Share

7

Alex's POV

Is this a sign na magiging single na ulit ako? Damn it! I'm so happy.

"Alex, are you ok?" Pagdating ko sa parking lot ay sinalubong kaagad ako ni Georgy.

"Ofcourse." Kaswal na sagot ko.

"Gagawin mo na talaga yun?" Tanong nito.

"Yeah. I have one word. Sa totoo nga nyan Georgy nung nakaraan ko pa sana yun gagawin, kaso natalo ako ni Stan sa pustahan namin." Pagpapaliwanag ko.

"Hay! Kung yan ang gusto mo. Pero isa lang ang alam ko, hindi mo kayang mangtapon ng juice sa ibang tao, lalo na kung Pineapple." Natawa sya ng bahagya.

"Yeah, pero kanina nagawa ko na. Remember natapon ko kay Stan yung juice? Ayoko kasi ng Orange." Nagtawanan lang kami.

"Nasaan nga pala si Amanda?" Bigla kong naalala yung babae na yun.

"Naiwan sa Canteen, natakot daw sya lumapit kanina kasi baka matapunan daw sya ng juice. Haha."

"Haha. Sira talaga. Georgy I have to go na."

"Sige ingat ka Alex."

------

Hindi ako dumiretso sa bahay, tumawag lang ako kay Manang para ipag impake ako.

Respeto lang naman ang gusto ko eh. Kung makipaglandian naman kasi sya sa Public Place pa. Alam ko naman na hindi kami nagpakasal dahil mahal namin ang isa't-isa. Pero kahit na diba? Asawa ako sa mata ng iba at sa mata ng Diyos.

Dumiretso ako sa bar ni Kuya Alfred. Nakita ko agad sya sa harap ng counter kaya lumapit ako.

"Sit here Alex." Sinunod ko si Kuya.

"Long island tea, please." Utos ko sa bartender.

"Problem?" Ang bait ni kuya no? Pinapabayaan nya akong uminom. Ayos lang daw yun basta may kasama ako. Pati mataas naman ang alcohol tolerance ko eh.

Inistraight ko ng inom yung alak.

"Kuya .. Ininsulto nya ako." Napangiwi ako.

"Si Stan? Bakit?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

------

Stan's POV

Yung eksena kanina, aaminin ko nadala lang ako ng emosyon ko. Napaka b*tch kasi ni Alex.

Hindi ko naman sinasadya yung mga nasabi ko sa kanya kanina. Siguro nasabi ko lang yun dahil sa nagawa nya kay Carla, tinapunan kasi ng juice.

Sinasabi sa akin nila James na mukhang aksidente lang naman daw yun, pero sa ugali ni Alex? I don't think na aksidente yun.

And Divorce? I'm so damn excited! Nasaan na kaya yung babae na yun?

"Manang si Alex?"

"Hijo, hindi pa umuuwi. Kanina nga ay tumawag ang pinaayos ang mga damit nya." Alam ko na naguguluhan din si Manang.

"Sinabi nya po ba kung saan sya pupunta?"

"Hindi eh." Malungkot na sagot ni Manang.

"Ah sige po." Umakyat ako sa kwarto nya. Makakalaya na ako sa mga pananakit nya.

Minsan din kasi nagsasawa na ako. Nagmumukha na akong tanga, kahit sa harap pa minsan nila Jc nagagawa nya akong saktan, kaya pati sila takot.

------

Alfred's POV

Ako na daw muna mag POV sabi ni Maria (ako yon! Tagasulat! Haha). Haha

Lasing na si Alexandra. At ang daldal na nya. Sobra!

"Kuya pinagbibintangan nya na ako daw nagtapon ng juice dun sa linta na yun! Eh hello! Pineapple Juice kaya yun!" And Guess what? Paulit-ulit na sya ng kwento.

"Makakatikim talaga sa akin yang Stan na yan!" At paulit-ulit na lang din yung sagot ko sa kanya.

"Isip bata daw ako? Kuya respeto lang naman ang gusto ko eh! Alam ng iba na asawa ko sya! Tapos ano? Dun pa sya nakikipagharutan sa canteen!"

