Share

Chapter 6

Hindi agad nagsink in sakin yung sinabi niya. Tumitig lang ako kay Mommy habang nakakunot yung noo.

"Nagkaroon ng kasunduan ang Lolo mo at ang kaibigan niya na ipapakasal ang mga apo nila bago pa magpakasal si Papa kay Mama.."

Matagal bago naprocess ng utak ko yung sinabi ni Mommy.

Kasal?

Kasunduan?

"What?!" Napasigaw at napatayo ako nang tumluyan ko nang nagets yung sinabi niya.

"Mommy ayoko!"

I don't know what's with my life that all these are coming all at the same time! Hindi ba pwedeng isa-isa lang? Yung tipong nakamove on na muna ako sa isa bago dumating yung isang problema?

"Anak, I hope you understand.." si Mommy.

Mabilis na pumatak ang mga luha ko dahil masamang masama ang loob ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa nila sa akin to!

"Mommy ayoko po!" Mabilis at walang tigil yung pag-iling ko habang patuloy ang pag-iyak ko. Hoping that it could convince them to take back their words.

"Anak, please calm down.." mahinahon na sabi pa ni Mommy.

"Dad!" I whined.

Pero wala ring epekto. Dad was also in favor of their decision to marry me off!

Ako? Na kaisa-isa nilang anak! I can't believe this!

"It's for your future, anak. Your Lolo is right, mas okay nang kilala namin yung pamilya ng lalaking mapapangasawa mo than having you ended up with someone we don't know anything about. They are like your Lolo's extended family kaya sure kaming mapupunta ka sa mabuting mga kamay"

"This is my life, Mommy! Ako dapat ang masusunod! And we're not Chinese to follow any traditions!"

"Honey, don't shout at you mother," mariing saway ni Dad.

"Pero Dad! You can't do this to me!" I cried.

I stood up and ran to my room. Tinawag ako ni Mommy pero hindi ko na sila nilingon at naglock na lang ako sa kwarto ko.

I cannot accept this! They're so cruel to do this to me!

Umiyak ako hanggang sa mapagod at makatulog. Hindi na ako nakapasok dahil sa sama ng loob. Bahala na bukas. First week pa lang naman kaya ayos lang. But since it's too early, I woke up in the middle of the night.

Rebellious thoughts came in my head at hindi na ako nagdalawang isip pa. Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng jacket. Dinala ko rin lahat ng cash ko pati ang cards ko.

This is my first time to do this but I have no choice. Ayokong suwayin ang parents ko pero ayoko din namang sila ang magdesisyon para sa future ko.

Kung pinipilit lang siguro nila ako para sa course na kukuhanin ko for college, matatanggap ko pa at susundin sila, pero magpapakasal sa hindi ko naman kilala? It's a big NO! for me.

Hindi naman sila ang makikisama kung sakaling magpasakal ako kung sino mang lalaki yon! I will be the one to suffer so I don't understand why did they agreed with my Lolo?!

Mabilis akong bumaba ng hagdan at tahimik na lumabas ng bahay.

I don't know how to drive so I didn't bother getting any of our car keys at diretso na ako sa gate.

Nakahinga ako nang maluwag after kong makalabas at masara yung gate ng hindi nakakagawa ng malakas na ingay.

It was midnight kaya madilim at wala kahit isang tao sa labas. Exclusive subdivision naman to kaya kampante akong naglakad palayo sa bahay namin. Although, medyo kinakabahan din ako.

Nilakasan ko nalang yung loob ko. I want to show my parents how badly I am against the arranged marriage.

Ayokong pag-alalahin sila pero gusto kong marealize nila na never akong papayag sa pagpapakasal sa taong hindi ko naman mahal at lalo na sa hindi ko kilala!

Narating ko na yung gate palabas ng subdivision. Tinitigan ako ng guard nang matagal bago nagtanong kung saan ako pupunta. I just told him that I need to something in the near convenience store kaya pinagbuksan niya agad ako ng gate.

Mabilis akong naglakad palayo ng subdivision nang hindi lumilingon.

Honestly, hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya mabilis kong pinara yung taxi na papalapit at sinabing ibaba na lang ako sa malapit na park.

Naupo ako sa swing. Dito na lang siguro muna ako magpapalipas ng gabi. Sigurado naman na hindi ako hahanapin since tulog pa sila ngayon.

Nagmuni-muni lang ako at tumingin sa madilim na paligid. Kinilabutan ako dahil bigla akong natakot nang marealize kong ako lang mag-isa dito at madilim pa.

