Charlotte's POVUmakyat siya sa taas, para tanungin si Elijah tungkol sa damit. Binuksan na lang niya kabod ang pinto, hindi na siya kumatok. Hindi niya nakita si Elijah sa loob, mukhang nasa banyo, kaya hangga't wala ay pumunta siya ng cabinet para tingnan kung merong kasya sa kanya, gagawan na lang niya ng paraan para sa styling.Dalawang cabinet na ang nabubuksan niya, pero lahat ay hindi puwede sa kanya, yung huling cabinet na lang ang hindi pa, baka doon ay meron, kaya binuksan niya iyon pero napakunot ang noo niya dahil lahat ng nakasabit at nakatupi sa ibaba ay damit pang babae.Bakit may damit ng babae dito?Bumukas ang pinto ng banyo, kaya napatingin siya. Umiwas siya ng tingin kay Elijah dahil naka-tuwalya lang ito sa ibabang bahagi ng katawan."Bakit mo pinakiki-alaman ang cabinet na 'yan?""Gusto ko lang sana na tumingin kung may kasya ba sa akin na damit mo, pero itong huling cabinet mo, bakit puro pang babae ang nakalagay?"Lumapit naman si Elijah, kaya bahagya siyang lu
Charlotte's POV Lumabas siya ng kwarto at naglakad palabas ng bahay. Nakasakay na si Elijah sa loob, siya na lang ang hinihintay na pumasok ng kotse. "Saan kayo magkikita ng friends mo?" "Sa bahay ng isa kong kaibigan." Nakita niyang bahagyang naningkit ang mata ni Elijah. Lumalabo na siguro yung mata. "Sinong kaibigan?" "Si Marry." Tumango naman ito, at pinaandar na ang kotse. Nagtataka nga siya kung bakit sa dami nitong kotse, iisa lang ang ginagamit tuwing pupunta ng bahay nila, ang dami palang kotse ni Elijah sa loob ng bakuran nito, bakit hindi ginagamit? "Marunong ka bang mag-drive ng kotse?" tanong ni Elijah. "Hindi." "Bait alam mo kung paano magpa-andar?" "Nakikita ko lang kay papa at kuya." "Alam mo bang delikado ang ginawa mo kagabi habang tulog ka sa kotse? Kahit naka-andar pa iyon ay may tendency na maubusan ng gasolina, pag naubos anong mangyayari? Mamamatay ang makina at mawawalan ng hangin sa loob. Huwag mo ng uulitin iyon, Charlotte." Hindi siya sumagot dah
Elijah's POVNasa harap siya ng bahay niya ngayon, dahil alas-singko na wala pa rin si Charlotte. Unang araw ng kasunduan nila ay mukhang lalabag na ito kaagad.Pag patak ng alas-sais, susunduin na niya ito. Alam niya kung saan ang bahay ng kaibigan ni Charlotte dahil sumunod siya sa tricycle na sinakyan ni Charlotte bago siya tuluyan na umalis sa lugar na 'yon kanina.Nakahalukipkip siya sa labas habang nakatingin sa gate. Nang may isang babae na parang lasing na pumasok sa loob ng bakuran niya.Mabilis siyang naglakad papunta kay Charlotte."Mabuti naman at hindi ka lumabag sa kasunduan nating dalawa umpisa pa lang." Hindi ito sumagot, nakayuko lang ito, pero hindi balanse ang pagkakatayo ng paa. "'Charlotte.""Hmmp.."May hindi tama sa babae na 'to. Hinawakan niya ang baba nito at tinaas ang ulo. Mapungay ang mata nito na tumingin sa mata niya."Are you drunk?"Kumunot ang noo ni Charlotte. "Hin..di."Nilapit niya ang ilong niya sa bibig ni Charlotte, pero napapikit siya sa tapang
Elijah's POV Habang hinihintay niya ang niluluto ng katulong niya ay pumasok muna siya sa kwarto niya para kumuha ng gamot. Laging may nakatabing gamot sa kwarto niya dahil sa biglaan na sakit na dumadapo sa kanya, dahil sa pagtatrabaho ng matagal siguro. Pagkatapos niyang kuhanin ang gamot ay pumasok siya ulit ng kwarto ni Charlotte. Nakadilat na ito habang nakatingin sa paligid. "Inumin mo nga pala ito pagkatapos mong kumain." Nilapag niya ang gamot sa ibabaw ng table sa gilid ng kama. "Nasaan ako?" Nagsalubong ang kilay niya, mukhang napansin nito ang itsura ng kwarto. "Sa kwarto mo." "Kwarto ko?" Tumingin ito sa kanya ng nagtataka. "Yes, this is your room now." "Ibig sabihin, ito yung kwarto, katabi ng kwarto mo?" Tumango siya. "Akala ko ba ay sa kwarto mo ako matutulog?" "I thought you don't want near me? So, why ask?" "I mean... 'di ba ayaw mong mahirapan ka in case na may tumawag sa pamilya nating dalawa?" Napabuntong-hininga siya. "Okay na rin siguro na bumukod ka
