"ANAK ng kuwago!" impit na sigaw ni Judith nang maipasok na ni Storm sa kanyang kuweba ang mala-kamagong nitong sandata. Pakiwari niya ay nahati siya sa dalawa kaya naman ang higpit ng yakap niya kay Storm. Para kasing kapag hindi niya ginawa iyon ay hihinto sa pagtibok ang kanyang puso. "Are you okay?" Tanong nito, nag- aalala. Buhay pa ba ako? Gusto niyang itanong dito pero nangamba naman siyang kapag sinabi niya ang mga salitang iyon ay bigla itong umalis sa kanyang ibabaw. Siyempre, hindi niya gugustuhin na mangyari iyon dahil gusto rin niyang maranasan ang sinasabi ng marami na magagawa niyang makaakyat sa langit. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong ni Storm, tumango na lang siya. Sinunod-sunod pa niya ang pagtango dahil gusto niyang ipakita rito na talagang okay lang siya. "Kiss me," utos sa kanya ni Storm. Dahil gusto rin naman niya ito talagang halikan, buong pagsuyo niyang sinunggaban ang labi nito. Marahang halik lang sana ang plano niyang ibigay dito pero mapusok na h
MARAHANG itinulak ni Judith si Storm. "Hindi mo ba gustong halikan kita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm sa kanya. Sa tono ng pananalita ni Storm na puno ng pagdaramdam parang gustong matawa ni Judith. Para kasing may naaaninag siyang insecurity roon at hindi niya iyon mapaniwalaan. Napakaguwapo ni Storm para maisip nitong hindi niya ito gustong halikan. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niyang pinagdaanan nito. "Hindi pa lang ako nagtu-toothbrush," mabilis niyang sabi sabay haplos sa magkabila nitong pisngi habang titig na titig siya sa mga mata nito. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ni Storm nang sabihin ang mga salitang iyon kaya tiyak niyang naniwala ito sa sinabi niya. Nakita niya kasing ngumiti na pati ang mga mata nito. Para na nga iyong bituin na kumikislap. "Pareho lang naman tayo. Ibig sabihin, nandidiri ka sa laway ko?" Seryosong tanong nito ngayon sa kanya. "No," buong diin niyang sabi. "Good," wika ni Storm sabay tayo sa kama. Hindi niya napigila
NO reaction? Napapantastikuhang tanong ni Judith sa sarili sabay pawala nang malalim na buntunghininga. Well, ano bang ini-expect niya, sasagot ng 'I love you too' si Storm sa kanya. Ipokrita naman siya kung sasabihin niyang hindi. Siyempre gusto rin naman niyang magsabi ito ng minamahal din siya. Ngunit, hindi naman porke me nangyari na sa kanila'y awtomatiko ng bubukal ang pag-ibig nito para sa kanya. Maaari naman kasing iba ang dahilan ni Storm kaya siya inangkin. Una, mag-asawa sila. Natural lang na may mangyari sa kanila. Kung tutuusin nga'y siya itong mapilit na may mnagyari sa kanila. Idinahilan pa nga niya na gusto niyang makalimutan ang nakaraan. Well, sa palagay nga niya ay malaki ang tulong na nagawa ni Storm kaya agad siyang naka-recover. Siguro ay mas nanaig ang pag-ibig niya rito. Pangalawa, para mahigitan si Jiwan. Bigla tuloy siyang natigilan. Nakalimutan niyang iyon nga pala ang dahilan kaya siya pinakasalan ni Storm. Para makasigurado ito na hindi siya maaagaw ng
"PAKASALAN mo ako," walang kagatul-gatol na sabi ng Director ng Magaling Hospital na si Storm Davis, pagkaupong pagkaupo niya sa harap ng lamesa nito. Kung hindi lang siguro matibay ang kanyang mga tuhod, siguradong natumba na siya sa sinabi ng lalaki. Para naman kasi itong granadang pinasabog sa kanyang harapan. Hindi niya inasahan na lalabas sa bibig nito ang mga salitang iyon kaya napanganga siya. Para tuloy gusto niyang i welcome ang mga langaw na mag-landing sa kanyang bunganga. Siya nga pala si Judith Dimaculangan, 23 years old pa lang siya pero sandamakmak na ang problema na kanyang dinadala. Ewan nga lang niya kung talaga nga bang may kinalaman ang petsa ng kanyang birthday. Sabi kasi ng isang manghuhula, ang taong otso raw ay puro paghihirap. August 8 ang kanyang kaarawan kaya kung talagang maraming paghihirap ang mga Taong Otso ay doble-doble iyon sa kanya dahil ika-walong buwan din ang Agosto. "Bukas na bukas din ipakikilala kita sa lola ko," buong diin pa nitong sabi sa
