Share

Kabanata 2

KABANATA 2

MYCA'S POV

Akala ko ay walang madadagdag na sakit ng ulo sa buhay ko. I am already aware of how boring my life to other people. I always work and work and all I think about is my resorts. Kung pwede lang pakasalan ang trabaho ay noon pa lang ako nagpatali. Pero hindi ganoon ang buhay. I am trying my best to intermingle with everyone. That is the most crucial thing I need to learn for the sake of my business. Kaya kahit ayaw kong nakikisalamuha sa iba para magkaroon ako nang tahimik na buhay ay hindi ko naman mapigilan ang aking sarili.

Busangot ang mukha ko habang binabasa ang mga feedback ng naging customers namin kahapon. Even if they left positive feedbacks and gave my resort a four star rating, I can't bring myself to smile because of what happened a while ago. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na mainis at mahiya rin nang sabay. Padabog kong kinuha ang cellphone kong nasa gilid lang ng table at agad na pinalitan ang home screen wallpaper ko. Pahamak! I am not lending my phone to anyone because of my previous home screen wallpaper but I never imagine like that to happen to me! That was a total embarrassment.

*knock* *knock*

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok.

"Come in."

Pumasok naman si Gigi na suot ang kanyang masiglang mukha.

"Ms. Fortezo, dumating na po ang banda na inimbitahan niyong tumugtog ngayong gabi," aniya.

Umaliwalas ang mukha ko sa kanyang ibinalita. Everyone will go wild tonight cause I just invited the top band in the Philippines with more than a hundred of top hit songs. Pampadagdag pang-akit ito sa mga tao dahil may pub ang resort ko. This is normal but not every resort would likely to spend money to invite a popular band to add more attraction to the resort's customers.

Tumayo ako at inayos ang laptop ko para makalabas na at mapatuloy sila.

"Naihanda na ba ang room na tutuluyan nila?" tanong ko pagkatapos ayusin ang sarili.

"Opo."

Tumango ako at lumabas na sa opisina ko. I feel a little light as I walk towards the lobby. Medyo nagkakagulo na dahil sa ibang mga tao na gustong magpa-picture sa bawat myembro ng Solstice Boyband. But it didn't prevent me from drawing near to them. Nang makita kasi ako ni Kenji, ang leader nila, ay tumayo siya at naglakad nang dalawang beses para salubungin ako. I actually know Kenji. He is my batchmate in college and he always visit my resort whenever he's got free time. Siya na ata ang naging unang suki ko sa naunang resort ko na nasa Palawan bago pa sumikat ang banda nila.

"Welcome! Thank you so much for honoring my invite, Ken," paunang bati ko.

"Don't mention it. This is actually a good idea so we can relax. Good thing manager didn't ask us to decline your invitation. I told him that you are a rising business tycoon and that we actually know each other," sagot naman niya at ngumiti.

May mga narinig akong tumili dahil sa kilig nang makita ang ngiti ni Kenji. Napakamot naman ako sa aking batok. We are drawing too much attention.

"Let me lead you to your room. Magpahinga na muna kayo at pwede rin na maligo muna kayo sa dagat. Mamayang gabi pa naman kayo tutugtog kaya mas mabuting mag-relax muna kayo." At tulad nga ng sinabi ko ay iginiya ko sila sa silid na para sa kanila.

Iniwan ko na lang muna sila para magkaroon sila ng oras na magpahinga. I visited the tavern just kilometers away from the hotel. Good thing my staffs are doing their job well. Maayos na rin ang pagppwestuhan ng banda mamaya. Medyo tumagal muna ako roon dahil nilapitan ko ang mga kakilala ko.

"You really are a busy person, Myca. Minsan naiisip ko kung paano mo nakakaya na mamahala ng isang resort na ikaw lang. Wala ka pa bang balak na mag-asawa para naman may makatulong sayo sa pamamahala ng resorts mo?" namamanghang sambit ni Vina, isa rin sa mga suki ng unang resort ko.

Tumawa ako sa kanyang sinabi. Even though I am managing two resorts at the same time, I never let myself think that I am having a hard time from maintaining everything and that I need someone's help. Mas lalo lang akong nag-e-enjoy sa ginagawa ko. I love what I am doing.

"Naku, Vina. Hindi ko pa kailangan ng asawa. Kaya ko naman ang pamahalaan ang dalawang resort ko na ako lang. It's not the matter of how you are having a hard time dealing with them, it's how you manage your time and your business." Ngumiti ako sa kanya.

She raised her glass of vodka as if calling for a toast. "You are amazing! Cheers to your persistent success!"

I chuckled. "Thank you, Vina."

