ELIHA"Eliha, bakit wala ka pang anak? Wala bang gana sa 'yo si Keegan? O hindi mo siya mabigyan ng anak? Mahina kang nilalang kahit na makapangyarihan ka." Sabi ni Eli habang nagsisindi ng kandila. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisnge niya. She smiled and smirked at me. Sinampal ko siya nang malakas. "Kailan ka pa nagkaroon ng permiso para pasukin ang buhay namin ni Keegan? Ang pagkakaroon ng anak at hindi muna pagkakaroon ng anak ay dapat walang diskriminasyon. Ano bang alam mo? Isa ka lang namang hamak na basura sa paningin ko.""Alam mo?! Parang hindi ikaw 'yung Eliha na kilala ko. Hindi ka palaban!""Ibahin mo ako ngayon, Eli. Huwag kang papansin dahil hindi ka naman kapansin-pansin."Bumalik ako sa lamesa kung nasaan si Keegan pati sila ina at ama. Umiinom sila ng dugo.Inantay kong matapos si Keegan sa pag-inom. I also served blood for his parents."Keegan, gusto mo bang matuto ng martial arts? Naalala mo? 'Yung sinabi ko sa 'yo no'ng nakaraan!" hikayat ko habang yakap ang ka
ELIHAMasaya akong bumangon mula sa kama. Pero kumunot ang noo ko nang may makapa akong ibang katawan. Nang tingnan ko kung sino ay si Eli. Nasa gitna namin siya ni Keegan. Hindi ko napigilan ang aking emosyon. Kaagad kong hinila si Eli at ibinalibag ko. Masama siyang tumingin sa akin. Ngunit si Keegan ay hindi man lang nagising. "Anong klaseng mahika ang ginamit mo kay Keegan?!""Hulaan mo." Tumayo siya habang inaasar ako gamit ang mga mata niya. Inilahad ko ang dalawa kong kamay kaya mayroong lumabas na apoy. Gulat na gulat si Eli. "E-Eliha, h-hindi ko naman sinasadya na gamitan ng pampatulog si Keegan. Teka, gigisingin ko na siya."Mayroong ginawa si Eli. Mabilis namang nagising si Keegan. "Eliha, bakit hindi pa rin nawawala ang apoy sa dalawang kamay mo?" natatakot na tanong ni Eli. "Eliha, delikado ang apoy sa akin. Ano bang nangyari?" pagtataka ni Keegan. "Ang babaeng 'yan! Ginamitan ka ng mahika para matagal kang magising at tumabi pa sa pagitan natin habang tayo ay tulo
ELIHA"Kung sa mundo ng mga tao, ang masasama ay napupunta sa impiyerno. Ano sa tingin niyo ang mundo natin? Tinatapunan ba ng mga masasama o mabuti?" kuro ni ina. Napakaganda niya talaga, hindi halatang matanda na. Sabagay, likas naman sa mga bampira ang pagiging immortal.Ako, si Keegan at si ama ay nakaupo sa couch habang nakikinig kay ina. Sa katunayan ay kanina pa siya nag-di-discuss about sa mundong ito pero wala akong maintindihan. Iniisip ko kasi si Eli dahil dalawang araw na rin na hindi siya bumabalik. Oo, aminado akong mali ang ginawa ko kahit na kasalanan naman niya kaya ako nagalit. "Gusto mo bang pumunta ulit tayo sa lugar na may niyebe?" bulong ni Keegan. "Pero may sinasabi pa si ina, Keegan."Ngumiti lang siya sa akin at kumindat. Nakita ko na lang na nasa lugar na kami na mayroong snow. Napahawak ako nang mahigpit kay Keegan nang may marinig akong alulong. "Hindi ko pala nasabi sa 'yo mahal na malapit ang lugar na ito sa mansyon ng mga taong lobo. Siguro kaya mayr
KEEGANNagagalak ang aking ina at ama nang makita nila si Hopa. Si Hopa ay ang aming buhay ngunit mahal niya si Deriba kaya mas pinili niya ito. Winawasak ang puso ko ngayon sapagkat hindi ko kasama si Eliha. Ngunit nang dahil sa ang kanyang ina na ang nagdesisyon ay wala akong magagawa. Matagal ko nang iniisip ang mukha ni Eliha. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon pa lang. Unang kita ko pa lang sa kanya noong nililigawan ko siya ay sigurado na ako na nakita ko siya noon pero wala akong maalala. "Ikinasal ka na pala kay Eliha, masaya ako para sa iyo, Keegan." Niyakap ako ng aking kapatid. "Mahal kita, Hopa. Sana ay mapatawad mo ak-""Keegan, napakabuti mong kapatid. Kailan man ay hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa 'yo. Ang tanging itatanim ko lang ay ang mga alaala natin. Keegan, hindi ko kaya na mapalayo kay Deriba kahit na gano'n siya sa akin.""Hopa, batid mo na tutol ako sa inyong relasyon pero kung saan ka sasaya ay susuportahan kita.""Salamat, wala ka bang balak na
