Share

Chapter 2: Find the missing heiress

DON RAFAEL LASTRA POV

Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ni Don Rafael kung paano niya napag-tagumpayan ang kanyang mga plano noon na paslangin ang mag-asawang Morte at makuha ang anak nila, na kung saan ay siyang taga-pagmana sa lahat ng kayamanan at kapangyarihang mayroon ang mga Morte.

"Hindi natin sigurado kung namatay nga talaga ang anak ng Don at Doñia Morte dahil wala namang naipakita na kahit anong bangkay nito. Maari lamang natin mailipat ang posisyon kay Don Rafael, kung mapipirmahan ng anak nila ang kontrata, dahil noon pa lamang ay nakapangalan na talaga ang lahat ng kontrata kay Akuji Morte na kung saan ay siya lamang ang may karapatan na magbigay ng posisyon kay Don Rafael, dahil siya na ang tumatayong heir ng ating kompanya simula nang pumanaw ang mag-asawa."

Mahabang lintana ng sekretarya sa unahan. Bahagyang natawa si Don Rafael sa kanyang isipan dahil alam niyang hawak nito ang nawawalang anak ng Morte. Si Akuji.

"Paano naman masasabing siya na ang namamahala sa ating organisayon, kung kahit anino manlang nito ay hindi natin makita?! Ang kailangan natin ngayon ay isang pinuno na magre-reprisinta sa harap nang karamihan! Tutal, si Don Rafael na rin naman ang humahawak sa lahat, simula noong pumanaw ang mag-asawang Morte, bakit hindi na lang natin ibigay kay Don Rafael ang posisyon?" Suhestiyon nang isa sa mga officer sa loob ng kanilang Agency.

"Sang-ayon ako kay Ms. Solis. Tama lamang na may opisyal ng namumuno sa ating organization, para mapanatili ang kaayusan. Ano namang mapapala natin kung ang nawawalang anak ng Morte ang mamumuno sa atin!" Kunot noong pagsang-ayon nito.

"May iba pa namang paraan. Bakit hindi natin ipahanap ang nawawalang anak ng mag-asawang Morte? Maaari tayong mag-hire ng mga agent para ipahanap ang heir, hindi ba? Nang sa ganoon ay mapag-desisyunan ito nang maayos kung sino ang dapat na mamuno. Hindi naman maaring basta na lamang natin ibigay ang posisyon kay Don Rafael kung wala tayong makukuha na permiso mula sa heir. Alam nating labag na kunin ang posisyon o pagmamay-ari ng iba nang walang hinihinging pahintulot, kaya hindi malabong malaki ang posibilidad na makasuhan si Don Rafael, kung ipagpupumilit natin na ilipat sa kanya ang pagiging pinuno." Suhestiyon ng isa, na kung saan ay sinang-ayunan din ng karamihan.

"Paano naman natin siya mahahanap kung wala tayong kaide-ideya sa itsura o pagkatao nito?" Tanong ng isa pa.

Nananatili lamang tahimik si Don Rafael, habang pinakikinggan ang bawat suhestiyon at opinyon ng mga tao sa loob ng conference room.

Nagugustuhan niya ang ginagawa ng mga officer na pagtatalo. Ngunit, hindi niya maipagkakaila sa kanyang sarili na hindi niya nagustuhan ang ideya nang pagpapahanap sa heir dahil alam niyang buhay na buhay ito.

Napalingon ang lahat sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok ang isang matipunong lalaki.

Isa ito sa mga tauhan ng Don Morte. Siya si Forte Tolentino.

"May alam ako sa pagkatao ng nawawalang anak ng Morte," bungad na sabi nito, na kung saan ay nakatawag pansin ng karamihan. Bahagyang nagpakawala ng hininga si Don Rafael dahil sa sinabi nito. Hindi maganda ang kutob nito sa lalaking na sa kanyang harapan ngayon, dahil kilalang kilala niya ang ugali nito.

'Mukhang magiging malaking balakid ang taong ito sa mga plano ko.' Saad ni Don Rafael sa kanyang isipan.

"Maaari mo ba sa aming isalaysay ang iyong nalalaman tungkol sa anak ng Morte nang sa ganoon ay madali natin siyang matagpuan?" At madali na rin kitang makitilan.

