Alexandros I am the third son of the billionare, Greg Ruffalo. Ever since i was young, I could get whatever or whoever I wanted. Everything to me is just like a toy that I can play and dispatch it after i get tired of it. But then everything changed when I first saw her, The image of her face, Her pinkish lips, The warmth of her body in my arms And I want her... But she doesn't want me. And I'll do everything just to have her. Elaine Kayod dito, kayod doon. Hindi uso sa akin ang pahinga lalo na't sa akin nakaasa ang pamilya ko. Pero kahit dalawa na ang trabaho ko ay hindi padin sapat ang nakukuha kong sahod. Kaya ng magkaroon ako ng pagkakataon na makapasok sa Millionare Men's Club, isang private club na para lang sa mayayaman ay ginawa ko ang lahat para makapag trabaho sa loob dahil malaki ang sahod. Trabaho lang ang habol ko, Pero hindi ko akalain na magugulo ng isang lalaki ang tahimik kong buhay.
view moreMabilis na bumaba ng kabayo si Alexandros at matalim na nakatingin kay Yzaak. Namumula ang mukha nito, halatang nagpipigil ng galit. Nang maramdaman nyang bahagya lumuwag ang pagkaka-hawak ni Yzaak sa braso nya ay tinulak nya ito at tumakbo agad kay Alexandros.Agad naman sya nitong kinulong sa loob ng mga bisig nito. Dahil nakaharap ang mukha nya kay Yzaak ay kitang-kita nya ang sakit na rumehistro sa mukha nito.“Are you okay? I’m sorry kung hindi ko napansin ang oras at hindi kita nasundo. Marami kasi kaming inasikaso ngayon araw.” Tanong sa kanya ni Alexandros ng maghiwalay ang kanilang katawan pagkatapos ng maikling yakap.Tumango sya dito.Agad naman nitong kinuha ang braso nyang hinawakan ni Yzaak at sinuri, namumula ‘yon dahil sa mahigpit na hawak ni Yzaak kanina. Dumilim ang anyo nito ng makita ‘yon, magsasalita sana sya para sabihin okay lang sya at hindi naman masakit ng makarinig sila ng nakakalokong tawa mula kay Yzaak.“Ito yung pinalit mo sakin, Elaine? Ni hindi ka nga
Pagod na napaupo si Elaine sa isang bench. Kakatapos lang ng duty nya at nagdesisyon syang maglakad-lakad sa loob ng isla bago umuwi sa main villa, kung saan namamalagi sya. Tumingala sya at napapikit. Dinadama nya ang hampas ng hangin sa kanyang mukha. Ang buhok nyang mahaba ay hinahangin din. Humugot sya ng malalim na paghinga at ibinuga din naman 'yon. Inulit nya 'yon ng maraming beses hanggang maramdaman nyang unti-unti na syang narerelax.Nagmulat sya ng mga mata at yumuko para tingnan ang kanyang paa, masasakit kasi ang mga 'yon dahil sa mahabang oras na pagtayo at pauli-uli sa loob ng restaurant. Lagi naman maraming tao sa fresh floating restaurant, pero hindi nila ineexpect na ganon kadami guest ngayon araw."Ang sakit ng mga paa ko..." dàing nya sa sarili. Hinubad nya ang itim na flat shoes at akmang hihilutin 'yon ng may lumuhod sa may paanan nya at ito ang naghilot nun. "Yzaak..." mahinang bigkas nya sa pangalan nito. Mula sa pagkakaluhod ay umupo ito sa may buhanginan
