"Nakakainis ang batang iyon, ipinaghanda ko pa ng almusal wala naman pala, bakit naman hindi niya nabanggit sa akin ang pagpunta sa school ngayong araw? Galit pa siguro yun sa pang aasar ko kahapo." anang kangyang isipan at para siyang batang naiinis sa kalaro. Nagmukmuk lamang siya sa higaan hanggang tanghali saka naligo at lumabas ng bahay."Aba! seniorito tanghalian na ngayon kalang bumangon halika na at kakain na." bulyaw sa kanya ng ina kaya naman wala siyang nagawa kung hindi ang dumulog sa hapagkainan. Ngunit nakapagtatakang wala siyang gana. Hindi nagtagal ay tumunog ang telepono nila at sinagot iyon ni Simon na siyang malapit sa kinalalagyan noon."Hello, sino to?" tanong nito sa kausa "Okay sige sige sasabihin ko nalang kay mama at kay tita Reny, sige mag ingat ka nalang pauwi----" natigilan ito ng tanungin ng ina."Sino yan Simon?" tanong ni aling Gina."Si Seren po mama, pinasasabi na aabutin daw ng hapo sa school makikiulit narin daw po sa mama niya." sagot niya habang hi
Araw ng linggo lahat ng gawain ay tinapos ni Serenity nakapamili narin siya ng mga mga kakailanganin nilang paninda. Tanghalian na, kaya naman sabay sabay silang pinag saluhan ang ginisang munggo at piniritong isda na niluto ng kanilang ina."Anak ako na ang magliligpit nito, dapat ay makapamahinga nga para bukas ay handang handa ka." "Ma, wala naman akong paghahandaan bukas eh. ang kailangan lang ay unat na unat ang uniporme ko at makintab ang sapatos at naayos ko na po lahat iyon." sagot niya sa ina."Sabi nga pala ng ate Savannah mo ay pumunta ka sa kanya ng ala una dahil magpapasama ata siya sa iyo sa bayan, sa tingin ko dapat ay maghanda kana dahil alas dose y medya na.""Sige po mama, maliligo na po ako."Matapos maligo ay agad siyang nagbihis, isang shorts na maong at isang sleeveless blouse na kulay baby pink ang napili niyang isuot. Kinuha rin niya ang rubber shoes na kulay puti. Lahat ng suot niya ay galing sa kanyang ate Savannah mga pinagliitan nito at karamihan ay hindi
Hindi makapaniwala si Savannah habang tinititigan sa making salamin ang napakagandang dalagita sa kanyang harapan. Pinakulot niya ang laylayan ng mahaba nitong buhok pinaayusan ng light make up at pinalinisan ng mga kuko."Grabe napakaganda ng batang ito." opinyon ng mga baklang nag ayos dito ng biglang sumingit ang may ari mismo ng salon."Ms. Savannah maaari ba naming kunin bilang modelo ang iyong kapatid?" tanong ng magandang transwoman na si Astrid."Oo naman mama Astrid pero tanungin nyo rin muna ang batang yan hindi ko kasi talaga siya kapatid pero parang ganon narin ang turing ko sa kanya." sagot ni Savannah.Nilapitan ni mama Astrid si Serenity saka kinausap. "Hija, baka nais mong maging modelo ng aking salon pangako marami kang makukuhang benefits at syempre aalagaan narin kita upang maslalong lumitaw ang iyong ganda. Kikita ka rito para sa iyong pag aaral." pang hihikayat nito."A---ano po bang gagawin ko?" naguguluhang tanong ni Serenity."Kukunan ka lamang ng mga larawan n
"U--uuwi na ko excuse me!" paalam ni Serenity dito. Ngunit agad tumayo si Stanley at inilapit sa tainga niya ang mga labi nito saka bumulong. "Mag uusap tayo bukas, matulog ka ng maaga." saka nito bahagyang ginulo ang kianyang buhok at iniwan siyang tulala. Nagmamadali namang umuwi si Serenity at sa buong gabing iyon ay hindi siya dinalaw ng antok dahil sa kabang nararamdaman. Paumaga na ang makatulog siya kaya naman ng tumunog ang alarm clock niya ay sobrang sakit ng ulo niya sa puyat. Agad siyang bumangon at kumuha ng towel nanligo siya at nagbihis ng simpleng dress upang madaling hubarin mamaya pagpapalit niya ng uniporme. "Anak kumain kana bago ka magpa make up sa ate Annah mo." utos ng ina niya na agd siyang hinayinan. "Kumain ka narin po mama tapos maghanda ka narin po ha. Pano nga pala po ang mga kapatid ko walang maiiwan sa kanila?" tanong niya habang kumakain."Sus kala mo naman eh kaliliit pa ng kapatid mo at alalang alala ka na maiwan sila. Huwag kang mag alala at si Ti
