ISANG buwan na halos puro si Aleli lang ang kasama ni Olive sa bahay. Si Nickson ay magagawi lamang sa bahay nila paminsan-minsan. Madalas ay nagmamadali rin itong umaalis ng bahay. Ni hindi nagpapaalam sa kanya kung saan pupunta. Minsan tinatanong na lamang niya ang sarili, kung ano pa bang silbi ng pagsasama nila sa isang bahay. Masyado siyang nag-assume na mahal talaga siya ni Nickson. Napipilitan lang siguro ito ang inamin, sa loob-loob nito'y wala naman talagang nararamdaman ang asawa niya sa kanya."Olive, di ba ngayong araw ang graduation ni Sir Nickson?" tanong ni Olive habang nasa garden sila at inaayos ang mga halaman. Napatingin si Olive rito at napahinto sa ginagawa. Napaisip siya. Ano na nga bang petsa na? Biglang nagliwanag ang mukha niya na tama si Aleli. Ngayong araw ang pagtatapos ni Nickson sa kolehiyo. Muntik pa niyang makalimutan. Kung hindi pa ipinaalala ni Aleli ay mawawala na talaga sa kanya ang araw na ito."Magbihis ka at samahan mo ako. Pupunta tayo sa Unive
UMAGA na, nagising si Olive na katabi ang natutulog pang si Nickson. Hindi man lang siya nagising ng dumating ito. Dahil siguro sa kanyang mga pag-iyak at sa pagod dahil sa sama ng loob ay nakatulog siya ng mahimbing.Pinagmamasdan niya ang guwapong mukha ng asawa. "Bakit mo ako sinasaktan, mahal ko? Mahal naman kita pero sobra na. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Kung magstay pa ba ako sa relasyon nating ito?" umiiyak na naman na sabi ni Olive sa isipan.Napakislot si Nickson. Agad na pinunasan ni Olive ang kanyang mga luha. Saka nagmamadaling tumayo at pumunta ng banyo.Napahagulhol na naman nang iyak si Olive sa loob ng banyo. Hindi na yata niya makakaya ang sakit na nararamdaman. Napakapit siya sa lababo. Para siyang matitimbuwang at nanghihina na siya sa sobrang sakitNarinig niya ang mga katok ni Nickson."Asawa ko, andiyan ka ba sa loob?" marahang mga katok na tanong ni Nickson."O-Oo," utal na sagot ni Olive."Can you just please open this door?""Hindi pa ako tapos. May ka
INAAYOS ni Olive ang mga damit niya. Tinutulungan siya ni Aleli sa pagliligpit ng mga damit at isa-isang inilalagay sa loob ng maleta. Habang isa-isang isinisilid ni Olive ang kanyang mga damit ay panay ang pagtulo ng mga luha niya."Olive, may gusto ka bang sabihin? Makikinig ako. Ituring mo akong parang Ate mo. Masasandalan mo ako kapag pakiramdam mo nag-iisa ka," sabi ni Aleli habang panay rin ang hikbi ni Olive. Sobrang nalulungkot siya sa nangyari sa mag-asawa. Puwede pa naman sigurong ayusin nila ang problema? Hindi palaging sagot ang paghihiwalay sa tuwing mayroong hindi pagkakaunaaan."Pinakawalan ko na 'yong lalaking pinapangarap ko. Ang nag-iisang lalaking minahal ko bukod sa Papa ko. I love him so much. Until now, na nasasaktan ako. At kahit na nasasaktan ako, mahal ko pa rin siya. Kung puwede lamang talaga na turuan ang puso na itigil sa pagtibok, gagawin ko," umiiyak na saad ni Olive. Hinawakan ni Aleli ang isang kamay ni Olive."May rason ang lahat. Kung bakit nangyayari
DINALA nina Omar at Ely ang kaibigan sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa. Nang makapasok sa loob ay inihiga nila ito sa kama. "Iiwanan ba natin si Nickson? Walang kasama siya rito. Umalis na si Olive," tanong ni Ely."Hayaan mo siya. Kasalanan naman niya 'yan. Kung bakit nangyayari ang mga ito. Kung mahal niya ang asawa niya dapat hindi siya naglilihim. Tingnan niyo ilang buwan palang silang nagsasama ng asawa niya. Nilayasan kaagad siya. Miserable na ang buhay niya.""Hahayaan mong maging miserable ang kaibigan natin?" tanong ni Peter."Hindi sa ganoon. Alam ko na kaya ni Nickson na ayusin ang lahat. Mahal niya si Olive. Ipakita niya na mahal nga talaga niya si Olive at 'yong Crissa na iyon. Alam kong dadating ang oras na mabubuko natin ang babae na iyon. At kapag nangyari iyon. Magtago na siya sa saya ng Nanay niya," mahabang sagot ni Omar. Si Crissa ang puno't dulo ng pagdurusa ng kanilang kaibigan. Dahil sa pangba-blackmail nito kay Nickson ay sinusunod naman ito ng kaibigan nila
