Umiling-iling ito. “Tsk… tsk… tsk… Hindi ka rin talaga magaling na artista ano? Kanina ko pa alam na gising ka na. Akala mo ba hindi kita pinagmamasdan mula sa labas?” nakalolokong wika nito. “And so? Are you going to kill me?” naghahamong tanong niya rito.Tumawa ito ng malakas. ‘Yung tipong paninindigan ng balahibo ang kahit na sino kapag narinig iyon. “At bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi pa ako nasisiraan ng bait, Penelope…” anito. “Pero kung magiging matigas talaga ang ulo mo, baka nga doon ka mauwi. Sa pagiging isang malamig na bangkay kagaya ng iba ko pang naging kasintahan.” Bigla ay nagbago ang anyo nito at nanlisik ang mga mata. Hindi naman siya nagpahalata na natatakot dito, dahil alam niyang lalo lang iyong ikatutuwa ng lalaki. “Alam mo ba…” anito at itinalikod ang suot na sumbrero. Pagkuwa’y humila ito nang isang upuan at naupo paharap sa kanya. “Alam mo bang itong kinalulugaran natin ngayon ay ang bahay-ampunan na pinanggalingan ko? Dito ako lumaki until makakuha n
Walang kalaban-labang na nagpumiglas si Penelope ngunit malakas si Adam. Isa pa, nakatali ang mga kamay niya kaya napaiyak na lang s’ya sa kinakaharap na sitwasyon. Ngunit nagulat na lang ang lalaki nang makarinig ng putok ng baril at tamaan sa bandang may balikat. Nabitawan s’ya nito at uubo-ubo namang pinuno niya ng hangin ang dibdib. “Sh*t! Sh*t!” paulit-ulit na hiyaw ni Adam habang hawak ang dumudugong balikat. Tila sanay na sanay na iginala nito ang mga mata sa paligid. “Lay another finger on my wife’s body and you’ll be dead.” Nagngangalit ang mga bagang na wika ni Timothy habang marahang lumalapit sa kanila at hawak ang baril. Kasunod nito sina Brando, Hanz, Antonio, at isa pang malaking lalaki na hindi niya kilala. At lahat ay may kanya-kanyang baril na hawak.Napahagulhol naman ng iyak si Penelope ng makita ang kanyang asawa, habang si Adam ay tumatawa ng malakas at agad na may dinukot sa bulsa at itinutok sa kanyang leeg. Napatigil naman sa paghakbang si Timothy. “Akal
“Curious lang ako,” aniya ng bahagyang lingunin ang asawa mula sa kanyang may likuran. Nasa Isla Catalina sila at nakaupo sa buhanganinan habang pinanonood ang papalubog na araw. Pagkatapos ng mga nangyari sa syudad ay mas pinili nitong magbakasyon silang muli doon. “What is it?” tanong nito. “Mahilig ka lang ba talagang magtago ng mga lumang gamit o nakakalimutan mo lang talagang itapon ang mga iyon?” curious na tanong niya rito. “Huh?” salubong ang mga kilay na sabi nito. Natawa s’ya bago muling tiningnan ang papalubog na araw sa kanluran.“You have antique things here in the island. Pagkatapos sa kwarto natin sa Manila may lumang kotse at lumang drawing na naka-frame ka,” sabi niya. Ito naman ang natawa. “Iyon ba? Galing ang mga iyon kay Mommy. She gave me that old toy when I was five. A Christmas gift. ‘Yung drawing naman na naka-frame ay ibinigay niya sa akin noong ma-ospital ako. Sabi niya noon mas madali raw akong gagaling kapag may nakita akong magagandang bagay sa pali
"You're late." Malamig na wika ni Timothy sa babaeng bagong dating."I'm sorry. But… it wasn't my fault. Late na akong sinabihan sa meeting na ito and I have my own plans at this time," anitong hindi itinago ang inis na nadarama bago naupo.Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi at inuunat ang mga kamay na kanina pa magkakrus sa kanyang dibdib, pagkuwa’y pinagmasdan itong maigi.The woman in front of him was wearing simple white blouse and black pants. Nakalugay ang mahaba at tuwid na tuwid nitong buhok. Walang masyadong kolorete ang mukha, maliban sa manipis na blush-on at lipstick nito.She has a beautiful pair of round shaped eyes. May mahahaba at makakapal na pilik iyon na tenernuhan ng malalagong kilay. Matangos ang ilong nito, maninipis ang mga labi, at balingkinitan. May katangkaran din ito, pero kung magsasabay sila ay malamang na magmumukha pa rin itong maliit.Umismid ang babae. “Satisfied?” tanong nito ng mapansin ang ginagawa niya.Walang kaemo-emosyong tinitigan niya ito sa