Ano bang ginagawa ko dito?! Nababaliw na ba ako?!

Kung hindi multo ang makikita ko, paniguradong mga masasamang tao or worst adik!

Tumayo ako agad para umalis, pero wala na yung taxi na si sinakyan ko at wala kahit anong sasakyan na nadaan.

I sighed.

No choice ako kung hindi maglakad, pero hindi ko alam ang daan!

Napapikit ako at napapadyak.

Ang tanga lang Honey!

Dahil wala na talaga akong choice, bumalik na lang ako sa swing. However, someone's already occupying the one I seated.

At sa dinami-rami ng tao sa Pilipinas, siya pa talaga ang makikita ko sa lugar na hindi ko alam kung saan at ganitong oras!

"What the fuck are you doing here?" Bungad ng isang Great na hindi naman talaga great, nang maramdaman niya yung presensya ko.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Ako ang nauna dito. Umalis lang ako saglit wag kang feeling!" sinabi ko saka naupo sa kabilang swing.

Inunahan ko na siya dahil baka sabihin pa niyang sinusundan ko siya. Ganun kasi ka kapal ang mukha niya. Kahit apat beses ko pa lang siyang nakikita alam ko na kung gaano kataas ang tingin niya sa sarili niya. Tsk.

Sa totoo lang, thankful ako na nandoon siya dahil natatakot talaga akong mag-isa. Nevermind kung bwisitin niya ako basta may kasama ako ditong hanggang lumiwanag at may dumaan na taxi para makauwi.

I heard him clicked his tongue kaya nilingon ko siya. Then, I saw him throwing daggers on me. Na parang may malaki akong kasalanan na ginawa sa kanya at hindi niya ako mapapatawad.

I scowled at him.

"Umuwi ka na" mariin na utos niya na parang pag-aari niya yung park at bawal ako dito.

I glowered at him. "Bakit hindi ikaw ang umuwi? Nauna ako dito at wag na wag mong sasabihin na sayo to kasi mababato ulit kita ng sapatos!" Sagot ko.

Hinding-hindi ko sasabihin sa kanya na gusto ko na ngang umuwi pero hindi ko alam yung daan papunta sa sakayan. Hindi ako mapride pero dahil ang kaharap ko ay walang iba kung hindi si Great Perkins, hindi kaya ng pride ko na magpakababa sa harap niya, dahil for sure pagtatawanan lang naman ako nito!

Pero imbis na makipag-away, bigla na lang siyang tumayo at hinila ako paalis.

Syempre nagpumiglas ako. Alangan namang sumama ako sa kanya ng hindi lumalaban? Mahirap na at baka kung saan niya ko dalhin. Masama pa naman ang ugali nito.

"Bitawan mo sabi ako!" sigaw ko.

"Tss"

Binitawan niya ako bigla kaya napaupo ako sa lupa. Buti na lang nasa bandang may carabao grass pa kami at hindi gaano kasakit yung bagsak ko. At si Great, nakatitig lang sakin habang tumatawa. Devil talaga! Hindi man lang naglahad ng kamay para tulungan ako!

Pagkatayo ko, napasigaw na lang ako sa gulat nang bigla siyang yumuko at binuhat ako sa balikat niya na parang sako.

"Hoy! Ibaba mo ko! Anong ginagawa mo?!" gulat na sigaw ko.

Tahimik lang siya at hindi ininda yung pagpadyak ko. Hinampas ko na din yung likod niya pero tuloy lang siya sa paglalakad kung saan.

Kaya naman wala akong naisip kung hindi sumigaw at the top of my lungs.

"TULONG! RAPE!!!"

It was not good but I had no choice. Ayaw niya akong ibaba at hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin kaya ayon ang sinigaw ko.

"Fvck!" I heard him hissed at mabilis akong binagsak sa sahig.

"Ouch!" I groaned habang dahan dahang tumatayo.

Napatingin ako nang masama kay Great na mabilis na naglakad papunta sa kotseng pula. Patakbo akong sumunod pero ang bilis niya at nakasakay agad sa drivers seat at mabilis na pinaandar yung sasakyan nang walang lingon likod.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood palayo yung pulang kotse.

"Devil talaga!" Sigaw ko nang makarecover sa gulat

I stomped my foot at nagulo ko na lang yung buhok ko sa frustration dahil talagang iniwan niya akong mag-isa dito!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Myrna Argones
i -unlock pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status