Nang makalabas ako sa opisina ni principal, ay hindi ko na nakita si Daylon sa labas. Saan kaya ‘yun nagpunta?Ngayon ko lang naisip na nakakahiyang magpaturo kay Daylon dahil hindi naman kami masyadong close. Saka baka mainis lang ‘yun sa akin dahil bobo ako. Hindi ako madaling matuto. Pakikinig na nga lang sa guro namin ngayon hindi ko maintindihan e. Turo pa kaya ni Daylon?Mag-aral na lang kaya ako mag-isa? Nakakahiya naman kung iistorbohin ko si Daylon. Siguro akong nag-aaral palagi ‘yun dahil siya ang pinakamatalino sa paaralan na ‘to, pero sino naman ang magtuturo sa akin kung hindi ako magpapaturo kay Daylon?Habang naglalakad ako. Meron akong narinig na babae at lalaki na nag-uusap sa loob ng storage room. Nakabukas kasi ang pintuan kaya narinig ko.“Seryoso ka ba? Hindi mo kailangan gawin sa akin ‘to,” umiiyak na saad ng babae. Hindi ko kilala ko kung sino ang lalaki dahil hindi ko nakikita ang mukha nito, pati na rin ‘yung babae.“Kaya kong gawin ‘yun.” Napakunot ang noo ko
“Sinabi na ba sa’yo ni Principal tungkol sa pagkakaron ng pangalawang pagkakataon.” Napatingin ako kay Tita at tinigil ang paghuhugas.“About nga po pala roon, Tita. Marami pong salamat dahil pinakiusapan niyo po siya tungkol po sa sitwasyon ko.”“Iha, deserve mo ang magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Wala ka namang kasalanan dahil pinagbintangan ka lang. Saka ilang sabi ko na sa’yo na hindi mo kailangan magpasalamat.” “Kahit gano’n po, Tita. Kailangan ko pa rin po magpasalamat.”“Meron ka na bang naisip na strand?”“Wala pa nga po e. Hindi po kasi ‘yan ang iniisip ko. Saka hindi ko pa po alam kung ano po ang pangarap kong trabaho. Kaya hindi pa po ako nakakapagdesisyon.”“Gano’n ba? Hindi mo naman din kailangan magmadali dahil madami ka pa namang araw para makapagdecide. Ipagpray natin ‘yan para ang makuha mong strand ay tama at makatulong sa’yo.”“Salamat po, Tita. Ang dami niyo na pong nagawang maganda sa akin.” Nginitian ako ni Tita at hinawakan ang aking buhok. “Nga pala, pu
Dahil sa pinuyat ako ni Daylon kagabi. Ito ako ngayon naglalakad sa hallway ng paaralan namin na parang zombie. Hindi naman siguro mapapansin ng mga kaklase ko kung bakit ako ganito hindi ba?Nang makapasok ako sa classroom namin ay binati lang nila ako ng goodmorning. Siyempre babatiin ko rin sila. Simula noong nalaman nilang pinatawag ako ni Daylon sa principal ay naging close na sila sa akin dahil bihira lang daw magtawag ng estudyante si Daylon. Ang akala ko nga magagalit sila sa akin, buti na lang hindi.Hindi ba gano’n ang mga palabas? Kapag merong kinakausap ang bidang lalaki magagalit ang mga babae sa kaniya? Kaya nga nagulat ako noong naging mabait sila sa akin.Unti-unti ko silang nakikilala at ang babait pa nila. First time kong maging kaclose ang lahat ng mga kaklase ko. Iniimbita pa nga nila ako na sumama sa kanila sa sabado dahil maggagala raw sila. Ang sabi ko sa kanila susubukan ko dahil nakakahiya naman kila Tita at saka wala akong pera para panggala.Saka kailangan
Paano ba ako magpapaalam kay Tita? Baka hindi niya ako payagan dahil imbis na nag-aaral ako. Ang ginagawa ko ngayon ay nagpapakasaya. Huwag ka na kaya ako magpaalam? Hindi na lang ako sasama dahil ayaw kong bigyan ng problema sila Tita.Nang makatayo ako sa aking kama ay biglang may kumatok sa aking pintuan. Pagkabukas ko ng pintuan ay nagulat ako dahil nakatayo sa harap ko si Daylon. Seryoso rin ang mukha nito at ang dalawang kamay ay nakapasok sa bulsa ng kaniyang pantalon.“May kailangan ka po ba?” Hindi ko kasi alam kung bakit siya bumalik. Kakaalis niya lang kasi kanina dahil tapos na niya ako turuan. Oo, hindi pa ako nagpapaalam kay Tita. Matutulog na lamang ako, pero hindi pa ako nakakapagpaalam. Bukas na lang ako magpapaalam para payagan ako. Saka hindi ko alam kung sasama si Daylon sa gala ng mga kaklase niya. Kung hindi siya sasama, hindi na rin ako sasama. Kapag naman sasama siya, sasama ako.“Hindi kita matuturuan bukas.” Kumunot ang noo ko, pero nawala rin ‘yun nang mai
