Share

6

Stan's POV

Merong mga nakakaalam na mag-asawa na kami. Meron din namang hindi. Bakit pa namin sasabihin sa kanila? Close ba namin sila? Tsk! Pati alam nyo na, medyo mapagmahal kasi ako sa mga babae.

"Oh Alex, nandito na tayo sa room mo." Pagpapa-alala ko sa kanya. Nakakapit pa rin kasi sa akin.

"Alam ko." Walang emosyon na sagot nya.

"Bakit hindi ka pa bumibitaw?" Ano 'to? Kasama ako hanggang room?

"Ayaw mong kumakapit ako sayo? Arte mo ah!"

"Hindi naman sa nag iinar--"

"Eh bakit mo ako pinapabitaw?" Ito na naman po kami. O diba? Hindi ko talaga maintindihan kung anong ugali meron 'tong babae na to eh. Diba dapat magkaaway kami?

"Kasi nandito na tayo sa room mo." Pilit ko talagang pinapa-alala sa kanya.

"Kunwari ka pa Stan! Sabihin mo baka mahuli ka lang ng mga kabit mo!" Lah!

"Tsk! Wala akong kabit!" Nakaka init talaga ng ulo.

"Sipain kita dyan eh! Sinasabi ko sayo Stanley! Kapag nakita kitang may kalampungan dyan sa tabi-tabi, malilintikan ka talaga sa akin!" Pagbabanta pa nya.

Naiinis na talaga ako sa babae na 'to. Pati simpleng pagbitaw lang pinag aawayan na namin. Dapat talaga lalaki ang nasusunod sa isang relasyon.

"Pwede ba Alex? Wala nga sabi akong kabit dito. Pati ano bang paki natin sa isa't-isa? Diba ayaw mo ng pinapakialaman ka?" Yeah, 'yun naman ang gusto nya eh.

Napabitaw sya sa sinabi ko. Ngumiti pa sya.

"Ikaw nagsabi nyan ah? Kapag nahuli kita. Krrkk. (sign na putol leeg) "

Then she walked away.

"Pare!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Jc. Friend ko.

"Oh?"

"Hinatid mo asawa mo?" Nakangising tanong nya.

"Oo."

"Sweet. Tara na?" Sweet? Nang-aasar ba sya?

"Sige. Nasaan pala si James?"

"Nasa room na."

"Ah ok. Tara."

---

Alex's POV

Tignan lang natin Stan.

Nakasanayan ko kasing kumapit sa braso ng kasama ko kapag naglalakad.

Hindi naman sa nagseselos ako kung may kafling sya. Ano na lang kasi sasabihin ng mga nakakaalam na may asawa na sya? Sasabihin nila na kawawa naman ako? Ayokong mangyari sa akin yun! Pati hindi ba sya makapag hintay? Aasikasuhin ko pa lang yung divorce namin mamaya!

"Hoy Alex, tulala ka dyan ah." Si Georgia. One of my friend.

"Nagmumuni-muni?" Tanong sa akin ni Amanda. Friend ko rin.

"Iniisip ko lang-- "

"Back to your seat guys!" Biglang pumasok si Ma'am.

Buti na lang pumasok na agad si Ma'am. Wala talaga akong maikwento sa kanila eh.

Tadan! Tapos na ang halos 2 hrs. straight na discussion.

Lunch Break.

Babalik kami sa room ng 12:30, at after 1 hr. ng klase ay uwian na.

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang canteen. Nang may biglang humarang na lalaki sa harap namin. Hindi lang basta humarang, lumuhod pa. Sa harap ko?

May inaabot syang bouquet.

"Alex Martin Please accept this flowers as a sign of my love to you." Sinabi nya yun ng nakayuko.

'Woaah'

'Tapang nung guy ah'

Yan lang naman ang mga bulungan sa paligid namin.

Si Amanda at Georgia naman mga nagpipigil na ng tawa.

Hindi 'to ang unang beses na may nagtapat sa akin kahit na m*****a ako.

Kinuha ko yung flowers. Napatayo sya at wagas na ngumiti.

"Alex, can we go out on a date?" Woa~ walang pag aatubili. I like this guy. I like to kick him.

Nilaglag ko yung flower na kinagulat nilang lahat. At inapakan ko yun.

'Woaw~'

'Haha'

'Astig!'

'Lakas kasi ng loob nung guy eh.' Samot saring reaksyon.

"That's my answer." Nakatanga lang sya sa harap ko.

Nilagpasan na lang namin sya. May nakalimutan ako kaya bumalik ako sa kanya.

"And one thing. Don't you dare come near to me again! UNDERSTAND?" Sigaw ko.

Tumango lang sya.

Bat ko nasabi yun? For pete's sake! Wala syang kadala-dala. Ilang beses nya ng ginagawa yun. Ngayon ko lang tinanggap yung inabot nyang flowers sa akin. Lagi ko kasi syang tinatanggihan.

Nung nasa canteen na kami. Humanap na agad kami ng pwesto.

"Anong kakainin nyo? It's my treat. Natuwa kasi ako sa eksena kanina." Tanong ni Amanda.

"Wow! Sana pala lagi may magtapat kay Alex." Natatawang sabi ni Georgia.

"Tumigil nga kayo! Nag-iinit lalo ulo ko eh."

"Kj mo naman Alex! Ako na lang pipili ng kakainin nyo." Umalis na si Amanda.

"Oh ow~" Biglang sabi ni Georgia.

"Why?"

"Tingin ko mas lalong iinit ang ulo mo kapag tumingin ka sa likod."

Eh matigas ang ulo ko. Kaya tumingin ako sa likod.