"Hayaan mo pagsasabihan ko yan si Stan." Ang kagandahan kay Alex ay kahit lasing sya ay diretso pa rin sya magsalita.

"No need kuya."

"Why?"

"Mag didivorce na kami." Tumamlay ang boses nya.

Napakunot noo naman ako. "What?"

"Sawa na daw sya eh."

"He really said that?" Tumango lang sya.

Boto ako kay Stan para sa kapatid ko, kaso hindi ko iniexpect na kaya nyang saktan ang kapatid ko. Minsan childish talaga si Alex, b*tch pa yan. Pero hindi naman dapat na pagsalitaan nya ng ganun yung kapatid ko, in public place pa. Masyadong mataas ang ego ni Alex.

Sinabayan ko na lang ng inom si Alex. I don't think na kaya kong baguhin si Alex. Sya yan eh. Matigas. Tanggap ko kung ano ang kapatid ko.

------

Stan's POV

1pm ng mapagdesisyonan ko na tumambay sa sala, hanggang ngayon kasi ay wala pa rin si Alex, kinakabahan na ako. Kanina nung tumawag ako sa kanila ay katulong ang nakasagot at hindi raw umuwi si Alex.

2am. I'm about to get my car key ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang pasuray-suray na si Alfred habang akay-akay si Alex.

"What happen?" Tinulungan ko sya.

"She drunk."

Hinatid namin si Alex sa room nya. Si Manang na ang umasikaso sa kanya.

Bumaba na rin kamin Alfred.

( BOOGSH ) Sinapak nya ako agad kaya napaupo ako. Tumayo agad ako.

"You! Wala kang karapatan na saktan ang kapatid ko!" Sigaw nya sa akin.

Nasapo ko na lang ang labi ko na ngayon ay dumudugo.

"You even display your girl infront of her? Respeto naman pare! Babae ang kapatid ko, ayaw kong naaagrabyado sya! Alam mo bang halos mamatay na sya kakainum? Sobrang sama ng loob nya." Halos malagutan ng hininga si Alfred sa pag sigaw.

"I-I--" I don't know what to say.

"Just because of that f*cking juice? Eh puta pare! Nakikipag-away pa sa akin yun para lang sa kanya mapunta ang huling baso ng Pineapple Juice!" Talagang nanggagalaiti sa galit si Alfred.

"I-I didn't know."

"You didn't know kasi hindi ka naniwala sa kanya."

Wala na talaga akong masabi.

"Sinabi sa akin ni Alex ang about sa divorce nyo." Tinapik nya yung balikat ko. "Magsisisi ka."

And then he leave. Isa lang ang masasabi ko. Brutal sila pareho.

Umakyat ako sa kwarto nya. Nakaupo na sya. Wala na si Manang at mukhang nahimasmasan na sya.

"Alex. Let's talk." Naglalakad ako palapit sa kanya.

"Wag kang lalapit. Wala na tayong dapat pag-usapan." Walang emosyon na sabi nya.

Lumapit pa rin ako.

"Ale--"

Tumayo sya bigla. "Ano ba ang dapat nating pag-usapan? Sa divorce? Ganun ka na ba ka excited? Don't worry. Kakausapin ko agad si Dad."

"I-Im sorry."

"You don't have to. Sawa ka na right?"

"N--"

"For the last time...." Sabi nya sabay hinga ng malalim.

"Respeto. Yun lang naman sana ang gusto ko Stan, kaso mukhang hindi mo kayang ibigay. Bastos ka. BASTOS KA! ALAM KO NAGSASAWA KA NA SA AKIN, SA PANANAKIT KO PERO HINDI NAMAN TAMA NA PAGSALITAAN MO AKO NG GANUN SA HARAP NG MARAMING TAO! Magpakasaya kayo ng linta mo, sana hindi ka magsawa sa kanya. Maybe mga ilang araw lang, malaya na tayo pareho." Natanga lang ako sa sinabi nya. Ang sakit sa tenga ng sigaw nya. Ganun ko talaga sya nasaktan. "Now get out."

Hindi ako makakilos. Parang napako ako sa kinatatayuan ko.

"GET OUT!!" Sigaw nya ulit.

Dun ako natauhan at lumabas na sa kwarto nya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status