Elijah's POV
Habang tahimik na nakaupo ay biglang may sumakit sa gilid ng tiyan niya. Lumingon siya kay Charlotte habang nakanganga na nakatingin sa tagliran ng tiyan niya."Ano bang ginagawa mo at ang likot mo?" Tinaas nito ang pera na sinusubukan na nitong paghiwa-hiwalayin. "Sinabi ko na mamaya mo na lang pagtuonan ng pansin 'yan. Bakit ba ang kulit mo?""Wala naman akong gagawin, kaya inumpisahan ko na, tapos na akong kumain.""Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Parang nagmumukha kang pera."Natigilan si Charlotte at tumingin sa kanya na may mukhang seryoso. "May pasok na ako sa makalawa kaya inuumpisahan ko na 'to.""Meron ka pang oras bukas.""May pupuntahan ako bukas."Nagsalubong ang kilay niya. "Saan ka pupunta?""Sa friend ko lang.""Are you sure?""Oo."Hindi na siya nito pinansin, at tinuon na naman ang tingin sa paghihiwalay ng pera. Napailing na lang siya.Paglipas ng oras ay handa ng umuwi ang pamilya nila ni Charlotte, malapit na rin sumapit ang gabi, kaya kailangan na rin nilang umuwi.Nakatayo na sila ngayon sa tapat ng pinto palabas."Alis na kami, maging masaya kayo sa pagsasama niyong dalawa." Saad ng Mama niya. Tumingin ito kay Charlotte. "Ikaw naman Charlotte, pagsilbihan mo ang asawa mo, alagaan, at ipagluto."Tiningnan niya ang mukha ni Charlotte, pero napansin niya na bahagya itong napangiwi. Napailing siya sa ginawa nito, mukhang hindi naman napansin ng Mama niya ang ginawa nito."Ingat kayo, Ma sa daan.""O siya sige, iwan na namin kayo." Ngumiti ito parehas sa kanilang dalawa ni Charlotte bago sumakay ng kotse. Ang pamilya naman ni Charlotte ay kumaway lang sa kanila bago umalis.Nanatili sila sa pinto habang nakatingin sa labas."Anong ng gagawin natin?" tanong ni Charlotte.Lumakad siya sa loob ng bahay. "Magbihis ka na, kung gusto mo ikaw ang magligpit ng lahat ng kalat dito sa loob. Ikaw na rin ang maghugas ng pinggan.""Ha? Hindi ba 'to catering?""Hindi."Lumingon siya at nakitang nakatitig si Charlotte sa lamesa at mga pinggan na naroon. Nagsalubong ang kilay niya ng pupunta ito roon."Umakyat ka na, at magbihis. May katulong na maglilinis niyan." Tila nagdadalawang isip pa si Charlotte. "Bilisan mo, pag nagbago pa ang isip ko pati paglalaba sa sapin ng lamesa ay ipagagawa ko sayo."Agad naman itong naglakad papunta ng hagdan, pero napatigil din. "Saan nga pala ang kwarto ko?"Nag-umpisa ulit siyang maglakad paakyat sa hagdan, nilagpasan niya si Charlotte.Tatlo ang kwarto sa pangalawang palapag ng bahay niya, isa ang sa kanya, at ang dalawa ay bakante.Pumasok siya sa isang kwarto, sumunod naman si Charlotte."Ito ba ang kwarto ko?""No, kwarto nating dalawa 'to."Nanlalaki naman ang mata nito habang iniikot ng paningin ang loob ng kwarto."Seryoso?""Yes.""Sa kabilang kwarto na lang ako, tutal naman ayaw naman natin ang isa't-isa."Tinitigan niya ang mukha nito. "Sigurado ka na ayaw mo dito?'"Oo.""Okay, follow me."Pumunta siya sa kabilang kwarto at binuksan iyon. "Itong kwarto na 'to. Gusto mo?"Sumilip ito sa pinto, pero nagsalubong ang kilay sa nakita sa loob."Bakit walang laman?""Wala kasing gumagamit nito, kaya walang laman kahit cabinet. Ako lang naman mag-isa dito kaya isang kwarto lang ang may laman.""Wala din yung isang kwarto pa?"Tamad siyang tumingin sa mata ni Charlotte. "Hindi mo ba narinig? Isang kwarto lang ang may laman, kaya wala rin yung pangatlong kwarto."Inirapan lang siya nito, saka pumasok sa loob ng kwarto, at tumayo sa gitna."Halika na sa kwarto natin, magpalit ka na doon.""Dito na lang kaya ako matulog."Bahagyang kumunot ang noo niya. "Nakita mong wala ngang gamit, kahit kama, tapos dito ka matutulog. