Share

Me and my petchay
Me and my petchay
Author: Rhan Jang

Prologue

Petchay POV

WALANG gana kong nilagay ang chewing gum sa bibig upang mawala ang amoy ng laway ng huling lalaki na aking naikama. Nag-toothbrush naman na ako ngunit sadyang makapit ang kanyang amoy. Mariin kong ninguya ang bubblegum at walang ano-anong umupo sa harap ng counter kung saan nandoon ang lalaking bartender nitong bar na aking pinagtatrabahuhan.

Ang mga tao sa paligid ay nagsisipagsayawan at tuluyang hinayaan ang sarili na malunod sa espirito ng alak. Ganito ang araw-araw na eksena ng aking buhay, maingay, magulo, at puno ng init sa katawan.

"Oh, para kang nalugi, Petchay. Hindi ka ba nag-enjoy sa customer mo?"

Tinapunan ko ng matalas na tingin ang lalaking nagsalita sa aking harapan. Animoy nang-aasar pa ang kanyang mga ngiti at alam na alam niya ang sinisigaw ng aking mukha.

"G*go! Sinong mag-eenjoy sa jutay, aber!? Bwisit na 'yon! Five inches na nga lang, hindi pa marunong dumila," iritable kong wika sabay buntonghininga.

Isang malakas na tawa ang aking narinig. Sasapakin ko na sana ang lalaking nasa aking harapan, mabuti na lang at inabutan niya ako ng alak.

"Ayan, magpalamig ka muna," aniya.

Isang ngiti naman ang sumilay sa aking labi sabay kuha ng baso at lagok dito.

"'Yan ganyan dapat," natatawa ko pang wika.

Matagal nang bartender ang lalaking si Kiko sa club na ito. Siya rin ang una kong naging kaibigan nang unang salta palang ako rito. Masasabi kong, alam na niya ang takbo at hulma ng aking mukha kaya wala na akong maitatago sa kanya.

Marahan kong inikot ang round bar seat na aking kinauupuan at tumingin sa mga taong nagsasayawan. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at tila pumasok ang ilang alaala sa aking isip.

Ilang taon na nga ba simula nang ako ay maging babaeng bayaran? Hindi ko na maalala. Simula nang mapuno ng problema ang aking buhay, sa patalim na lang ako kumapit.

Don't get me wrong. Hindi ko ito ginusto ngunit kailangan. Kailangan para sa aking kapatid at para sa lahat ng umaasa sa akin.

Tila may kung anong bigat ang naramdaman ko sa aking balikat nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako nandito. Hindi ko na rin namalayan ang pagtakas ng butil ng luha sa aking mga mata, dahilan upang magising ako sa reyalidad.

"F*ck! Ang drama mo talaga, Petchay!" bulyaw ko sa sarili sabay mariing pinahiran ang aking mata.

Maya-maya lang, lumapit sa akin ang isang babae at alam ko na kung ano ang pakay nito.

"Petchay, may customer ka. Naghihintay sa 'yo sa room 102," wika ni Ms. Ruby, ang tumatayong tagabugaw namin dito. "Mabenta ka talaga ngayon, ha? Galingan mo, mukhang big time ang isang ito," muli niyang saad.

Sinimulan kong idura ang bubblegum sa basurahan na nasa tabi ng aking paa, saka nilagok ang huling butil ng alak na nasa loob ng aking baso.

"Basta maganda ang bigayan, oks na sa 'kin," walang gana kong tugon.

Mabilis akong nagtungo sa washroom at inayos ang sarili. Alam kong mapapalaban na naman ang perlas ng silanganan sa gabing ito kaya kailangang linisin nang mabuti. Ayoko namang mapahiya sa mga customer, hindi ba?

Nang masigurado kong maayos na ang aking sarili, sinimulan ko nang lumakad patungo sa silid na tinukoy ni Ms. Ruby.

Nang makarating sa tapat ng pinto ng room 102, isang buntonghininga ang aking ginawa saka marahang pinihit ang doorknob at binuksan ito.

"Good evening, Sir. Ako si Petchay at your service, yes!"

Natawa pa ako sa sarili nang sabihin ko ito dahil naalala ko ang isang sikat na super market. Ngunit nawala rin ang ngiti sa aking labi nang makita ko kung gaano kadilim ang kwarto at tanging liwanag sa isang malaking bintana lang ang nagsisilbing ilaw sa lugar.

Tuluyan akong pumasok sa loob at nilingon ang aking ulo sa paligid.

"Sir?" muli kong pagtawag. "Ay, gusto niyo pala lights off, ha? Gusto ko 'yan, rawr!" pagsenyas ko pa na animoy tigre.

Hanggang sa maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ang isang kamay na humablot sa aking braso, saka ako marahas na itinapon nito sa kama.

"A-Aray, ano ba? Aggressive?" bugnot ko pang wika nang tuluyan akong mapahiga.

Nanlaki ang aking mga mata nang dumagan sa ibabaw ang isang lalaki, dahilan upang magtama ang aming mata sa isa't isa.

Tila isang Adonis ang lalaking nasa aking harapan dahil sa gwapo niyang mukha. Ngayon lang ako nagkaroon ng customer na yummy at mala model ang dating. My gosh!

"Peti Charmaine Gonzales, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."

Mariin akong napalunok nang banggitin niya ang buo kong pangalan.

'Saan niya nalaman ang pangalan ko? S-Sandali, sino ba ang lalaking ito?'

"A-Anong–" pilit kong pag-uusap ngunit agad niya akong pinutol.

"Let me plant my seed in you. Come with me!" mabilis at maotoridad niyang saad na nagpagulo sa aking isip at nagpakunot sa aking noo.

"H-Ha? Anong akala mo sa 'kin, lupa? N-Naka-drugs ka ba?"

Simula nang gabing iyon, hindi ko inakalang magbabago ang buhay ng isang Petchay...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status