PAG-IBIG lang ang dapat na maging dahilan kaya magpapakasal ang dalawang tao ngunit hindi naman niya gugustuhin na hindi matuloy ang operasyon ng ama-amahan. Mahal na mahal niya ang kanyang Tatay Samuel. Kinakailangan nitong sumailalim sa heart transplant para madugtungan pa ang buhay nito. Ngunit, dapat ba niyang isuko ang pangarap niyang iyon? Hindi dapat! Buong diin niyang sabi sa sarili ngunit, paano naman ang kanyang Tatay Samuel?Ewan ba naman kasi niya kung bakit sa dinami-dami ng kabayaran, ang pagpapakasal pa ang naisip ni Dr. Storm na maging kapalit gayung pwede naman siyang pautangin na lamang nito ng bonggang-bongga. Tutal, babayaran naman niya ito, kahit gaano kalaki ang tubo. Ewan lang niya kung paano siya makakabayad gayung wala naman siyang regular na trabaho. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Minsan pinangarap rin niyang maging reporter. Nais kasi niyang maghatid ng balita at siyempre gusto niyang makita ang sarili sa telebisyon. Maaari pa rin namang
"SIGURO naman ngayon ay tatanggapin mo na ang kasal na inaalok ko?" mahinahong tanong sa kanya ni Dr. Storm. Marahas na buntunghininga ni Judith sabay iling. Ngunit siyempre, hindi iyon ang sagot niya kay Storm Divis. "Wala naman akong ibang pagpipilian pa, hindi ba?""Wala na talaga."Muli ay napabuntunghininga siya. Bigla na naman kasi niyang naalala kung ano ba ang nangyari. "Next week pa ang due date ko, ah," mataray niyang sabi. Kahit naman hindi siya nakasisiguro kung magkakapera na siya next week, hindi pa rin dahilan iyon para magpasindak siya."Gusto ni Boss makasisigurado siya na magbabayad ka," wika ng lalaking nasa kaliwa. Kahit na mata lang ang nakikita niya ritong nakalitaw, hindi naman nito magawang ipagkaila ang palaging pagtingin nito kay Storm Davis. "Magkano ba utang niya?" tanong naman bigla ni Storm. Hindi man ubod lakas ang boses nito ay nagmistulan namang babagyo ng mga sandaling iyon. Napakariin kasi ng pagbitaw nito sa bawat kataga. "Bakit ba tinatanong mo
"S-STORM," bulalas ni Judith nang nasa sasakyan na sila ni Dr. Storm. Marahas na buntunghininga ang pinawalan ng lalaki kaya mas bumangon ang guilt sa kanyang dibdib. Hindi rin kasi niya maintindihan ang kanyang kanyang sarili kung bakit nag-react siya ng ganoon. Basta sobrang takot ang kanynag naramdaman habang humahakbang ito palapit sa kanya. Silang dalawa lang kasi sa loob ng library nito kaya naisip niya na wala siyang magiging laban kung sakaling may gawin itong masama sa kanya. Sa kaisipang iyon ay bigla siyang nakaramdam ng takot kaya ninais niyang matakasan ito agad. Sa kaisipang nagtitili siya habang palapit si Dr. Storm sa kanya, parang gusto niyang lumubog sa sobrang kahihiyan. Kung bakit ba naman kasi naisip niya na maaari siya nitong halayin o patayin. Propesyunal at guwapo si Dr. Storm Davis kaya tiyak niyang hindi nito kakailanganing manghalay. Saka, bakit naman siya nito hahalayin gayung inaalok nga siya nito ng kasal? Tingin din niya, wala naman kakayahan si Dr.
"ANAK…"Biglang natigilan si Judith sa paraan ng pagtawag sa kanya ng Tatay Samuel niya. Ewan niya pero parang nanayo ang balahibo. Bigla ring nanginig ang kamay niyang may hawak ng kutsara. Gusto niyang isipin na dahil lang iyon sa gutom. Hindi muna kasi siya kumain hanggang di siya nakakasigurado na nagawa na ang test sa kanyang Tatay Samuel ngunit ngayon, parang bigla siyang nawalan ng gana. Sa pagkakatitig nga niya sa pagkain ay parang may alaalang pumapasok sa kanyang utak na nagdudulot ng sobrang kaba sa kanya. "Judith…" tawag ulit ng kanyang Tatay Samuel. "Po," bigla niyang sabi."Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. Ayaw sana niyang magsinungaling sa kanyang Tatay Samuel. Kahit naman kasi utangera niya, hindi siya naglilihim dito. Iyon nga lang, hindi nia pwedeng sabihin sa kanyang Tatay Samuel na kinilabutan siya ng tawagin saan itong 'anak'. Tiyak niyang magdaramdam ito sa kanya. Baka isipin pa ng stepfather niya na hindi niya talaga ito tanggap bilang pang