Share

14 Mas Malala

Charlotte's POV

Pinagpapawisan siya ng malamig ngayon habang nakaupo sa loob ng classroom. Akala niya ay okay na siya nang umalis siya ng bahay nila ni Elijah, pero bumalik kaagad. Nagpapasalamat na lang siya dahil tapos na siyang mag-present ng project niya bago niya naramdaman na parang nanghihina ang katawan niya.

Katabi niya si Marry, kaya lumapit ito habang busy ang ibang estudyante sa pag-present ng project nila. Ang teacher naman nila ay nasa harap nakaupo, sa upuan ng estudyante.

"Okay ka lang ba? Ang lamig ng classroom pinagpapawisan ka."

"Medyo sumama ang pakiramdam ko."

Kumunot ang noo ni Marry. Pinatong nito ang palad sa noo at leeg niya. "May lagnat ka. Bakit pumasok ka pa?"

"Wala na 'to kanina ng pumasok ako, bumalik lang pagkatapos kong mag-present."

"Umuwi ka na kaya muna, tapos naman na ang sayo."

Ngumiti siya. "Mamaya na lang pag-lunch time na."

"Okay, pero kaya mo pa ba? Kung hindi sasabihin ko kay ma'am na pauwiin ka na dahil may lagnat ka."

"Kaya ko pa."

"Sige, Ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Syrellie PH
hoping na may update po today ... please
goodnovel comment avatar
Rosalinda Terado
Please more updates
goodnovel comment avatar
Jovie Maranion Ermitanyo Gammad
more update plsss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status