Kadalasan ay nakakagaan ng pakiramdam ang makipag-usap sa ibang tao. Kaya siguro nakasanayan ko na rin na magpatrol araw-araw para makita kung maayos ba ang lahat ng customers namin at kung natutuwa ba sila. Isa rin siguro sa naging dahilan kung bakit dumami ang mga customers na paulit-ulit na pumupunta rito ay dahil sa pagtrato ko sa kanila. I am busy every single day. Saka lang ako nagkakaroon ng free time kapag tapos ko nang tignan ang lahat ng dapat kong i-monitor. Tumutulong din sa akin si Gigi at magaling naman ang in-assign ko sa finance kaya hindi ako ganoon nahihirapan sa trabaho ko.

Kinagabihan ay nag-ayos ako. I wear my comfortable attire so that I can join my customers in the pub and also to accompany the Solstice Boyband too. Sa labas pa lang ay kitang-kita ko na na ang daming taong nandoon na kahit hindi pa nagsisimulang tumugtog sina Kenji. The bartenders are busy serving liquors to the customers. I am wearing a white knot front top and a draped skirt. Pinaresan ko na lamang ito ng itim na flat sandals para hindi sumakit ang paa ko sakaling maisipan kong magsayaw at makisabay sa ibang nandito. Bahagyang nakalugay ang mahaba at tuwid kong itim na itim na buhok.

"Hello, mic test."

Umingay ang mga tao dahil sa ginawa ni Ken. Mukhang magsisimula na sila. Napangiti ako at dumiretso sa pinadulong bahagi ng bar stool, medyo malapit lang sa mini stage kung saan nakatungtong ang buong banda. Natatawa kong pinanood ang mga tao na nagsimulang pumwesto sa gitna para sumayaw dahil magsisimula na talagang tumugtog sina Kenji.

"Ma'am, do you want to drink?" kalabit sa akin ni Fredo, isa sa mga bartender ko.

Nilingon ko siya at inilingan. "Siguro mamaya na lang ako iinom," sagot ko kahit hindi naman ako sigurado.

"No hard liquor po, ma'am, ah? Mukhang hindi pa naman kayo sanay na uminom base sa nangyari noong nakaraan." Napakamot siya sa kanyang batok.

I chuckled when I remembered what Gigi told me last week after my hangover. Hindi talaga ako sanay na uminom. Sinubukan ko lang na uminom noong nakaraan dahil naakit ako ng amoy ng pinaghalo-halong amoy ng alak dito sa pub. Naging sakit ng ulo pa ako ni Gigi dahil sa nangyari. Nangangalahati pa lang ako sa isang baso ay nalasing na ako.

"Don't worry. I kind of hate the bitter taste of alcohol. Siguro ay dahil sa hindi ako sanay na uminom."

Tumango-tango naman si Fredo at nagpaalam para asikasuhin ang ibang customers. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa harap. Sumasayaw na ang lahat. Mabuti naman at nag-e-enjoy sila. Nanatili ako sa aking kinauupuan habang pinapanood ang mga tao. Ilang minuto na siguro ang lumilipas.

"So this is where I can find you, huh?"

I was so focused on the people who are dancing on the dance floor that I didn't notice someone has occupied the seat beside me. Sinulyapan ko kung sino iyon at nagulat ako nang makita ko ang ngiting-ngiting si Farish. Lumamig ang aking mukha at naramdaman ko na agad ang pagkulo ng aking dugo.

"What are you doing here?" I asked him coldly.

He smirked. "Masama bang pumunta ako rito? Sa tono mo pa lang ay parang binubugaw mo na ako, Myca. This is a resort so everyone is welcome here, right?"

Mariin kong itinikom ang aking bibig nang ilang segundo. Mukhang magsisimula na namang manggulo ang isang ito. I will probably have nightmare tonight. Naalala ko na naman na malapit na ang family gathering namin.

"Talaga, Farish? Alam kong wala kang oras para magliwaliw sa ganitong lugar lalo na at may bago kang proyektong pinamamahalaan."

Mukhang nagulat at namangha siya sa sinabi ko. Inirapan ko siya. He might get it wrong but I only know that information about him because I have read it online. Sikat pa naman siyang businessman sa buong ASIA.

"Napag-isipan mo na ba nang mabuti ang lahat?" tanong niya na alam ko agad kung ano ang gusto niyang iparating.

Tungkol na naman sa kasal ang sisira sa gabi ko ngayon. I gritted my teeth to suppress my anger. Wala bang katapusan ang bagay na ito kung hindi ako susunod sa kagustuhan nila?

"Wala na dapat tayong linawin pa. Nilinaw ko na sayo noong huli nating pagkikita na ayaw ko at hindi ako papayag. Unless you are that stupid to hardly comprehend a simple statement," mariin at matigas kong sambit.

