Alexes POV
"Ano? Ano 'yong sinabi mo? Totoo ba 'yang sinasabi mo? Tama ba yong naririnig ko?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes! Honey, tama ang narinig mo," sabi nito at kumalas ito sa pagkakayakap sa akin.
May dinukot ito sa bulsa ng pantalon n'ya.
Isang maliit na box ang nakikita ko na hawak niya at hinila ako nito sa harapan ng crib ng kambal.
Nagulat ako nang lumuhod ito sa aking harapan at binuksan ang box na kulay pula at nagsalita.
"Architect Alexes Sandria Viera, Will you marry me," naiiyak na sabi nito.
Tumambad sa akin ang isang pamilyar na singsing. Napahagulgol ako nang makita ko ito dahil hindi ako makapaniwala na nasa kan'ya ito.
Ang singsing na iningatan ko sa loob nang mahigit 11 years na itinapon ko na, ay heto na ngayon ibinibigay muli sa akin ng lalaki na s'ya ring nagbigay sa akin noon.
"Kenny, sambit ko sa pangalan nito kasi wala akong masabing salita sa kasiyahan na nadarama ko.
Alexes POV Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nagpapaliwanag si Kenny hanggang sa matapos nitong sabihin ang lahat-lahat sa akin. Hindi ko inakala na gano'n pala ang nangyari. Kung sana hindi ako nagpadala sa aking emosyon at hindi ako umalis ng mansion. Hindi na sana ako nahiwalay sa mga magulang ko. "I'm so sorry Kenny, nagkamali ako ng inisip at inakala. Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat kung noong una palang ay nakinig na ako sa'yo. Noong gusto mong magpaliwanag sa akin sa loob ng kotse bago mo ako dalhin sa mansion n'yo sa Isla. Wala na sanang nasaktan at nadamay na mga tao," sabi ko habang nakayakap ako dito. "Honey, makinig ka. Wala kang kasalanan. Maraming magagandang dahilan kung bakit itinulot ito ng Dios na mangyari ang lahat ng ito at isa sa magandang dahilan na iyon ay ang tungkol sa iyong totoong mga magulang," sabi ni Kenny sa akin. "Huh! Totoo kong magulang?" nagtatakang tanong ko. "Yes! Gusto mong m
Doc. Isabel POV Hindi ko akalain na sa silid kami ni Sandy hahantong. Ang Alexes na anak na hinahanap nila Mr. Albert ay si Sandy pala. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon. Si Sandy at Alisa ay iisa. Matagal ko na palang natagpuan ang anak kong matagal ko nang hinahanap. Kasa-kasama ko na pala siya. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kan'ya ay siya pala ang hinahanap kong anak na nawawala sa akin noon. Salamat at ligtas siya. Salamat at napunta siya sa mga mabubuting tao. Umiiyak ako habang nakatingin kay Alisa na niyayakap nito ang kinikilalang mga magulang. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang anak ko. At mas lalo akong nagdamdam nang marinig ko ang sinabi nito na hindi niya kailangan pang hanapin o makita ang kanyang totoong mga magulang dahil sapat na sa kan'ya ang mga magulang na kanyang kinamulatan. Masakit iyon sa aking pandinig, ngunit tama siya. Sapat na ang kan'yang mga kinikilal
Alexes POV "Mommy Isabel, salamat at nahanap at nagkatagpo na tayo. Alam mo ba na nang malaman ko na ampon ako nila Mommy Ellen at Daddy Albert ay naisip ko na ayaw mo sa akin. Na ayaw sa akin ng totoo kong mga magulang dahil akala ko si Yaya Mercy ang Ina ko. Nagalit ako dahil nais akong patayin ng totoong magulang ko sa pagkaka-akala ko na siya ang totoo kong Ina," nalulungkot kong sabi. "Alisa anak, hindi ka gustong patayin ng Yaya Mercy mo. Siguro may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon. Pero alam ko na hindi niya iyon gagawin sa iyo. Kitang-kita ko kung gaano ka niya alagaan at mahalin bilang isang totoong kapatid o anak man. Napakabait niyang tao siguro may dahilan siya pero maniwala ka mahal na mahal ka ng Yaya Mercy mo," pagpapaliwanag ni Mommy Isabel. I nooded my head at nagpatuloy sa pagsasalita. "Opo! Siguro po! Mommy, tama po kayo. Pero ngayong alam ko na ang lahat, nagpapasalamat ako at ikaw ang naging Ina ko. Naging kayo ang totoong
Alexes POV Abala ang lahat sa paghahanda para sa binyag ng dalawa kong anak na kambal. They are almost One month old na at naging masaya ang buong mansion dahil sa kanilang pagdating sa buhay namin. At ngayon ay ang araw ng kanilang paghahandog/binyag. Kakarating lang namin mula sa simbahan at napagpas'yahan ko na ipaakyat muna ang kambal sa kanilang nursary room. "Yaya Marie, at Yaya Lyn, iakyat n'yo muna sina Kenjie at Kurt sa taas para makapagpahinga sila ng maayos," sabi ko sa mga tagapag-alaga ng kambal. Tulog na tulog kasi ang mga ito dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ang dalawa mula pa kanina sa simbahan. Tiningnan ko muna ang dalawang kambal at hindi ko mapigilan ang aking sarili na halikan ang mga ito sa noo. Bigla namang umiyak si Kenjie nagising ko yata sa paghalik ko ngunit si Kurt naman ay mahimbing pa rin sa pagtulog na para bang nananaginip pa ito dahil sa parang masaya itong napapangiti sa kan'yang pagtulog.