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo sa akin? Prinsesa ka nila doon, tapos dito, sa sahig ka matutulog.""Bibili ako ng sarili kong kama at cabinet."Pumasok siya sa loob at tumayo sa harap ni Charlotte. "Puwede mo itong gawin na study room mo, pero ang maging kwarto mo na tutulugan ay hindi puwede. Ayokong tatayo pa ako once na tumawag ang isa sa pamilya nating dalawa para kausapin ka, for sure hahanapin ka nila maging ako sayo. Kung natatakot ka sa akin dahil baka gawin ko na naman ang ginawa ko sayo kaya tayo nakasal, ay hindi na mangyayari. Nagkamali na ako nung una, hindi ko na uulitin pa iyon sayo."Bumuntong-hininga naman si Charlotte. "Malaki ba ang higaan mo?""Hindi mo ba nakita? Una tayong pumasok doon, gamitin mo 'yang mata mo minsan, para hindi ka tanong ng tanong.""Bawal na bang magtanong ngayon?""Yes, lalo pa't alam mo naman ang sagot. Sumunod ka na sakin."Lumabas siya at pumasok naman sa kwarto niya, hinubad niya ang barong niyang suot kaya t-shirt na lang ang natira sa pang itaas niyang suot. Napatingin siya sa pinto ng pumasok si Charlotte, at tila may hinahanap."Nasaan yung maleta ko?""Maleta?""Oo, nandon lahat ng damit ko.""Walang binaba dito na maleta."Namilog naman ang mata nito, bago lumabas ng kwarto habang tumatakbo. Paglipas ng ilang minuto ay bumalik din agad."Hindi nababa nila kuya yung maleta ko na nasa sasakyan."Tumingin siya sa cabinet niya. "Kung gusto mo, damit ko muna ang gamitin mo.""Huwag na, ganito na lang ako. Hindi na ako magpapalit."Umiling siya. "No, nagpawis ka na, kaya malagkit ka pati 'yang damit mo ay nakasagap na ng usok. Ayokong mahihiga ka sa kama ko na 'yan pa rin ang suot mo.""Ang arte mo naman.""Hindi ikaw ang naglalaba kaya huwag ka ring maarte."Inis nitong binagsak ang hawak sa maliit na mesa sa gilid ng kama. "Nasaan na yung damit na sinasabi mo? Akina!""Nagtataas ka ba ng boses sa akin?""Halata naman. Bakit nagtatanong ka pa? Kung ayaw mo akong madumi doon ako sa kabilang kwarto matutulog kahit sa sahig lang!""Kaya mo? Go, walang pumipigil sayo."Kumuyom ang kamay nito, bago tumalikod sa kanya at umalis ng kwarto. Sinara nito ang pinto ng malakas kaya napapikit siya.Ang tigas talaga ng ulo.Lumabas siya ng kwarto para sundan ito sa kabila. Pero pagbukas niya ng pinto ay wala naman doon si Charlotte, maging sa banyo. Pumunta siya sa pangatlong kwarto, pero wala rin ito doon.Saan siya nag punta?Bumaba siya ng hagdan at sa ibaba naman naghanap."Cara, nasaan ang ma'am mo?""Yung asawa mo po ?""Yes. Nakita mo ba siya dito sa baba.""Nasa kusina po.""Sige. Salamat."Pumunta siya ng kusina, nakita niya si Charlotte na naghahalungkat ng kaldero. Hindi pa ba ito nabusog sa kinain kanina?"Charlotte."Nalaglag ang takip ng kaldero nitong hawak, kaya umalingawngaw ang ingay no'n sa paligid."What are you doing?"Pinulot nito ang kaldero, pero hindi siya sinagot. "Charlotte!"Kumuha ito ng kanin at yung natirang ulam kanina. Umupo ito at nagsimulang kumain."Naririnig mo ba ako?"Patuloy lang itong kumain na hindi lumilingon sa kanya, sa inis ay umalis siya ng kusina at pumasok sa kwarto niya, ni lock niya ang pinto. Matigas din naman ang ulo ni Charlotte, panindigan na nito. Tingnan lang niya kung magtagal sa sahig na malamig.Naligo siya, pagkatapos ay umupo sa harap ng table para basahin ang papeles. Kinuha niya muna ang salamin niya sa mata bago nagsimula.Elijah's POVPinikit-pikit niya ang mata niya nang matagal ng nakatitig sa binabasa niya. Tumingin siya sa orasan, alas-onse na ng gabi, pero parang wala siyang narinig na sinubukan na pihitin ang seradura ng pinto. Binaba niya ang papeles niyang hawak maging ang salamin niya sa mata, saka lumabas ng kwarto. Tahimik na sa loob ng bahay, tulog na rin panigurado ang mga katulong niya, malinis na rin sa ibaba ng sumilip siya.Pumunta siya sa katabi niyang kwarto, dahan-dahan na binuksan iyon at sumilip, pero walang Charlotte sa loob, maging sa pangatlong kwarto.Nasaan na naman ba siya?Bumaba siya at inikot ang loob ng bahay, pero wala din si Charlotte doon. Ibig na niyang pumunta ng kwarto ng katulong niya para tingnan kung nandoon, pero huwag na lang dahil baka maka-istorbo pa siya. Nakatayo siya ngayon sa gitna ng sala at nag-iisip, pero nang napagawi ang tingin niya sa hilera ng susi ng mga sasakyan niya ay kulang ng isa.Lumapit siya at tinitigan ang mga susi. Marunong bang mag-dri
