Thirty minutes ago...Bago pa ako nakidnap, nasa isang convention ako na ginanap sa pinakamalaking shopping mall sa bansa, kasama ko ang kaibigan ko na si Mai. Inupahan niya ako at mga kaibigan niya na sila Chuck at Maggie para maging model nila sa convention na iyon. Isasali nila ako sa competition bilang si Ruby ng Mobile Legends. Pumayag ako since day off ko naman at raket din iyon.Sobrang dami ng tao at nagkalat ang mga cosplayers na naghihintay ng pagsisimula ng programa. May mga booths din kung saan pwede kang bumili ng ibaât ibang merch ng mga anime at comics na dinudumog ng mga fans. âRuby, pwede pa-picture?â sabi ng isang lalaki at pinagbigyan ko naman. Marami pang tulad nito ang lumapit sa akin. Tuwang tuwa naman sila Mai dahil positibo ang lahat ng feedback ng mga tao sa costume na ginawa nila.âAng daming magaganda,â sabi ni Maggie habang pino-polish ang scythe na prop ko. Halatang kinakabahan ito dahil kanina pa nito iyon ginagawa at sa tingin ko ay wala nang ikikintab
NowKung alam ko lang na kidnapper ang lalaking iyon, hindi ko na sana kinausap!Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse at saka tinandaan ang bawat lugar na tinatahak namin... Pero dahil mahina ako sa direksyon, balewala iyon.Nang huminto na sa wakas ang kotse sa basement parking ng isang five-star hotel inihanda ko na ang sarili ko para makatakas, kaya nang buksan ng kidnapper ang pinto sa gilid ko ay tinadyakan ko siya. Pero handa rin pala ang lalaki dahil nasalo niya ang binti ko at hinila iyon kaya napahiga ako sa passenger's seat. Mabilis kong hinila pababa ang palda at petticoat ko dahil nalilis iyon pataas nang hilahin niya akoâwala akong shorts!"Wala ka talagang modoâ!" magkahalong pagkapahiya at galit na sigaw ko sa lalaki."Nauubusan na ako ng pasensya sa 'yo!" inis na inis na sabi ng lalaki, hinila lalo ang binti ko hanggang sa lumabas ng kotse ang kalahati ng katawan ko tapos ay hinablot niya ang isang braso ko para makatayo na ako, kung tumangkad pa ako ng isang inch
"Ha?" parang tanga na sabi ko. Napanganga na lang ako sa sobrang kabiglaan. Nabitiwan ako ang papa saka tiningnan ang mga mukha ng tatlo. Seryoso silang lahat. Lumipas ang ilang segundo pero wala pa ring sumisigaw sa kanila ng 'April Fools!' Kungsabagay ay hindi rin naman April ngayon. "S-seryoso kayo?" Awkward akong natawa. Walang tumawa. Hindi sinasadya na napatingin ako kay Ien at lumaban naman ito ng titigan. Nang hindi ko kinaya ang paraan ng pagtitig nito kaya si Estrella naman ang napasadahan ko ng tingin. Napansin ko na parehas sila ng ilong ni Ien, pati na mga mata, mag-ina nga talaga sila. "Napag-usapan na namin ito ng iyong ama," sabi na naman ng matandang babae. "Marriage for convenience lang ang mamamagitan sa inyo ng aking anak. Think of it as a jobâa very high paying job. Kapag na-accomplish na ang nakasulat sa last will and testament byenan ko, pwede na kayong maghiwalay and you can have what is due to you. Aw, don't look so shocked, alam kong deep inside ay gustong
âTalaga, mars? Grabe naman `yun!â nanlalaki ang mga mata sa gulat na sabi ni Mai. Tuluyan na niyang nakalimutan ang kinakain niyang pancake dahil absorbed na absorbed siya sa kinukwento ko. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa cellphone. Sinearch niya kanina ang lalaking kidnapper ko, at kahit âIenâ lang ang alam ko sa pangalan nito ay lumabas ang mukha ng demonyo. Paano kasi ay bukod sa unique ang pangalan nito, isa pala ito sa most searched sa Pilipinas dahil sa angking kagwapuhan at kayamanan. âJuan Ireneo Carreon⌠this Ien kidnapped you?âKasalukuyan kaming nasa sa isang fastfood restaurant, masyado pang maaga para pumasok kami sa kanya-kanya naming trabaho kaya matapos ang katakut-takot na paghingi ng tawad ay ikinuwento ko na sa kanya ang nangyari sa akin noong araw ng convention, tatlong araw na ang nakalilipas.Tatlong arawâŚTatlong araw akong hindi kinausap ni Mai dahil sa hinayupak na lalaki na iyon. Kung hindi ako nito kinidnap, eh `di sana hindi nagtampo sa akin si
