Share

5

Amira's Point Of View

NANINIWALA ako na mas mabuting magbigay ng pagmamahal kaysa galit. May nakapag-sabi kasi sa 'kin na kapag may galit ka sa puso ay daig mo pa ang isang mamamatay tao. Hindi kailanman magiging mapayapa ang pag-tulog mo sa gabi at higit sa lahat, mabigat sa damdamin.

Well, hindi naman porke't nagpatawad ka na ay makakalimutan mo na ang mga bagay na nagawa sa 'yo ng isang tao. Basta ang alam ko at paniniwala ko ay kapag natanggal mo na ang galit sa puso mo, hindi agad ibig sabihin no'n ay nakalimutan mo na ang trauma mo. Dahil minsan, 'yong trauma na 'yon ang nagbibigay sa 'yo ng rason para matuto. Like, alam mo na ang susunod mong hakbang once na napunta ka na naman sa sitwasyong 'yon.

Nang matapos akong mag-ayos ng trolley ay agad akong umikot at naglinis ng sahig maging mag-segregate ng mga basura. Ganito naman ang madalas kong ginagawa. Nakakangalay pero worth it naman kapag nakuha na ang sahod. Lalo na kapag naikain ko ang anak ko sa paborito niyang fast food restaurant.

T'wing sahod ko kasi ay dinadala ko siya roon at hinahayaang order-in lahat ng gusto niyang kainin. Pero siyempre, nag-lalaan ako ng pera para sa araw na 'yon.

Oras ang lumipas ay natapos na ako sa pag-lilinis. Vacant time ko ba at mamayang alas tres ang balik ko. Pumunta ako sa locker namin at kinuha ang baon ko na natira ni Nala kaninang umaga. Ganu'n kasi ang ginagawa ko t'wing may natitirang pagkain si Nala. Binabaon ko upang may makain ako at hindi na ako bumili sa cafeteria. Maliban sa hindi ko gusto ang lasa ay mahal pa ang benta nila.

Nang makuha ko ang baon ko ay agad akong pumunta sa cafeteria upang makakain. Pumwesto ako sa pinaka dulo, 'yong hindi ako masyadong expose sa tao. Hindi naman sa nahihiya ako, ayaw ko lang talaga na pinapanood ako ng ibang tao na kumakain at ayaw ko rin na nakikita ako ng maraming tao.

Sa totoo lang mas comfortable akong mag-isa. Kapag kasi mag-isa ako ay pakiramdam ko mas nakikilala ko ang sarili ko at mas at ease ako. Kapag kasi maraming tao ay maingay at hindi ako nakakapag-pokus sa bagay na ginagawa ko o kaya ay nag-iinit ang ulo ko dahil maingay.

"Ang lalim naman ng iniisip mo."

Natigil ako sa pag-iisip ng babay bagay nang bigla kong marinig ang boses ni Kieth. Agad naman akong napa-lingon sa kaniya at ngumiti.

"Hulaan ko, vacant mo na naman, ano?" Natatawang tanong ko.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang maka-upo siya sa couch dito sa cafeteria. Nang makaupo siya ay tsaka siya nagsalita, "Mas nakakapagod pala umupo kaysa may ginagawa," nakabusangot na aniya pagkatapos ay nangalumbaba.

Panandalian akong natawa at nilagay ko sa baunan ang kutsara't tinidor tsaka ako nagsalita, "Mas maganda nga 'yon, eh. Ano kayang feeling ng pa-upo-upo lang?" Natatawang tanong ko pagkatapos ay umaktong nag-iisip.

"Mauumay ka, promise!" Pamimilit niya.

Mag-a-alas tres na nang magpaalam kami ni Kieth sa isa't-isa. Nakiusap siya na three thirty na ako bumalik dahil wala naman daw akong iba pang gagawin kasi nalinis ko na ang area ko pero 'di ako sumang-ayon. May CCTV at maaari akong mabulilyaso kapag thirty minutes akong nawala sa area ko.

Agad akong pumasok sa elevator at inantay na makaakyat ako sa floor na naka-assign sa akin. Nang umilaw ang 24th floor ay dali-dali akong lumabas sa elevator at nagsimulang mag-ikot bitbit ang trolley ko, binabantayan kung nay ma-putik ba na parte sa tiles o 'di kaya'y may natapon na inumin sa sahig. Bihira 'man magkaroon ng gano'ng scenario ay umiikot pa rin ako.

Ika nga ng ibang mg empleyado kanina, istrikto ang CEO ng kompanya, mahirap na kung may magsumbong sa akin na Head Department ng iba't ibang departamento at isumbong ako sa CEO.

Kailangan ko ng trabaho at gagawin ko ang lahat 'wag lang 'to mawala sa 'kin. Madalas kasi sa mga kompanya lalo na sa taong 'to ay hindi na tumatanggap ng college graduate kaya mahirap makapasok sa ibang kompanya.

Abala ako sa pag-check ng sahig nang biglang may nakatapon ng juice sa sahig na siyang naging dahilan ng pagtalsik ng juice sa aking uniform.

"Oh my gosh! I'm so sorry, Miss." Pagpa-paumanhin ng babae na sa tingin ko'y nasa labing walong gulang.

"A-ayos lang," kumuha siya ng tissue at akmang lilinisin sana ang sahig subalit hinawakan ko siya sa kaniyang pala-pulsuan upang pigilab siya sa pagpu-punas.

"Naku! Ako na ang bahala r'yan, Ma'am," wika ko.

Agad naman siyang tumayo at hinayaan ako na linisin ang sahig. Nang matapos kong linisin ang parte sa sahig na nabuhusan ay nagpasalamat siya sa 'kin dahilan para ilahad niya ang kanyang kamay, "Thank you so much! Oh! by the way, I'm Ezekiah. 15 years old. Well, you can call me Ezy tho. And you are?" She introduced herself and asked me.

"Amira," nakangiting wika ko dahilan para mag-shake hands kami.

Nang bitawan niya ang aking kamay ay muli akong nagsalita, "Fifteen ka lang? Hala! Akala ko eighteen ka na. Napaka-ganda mo," dire-diretsong sabi ko dahilan para matigilan siya.

Nang mapansin kong sumobra yata ang bunganga ko ay agad kong kinagat ang pang-ibaba kong labi at agad na humingi ng paumanhin sa kaniya. " Napasobra yata ang bunganga ko. P-pasensya na po," kamot ulong paumanhin ko.

"No, it's okay," natatawang aniya.

"Hmm. Mauuna na ako, Ezy. Baka mapagalitan ako nang Master's Head ng department namin, eh," kamot ulong wika ko.

"Oh, before you go. What's your full name nga pala?" Nakangiting tanong niya.

I smiled at her and spoke, "Amira Lopez." I uttered.

Nang matapos kaming magpaalam sa isa't-isa ay agad akong bumalik sa locker upang ilagay na ang aking trolley. Mamayang kaunti ay susunduin ko na si Nala sa bahay ni Eryl.

"Alis ka na? Sabay na tayo," ani Kieth dahilan para mapaigtad ako sa gulat habang nakangalumbaba ako sa lamesa dito sa cafeteria.

"Naku! Susunduin ko pa kasi si Nala. Alam mo na, tapos na ang bakasyon," nakangiting wika ko.

"Oo nga pala. Pa'no ba 'yan? Mauuna na ako," aniya

"Mag-iingat ka," paalala ko.

Agad naman siyang umayos ng tayo at sumaludo pa sa 'kin dahilan para matawa ako.

to be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status