ELIHAAko ay naglilinis ng mansyon. Inutos sa akin kanina ni Deriba, dapat daw ay walang alikabok. Sa palagay ko naman ay mauubos ang alikabok sa mansyon nila dahil kanina pa ako nakatitig sa maid nila."Lera! Ikaw ba 'yan?""Paumanhin ngunit sino si Lera?""Hindi mo ba ako kilala, Lera? Ako 'to si Eliha!""Ikaw nga si Eliha, ang asawa ng mataas na bampira na si Keegan.""'Yun lang? Hindi mo ba natatandaan na ako ang kaibigan mo at kagrupo sa isang samahan ng mga gangster?!""Ipagpatawad mo ngunit nagkakamali ka yata, Eliha.""Siguro nga ay nagkakamali ako dahil ang kaibigan kong si Lera ay patay na. Namatay siya noong nagkaroon ng gangster fight sa pagitan namin at isang gangster group. Pero kamukha mo kasi talaga siya. At imposible naman siguro na mag-travelled siya sa Dipsa Chupar dahil patay na siya."Nag-bow lang ang maid sa akin na mukhang naiilang sa mga sinasabi ko. Umalis na siya. Napakamot na lang ako sa ulo dahil ang lakas ng tama ko. Naaawa ako kay Lera noong mga panahon n
ELIHA"Pakawalan lahat ng bilanggo at ipila nang maayos!" sigaw ni Deriba. Hindi ako tumatayo dahil inaantok pa ako. Wala akong pakialam sa kanila. Bakit? Sila ba si Keegan?May nagbukas sa kulungan ko at hinila ako palabas. "Pumila ka d'yan at tumayo nang tuwid!" sigaw ng isang lalaki. Umirap lang ako sa kanya. Marami na ring nakapila na mga bilanggo. Ang sarap nilang hikayatin na tumakas kami rito kaso baka madamay sila sa parusa ni Eliza. "Tumingin ang lahat sa akin!" utos ni Deriba, "lahat kayo ay gagamitin namin sa darating na gera sa pagitan ng mga bampira. Huwag niyong tangkain na tumakas o hindi makisama dahil babaliin ko lang ang inyong mga ulo."Nag-bow ang mga bilanggo at sinakop ng alulong nila ang paligid. Ang sama naman nila Deriba, bakit nila naaatim na ikulong ang kalahi nila?"Eliha, lumuhod ka," utos ni Deribia na kararating lang. "Why should I do that?" "Ginagamitan mo na naman ba ako ng mahika?!""Of course not, you are just a waste of time."Sinakal niya ako,
ELIHA "Self, kapag nahihirapan ka ngayon na gusto mo nang sumuko ay isipin mo na may bukas pa. Kapag nahirapan ka bukas ay isipin mo na may bukas pa rin. At kapag mas nahirapan ka bukas ay isipin mo ulit na may bukas pa. Hanggang sa kakaisip mo na bukas ka na lang sumuko ay magugulat ka na lang dahil nalagpasan mo ang bawat araw na gusto mong sumuko."Kinukumbinsi ko ang sarili ko ngayon habang ako ay nasa loob ng kulungan dahil nawawalan na ako ng pag-asa na magkita kami ni Keegan. Lumipas na kasi ang isang buwan ngunit hindi pa rin nila tinutupad ang kanilang pangako na ibabalik ako sa mansyon ng mga Vampyres. Pumasok sa kulungan ko ang kamukha ni Lera na maid. "Magpalit ka raw ng suot.""Bakit? Pakakawalan na ba raw ako?""O-oo, E-Eliha." Inabot niya sa akin ang dalawang kasuotan na mukhang kakaiba. "Salamat!""P-pero huwag kang maging masaya kaagad Eliha, dahil may mangyayari mamaya na hindi mo ikagagalak."Sinuri kong mabuti ang aking susuotin. Ang damit at mahabang mukhang pan
ELIHAAko, si Deriba at Deribia ay nakaupo sa upuan habang nakikinig kay Eliza. "Sa ngayon ay kailan muna nating magpalakas," sabi niya na mayroong pagtitimpi. "Sinabi ko na sa inyo na malakas ang mag-asawa, pero ayaw niyong makinig," sambit ni Deribia."Mayroon pa namang ibang araw, hija.""Oo na, Eliza. Tsaka kung aalis ka ngayon, maaari mo bang isama na pauwi ang iyong anak?"Tumango lang si Eliza. Sa wakas! Makakaalis na ako rito.Hinawakan ako ni Eliza at sabay kaming naglaho. Nasa mansyon na niya kami."Ina, maaari na ba akong umuwi sa aking asawa?""Sa tingin mo ba ay papayagan pa kita pagkatapos ng nangyari?""Ina naman! Sinunod ko naman kayo 'di ba? Gusto ko lang makita ang asawa ko at makasama!""Hindi maaari, Elija. Manahimik ka rito sa mansyon.""Ina, nagmahal ka na ba? Naramdaman mo na ba 'yung ganitong pakiramdam na may gusto kang makita at makasama?""Oo naman." Lumayo siya sa akin at may hinalo sa malaking jar. "Pero bakit ganito kayo sa akin?! Naramdaman at naranas