Logan Montereal's Point of ViewParahes kaming nakahiga ngayon ni Rhian sa malambot na kama at kapwa wala kaming saplot sa katawan. Matapos ng ilang beses namin pagniniig ay para kaming mga lantang gulay na nakabalot sa makapal na kumot. Naka-unan siya sa aking mga braso, samantalang ang kanyang mga braso at binti ay nakadantay naman sa akin.Marahan kong hinalikan ang kanyang noo at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ako makapaniwalang asawa ko na siya ngayon."Kung hindi mo sana ako nilapitan noong gabing iyon, hindi sana kita nakilala." Ani ni Rhian na bahagyang tumingala pa sa akin.Matamis akong napangiti sa kanya at muling binalikan ang mga sandali kung saan kami unang nagkita.***Flashback***Habang nag-iinom kaming magpipinsan sa kabilang cottage ng gabing kasal ni Cedrick ay napansin ko ang isang babae na nagpunta sa tabing dagat kung saan madilim sa gawing iyon. Marami na rin ang mga lasing sa paligid.Pag-aari ko ang resort kung saan ginanap ang kasal ng aking pinsan at aya
Logan Montereal's Point of ViewFvck! Malulunod siya kung mapupunta siya sa mamalim na iyon. Hindi ba siya nag-iisip?" Galit kong usal. Nilingon ko sila Drew kung nasaan sila at hindi manlang nila napapansin ang babae.Mabilis kong pinuntahan si Rhian. Sakay ng bangka ay unti-unti akong lumapit sa kanya. "Oh, holy shit! Nalulunod na siya." Agad akong tumalon sa bangka upang sagipin siya. Dali-dali kong hinila ang babae sa mababaw na parte ng dagat."Oh my God! Anong nangyari sa kanya?" Gulat na tanong ni Alisha nang makita niyang buhat-buhat ko si Rhian habang walang malay."Muntik na siyang malunod. Nakainom na rin siya ng maraming tubig." Malamig ang boses kong usal. Lahat naman ay natulala. Wala silang kaalam-alam na nalulunod pala ito.Agad kong nilapatan nang paunang lunas ang babae ngunit hindi pa rin ito nagigising."Bitawan mo ang mommy ko!" Galit na usal ni Zane.Halos hindi naman ako makakibo nang marinig ko ang malamig na boses ng aking anak. Hindi ko kayang salubungin an
Rhian Monleon's Points of ViewMalamig na hangin ang dumadampi sa aking manipis at makinis na balat sa mga oras na ito. Nililipad ng hangin ang malambot at mahahaba kong buhok, damang dama ko din ang bawat hampas ng hangin sa aking katawan dahil manipis ang suot kong mini-dressNandito nga pala ako sa Villa Rocca. Ang pinaka sikat na beach resort sa buong isla ng Marinduque. Balita ko ay mayamang binata ang nakabili ng resort na ito. Limang taon na akong hindi nakauwi ng Pilipinas lalo na dito sa probinsya dahil masyado akong busy sa trabaho sa Spain. Tinutulungan ko ang aking nobyo upang makabawi ang kumpanya nito mula sa pagkakalugi. Wala na rin naman akong pamilya dito maliban kila Aling Mila at Mang Abi.Maagang nawala ang aking mga magulang dahil naaksidente ang sinasakyan nito. Tanging naiwan na lang ng mga ito sa akin ay isang malawak na lupain at ang mansyon.Napatingin ako sa hawak kong baso na may laman pang alak. Marami-rami na din ang akong nainom mula pa kanina.Tila isan
Naramdaman ko na lang mga braso nito na nakapulupot na sa aking baywang. Nakaharap ako sa kanya kaya naman ramdam na ramdam ko ang mainit at mabango nitong hininga.Gusto kong pumiglas ngunit tila wala akong lakas na gawin iyon. Ano bang mayroon sa lalaking ito bakit tila kusang sumusunod ang aking katawan sa kanya.Napatitig ako sa kanyang mga mata hanggang marating ng aking paningin ang labi niya. Kinagat ko ang mga labi ko upang pigilan ang sariling halikan iyon."Huwag mong gagawin ulit yan!" paos nitong usal. Halos isang daliri na lang ang pagitan sa aming mukha. Bumilis ang tibok ng aking dibdib pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Kinagat kong muli ang aking mga labi upang kahit paano ay mawala ang kabang nararamdaman ko.Ngunit hindi ko pala dapat ginawa 'yon. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan nang bigla na lang maglapat ang aming mga labi. Hindi ako makakilos, hinayaan ko lamang na sakupin niya ang aking mga labi.Bahagya kong naibuka ang aking mga labi nang marah