And I saw The Great Stanley. May lintang nakapulupot sa kanya.

Nagtama ang mga tingin namin. He just smiled at me.

"Mukhang masaya asawa mo ah." Dagdag ni Georgia.

"Gusto mong palungkutin ko?" Napangiti ako ng nakakaloko.

"Hell Yes!"

Kumuha muna ako ng pineapple juice. Naglakad ako sa table nila.

"Ow Hi Alex." Naiilang na bati sa akin ni Jc.

"Hi Jc, can I sit here?" Ngumiti ako ng malapad.

"O-Ofcourse." Nauutal nyang sagot.

Then tumabi ako kay Jc. Nilapag ko muna yung juice ko sa table.

Ako.

Jc. Linta.

Bakante Stan.

James. ( Pabilog )

Aasarin ko 'tong linta na 'to pati si Stan.

"Honey, say ahh~" Wow lang. May taga subo na si Stan. Ngumanga naman ang unggoy.

"A-Alex, you want?" Pag-aalok sakin ni James. Bat parang sila pa yung tense? Haha.

"Sure." Tumayo ako at inabot ang pagkain sa tapat ni James.

"OMG!" Hala! Yung juice ko ang malas! Natapon kay Linta.

Aksidente ko kasing nabangga. Napatayo sya kaya napatayo na rin si Stan.

"Alex, why did you do that?" Galit na singhal nya sa akin.

"What?" Naguguluhang tanong ko. Napatayo na rin ako.

"Don't act innocent! Alam kong sinadya mo yung pagsanggi sa juice!" Tumataas na ang boses nya.

"Bat ko naman gagawin 'yun?"

"Gagawin mo naman talaga yun diba?" Pang aakusa nya pa sa akin.

"Damn Stan! Wag kang mangbintang!" Naikuyom ko ang kamao ko.

"Then why are you here in our table? You have your friends there. " Tinuro nya sila Georgia.

"Bakit? Bawal ba ang ALEX na makiupo dito? Nagpaalam naman ako kay Jc ah, at pumayag sya." Napatingin naman si Stan kay Jc nangingiti-ngiti lang.

"Just tell me bakit dito ka pa umupo kahit na nandun sila Georgia."

"Woa~ Chill Bro." Singit ni Jc.

"Shut up Jc. Let's hear her reason." Sabay tingin nya sa akin ng masama.

"It's just--" Shit! Anong sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na ' Iinisin ko kayo eh '

"See? You can't answer. Kasi sinadya mo yun. You're really a Bitch." He says.

"Stan. Tama na Bro." Pag-aawat ni James.

"Hey Stanley Martin! Watch your mouth." Biglang dumating si Georgia.

"Shut up! Wag kang makisali dito Georgia." Baling nya kay Georgia.

Wrong Move.

"Don't you dare talk to her like that!" Hindi ko na mapigilang tumaas ang boses.

"Why Alex? You're afraid na baka tapunan ko sya ng juice? Don't act like a child! You're already 20, umarte ka na naaayon sa edad mo." Umabante pa sya.

Letse! Below the belt na yun ah? Aksidente ko lang naman na nabangga yung juice ah, kahit na bitch ako. Hindi ko magagawa na mangtapon ng juice, hindi bali ng matapon sa bunganga ko wag lang sa ibang tao.

Tinulak ko yung linta na nakapagitan sa amin. I grab the collar of his uniform.

"Wala kang karapatan na husgahan ako! Bakit? Gaano na ba kita katagal nakasama sa iisang bahay? 1 month?" Nasusuklam sa singhal ko sa kanya.

Napatingin naman sa akin si Linta, hindi nya siguro alam na may asawa na si Stan.

"At kapag inulit mo pa ya--" He cut me.

"Ano Alex? Anong gagawin mo? Sisipain ako? Babatukan? Tell me. Sawang-sawa na ako Alex!" He really got the guts to say that.

"Sawang-sawa ka na?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Oo Alex! Akala ko kasi pag uwi natin galing bahay nyo, magiging ok na tayo. Nagsasawa na ako sa tuwing makikita kita, sa mga pananakit mo sa akin! Ayoko na!"

"Hey Stan. Stop." Awat sa kanya ni James.

Parang nagulat din sya sa sinabi nya. Binitawan ko yung collar nya.

"Dapat sinabi mo ng maaga. Ikaw naman kasi eh, sinundo mo pa ako sa bahay, edi sana ngayon naaasikaso na natin yung divorce natin. Don't worry, nagsasawa na rin ako eh. I'll just tell Dad na nagkasawaan na tayo kaya maghihiwalay na tayo." Dire-diretsong sabi ko. Walang hingahan.

Nagulat lahat ng nasa canteen.

'Woa~ That was Hot! '

'Saklap! Public Break Up '

'Mag-asawa na pala sila? '

'Yes. Single na si Alex! ' Mga bulungan ng nasa Canteen.

I'm about to leave ng may nakalimutan ako, nagiging ulyanin na ako. Hinarap ko sila.

Kinuha ko yung Orange juice na nasa lamesa. Nakatingin lang sila. Tinikman ko.

"Pwe! Pangit ng lasa. Mas favorite ko talaga ang Pineapple Juice." Nakakunot noo na sila.

Lumapit ako kay Stan at tinapat sa ulo nya ang baso at binuhos ang laman. Nilapag ko sa table yung baso.

"Ganyan ang sinasadya. Wow. Bagay na kayo! Isang pineapple juice, at isang orange juice. Perfect! " Pumalakpak pa ako.

Then I flip my hair pagtalikod ko.

"Tara na Georgia. May aasikasuhin pa ako."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yama Santillan
interesting novel...i like it
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status