“Huwag kang mag-expect na hahawakan ko ang kamay ko para lang hindi ka mawala,” agad na saad ni Daylon nang makalabas kami ng bahay.“Wala naman akong sinasabi na hawakan mo ang kamay ko. Si Tita lang naman ang nagsabi no’n hindi ako. Sineryoso mo talaga ang sinabi niya.” Masamang tingin lang ang sagot ni Daylon sa akin. Masanay na dapat ako sa mga gan’yan niya dahil palagi siyang gano’n kapag kausap ako.Ang boring tuloy ng paglalakad namin papunta sa sakayan ng jeep. Siya ang nauuna maglakad habang ako ay nasa likod wala pang gana maglakad dahil ang init-init. Nagdala na lang sana ako ng payong. Kaso wala pala akong payong.“Bilisan mo maglakad dahil baka wala tayong maabutang jeep sa sakayan.” Inirapan ko na lang siya at sinipa ang maliit na bato na nakaharang sa dadaanan ko. “Aray! Put*!” daing ni Daylon kaya napatigil ako sa paglalakad.Nginitian ko siya nang tumingin siya sa akin.“Sorry.”“Ano ba ang ginagawa mo? Hindi ba sinabi ko sa’yo na bilisan mo ang paglalakad, pero ang g
“Nakakatakot kang kumanta,” reklamo ni Romeo kay Hezekiah. Kumanta kasi sila kanina sa videoke. E biglang sinabi ni Hezekiah na kakanta siya, hindi naman nila alam na mapangit pala ang boses ni Hezekiah.Ewan ko ba sa mga ‘yan. Wala naman problema sa isang tao kung mapangit ang kaniyang boses o kaya wala sa tono. Sadyang naglolokohan lang ang dalawang ‘to. Ang sarap daw kasi asarin ni Hezekiah.“Hindi mo ba alam kung gaano kataas ang kantang ‘yun? Kung ikaw kaya ang kumanta ron. Doon mo malalaman kung gaano kahirap ‘yun kantahan.” Parang isip bata si Romeo na naglakad papunta kila Neri. Habang si Hezekiah naman ay tumabi sa akin.“Bakit pala badtrip si Daylon kanina?” “Ano?”“Seryoso ka ba? Hindi mo narinig ang sinabi ko?”“Hindi.”“Ano kako ang nangyare. Bakit badtrip si Daylon kanina no’ng dumating kayo.”“Kanina pa tayo magkasama ahh? Bakit ngayon mo lang ‘yan tinanong?”“Wala lang, wala kasi akong matopic ngayon kaya ‘yan na lang ang topic natin.”“Hindi ko alam kung bakit siya b
“Hindi pa ba tapos? Kanina pa ako nagsusukat ng mga damit na ibinibigay mo sa akin e,” inis na saad ko nang makalabas ako ng fitting room. Buti pa siya nakaupo lang sa harap ng pintuan ng fitting room at tinitignan kung bagay ba sa akin ang mga pinapasuot niya“Huwag ka na magreklamo. Kung gusto mo talagang matapos na tayo rito, ay bibilisan mo na lang diyan. Para makakain na tayo.”“Anong bilisan? Kahit anong bilis ko magbihis. Palagi mo namang dinadagdagan.” Tinignan niya ako ng masama kaya napahawak ako sa damit ko.“Ang dami mong reklamo. Buti nga ikaw ang sinama ko rito.”“Utang na loob ko pa pala ang mga ginagawa ko ngayon?”“Gawin ko na lang ang pinapagawa ko sa’yo. Ako naman ang magbabayad ng pagkain mo mamaya.” Lumaki ang aking mga mata at nilapitan siya para makasigurado ako na totoo ang sinabi nya.“Totoo ‘yan? Baka hindi ‘yan totoo ahh.”“Mukha ba akong nagbibiro? Tignan mo ako sa mata ko para malaman mo kung nagbibiro ako o hindi.” Hindi ako nagdalawang isip na tignan ang
Sinundan ko na lang siya. Sana naman mura lang ang mapasukan naming kainan dito. Ayaw kong mapunta sa mamahaling kainan. Baka maubos agad ang pera ko. Pamasahe pa lang naman ang nagagastos ko e at sana ‘yun lang ang gagastosin ko hanggang mamaya.“Nasaan tayo?” saad ko nang makapasok kami sa loob ng restaurant. Sa ayos at pamamalakal pa lang ng restaurant na ‘to. Alam ko na agad na mahal ang mga pagkain dito.“Stupid, hindi mo ba binasa kanina ang pangalan ng restaurant na ‘to, bago ka pumasok?” Tumahimik na lang ako dahil baka masabihan na naman ako ng stupid. Hidni ko naman alam na required pala ‘yung basahin muna ang pangalan ng papasukan bago pumasok.“Ilan po kayo, Sir?” saad ng isang babae kay Daylon.“Ilan ang nakikita mong kasama ko?” seryosong sagot naman niya.“Isa po.”“So, ilan kami?”“Dalawa po.” Agad na umalis ang babae dahil sa kahihiyan. Hindi naman kasi porket kung ilan ang nakikita mo na kasama ng isang tao ay ‘yun na ‘yun. Malay mo meron pa silang kasama, pero may p