“Timothy, hijo…” ani Augusto Alvarez ng pumasok sa kanyang opisina.“Dad…” mabilis s'yang tumayo sa kinauupuan at sinalubong ang ama. “What are you doing here?” tanong niya rito.Naupo muna ito bago sumagot. “I just met someone kaya dumaan na ako rito. So, how was your date last night?” nakangiting tanong nito.Bahagya s’yang ngumiti. “It was fine.” Tipid na sagot niya.“Oh common, hijo… Fine is not good enough. Nagka-usap ba kayong mabuti?” pag-uusisa nito na halata sa mga mata ang pananabik.Napipilitang tumango siya. “Nagka-usap naman kami, Dad. Wala namang naging problema,” pagsisinungaling niya.“And…?” anitong tila may gusto pang marinig mula sa kanya.“And she’s nice at may itsura rin.”Malapad naman itong napangiti. “Sinasabi ko na nga ba… I knew it!” palatak nito. “Tama ang pagreto ko sa kanya sa ‘yo. Penelope is a very fine young woman. She’s simple and smart. At s’ya lang ang nababagay para sa ‘yo,” dagdag pa nito.“But, are you sure that Mr. and Mrs. Valencia agreed to thi
“What…!? Are you insane!?” nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang tanong ng dalaga sa kanya. “Do even thinking?” dagdag pa nito habang taas-baba ang dibdib.“I am not insane and yes, I am always thinking.” Seryosong sagot niya.“But that was ridiculous!” palatak nito na bahagyang napalakas kaya napatingin sa kanila ang ibang customer doon. “Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa akin, lalo na ng mga nakakakilala sa mga pamilya natin kapag nakasal na tayo? That I was cheating on you? That I am an adulterer? No way!” Mariing tanggi nito.Tumaas ang sulok ng labi niya.“I was just giving you what you want. Both of us knew na walang pagmamahal na involved sa kasunduang ito, and I don’t want you to feel less important after we got married. Dahil ngayon palang ay uunahan na kita, running a business is my first priority and not building a family with you.” Paliwanag niya rito.Mukha naman itong nasaktan sa sinabi niya dahil bahagyang lumungkot ang mga mata nito. Pero dagli rin iyo
“So, anong plano ninyong dalawa? Do you already have a date in mind?” panimula ni Juancho sa usapan ng nasa kalaghatian na sila ng paghahapunan.Nagkatinginan naman silang dalawa ni Penelope at parehong nawalan ng imik.Now that they were asking about the details of their wedding, everything is happening for real. Totoong ikakasal na sila at hindi na sila makakaatras pa.Subalit, wala pa naman silang napag-uusapan ni Penelope tungkol sa bagay na iyon. Ni hindi pa nito sinasabi ang desisyon nito tungkol sa proposal na iniaalok niya.But they both knew their parents. They both knew that they will definitely rush them.Tingin pa lang ni Timothy sa kanyang ama, alam niyang excited na ito sa nalalapit na merger ng mga kompanya nila. At napansin niyang ganoon din si Juancho Valencia.Nais n’ya na lang mapailing sa sarili sa mga sandaling iyon.“Ah… Kumpadre… Hindi ba mas mainam na engagement party muna ang pag-usapan natin? And then, bahala na sila to plan on their wedding,” salo ni Augusto
“I’m sorry, Sir, but Ms. Valencia doesn’t want to be disturb now.” Pigil kay Timothy ng sekretarya ni Penelope.Walang pasabing nagpunta s’ya sa opisina ng dalaga upang kausapin itong muli. Ilang beses niyang sinubukang tawagan ito, but she just ignored his calls. Kaya napilitan s’yang sadyain na doon ang babae.“I am not going anywhere hangga’t hindi mo sinasabi sa boss mo na naririto ako,” determinadong wika niya.“But, Sir—”“It’s okay, Cindy.” Ani Penelope ng bumukas ang pintuan ng opisina nito. Matamlay na tinignan s’ya ng dalaga bago niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.Tumuloy naman s’ya sa loob.“What kind of drama is this?” bungad na tanong niya rito.Naupo muna ito at walang kabuhay-buhay na tiningala s’ya.“What drama are you talking to?” patay-malisyang tanong nito.“This… You…” sagot niya sabay upo sa visitors chair na nasa harap ng lamesa nito.Huminga ito ng malalim bago tumingin sa kawalan.“Ano pa bang gusto mo? Di ba magpapakasal na nga tayo?”“But we made a deal r