Mahinahong utos ni Don Rafael kay Forte. Bahagya naman muna itong yumuko bago magsalita.

"Ang itsura ng anak ng heir ay hindi pang-karaniwan. Alam kong hindi ito kapani-paniwala. Ngunit, ito ang katotohanan. Si Akuji Morte ay may kakaibang wangis ng mga mata, hindi ito ordinaryo." Pag-uumpisa ni Forte na magpaliwanag at may flinash na kung anong litrato mula sa TV flat screen.

Isa itong litrato ng isang pares na mata at mayroong magkaibang kulay.

"Kung inyong pagmamasdan, ang kanang bahagi ng mata nito ay may kulay na amber na kung saan ay purong dark golden yellow ang kulay, habang ang kaliwa naman nitong mata ay may kulay na dark blue," pagpapaliwanag nito.

Karamihan ay namangha sa ipinakita ni Forte, dahil ngayon lamang sila nakakita ng ganoong klase ng pares nang mga mata.

"Iyan ba ang mata ng batang Morte?"

"Napakaganda . ."

"Hindi ba't ang mga ganiyang kulay ng mata ay kadalasang nakikita lamang sa mga mata ng wolf? Those kind of eye colours are the rarest thing to find in humans iris. Kaya nakakamangha na ganyan ang itsura ng mga mata ng ating pinuno." Hindi makapaniwalang saad ng sekretarya.

"Sang-ayon ako, talagang nakakamangha ito. Isa pa ay hindi na tayo mahihirapan na mahanap ang heir, dahil kung tutuusin, alam nating lahat na bilang lamang ang mga taong may ganyang uri na kulay ng mata sa mundo." Sang-ayon ng isa.

Lahat sila ay natutuwa, habang si Don Rafael ay matiim na pinakatititigan ang litrato ng mga mata sa kanyang harapan. Kung hindi siya nagkakamali ay mata nga talaga iyon ng heir dahil ganoon na ganoon ang itsura ng mga mata ni Akuji.

Pinasadahan nito ng tingin si Forte na nahuli niyang nakatingin rin pala sa kanya at agad na lumihis ng tingin nang balingan niya ito.

'May alam ba ang lalaking ito?' Tanong ng kanyang isipan.

"Ngunit paano mong nasisiguro na iyan nga ang hitsura ng pares na mata ng ating pinuno?"

"Oo nga? Hindi ba't sanggol pa lamang ay nawawala na ito? Paano mo nasabing ganyan nga ang hitsura?"

Sunod-sunod na tanong ang ipinakawala ng ibang mga tauhan sa loob ng conference room kaya naman hindi mapigilan ni Don Rafael na manliit ang kanyang mga mata dahil sa mga interesanteng tanong na nabubuo sa bawat isipan ng nakararami.

Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ni Forte.

"Hindi ko na maari pang ibahagi ang kasagutan tungkol sa bagay na iyan, ngunit maniwala man kayo o sa hindi, iyan talaga ang hitsura ng mga mata ng nawawalang Morte."

Mahinahong sagot nito, bago patagong sinulyapan si Don Rafael na mukhang malalim ang iniisip dahil titig na titig pa rin ito sa litrato na nasa kanyang harapan.

"Kung ganoon, saan mo nakuha ang litrato na iyan?" Tanong ni Don Rafael.

"At paano ka namin paniniwalaan na iyan nga ang tunay niyang mata kung wala ka namang ebidensya?" Bumalatay ang maliit na ngisi sa labi ni Don Rafael bago niya tapunan ng tingin ang makisig na lalaki sa kanyang harapan.

Nagsimulang mag-bulungan ang mga tao sa loob ng conference room dahil naguguluhan na rin sila kung dapat ba talaga nilang paniwalaan ang sinasabi ni binata.

"Nakuha ko iyan sa kwarto ni Don Morte, alam ng lahat na isa ako sa mga tapat na tauhan ng Morte. Kung kaya't bago pa man mawala ang aking mga amo ay sa akin ibinilin ng kataas-taasan ang anak nilang Morte. Ilang beses ko na ring nasulyapan ang hitsura ng batang Morte kung kaya naman nakasisiguro ako na iyan nga ang tunay na kulay ng kanyang mga mata. Kung gusto ninyong malaman kung nagsasabi ako ng totoo, bakit hindi natin gawin ang plano ng sekretarya na mag-hire ng mga tauhan, upang ipahanap ang nawawalang anak ng Morte nang sa ganoon ay matapos na ang problema sa kompanyang ito."