NAKATULOG si Nickson sa sopa habang nagkalat ang mga basyo ng bote sa sahig. Uminom na naman ito buong magdamag. Napapabayaan na niya ang kompanya. Ang Daddy na muna niya ang pansamantala na humahawak ng kompanya nila. Dahil sa kawalan ng gana ni Nickson na magtrabaho."Nickson, anak. Gumising ka," tapik ni Nieves sa pisngi ng nag-iisang anak. Nagmulat ng kanyang mga mata si Nickson at umupo ito. Umupo rin si Nieves sa tabi ng anak niya."Mom, what are you doing here?" tanong ni Nickson sa ina. Halos ayaw nitong tumingin sa mga mata nito. Bakas ang mga pag-iyak niya sa kanyang mga mata. Namamaga at nangingitim din ang paligid ng mga mata niya."Pinababayaan mo na ang sarili mo. Nag-aalala na kami ng Daddy mo. Kaya pinapuntahan ka niya sa akin dito sa bahay mo," sagot ni Nieves na may lungkot ang boses sa nakikitang ayos ng anak.May concern pala ang Daddy niya sa kanya. Palagi na lamang na mali ang napapansin nito sa kanya. Kaya halos isubsob niya ang sarili sa pagtatrabaho at pag-aar
"ARE you sure of this, Olive?""Opo, Ma. Gusto ko pong buuin ulit ang buhay ko. 'Di ko po 'yon magagawa kung mananatili ako rito.""Hindi pa rin ako nasasanay na malayo ka sa amin, anak. Alam kung may sarili ka ng buhay at kaya mo ng magdesisyon para sa buhay mo. Pero, ikaw pa rin ang panganay ko. Unang anak namin ng Papa mo na sobrang minahal namin.""Ma, 'di po ako mawawala. Dadalaw-dalaw naman po ako sa inyo. Just give me a chance to get better. Gusto ko pong makalimot," sabi ni Olive. Pilit niyang ipinapaintindi sa ina kung bakit kailangan niyang lumayo."Bettina, hayaan na muna natin ang anak natin.""Armando, hindi nga ako makakali na malayo si Via sa atin. Iyong nasa malapit nga lang siya nag-aalala oa rin ako. Iyon pa kayang lalayo siya."Mapait na napangiti si Olive. Andoon pa rin ang pag-aalala ng ina kahit na igarantiya niyang magiging maayos siya na nasa malayo. 'Di niya maiaalis dahil sa pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak.Mangiyak-ngiyak si Bettina sa mga nangy
DALAWANG taon ang mabilis na lumipas simula ng mafinalize ang annualment nila Nickson at Olive. Naging co-owner na lamang ang pamilya nina Olive sa kompanya na pag-aari nila at ibinigay ng Papa ni Olive ang pamamahala nito sa mga Balderama.Nagpakalalayo na muna si Olive noon ng mga ilang buwan. Malayo sa kanyang nakaraan. Sa naging buhay niya noong kasama pa si Nickson. Masaya naman ang naging buhay niya malayo sa piling ni Nickson.She pursue being a freelance model. It's just a hobby na hindi niya sineseryoso. She transfer sa ibang University. Kahit pa isang taon na lamang ay ga-graduate na rin siya ng kolehiyo."Via, ano na? Tatanggapin mo ba?" tanong ng kanyang road manager. May ibinigay kasi na project para sa kanya. At napapaisip siya dahil si Nickson lang naman ang may-ari ng produkto na i-e-endorso niya. Walang nakakaalam ng nakaraan nilang dalawa. Hindi niya binubuksan sa publiko ang kanyang pribadong buhay, pati na ang sa kanyang buhay pag-ibig."Can you give me time to thi
UMUWI si Via sa kanyang bagong condo. Ang dati niyang condo ay ipinagbili niya at ang perang nakuha niya ay ang ginamit niya para makabili nang bagong condo.Nakahiga na siya sa kama niya at iniisip pa rin. Magkikita na naman sila ni Nickson. Ano pa ang puwede niyang gagawin para maiwasan si Nickson? Nakatulugan na niya ang pag-iisip.Umaga nang magising si Olive sa sunod-sunod na doorbell sa pinto. Iritable na bumangon si Olive. Papikit-pikit pa ng mga mata sa antok na marahang naglalakad papalapit sa pinto."Ang tagal, ha. Kanina pa kaya ako rito sa labas, Day. Kanina pa rin ako tawag ng tawag sayo," nakapameywang na bungad ni Reine."Why it's too early? Saka ano bang ginagawa mo rito sa condo ko ng kaaga-aga?" nakakunot ang noo na tanong ni Via."Naku! Ang wrinkles mo. Tingnan mo may pimple ka na. Hindi ka ba nakatulog kagabi? Bawal ka magpuyat. Bawal ang matatamis. Sobrang dami ng kinakain at oily foods ay bawal ka rin," Reine murmured. Habang papasok sa loob ng condo ni Via. Nati