âSir?â Parang alam ko na ang ibig sabihin nito, pero ayaw kong maniwala. Hindi pwede!âMay bago nang nagmamay-ari sa XYZ Foods, in-absorb nila lahat ng dating empleyado...â Bumuntong hininga si Boss tapos ay tumingin sa labas ng bintana. âMaliban sa `yo.ââAno?!â buong diin na anas ko. âUnfair! Bakit ako lang? Ako lang talaga?ââIâm sorry. Separation pay mo `yan. Sorry talaga.ââPero, sir, wait langâââKung kailangan mo ng COE, alam mo na kung saan ka pupunta.âAng pangit n'yo ka-bonding!Mangiyak-ngiyak ako sa sobrang galit at panghihinayang habang palabas ng factory dala ang box na kinalalagyan ng mga gamit ko. Nang hindi ko na nakayanan ay umupo ako sa ilalim ng isang puno malapit sa factory namin at doon tuluyan nang umiyak sa harap ng picture ni Park Seo Hyun.âMatteo Do!â atungal ko na panay ang agos ng luha sa mga mata. âWala na `kong trabaho...âTen thousand din ang perang nakalagay sa cheke dagdag pa ang walong libong sahod ko para sa kinsenas na iyon. Sa mahal ng bilihin nga
âWhere have you been?â At siya pa ang may ganang mainis! âIâve been waiting here for fifteen minutesâââWow, ha,â asar na putol ko sa kanya sabay balibag ng bag ko sa mesa kaya nagtinginan ang mga tao sa amin. Wala akong pakels. Padabog din na umupo ako. âHindi makatulog sa fifteen minutes? Ako nga kanina pa antay nang antay sa `yo rito, nagreklamo ba ako? Kapal ng mukha nito.ââWatch your tongue, woman.â Parang diring diri ang lalaki na hindi mawari. âGod! Youâre so loud. I canât imagine living with you at all.ââHâwag mo nga akong ini-english.â Humalukipkip ako sabay irap sa kanya.âBakit, hindi mo ba naiintindihan?â nang-uuyam na sabi ni Ien, nakakaloko ang ngisi.Nakuyom ko ang mga kamao ko para pigilin ang galit. Ito ang gusto ng lalaking ito, ang magwala at ipahiya ako. Pwes, hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon.âWala ka ba talagang magawang matino?â mahina pero buong diin na sabi ko.âWhatever do you mean?â patay-malisya naman na sabi nito. âI took the liberty of placing your
Lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang matabang babae sa harap ko.âAno na, Charity?â mataray na sabi nito nang makahuma sa pagkagulat. âNasaan na bayad nâyo ng upa? Hindi pwedeng palagi ko na lang kayo iintindihin. Nangangailangan din ako.âNakuyom ko ang mga kamao ko. Sa isang iglap ay tuluyang nagbago ang tingin ko sa babae. Biglang bigla, hindi na siya ang dating kasera namin na mapagbigay at mabait. Dahil kay Ien, sa impluwensya at pera niya kaya kami ginaganito ni Manang.Napilig ko ang ulo ko. Hindi rin. Kung talagang mabait itong babaeng ito, hindi ito magpapasilaw sa pera, hindi ito aasta nang ganito sa amin ngayon.Gusto kong maawa sa amin ng papa ko, sa kalagayan namin. Napatingin ako sa paligid. Ang daming tao sa labasâmga kapwa namin nangungupahan kay Manang, mga kapit-bahay, mga bagong salta, mga delivery drivers⌠lahat sila ay nakatingin sa amin, may napapailing na lang, nagbubulungan, may nagtatawanan. Nakaramdam ako ng pagkapahiya at panibagong ngitngit.
âNaku, tito, ako na po dâyan!â narinig kong malakas at gulat na sabi ni Mai mula sa kusina kaya kahit inaantok pa ay mabilis akong nagpunta roon para tingnan kung ano ang nangyayari. âMagpahinga na lang kayo sa kwarto nâyo, tito.â âNahihiya na kasi ako sa iyo, Mai.â Natigilan ako nang marinig kong sinabi iyon ni papa. Hindi ako pumasok sa kusina at nanatili na lang na nakasandal sa pader. âMag-iisang linggo na mula nang patuluyin mo kami rito, pero hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho si Cha. Kung totoo na pina-blocklist siya ni Ien, baka maging malabo pa na magkaroon siya nuân.â Natahimik si Mai. Sa totoo lang, iyon din ang inaalala ko. Paubos na ang sampung libong compensation sa amin dahil sa pagkaka-demolish ng bahay namin. Buti na nga lang ay nahukay ko pa iyong box ko ng gamit kaya naisalba ko ang natira sa separation pay ko. âNahihiya ako dahil wala man lang akong magawa para sa inyo ni Charity,â sabi na naman ni papa. âAko na ang bahala sa pagluluto at paglilinis mula