Share

XVI. Trainee

Medyo busy ako dahil sa mga activities sa school at sa article na pinapagawa ng prof namin. Buti nalang at tinutulungan ako ni Ronan. He's the assistant editor-in-chief kaya lagi kaming magkasama lately. Nasa field kami ngayon para ituloy yung mga articles na dapat tapusin.

"Aigoo~ masakit na yung utak ko~" reklamo ko habang minamasahe yung ulo ko.

Kinuha naman niya yung laptop ko tsaka tiningnan yung ginagawa ko. Almost two hours na din pala kaming nakaupo dito. Di ko rin napansin yung tawag ni Nix kaya di ko nasagot. May PE sila ngayon at for sure break nila. Tinabi ko ulit yung phone ko tsaka tinuloy yung ginagawa namin.

"Kumusta kayo?" biglang tanong ni Ronan habang seryosong nakatingin sa laptop ko.

"We're fine. Masaya kami." Sagot ko.

Ngumiti naman siya tsaka tumingin sa akin.

"I can see it in your eyes. I want to apologize for what I did and how I acted. I'm happy for you. Basta tandaan mo lang na kung kailangan mo ng kausap, andito lang ako. And by the way, pag ginago ka niya, ako mismo yung sasapak sa kaniya." Seryosong sabi niya.

"He won't do that," I assured him.

Aside from Alvie, Ronan was a very special friend of mine. We had issues but I can say that we're fine now. We decided to take a break for a while kaya nagpunta kami sa cafeteria. Nagkukwentuhan kami habang naglalakad kaya ‘di ko napansin yung kasalubong ko. At dahil may pagka-lampa ako, bumagsak ako sa pathway at nagsipaglaran yung mga dala kong papel at notes.

Nagsorry naman yung babae tsaka nagmamadaling tumakbo. Inis namang pinulot ni Ronan yung mga gamit ko tsaka ako tinulungang tumayo.

"You okay?" tanong nya.

Hawak niya yung kamay ko nung may humila sa wrist ko kaya pareho kaming napatingin sa lalakeng nakatayo sa likod ko. He's wearing his jersey habang pawis na pawis pero ang bango-bango pa din.

Yay, Sol. Anong sinasabi mo diyan?

Hinila ako ni Nix kaya nauntog pa ako sa dibdib niya. Ano na namang drama nito? Humarap ako sa kaniya para makita ko yumg seryosong mukha niya. Nasa likod din niya sina Jedd, Chalk, at Kollin.

"Where are you going? You're not answering my calls." He asked in a dead tone.

"Umm, ano kasi..." bakit ba hindi ako makasagot?

"May tinatapos kaming activities. Papunta kami sa cafeteria para magbreak sandali. You witnessed what happened, right? So, don't overthink and misunderstand things. Mauuna na ako. Next time nalang, Sol." Nginitian ako ni Ronan bago siya umalis.

Lumingon naman ako kay Nix na nakatingin sa kaliwa niya habang naka-cross arms pa na parang nagtatampong bata. Sinisilip ko yung mukha niya pero nag-iiwas siya ng tingin. Bigla tuloy akong natawa kaya hinawakan ko siya sa mukha tsaka pilit na pinaharap sa akin. Nakasimangot naman siya kaya lalo akong natawa. Tinaasan ko siya ng kilay kaya nag iwas ulit siya ng tingin.

"Gosh, don't tell me—" inalis niya yung kamay ko sa mukha niya tsaka ako tiningnan ng masama.

"No, I'm not! Why would I? Bakit naman ako magseselos? Sinong nagsabi? Dun sa lalakeng nagpaasa sayo? Psh. Wala pa siya sa kalingkingan ko kaya bakit—" napatigil siya sa pagsasalita nung narealized niya yung sinabi niya kaya natawa kaming apat.

"Tara guys, kain nalang tayo. Di daw siya nagseselos eh." Natatawang sabi ko.

Nauuna akong naglalakad kaya hinila niya ako para sabay kaming maglakad. Hawak niya yung kamay ko habang papunta kami sa cafeteria kaya pinsgtitinginan kami ng mga estudyante.

"XX Entertainment is currently casting new trainees, right?" Kollin suddenly said out of the blue.

Tumango naman si Jedd at Chalk bilang sagot.

"Ano guys, Sali tayo?" tanong ni Chalk.

Tahimik naman si Nix hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Nauna na akong humanap ng mauupuan habang yung apat naman yung bumili ng pagkain namin. Maya-maya pa, dumating na din si Alvie na kanina pa missing in action. Hingal na hingal siya kaya inabutan ko siya ng tubig.

"Guess what." Excited na sabi niya with matching wide eyes pa kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Di ako manghuhula. Ano ba yun? Bakit para kang hinabol ng mga zombie sa Busan?" Irita kong sagot sa kanya.

"Alam mo na ba yung balita? May bagong trainee daw ang XXEnt na galing dito sa school." Sabi niya with matching gestures pa na akala mo eh nasa show ni kuya Kim na Matanglawin.

Talaga? Sino naman?

"Malakas yung kutob ko na si Eunice yun eh. What do you think?" tanong ni Alvie pero bago pa ako makasagot, dumating na sina Nix dala yung foods.

"Anong pinag uusapan niyo?" usisa ni Jedd.

Umupo sa tabi ko si Nix tsaka hinalo yung dala niyang float na may dalawang straw. Inasar pa tuloy kami nina Chalk. Nakaakbay siya sa akin habang tahimik kaming nakikinig kay Alvie na wagas magkwento.

Next week na yung foundation week kaya nagprapraktis na sila para sa presentation.

Sayang lang at ‘di ako makakasali dahil kailangan naming gumawa ng article tungkol sa event. Isa naman sa mga emcee si Alvie kaya hindi rin siya makakasayaw.

 So, yung apat na lalake lang talaga yung makakapagperform.

Hinatid ako ni Nix sa office after naming kumain. May laro pa daw kasi sila. Sinabihan ko naman siya na susunod ako sa court after ng ginagawa ko kaya he kissed my forehead before leaving me.

I opened my spazz account while waiting for Ronan to come back pero napataas yung kilay ko sa nakita ko.

"Why would he deactivate his account?" I asked myself.

Nix just deactivated his spazz account and his real account is on private. Ano na namang trip netong lalaking 'to?

I got a message from kuya Vann. He's a Korean Fansite Masternim from Korea and a friend of kuya Zeck. We haven't met in person but we often have a video call whenever he's in the shop of kuya. By the way, kuya Zeck's wife is kuya Vann's sister.

Jnmynd: A lucky spazzer was cast. Guess what? He's from the Philippines. Got no other info about that yet. Chat with you when I got more. Miss you, sis!

Napangiti ako. Ang bait talaga netong lalaking to.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status