Agad pumailan lang ang musikang umaayon sa tunog ng kanyang awitin. This song is dedicated to all of my classmates na nag request po nitong song na ito.Title: Hanggang Ngayon by Kyla. NEXT SONG is Dedicate to all of our love ones. This is not the end, because it is just the beginning of our journey congratulations to all of us. Title: Thanks to You by. Tyler Collins Matapos ng kanyang pag awit ay agad nagpalakpakan ang mga nanonood sa kanya. Hindi rin naman nagtagal ang graduation ceremony at nagpaalaman na ang mga kabataan at mga guro. Sa daan papalabas ng gym ng school ay sinalubong si Srenity ng isang lalaking hindi makakalimutan ni Stanley si Aldrin, may dala dala itong tatlong pulang rosas at isang malaking paper bag na agad iniabot kay Serenity. Magandang araw po pwede ko po bang makausap sandali si Seren, magpapaalam lamang po ako tita, kuya."Paalam nito kay Stanley at sa Mama ni Serenity, tumango lamang ang mga ito. At agad namang lumapit si Aldrin kay Serenity. "Congra
"Bakit ganon lahat naman ginagawa ko para sa pamilyang ito. Pero bakit parang wala akong halaga, bakit kahit monsan walang nagtanong ng opinyon ko o nang nararamdaman ko. Tao rin naman ako at nasasaktan bakit kailangang pagdaanan ko ang lahat ng ito." nakatingala sa karimlan at puno ng luha ang mga mata na tanong niya. "Ehem!" malakas na tikhim ni Stanley na dahilan upang maagaw ang pansin ni Serenity. "Bakit mo kasi sinosolo naririto naman kami mero lagi mong ipinagpipilitan na kaya mo ang lahat." at tuluyan siyang lumapit at naupo sa tabi nito."Buti pa yung mga bituin sa langit ang saya nilang tingnan, minsan naiisip ko kaya siguro sila itinaas ng diyos ay para hindi sila masaktan nino man. Sana pagdating ng araw na ako naman yung mawala makita na nila kung ano ang halaga ko. Isinakripisyo ko na ang kabataan ko para matulungan ang aking pamilya na makaahon kahit papaano sa pagkakadapa pero heto nanaman lulusong nanaman si mama sa kumunoy. Paano na ako, paano na kami ng mga kapatid
Hindi malaman ni Serenity kung anong sasabihin niya sa binatang kaharap. Sobra sobrang tulong naman ito kung sakali at hindi pa niya alam kung saan kukuha ng pang upa rito at pambili nila ng pagkain ng mga kapatid niya."Nagbibiro ka lang hindi ba?" tanging namutawi sa kanyang mga labi."Hindi ako nagbibiro kaya ngayon palang ay hakutin mo na ang gamit ninyo ng mga kapatid mo pwede naman kayo sa araw na kasama ang mama mo pero kung gabi pakiusap dito nalamang kayo ng mga kapatid mo. Naglalakihan narin sila Seren at gaya mo ayaw kong mapahamak ka. Alam na ni mama ang tungkol dito huwag kang mag alala, isipin mo nalang na ang kuwarto ninyo nina Sam at Renalyn ay nakabukod. Tutulungan kitang mag paalam kay tita Reny." paliwanag ni Stanley at hindi na napigilan ni Serenity ang mga luha ay dagliang umagos sa kanyang pisngi at wala sa sariling lumapit at yumakap kay Stanley."Salamat.... salamat ng marami, hindi ko alam kung paanong makakabwi sa iyo at sa pamilya mo. Sobra sobrang pagtulon
Matulin dumaan ang mga araw, tahimik at kanya kanyang namumuhay ang mag iina. Pinatunayan naman ni Seren, na kakayanin niyang buhayin ang mga kapatid niya kahit na nga minorde edad siya. Nagdadala siya ng mga paninda sa mga kaklase niya at bilang tulong naman sa pag aaral niya ay pinayagan siya ng teacher niya mag benta. Maging ang trabaho niy kay mama Astrid ay patuloy parin sa tulong ni Savannah. Sumapit muli ang kanyang kaarawan labing tatlong taong gulang na siya at bilang selebrasyon ay ikinain silang magkakapatid sa labas nina tita Gina. Pag uwi nila ay agad natulog ang mga kapatid niya matapos ibigay sa ina ang pasalubong nila. Matutulog na sana siya ng makarinig ng mahihinang katok sa pintuan. Sinilip muna niya ito at nang makitang si Stanley yun ay agad niyang pinagbuksan ng pinto."Gabi na ah, may nalimutan ka ba?" tanong ni Serenity rito."Pwede ka bang makausap, kahit sandali lamang." halos pa bulong nitong tanong sa kanya."S---sige maupo ka muna ipag titimpla kita ng ka