Seryosong giit niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Don Rafael. Nang matapos siyang magsalita ay muli siyang yumuko upang magbigay galang at saka nito tuluyang nilisan ang silid.

"Alright, sasang-ayon ako sa planong ito. Ipahanap ang nawawalang heir." Huling sambit ng isa sa mga officer na sinang-ayunan din ng karamihan. Habang si Don Rafael naman ay hindi pa rin matanggal-tanggal ang paningin sa kawalan.

'Sino ba ang lalaking iyon? Ano ang kanyang mga nalalaman?' Naguguluhang tanong niya sa kanyang sariling isipan.

Kung nakita niya na si Akuji Morte ay dapat matagal na itong patay, dahil lahat nang nakakakita at tumitingin sa mata ng babaeng iyon ay hindi nagtatagal at kinikitilan niya ng buhay dahil sa kagustuhan niyang hindi mabunyag ang mga sikretong nakakubli mula sa mga mata ng heir.

GIOVANNI LASTRA POV

Matapos ang meeting sa loob ng conference room at ang unti-onting paglisan ng mga tauhan ay agad na pinatawag ni Don Rafael ang kanyang anak na lalaki.

Si Giovanni Lastra.

"What now?" Tanong nito nang sa wakas ay makapasok siya sa loob ng conference room.

"You need to marry her as soon as possible," sambit nito nang hindi lumilingon sa kanyang anak, at nanatiling nakatingin sa malaking glass window kung saan kitang kita ang buong siyudad.

"Who? That weird woman who looks like a dumb alien na inampon ninyo?" Natatawang tanong nito nang maalala niya ang kakaibang istura ng mga mata ng babaeng iyon.

"She may looks weird, pero napakalaking kayamanan ang makukuha natin mula sa kanya," prenteng bulong ni Don Rafael.

Agad namang natahimik ang kanyang anak nang marinig ang salitang kayamanan at animo'y may malalim nang iniisip.

"What's your plan again?" Muling tanong ni Giovanni na mahahalata sa tono nang pananalita ang kanyang pagka-interes sa plano ng matanda.

'It's been 19 years since he adopted that girl, sino ba talaga siya? Paano namang malaki ang kayamanan na makukuha namin mula sa alien na iyon?'

Tanong ni Giovanni sa kanyang isipan.

"Mailap na ang mga mata ng karamihan sa kanya. Sa ngayon ay pinapahanap na siya ng mga tauhan ng Morte. Hindi maaring makalabas ang totoong pagkatao ng babaeng iyon. Kaya hangga't maaga ay pakakasalan mo siya," sagot nito, nagtakha naman ang kanyang anak sa sinabi nito.

'Ano bang pinagsasabi ng matandang 'to? Ano namang kinalaman ng babaeng 'yon sa mga Morte?'

"Hindi ko inampon ang babaeng iyon."

"Kung ganoon ay sino at saan mo napulot ang wirdong babaeng 'yon?" Tinignan lamang ito ng matanda sa kanyang mata at bahagyang natawa.

'Nababaliw na talaga siya.' Hindi mapigilang maasar ni Giovanni sa kanyang ama nang dahil sa inaasta nito.

"Siya si Akuji Morte." Bulong ng matanda sa kanyang tainga bago siya nito iwanan mag-isa sa loob ng conference room.

Tila ay naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan, dahil sa hindi kapani-paniwalang narinig niya mula sa kaniyang ama.

Isa siyang . . Morte? Kung ganoon ay siya si Akuji? Ang heir ng Morte Organization? At hindi talaga Yiel ang ngalan ng babaeng iyon? Ngunit . . Paanong nangyari?

Muli niyang nilingon ang pintuan kung saan lumabas ang kanyang ama. Hindi matanggal tanggal ang pagkakunot ng kanyang noo dahil sa mga katanungang ngayo'y bumabagabag sa kanyang isipan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status