Hindi siya nakapagsalita agad. I thought he will try to argue with me. Pero hindi siya nagsalita. Inulit ko sa kanya ang sinabi ko noon at inulit niya rin ang sinabi niya noon sa akin na magkakaroon ako nang malas na buhay kung hindi ako susunod sa tradisyon namin. I was about to throw him another counterclaim but we were interrupted by someone who can't just seem to be happy on his own without stealing everyone's attention.

"Hi, Miss. Wanna dance with me?" singit ni Ian sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Farish.

Matutuwa na agad ako kung ibang tao ang nag-aya sa akin para na rin makatakas ako kay Farish. Pero isa ring hindi nakakatuwa itong lalaking ito! Sinamaan ko ng tingin si Ian. Nakangiti lang siyang nakatayo sa harap ko. Sinulyapan niya lang si Farish na para bang minamaliit niya ito na hindi niya man lang ako nagawang isayaw sa dance floor.

"Ian, let's dance more, please?" Sumunod pa sa kanya ang tatlong babae niya na kinukukit siyang sumayaw pa sila ulit.

Uminit lalo ang ulo ko. What the hell is this curse in my life? Bakit pa ako makakakilala ng mga taong ganito?

"Bakit, Ian? Balak mo ba akong idagdag sa mga babaeng kinokolekta mo? Magsayaw ka na lang ng isang libong manika!" inis na inis kong singhal sa kanya at padabog na tumayo para ewan sila roon.

I went out of the pub wearing my irritated look. Tumigil ako sa kalagitnaan ng paglalakad ko para huminga nang malalim at para lumanghap ng sariwang hangin. Kinalma ko muna ang sarili ko bago magpatuloy sa paglalakad patungo sa hotel. Pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay may biglang humigit sa akin at pinaharap ako sa kanya.

"Ano ba?!" galit kong sigaw sa kung sinong gumawa nun sa akin.

I was stunned to see Ian standing in front of me. Medyo nawala ako sa aking isipan dahil ang lapit-lapit ko sa kanyang katawan. Ipang pulgada na lang ang pagitan naming dalawa.

"Ginugulo ka ba ng lalaking iyon?" tanong niya sa akin na mukhang tinutukoy ay si Farish.

Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa aking siko. Agad naman niya akong binitawan na para bang alam niya na allergic ako sa hawak niya.

"Hindi. Nag-uusap lang kami ni Farish," sagot ko sa kanya.

Kahit na ayaw ko rin ng presensya ng lalaking iyon ay ayaw kong aminin iyan kay Ian.

"Kilala mo siya?" tanong niya ulit.

"Oo. Bakit ba?"

"I thought he is trying to ruin your night."

Kumunot ang noo ko. "Eh ano naman sayo kung gawin iyon ni Farish?"

He licked his lips. "I just thought I need to meddle with your heated conversations."

"At bakit naman?"

Hindi siya sumagot. Nag-iwas ako ng tingin. Maybe because he knew that I am Allison's bestfriend. Hindi niya naman siguro gagawin iyon kung ibang babae. Baka ang maging rason niya pa ay dahil gusto niyang makuha ang atensyon ng babae at isayaw siya sa dance floor.

"Sinundan mo ba ako para itanong ang bagay na iyan? You're just wasting your time." Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Magsasaya na sana ako na hindi niya ako kinausap ulit pero naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Tumigil ako at nilingon siya.

"Bakit ka sumusunod sa akin?" I raised my brow.

"Syempre pareho naman tayo ng pupuntahan, sa hotel," aniya at itinuro pa ang hotel sa hindi kalayuan.

Bigla akong pinamulahanan. Okay, he's got the one point this time. Nakakahiya naman na naisip ko pang sinusundan niya ako. Inirapan ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Binagalan ko na nga lang ang paglalakad ko para sana paunahin siya. Pero nang mapansin ko na hindi niya man lang ako nilalagpasan ay nilingon ko ulit siya.

"Are you doing this on purpose?" I asked him seriously.

"No."

"Ede mauna kang maglakad!"

I can almost hear a cricket after the long silence enveloped us. Pareho kasi kaming natahimik pagkatapos ng sinabi ko. I can't see his full expression right now. Nasa medyo madilim na parte kami ng resort. Medyo malayo kasi ang pinagtayuan ng pub para hindi makaisturbo sa mga taong nasa hotel kapag nagpapatugtog.

"Bakit ba palagi kang tunog galit kapag ako ang kausap mo?" bigla niyang tanong.

Hindi ko muna siya sinagot. Alangan sabihin kong mainit talaga ang ulo ko sa mga playboy na katulad niya.

"Ganito na talaga ako kahit sa ibang tao," sagot ko sa kanya makalipas ang ilang minuto.

"High blood ka ba o palagi kang may dalaw?"

Bigla akong napikon sa kanyang itinanong lalo na nang tumawa siya nang malakas pagkatapos nun. Ewan ko sayo, Ian! Mapudpod sana ang ngipin mo para hindi ka na makatawa pa!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status