellphone ko sa likod ko.

“This is a mistake! Pinatay ni Allison ang video call namin!” pagdepensa ko sa sarili ko.

“Whatever you say, Miss.” He still has that irritating grin on his face!

“Don’t call me miss! I am Myca!” inis kong sambit dahil kilala naman na niya ako.

“Can I call you baby instead?” Mas lalo siyang ngumisi.

Sinamaan ko siya ng tingin. Padabog akong umalis sa harapan niya dahil hindi ko matagalan ang makita siyang nakangising aso! Naiinis ako na nahihiya. I don’t want to see him anymore. Hindi ko na siya crush magmula ngayon!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status