Alexes POV Lumipas ang oras na puno nang kasayahan ang buong paligid ng masion. Masayang-masaya ako dahil hindi ko akalain na darating pa ang mga oras at pagkakataon na ito sa amin ni Kenny. Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpasya akong pumasok sa loob ng mansion at puntahan ang mga anak ko. Hinanap ko ng aking paningin si Kenny. Nagpaalam kasi ito na may pupuntahan lang at kakausapin na kan'yang kamag-anak. Nakita ko itong masayang nakikipag-usap kina Zion, Xander at sa isa pang lalaki na nakatalikod sa akin. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila ni Kenny. Tumingin sa akin si Kenny. Suminyas ako na papasok muna sa loob ng mansion. "Excuse me mga Bro, sasamahan ko muna ang Babyhoney ko baka inaantok na 'to!" malakas nitong sabi sa kasamahan at lumapit sa akin. "Oh bakit mo naman sila iniwan. Okay lang naman sa akin kung sasamahan mo sila. Magpapahinga lang ako sandali kaya papasok ako sa loob," sabi ko na nakak
Alexes POV Huwag ipilit ang mga bagay na sa simula pa lang ay hindi na pwede dahil ikaw lang naman ang masasaktan sa huli. My name is Alexes Sandria Viera. Slim body, tall, beautiful, cute and sexy. Almost perfect beauty. Kenny Mendoza. Tall, dark and handsome. He is my boyfriend. Nandito ako ngayon sa secret garden na palagi namin pinupuntahan ni Kenny. Actually pinangalanan namin itong secret garden dahil dito kami nagkikita nang patago sa mga magulang ko. Pinagbabawalan pa nila ako na mag-boyfriend dahil ang bata-bata ko pa raw. I am thirteen years old and Kenny, is sixteen years old. "Baby, I'm sorry na late ako katatapos lang kasi ng mga exam ko. Ano ba ang pag-uusapan natin?" sabi nito na nakangiti. "Kenny, let's end this. Break na tayo!" sabi ko habang nakayuko. Hindi ko kaya ang tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata at baka hindi ko pa masabi ang gustong ipagawa sa akin nang mga magulang ko. "No Ale
Alexes POV Mag-iisang buwan na simula noong hiwalayan ko si Kenny, at gano'n din katagal na hindi ko siya nakikita. "Kenny, na saan ka na ba. Bakit hindi ka na nagpapakita sa akin. Ano ba ang nangyari sa iyo. Miss na miss na kita nang sobra-sobra!" malungkot na saad ko sa aking sarili. "Magpakita ka na sa akin please!" malungkot ko pa rin na sabi sa aking sarili at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang nakaupo sa malaking bato na dati ay inuupuan naming dalawa ni Kenny ngunit ngayon ay ako na lamang mag-isa. Sa mga oras na wala akong pasok sa school at wala akong magawa ay pumupunta ako sa lugar kung saan kaming dalawa lamang ni Kenny, ang nakakaalam. Ang secret garden naming dalawa Kenny. Nandito na naman ako naghihintay at umaasa na sana babalik siya sa lugar na ito. Ngunit lumipas lang ang mga oras at papalubog na ang araw ay walang dumating. Habang nakapikit ang aking mga mata ay hindi ko mapigilan ang umiyak. Kahit na an
Alexes POV Lumipas ang anim na buwan mula noong huli naming pagkikita ni Kenny. At sa loob nang anim na buwan na iyon ay halos araw-araw pumupunta ako sa secret garden pagkatapos nang aking klase. Wala akong ibang ginagawa kundi alalahanin at gunitain ang mga araw na magkasama pa kami noon ni Kenny. May pagkakataon pa na ginagawa ko nang mag-isa ang mga bagay na noon ay kaming dalawa ni Kenny ang gumagawa. Tulad na lamang nang pangunguha namin nang mga matataas na damo na tumutubo sa mga ligaw na bulaklak sa secret garden namin. "Gumaganda na ang tubo nang mga ligaw na bulaklak dito," ang sambit ko sa sarili habang masaya ko na pinagmasdan ang mga ibat-ibang uri nang mga paru-paro na dumadapo sa mga bulaklak. Ang ganda nilang pagmasdan na palipat-lipat sa mga petals nang mga bulaklak. "Sana paru-paro na lang ako kasi ang simple lang nang mga buhay nila. Malaya silang mamili at dumapo sa mga bulaklak na gusto nila," sabi ng isipan ko. K