Nakita ko sa ibabaw ng lamesa ang isang pares ng damit. Nandoon din aking mga gamit. May sulat din na iniwan doon marahil ay galing ito sa lalaki. Kinuha ko iyon at binasa.'I'm sorry for what happened last night, baby. Let's talk about it later. May urgent meeting lang ako ngayon. Please! wag ka munang umalis diyan.'-L.M.Madali kong isinuot ang damit, tamang tama lang sa akin ito na para bang sa akin ito isinukat. Kahit masakit ang aking balakang ay pilit parin akong naglakad papalabas sa kwarto na iyon.Pagkalabas ko ng pinto ay may isang staff na tila ba hinihintay talaga nito ang aking paglabas."Good morning ma'am! pinahanda na po ni sir ang inyong umagahan!" magalang na bati nito sa akin.Napaisip naman ako kung sinong sir ba ang tinutukoy nito? 'Ah siguro 'yong lalaking kasama ko kagabi.' sa isip-isip ko. Agad ko naman tinanggihan ang alok nito."Nagmamadali na kase ako, pakisabi na lang kay sir mo, thanks!" at nagmamadali na akong naglakad ngunit sinundan pa rin ako nito."P
"Rhian, anak! Mabuti naman at na isipan mong umuwi dito, aba'y miss na miss ka na namin!" Bakas sa mukha ni Mang Abi ang kasiyahan ng makita niya ako.Agad naman akong lumapit dito at niyakap ito ng mahigpit. "Namiss ko ho rin kayo, itay!""Oo nga pala iha, kasama ko nga pala si Sir Logan. Siya ang bagong may ari ng Villa Rocca!" pagpapakilala ni Mang Abi sa akin sa lalaking kasama nito.Natigilan ako ng makita kung sino ang lalaking kasama ni Mang Abi. Ito ang lalaking kasama niya kagabi. Teka! Siya ang may-ari ng resort na iyon?"M-may bisita ho pala kayo 'Tay Abi?" Pilit akong ngumiti dito. Ayoko isipin na bastos ako sa mga bisita.Akala ko ba may urgent meeting ito kaya iniwan nya ako sa resort. Tiningnan ko ito ng masama ngunit ngumisi lang ito sa akin."Aba'y hindi na iba itong si Sir Logan sa amin, iha! Alam mo bang tinutulungan ako nito sa bukid. Madalas din siya dito sa mansyon lalo na kapag may mga kailangan ayusin na hindi ko na magawa." pagmamalaki pa ni Mang Abi dito."Ni
Nakailang ikot na ako sa bayan at isang bar lang ang nakita ko. Tanging letrang L-M lang ang mababasa na pangalan ng bar na iyon.Pagpasok ko pa lang ay may isang lalaking staff na agad ang sumalubong sa akin."VIP ma'am?" tanong nito sa akin."No. bago lang ako dito!" at nginitian ko ito."Welcome ma'am!" at binigyan niya ako ng daan upang makapasok na sa loob.Hinanap ko agad ang counter upang magorder ng drinks."Give me one Tequila shots!" usal ko sa bartender. Umupo ako sa upuan malapit sa counter kung saan kitang kita ko ang kabuoan ng loob ng bar. May kakaunti ng naroon. Mga nag-iinom at nagsasayawan. Maaga pa kaya paunti-unti pa lang nagsisidatingan ang mga tao.Mukhang mga mayayaman lang ang halos ang nagpupunta sa bar na ito.Agad naman inabot sa akin ng bartender ang order ko. Ngumiti pa ito sa akin pagkatapos kaya naman nginitian ko din ito."Bago lang kayo dito, ma'am?" tanong naman nito sa akin. Napansin ko naman simpleng tumitingin ito sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng
"Fleb-" Hindi natapos ang sasabihin ng lalaki at napalunok ito ng makitang tinanggal ko ang damit na suot ko. Kitang kita ko sa mga mata nito ang pagkagitla sa ginawa kong iyon. Sunod-sunod ang paglunok ng laway ang ginawa nito. "T-titigan mo na lang ba ako?" tanong ko sa kanya ng hindi ito makagalaw mula sa pagkakaupo nito."U-uhm! --" Hindi ito nakapagsalita sa halip napahilamos na lang ang mga kamay nito sa kanyang mukha. "Please! isa lang paraan para mawala na itong init nararamdaman ko!" Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magmakaawa sa lalaking ito pero hindi ko mapigilan ang sarili ko."No! Wala ka sa sariling katinuan. Hindi ko pwedeng samantalahin ang kalagayan mo!" Mariing tutol nito ngunit kitang kita ko sa mapupula nyang mga mata na pinipigilan nya lang ang kanyang sarili.Hinawakan ko ang kanyang mukha at akmang hahalikan ko na sya ngunit pinigilan niya ako. Tinanggal niya ang kamay ko sa kanyang mukha at pagkatapos ay pinulot nito ang damit ko."Isuot mo na ito