Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.
Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata
This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga
San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking
Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.
Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su
Nang huling araw ng Oktubre, ipinahayag ni Don Gregorio De Quintos na lalong kilala sa tawag na Gobernador Gregorio na nag-iimbita ng mga panauhin sa isang hapunan sa kaniyang bahay. Ang balitang ito ay tila apoy na kumalat sa buong panig ng San Lorenzo. Kakaiba ang pag-uugali ni Gobernador Gregorio kagaya ng pagiging mapagparaya at madaling lapitan sa panahon ng kagipitan, bagama't ayaw niya ang mga taong mapaghimagsik at nangangalakal. Ang mga tanod ay tiyak na dadalo kahit hindi naimbitahan ni Gobernador Gregorio. Ang lahat ay nagnanais makarating sa pagtitipon kaya't abalang-abala sa paghahanda ng sarili at sa mga sasabihing kadahilanan.Matatagpuan ang malaki bagama't mababang bahay ni Gobernador Gregorio malapit sa pampang ng Ilog ng Pag-ibig ang bahay ni Gobernador Gregorio na di gaanong maayos ang pagkakagawa ng arkitekto at maaaring maapektuhan ng lindol, bagyo at iba pang kalamidad. Ang Ilog ng Pag-ibig ay nakahalintulad din ng iba pang ilog sa San Lorenzo na ginaga
Walang patid ang pag dating ng mga panauhin, mga naggagandahang kadalagahan na may magagarang kasuotan nang biglang matigilan si Padre Ignacio na parang nakakita ng multo hindi dahil sa mga magagandang dalaga kundi sa binatang luksang-luksa na kasama ni Gobernador Gregorio habang pumapasok sa bulwagan.Magalang na bumati si Gobernador Gregorio nang makita ang dalawang pari sabay halik ng kamay. "Magandang gabi po sa inyo, ginoo, ipinakikilala ko po sa inyo si Don Francisco Lorenzo, anak ng namayapa kong kaibigan. Kararating lamang niya mula sa Paris, at siya'y aking sinalubong."Dahil sa matinding pagkabigla nakalimutang basbasan ng pari si Gobernador Gregorio. Inalis ng paring dominico ang suot na salamin at masusing siniyasat ang kasama ni Gobernador Gregorio habang putlang-putla at nanlalaki ang mga mata ni Padre Ignacio.Hindi naitago ang paghanga ng mga panauhin nang marinig ang pangalan ng binata. Maging ang tenyente ng mga guwardiya sibil na si Teny
Ang mga panauhin ay nagsidulog nasa hapag-kainan. Walang tigil sa pagpuri sa handa samantalang hindi pa naman nila natitikman ang mga iyon.Parang nag-uunahang tinungo nina Padre Ignacio at Padre Martin ang kabisera ng hapag-kainan. Pero nang halos sabay na makarating doon ay parehong tumigil na para bang handang magbigay sa isa't-isa. Nagkaraoon ng bahagyang pagtatalo kung sino ang uupo sa kabisera."Sige, maupo na kayo, Padre Ignacio," itinuro ni Padre Martin ang upuang panguluhan sa hapag.Sa himig na nagbibigay, isinagot ni Padre Ignacio, "Kayo na, Padre Martin."Ngumiti ng alanganin si Padre Martin."Mas kilala kayo sa bahay na ito. Kayo pa yata ang kumpesor ng nasirang misis ni Gobernador Gregorio. At alang-alang na rin na kayo ay higit na nakakatanda.""Bakit natin dadaanin sa patandaan?" tanong ni Padre Ignacio."Kayo ang pari sa pook na ito, kaya kayo ang dapat na maupo sa kabisera.""Sa utos ninyo, ako'y h
Buwan ng Oktubre noon, malamig ang simoy ng hangin dahil nalalapit na ang kapaskuhan. Hindi ito alintana ni Francisco sa kanyang marahang paglalakad na waring walang tiyak na patutunguhan.Marami siyang sasakyang nasasalubong, mga paupahang kalesa, mga Pilipino at dayuhang naglalakad. Nakarating siya sa Sitio Tondo, inilibot ang paningin sa buong paligid, wala pa ring pinagbago. Naroon pa rin ang mga dating daan at mga bahay na may pintang puti at bughaw, iyon pa rin ang puting pader. Ang lumang orasan ay naroon pa rin sa kampanaryo ng simbahan."Anong bagal ng pag-unlad?" bulong sa sarili bago nagtuloy sa Kalye Clark."Sorbetes! Sorbetes!" sigaw ng mga sorbetero.Naiilawan pa rin ng huwepe o sulong yari sa sasa ang mga tindahan at tindera ng iba't ibang kakanin."Diyos ko!," naibulong niya. "Diyata't parang pangarap lamang ang pamamalagi ko sa Paris sa loob ng ilang taon. Wala pa ring pagbabago rito. Narito pa rin ang puwesto ng mga ti