Charlotte's POVNapadilat siya ng may humawak sa kamay niya, bahagya siyang lumingon kay Elijah na pinupunasan ang braso niya. Napapaisip tuloy siya sa sinabi nito kanina. Bakit nga ba niya pinili ang kasal kaysa ipakulong si Elijah? Ano nga bang pumasok sa isip niya para piliin ang kasal? Nabigla lang ba siya o sadyang hindi niya kayang ipakulong ito kahit nakagawa ito ng kasalanan sa kanya. Sadya bang napalaki siya ng magulang niya na maganda, kaya hindi niya kayang gumanti sa mga taong na-agrabyado siya, ganun ba ang nangyari? Pinairal niya ang lambot ng puso niya kaya siya nakasal ngayon na wala ng bawian? Kung siya ang tatanungin, okay lang na hindi sila makasal ni Elijah at hindi rin niya ito ipapakulong, pero ayaw ng magulang niya, nagalaw siya kaya kailangan daw na panagutan siya ni Elijah.Tumitig siya sa mukha ni Elijah habang inaabot nito ang isang braso niya para punasan. Gwapo talaga ang lalaking 'to, kahit hindi ngumiti, wala ding pimple na makikita sa mukha nito, ang ki
Elijah's POVNang natapos sila ni Charlotte na kumain ng umagahan ay kanya-kanya na silang alis ng bahay, ihahatid na sana niya ito hanggang sa sakayan ng tricycle papunta ng sakayan naman ng bus, pero tumanggi na ito.Hininto niya ang kotse niya sa tapat ng building na pagmamay-ari niya, habang patuloy pa rin na naglalakad papasok ay hinihintay na siya ng security guard niya sa bukana ng building. Binigay niya ang susi dito saka tuloy-tuloy na naglakad papasok. Tumingin siya sa relo niya sa pulso, hindi pa naman siya gaanong late. "Give the important papers, that I will sign this day," saad niya sa secretary niya habang hindi huminto sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa opisina.Nang nakaupo ay pumasok naman ang secretary niya dala ang papeles na kailangan niyang pirmahan, kasama na ang naging pending noong nakaraang araw dahil naging busy siya sa labas ng kumpanya, at sa kasal nila ni Charlotte."Thank you."Umalis na ang secretary niya at inumpisahan naman niyang basahin a
Charlotte's POVPinagpapawisan siya ng malamig ngayon habang nakaupo sa loob ng classroom. Akala niya ay okay na siya nang umalis siya ng bahay nila ni Elijah, pero bumalik kaagad. Nagpapasalamat na lang siya dahil tapos na siyang mag-present ng project niya bago niya naramdaman na parang nanghihina ang katawan niya.Katabi niya si Marry, kaya lumapit ito habang busy ang ibang estudyante sa pag-present ng project nila. Ang teacher naman nila ay nasa harap nakaupo, sa upuan ng estudyante."Okay ka lang ba? Ang lamig ng classroom pinagpapawisan ka.""Medyo sumama ang pakiramdam ko."Kumunot ang noo ni Marry. Pinatong nito ang palad sa noo at leeg niya. "May lagnat ka. Bakit pumasok ka pa?""Wala na 'to kanina ng pumasok ako, bumalik lang pagkatapos kong mag-present.""Umuwi ka na kaya muna, tapos naman na ang sayo."Ngumiti siya. "Mamaya na lang pag-lunch time na.""Okay, pero kaya mo pa ba? Kung hindi sasabihin ko kay ma'am na pauwiin ka na dahil may lagnat ka.""Kaya ko pa.""Sige, Ma
Charlotte's POVHumarap siya sa boses ng babae sa likuran niya, tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Puro itim ang suot nito, ang tanging naiba lang sa kulay ay ang balat at pulang buhok nito na nakatali ng mataas, para siyang gangster na makikita sa eskinita. May makeup din ito na makapal na itim din, maging ang lipstick."Again. Who are you?" tanong ulit nito sa kanya.Hindi siya makapagsalita, parang konting pagkakamali lang sa sagot niya parang sisigawan siya ng babae sa harap niya ngayon."Are you dumb?" Nakataas na ang kilay nito kaya mas tinginin na matapang. Umiling naman siya. "So. Why don't you try to answer my question? Who are you?""Charlotte." Sagot niya.Naningkit ang mata nito saka dahan-dahan na lumapit sa kanya, bahagya pa siyang napalunok dahil ang lapit ng mukha nito sa mukha niya."Infairness, ang kinis ng face mo, may skincare ka?"Napakunot ang noo niya. "Wala po." "Ha?" Napapikit siya sa gulat sa pagsigaw nito. "Unfair naman, nakikita mo ba 'tong face ko,