Halos hindi na sila magkanda-ugaga sa sobrang dami tao ngayon sa loob ng Fresh Floating Restaurant. Dalawang araw na lang kasi bago ang auction night na inaabangan ng lahat. Maraming guest ang dumating ngayon araw sa isla para umattend sa okasyon na 'yon. Hindi din nya nakikita pa si Alexandros ngayon araw dahil busy ito kasama si Jaxon para icheck ang bawat guest na pumapasok sa loob ng isla. May mga security naman na naka assign para dun, pero dahil sa pangyayari nung nakaraan, mas lalo naghigpit ang seguridad ng isla.Buti na lang talaga at nalaman nila ang tungkol sa ginagawa ni Nicole at naialis agad ang mga galamay nito sa loob ng isla. Ang kaibigan ni Jaxon na syang namamahala sa seguridad ng isla habang wala ito ay tuluyan na ngang nabanned ayon kay Alexandros. Hindi na hinayaan ng kapatid nitong si Marcus na manatili pa ng isang araw sa loob ng isla ang traydor na si Jeff at pinadala na agad ito pa manila. "Here’s your order, ma'am" nakangiting sabi nya habang binababa ang
"Elaine?" Nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kanya si Ice.Tumango sya dito. "Yes, Ice. Boyfriend ko si Alexandros." Pagkumpirma nya dito.Bumakas sa gwapo nitong mukha ang sakit, saglit lang 'yon dahil ngumiti din naman ito. Ngiting hindi umabot sa mga mata nito."Akala ko...""Akala mo ano? Na single pa si Elaine? Sorry, dude! She's mine now. So back off!" Putol ni Alexandros sa sasabihin nito.Hinila naman sya ni Alexandros paalis sa harapan ni Ice na parang naestatwa na sa kinatatayuan nito. Lumingon sya dito at nakita nya ulit ang lungkot sa mga mata nitong nakatingin sa kanila."Sorry." Sabi nya dito na walang boses. Tumango lang ito sa kanya. Hihingi sya dito ng paumanhin ulit sa susunod kapag nakita ito, hindi naging maayos ang pagkaka kilala nito at ni Alexandros.Dinala naman sya ni Alexandros sa opisina ni Selena sa loob ng restaurant. Pagka sarado nito ng pintuan ay agad naman nitong binitawan ang kamay nya at inihilamos ang kamay nito sa mukha.Ilang beses itong hum
Nagpupunas ng mesa si Elaine ng bigla na lang may humalik sa kanyang pisngi. Dahil sa pagka gulat ay biglang umigkas ang isa nyang kamay at nasampal ang pangahas na 'yon.Nanlaki ang kanyang mata ng lingunin nya ito."Ice!?"Hawak ang nasaktang pisngi nito ay ngumiti ito ng bahagya sa kanya. "Surprise!" Dahil sa tuwa ay napatalon sya at napayakap dito. Hindi nya inaasahang makikita ito dito, huling pag-uusap kasi nila ay nung nag desisyon itong umalis ng bansa para mag-aral dun at makasama ang pamilya nito. Niyakap din naman sya nito pabalik. Kumalas sya dito at nakangiting tiningnan ito. Napansin pa nyang bahagyang namumula ang pisngi nitong nasampal nya. Ngumiwi sya. "Pasensya kana. Bigla ka kasing nanghahalik e." Tumawa naman ito at hinaplos ulit ang pisngi. "Okay lang, kasalanan ko naman at nagulat ka. Pero malakas 'yon ha? Mas malakas pa sa huling sampal na nakuha ko sayo dati." Tumawa ulit ito ng malakas na syang ikinakuha ng atensyon ng mga kumakain sa loob ng floating res
"Blooming ka ata girl? Anong tinatake mo?" tanong ni Olivia sabay beso sa kanya.Andito sila ngayon sa cabin ni Selena. Nag-aya kasi ito na doon na sila ni Olivia mag-agahan bago sila pumasok sa restaurant. Biglaan lang ang aya sa kanila kagabi sa text kaya hindi nadin sya nakatanggi."Wala ah! Vitamins lang naman tinatake ko." Sagot nya dito sabay upo na sa upuan. Umupo din naman ito sa harap nya at tinitigan pa sya. Dahil naiiling sya sa pagtitig nito sa kanya kaya napag desisyunan nyang kunin na lang ang kanyang cellphone at itext na lang si Alexandros. Baka kasi hanapin sya nito pagka gising. Hindi na kasi nya ito ginising para magpaalam dahil alam nyang napagod ito kagabi. Naramdaman nyang nag-init ang kanyang mukha ng maalala ang ginawa nitong ''harot'' sa kanya. Talagang hindi sya nito tinigilan hanggang madaling araw. Kung hindi pa nya sinabi dito na may duty sya ay baka naka wheelchair syang pupunta sa cabin ni Selena.Muntikan pa syang matumba kanina pagka bangon nya mula