Charlotte's POV Nanatili siya sa kwarto ni Elijah, nang umalis ito. Sobrang nakakatakot ang napanaginipan niya dahil bumalik ang ginawa ni Elijah sa kanyang kwarto. Parang nandoon ulit siya sa kwarto niya habang may ginagawa si Elijah, mas natakot pa siya nang magising siya sa posisyon nito kanina habang ginigising siya, ngayon lang siya nagkaganun, siguro ay dahil katabi niya si Elijah na hindi niya alam na nabuhat na pala siya nito papasok ng bahay ula sa loob ng kotse. Tumingin siya sa orasan, alas-sais na pala ng umaga. Tumayo siya at napatingin sa suot niya, hindi talaga siya nagpalit, kaya nagtaka siya kung bakit sa kama pa rin siya ni Elijah hiniga, gayong ayaw nito ng madumi o hindi nagpapalit ng damit. Sigurado mamaya lang napalitan na 'tong bedsheet, kumot, at punda ng unan. Pumasok siya sa banyo para maghanap ng toothbrush na hindi gamit, binuksan niya ang cabinet sa taas at sakto may isa pa. Kinuha niya iyon at tinanggal sa matigas na plastik, saka nag-toothbrush at hi
Charlotte's POVUmakyat siya sa taas, para tanungin si Elijah tungkol sa damit. Binuksan na lang niya kabod ang pinto, hindi na siya kumatok. Hindi niya nakita si Elijah sa loob, mukhang nasa banyo, kaya hangga't wala ay pumunta siya ng cabinet para tingnan kung merong kasya sa kanya, gagawan na lang niya ng paraan para sa styling.Dalawang cabinet na ang nabubuksan niya, pero lahat ay hindi puwede sa kanya, yung huling cabinet na lang ang hindi pa, baka doon ay meron, kaya binuksan niya iyon pero napakunot ang noo niya dahil lahat ng nakasabit at nakatupi sa ibaba ay damit pang babae.Bakit may damit ng babae dito?Bumukas ang pinto ng banyo, kaya napatingin siya. Umiwas siya ng tingin kay Elijah dahil naka-tuwalya lang ito sa ibabang bahagi ng katawan."Bakit mo pinakiki-alaman ang cabinet na 'yan?""Gusto ko lang sana na tumingin kung may kasya ba sa akin na damit mo, pero itong huling cabinet mo, bakit puro pang babae ang nakalagay?"Lumapit naman si Elijah, kaya bahagya siyang lu
Charlotte's POV Lumabas siya ng kwarto at naglakad palabas ng bahay. Nakasakay na si Elijah sa loob, siya na lang ang hinihintay na pumasok ng kotse. "Saan kayo magkikita ng friends mo?" "Sa bahay ng isa kong kaibigan." Nakita niyang bahagyang naningkit ang mata ni Elijah. Lumalabo na siguro yung mata. "Sinong kaibigan?" "Si Marry." Tumango naman ito, at pinaandar na ang kotse. Nagtataka nga siya kung bakit sa dami nitong kotse, iisa lang ang ginagamit tuwing pupunta ng bahay nila, ang dami palang kotse ni Elijah sa loob ng bakuran nito, bakit hindi ginagamit? "Marunong ka bang mag-drive ng kotse?" tanong ni Elijah. "Hindi." "Bait alam mo kung paano magpa-andar?" "Nakikita ko lang kay papa at kuya." "Alam mo bang delikado ang ginawa mo kagabi habang tulog ka sa kotse? Kahit naka-andar pa iyon ay may tendency na maubusan ng gasolina, pag naubos anong mangyayari? Mamamatay ang makina at mawawalan ng hangin sa loob. Huwag mo ng uulitin iyon, Charlotte." Hindi siya sumagot dah
