Share

4.1

Napabuntong hininga pa ako bago magpaalam at lumabas na sa kotse niya. Pagpasok ko ay maraming nakahilera sa magkabilang gilid ng automatic door, na para bang gawi na sa restaurant na iyon na ganoon ang salubong sa mga papasok.

Iilan lang ang tao na nakaupo sa lamesa at masyadong magaan ang ambiance na nakakarelax talaga. They greeted me kaya binati ko na rin sila pabalik.

"Do you have a reservation, Ma'am?" Tanong ng isa kaya umiling ako.

"I'm Affeya Bueno. I'm here for the reservation of Sidney Velario," sambit ko.

Agad naman silang tumango at iginaya ako isang VIP room. I get my phone while they open the door of the VIP room for me. Hindi ko maiwasang mapangiti nang magsend ng picture si Anna. Picture iyon ni Zally habang nakasimangot.

Anna:

Naiinis nanaman siya sa Kuya Rony niya kasi ayaw nitong makipaglaro sa kanya. Etong anak mong si Rony para talagang hindi bata.

Napailing ako at natawa ulit. Pumasok ako sa loob ng VIP room na iyon nang hindi tinitignan ang taong nasa harap ko. I'm just say sorry to Miss Sidney after this kasi hindi ko siya nabati agad. Sadyang natuon lang ang attention ko sa picture ni Zally na sinend ni Anna.

Magsisimula na sana akong magtipa, pero natigilan ako nang makarinig ng pamilyar na boses mula sa harap ko.

"Drop that phone," seryosong boses ni Yrony ang narinig ko mula sa harap ko. 

Napakurap-kurap ako at nawala ang ngiti sa labi ko. Halos mapasinghab ako nang makita ko kung sino ang prenteng nakaupo sa sofa. What the fvck?

Napasulyap ako sa pinto nang sumara iyon. Teka! Maling VIP room ba ang pinagdalhan sa'kin? Bakit siya nandito? Nasaan ang interior designer?! Pero imposible naman na mali ang pinagdalhaan nila sa'kin. 

Kung mali ay makikita ko sa mukha ng lalakeng ito ang gulat, pero hindi man lang siya nagulat na makita ako ngayon dito.

"Where's Miss Sidney?" Mariin at galit na na sambit ko, pero imbes na magsalita siya ay uminom pa siya sa wine na hawak niya.

"What! I'm asking you! I'm here for Miss Sidney! Magsalita ka kapag nagtatanong ako!" Inis na sambit ko rito, pero titig na titig lang siya sa'kin.

Mariin akong pumikit, pero bago pa ako magsalita ulit ay muli na siyang nasalita.

"All the portfolio was fake, even the names, Azaylie. I did that to have a time with you. Now, let's sit," he said calmly, as if he thought all of this was fine and I would just sit there when he ordered me to do that.

"Ano ba talagang problema mo, and don't fvcking call me that name! I'm already Affeya!" Inis na bulyaw ko na sa kanya, pero ang asshole na 'to, nakakainis! 

Muli siyang uminom sa wine glass niya, kinuha pa ang tinidor at tumusok ng pagkain sa harap niya. Naisuklay ko ang mga daliri sa buhok ko at mariing pumikit.

"Bakit ba—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay muli na siyang nagsalita.

"Ang problema ko ay ang nakakainis na apelyedo sa pangalan mo," irita na rin na sambit niya. "At tatawagin kita sa pangalang gusto ko. For me, you are Azaylie," seryoso pang dugtong niya kaya napailing at natawa na lang ako.

"Mukhang nagsasayang lang ako ng oras dito," umiiling na sambit ko at agad na lumapit sa pinto para buksan iyon, pero kumunot ang noo ko nang hindi ko iyon mabuksan.

"Sh*t!" Hindi ko maiwasang mapamura. Nanlalaki ang mata ko habang sinusubukang buksan ang pinto.

Teka? Huwag nilang sabihin na nakalock sa labas? What the hell! Bakit ni lock sa labas? Fvck! Hindi pwede!

"Stay here, and we need to talk," he said seriously, but I ignored him and continued to slam the door. Naiiyak na rin ako sa inis nang kahit anong kalambog ko ay walang bumubukas.

"Buksan niyo 'to!" Inis na sambit ko at nilakasan ang pagkalambog doon.

Ang manatili rito kasama ang manloloko na 'to ay isang kalukohan! Kahit isang minuto, ayokong manatili rito kung siya lang din naman ang kasama ko.

"Hindi nila bubuksan yan. Magsasayang ka lang ng oras," rinig ko pang sambit niya sa kinauupuan niya, pero hindi ako sumuko.

Shit! Please, open this fvcking door. Nakagat ko ng matiin ang labi ko habang sinusubukan ang lahat para mabuksan ang pinto.

"Baby, come one, don't waste your time," gulat akong hinarap siya nang marinig ko ang masuyo niyang boses sa mismong likod ko.

Hindi ko napansin na tumayo na siya at lumapit sa'kin.

"L-Lumayo ka!" Inis at utal na sambit ko sa kanya, pero napasandal ako sa pinto nang agad niyang hinawakan ang bewang ko. Masuyo niyang hinawakan ako sa bewang ko at hindi ko maiwasang manlaki ang mata ko sa paglapit niya sa'kin.

Nahigit ko ang paghingaa ko.

Fvck! Lumakas ang kalabog ng dibdib ko nang ipulupot niya ang kamay sa bewang ko para mas malapit sa kanya.

Agad kong naiharang ang palad sa dibdib niya para huwag mas maging malapit ang katawan namin. Natigilan siya at napasulyap sa kamay ko.

"M-May asawa na ako kaya ano bang ginagawa mo?" Utal, pero ginawa ko ang lahat para magtunog iyon na seryoso.

When he looked back into my eyes, it was so dark that it was as if I was wrong to mention that. I tried to keep my serious gaze on him, but his eyes were melting my serious stare. 

Nakakalunod ang titig niya sa'kin.

His gaze, which was the same as Rony's eyes, made me nervous. I caught my breath again. His eyes were dark and full of anger and hatred, but despite that, nakita ko ang lungkot doon sa mata niya. Lungkot? Pero bakit? Bakit siya malulungkot?

"M-May asawa na ako," pag-uulit ko kahit na namayani ang panginginig sa boses ko.

Akala ko ay mananatili siyang tahimik, pero nagsalita siya.

"I don't care. I am ready to play dirty to get you, Baby," he said in a most gentle voice, but before I could speak again, he covered my nose with a handkerchief until little by little all my vision became dark, but before that, he spoke again.

"I'm sorry, baby, but I really want to be with you. I just really miss you."

Hindi ko lang gaanong narinig iyon dahil masyadong mahina at tuluyan na rin naman ako nawalan ng malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status