Naalimpungatan sya ng makarinig ng pagbukas at pagsara ng pintuan. Alam nyang si Alexandros 'yon dahil ito at sya lang naman ang may alam ng pass code ng pintuan ng kwarto nito. Naramdaman nyang lumapit ito sa kama kung saan sya nakahiga. Hindi padin sya nagmumulat ng mga mata dahil inaantok padin sya."I love you, Elaine." Mahinang sabi nito sabay haplos sa buhok nya. Lihim syang napangiti."I love you more.." gusto nyang sabihin dito pero dahil sa paghaplos nito sa kanyang buhok ay nakatulog ulit sya.***Nang makasiguro na nakatulog na ulit ang dalaga ay dahan-dahan tumayo si Alexandros at nagtungo sa banyo.Alam nyang nagising nya si Elaine sa pagpasok nya sa kwarto nila dahil gumalaw ito. Kabisado na nya ang dalaga kaya kahit hindi ito nagmulat ay alam nyang nagising ito.Hinubad nya ang uniform ng MMC at nagtungo sa shower area. Binuksan nya ang shower at hinayaan lang na mabasa sya ng malamig na tubig. Nanlalagkit din kasi sya dahil sa paglalaro nila ng ibang member.Itinukod
Malungkot na tinatanaw ni Elaine ang papalayong yate na kinasasakyan ng kanyang pamilya, gustuhin man nyang manatili pa ang mga ito sa isla ay hindi pwede dahil may pasok pa si Raven sa school at si Sabrina naman ay may check-up pa sa doctor para sa puso nito.Humugot sya ng malalim na paghinga at bahagyang sumandal sa balikat ni Alexandros. Magkatabi silang pinapanood ang papalayong yate. Nakita nyang kumaway pa sa kanila si Sabrina kaya kumaway din sya dito.“I miss them already…”Umakbay sa kanya si Alexandros at hinalikan sya sa ibabaw ng kanyang ulo. “I know, love.. I know..”Sa ilang araw na pananatili ng mga ito sa loob ng isla ay halos puro papuri ang lumabas sa bibig ng mga ito. Lagi silang gumagala kasama si Alexandros, minsan pa nga ay sumasama ang ibang member ng MMC. Tinuruan pa ng mga ito sumakay ng kabayo si Raven na syang ikinatuwa ng huli. Maski ang pag scuba diving ay naging bonding ng member ng MMC at ng kanyang kapatid.Lumabas din sya kasama ang kanyang ina pati
"Kanina ka pa tahimik, okay ka lang ba?" Tanong nya kay Alexandros pagkatapos nilang maihatid pabalik sa hotel room ang kanyang pamilya at naglalakad na sila ngayon papunta main villa.Kanina pa kasi nya napansin na tahimik lang ito, maski habang kumakain sila sa fresh floating restaurant ng hapunan ay hindi ito masyado umimik, naimik lang kapag tinatanong nila ito tapos tatahimik na ulit. Para bang ang lalim ng iniisip nito."Alexandros!" malakas na tawag nya sa pangalan nito dahil hindi man lang nito pinansin ang sinabi nya at dere-deretso padin ang lakad habang nakatingin sa kawalan. Huminto sya sa paglalakad at hinawakan ang braso ng binata para tuluyan na nyang makuha ang atensyon nito."Ha? Are you saying something, love?" Tanong nito sa kanya.Huminto nadin ito sa paglalakad at nakatingin na sa kanya. Hindi padin nya inaalis ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito.Tinitigan nya ang mukha ni Alexandros, seryoso lang itong nakatingin ea kanya. Bumuntong-hininga sya at umil
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.