Elijah's POVNasa harap siya ng bahay niya ngayon, dahil alas-singko na wala pa rin si Charlotte. Unang araw ng kasunduan nila ay mukhang lalabag na ito kaagad.Pag patak ng alas-sais, susunduin na niya ito. Alam niya kung saan ang bahay ng kaibigan ni Charlotte dahil sumunod siya sa tricycle na sinakyan ni Charlotte bago siya tuluyan na umalis sa lugar na 'yon kanina.Nakahalukipkip siya sa labas habang nakatingin sa gate. Nang may isang babae na parang lasing na pumasok sa loob ng bakuran niya.Mabilis siyang naglakad papunta kay Charlotte."Mabuti naman at hindi ka lumabag sa kasunduan nating dalawa umpisa pa lang." Hindi ito sumagot, nakayuko lang ito, pero hindi balanse ang pagkakatayo ng paa. "'Charlotte.""Hmmp.."May hindi tama sa babae na 'to. Hinawakan niya ang baba nito at tinaas ang ulo. Mapungay ang mata nito na tumingin sa mata niya."Are you drunk?"Kumunot ang noo ni Charlotte. "Hin..di."Nilapit niya ang ilong niya sa bibig ni Charlotte, pero napapikit siya sa tapang
Elijah's POV Habang hinihintay niya ang niluluto ng katulong niya ay pumasok muna siya sa kwarto niya para kumuha ng gamot. Laging may nakatabing gamot sa kwarto niya dahil sa biglaan na sakit na dumadapo sa kanya, dahil sa pagtatrabaho ng matagal siguro. Pagkatapos niyang kuhanin ang gamot ay pumasok siya ulit ng kwarto ni Charlotte. Nakadilat na ito habang nakatingin sa paligid. "Inumin mo nga pala ito pagkatapos mong kumain." Nilapag niya ang gamot sa ibabaw ng table sa gilid ng kama. "Nasaan ako?" Nagsalubong ang kilay niya, mukhang napansin nito ang itsura ng kwarto. "Sa kwarto mo." "Kwarto ko?" Tumingin ito sa kanya ng nagtataka. "Yes, this is your room now." "Ibig sabihin, ito yung kwarto, katabi ng kwarto mo?" Tumango siya. "Akala ko ba ay sa kwarto mo ako matutulog?" "I thought you don't want near me? So, why ask?" "I mean... 'di ba ayaw mong mahirapan ka in case na may tumawag sa pamilya nating dalawa?" Napabuntong-hininga siya. "Okay na rin siguro na bumukod ka
Charlotte's POVNapadilat siya ng may humawak sa kamay niya, bahagya siyang lumingon kay Elijah na pinupunasan ang braso niya. Napapaisip tuloy siya sa sinabi nito kanina. Bakit nga ba niya pinili ang kasal kaysa ipakulong si Elijah? Ano nga bang pumasok sa isip niya para piliin ang kasal? Nabigla lang ba siya o sadyang hindi niya kayang ipakulong ito kahit nakagawa ito ng kasalanan sa kanya. Sadya bang napalaki siya ng magulang niya na maganda, kaya hindi niya kayang gumanti sa mga taong na-agrabyado siya, ganun ba ang nangyari? Pinairal niya ang lambot ng puso niya kaya siya nakasal ngayon na wala ng bawian? Kung siya ang tatanungin, okay lang na hindi sila makasal ni Elijah at hindi rin niya ito ipapakulong, pero ayaw ng magulang niya, nagalaw siya kaya kailangan daw na panagutan siya ni Elijah.Tumitig siya sa mukha ni Elijah habang inaabot nito ang isang braso niya para punasan. Gwapo talaga ang lalaking 'to, kahit hindi ngumiti, wala ding pimple na makikita sa mukha nito, ang ki
Elijah's POVNang natapos sila ni Charlotte na kumain ng umagahan ay kanya-kanya na silang alis ng bahay, ihahatid na sana niya ito hanggang sa sakayan ng tricycle papunta ng sakayan naman ng bus, pero tumanggi na ito.Hininto niya ang kotse niya sa tapat ng building na pagmamay-ari niya, habang patuloy pa rin na naglalakad papasok ay hinihintay na siya ng security guard niya sa bukana ng building. Binigay niya ang susi dito saka tuloy-tuloy na naglakad papasok. Tumingin siya sa relo niya sa pulso, hindi pa naman siya gaanong late. "Give the important papers, that I will sign this day," saad niya sa secretary niya habang hindi huminto sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa opisina.Nang nakaupo ay pumasok naman ang secretary niya dala ang papeles na kailangan niyang pirmahan, kasama na ang naging pending noong nakaraang araw dahil naging busy siya sa labas ng kumpanya, at sa kasal nila ni Charlotte."Thank you."Umalis na ang secretary niya at inumpisahan naman niyang basahin a