Allianna’s POVNagising ako na masakit ang ulo at nilalamig ang buong katawan kahit nakakumot na ako.Madilim na ang paligid. Ang ilaw na lang, ay ang lamp na nasa gilid ko at doon ko napagtanto na nasa hospital ako ngayon.Uupo na sana ako nang makita ko si Daylon na nakasubsob ang ulo sa kama ko. Natutulog siya kaya hindi ko na siya ginising. Alam ko kasi na pagod at puyat siya.Ano nga ba ang nangyare kanina? Wala kasi akong matandaan. Ang alam ko lang, ay nakita ko si Daylon.Napahawak ako sa tyan ko nang kumulo ito dahil sa gutom. Nagugutom na ako ah. May makakain kaya sa labas? Kahit sa vending machine lang hindi naman siguro magnanakaw ang tawag kapag kumuha ako ng pera sa wallet ni Daylon hindi ba?Ang problema ko lang dito, ay kung ano ang gagawin ko para makaalis ng hindi nagigising si Daylon. Baka kasi magalit siya sa akin kapag nagising ko siya. Ayaw na ayaw pa naman non na ginigising siya sa tulog niya. Mahalaga kasi sa lalaking ‘yun ang oras ng tulog niya kaya mahirap it
Third Person's POV“Ang dami namang sinabi ng babaeng ‘yun. Mcdo lang pala ang gusto,” seryosong saad ni Daylon habang nakatingin sa mcdo na nabili niya para kay Allianna. “Ano ba ang meroon sa pagkain na ‘to at gustong-gusto ng mga bata?”“Mga bata.” Napangisi si Daylon dahil naalala niya si Allianna. Naisip niya dahil isang isip bata ang babae. Minsan nga napagkakamalan niyang ten years old si Allianna. Maliit kasi ang dalaga at kung kumilos at magsalita, ay parang bata. Kaya hindi na siya nagtataka kapag sinasabi ng nanay niya ang babae na prinsesa o kaya baby.“Ito na ang mcdo mo. Kumain ka na.” Lalakad na sana si Daylon papunta sa pwesto ni Allianna nang makita niya ang babae na natutulog. Napabuntong hininga si Daylon at inilapag ang mcdo sa lamesa na malapit sa kama ni Allianna. Pang dalawahang pasyente kasi ang kwarto na kinuha ni Daylon, pero parang sariling kwarto na nila dahil wala naman silang kasama na isang pasyente sa kwarto.Kinuha niya ang mccafe at ininom ito habang
"Puwede naman na siya umuwi, pero kailangan mo pa rin siyang alagaan dahil hindi pa siya magaling. Saka huwag mo muna siyang papapasukin ng school para hindi mabinat," saad ng Doctor sa aming dalawa ni Daylon.Sabi na nga ba malalaman at malalaman ni Daylon na hindi pa ako magaling dahil sasabihin ng Doctor.Tinignan ko si Daylon, pero umiwas agad ako dahil nakatingin siya ng seryoso sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya na magaling na ako at gusto ko nang umuwi. Ayaw ko kasi sa hospital dahil kapag nasa loob ako ng hospital, ay naaalala ko ang pagkamatay ng mga magulang ko. Maiintindihan naman ako nila Tita kung gusto ko nang umuwi. Pero panigurado hindi ako maiintindihan ni Daylon dahil hindi naman niya alam kung ano ang pinagdaanan ko."Ito pala ang reseta na ibibigay ko sa inyo. Nakasulat na rin dyan kung kailan at ilan ang ipapainom mo sa kaniya. Sundin mo ang mga bilin ko sa iyo iho. Kailangan ka ng girlfriend mo dahil ikaw lang ang aasahan niya." Bigla akong nahiya dahil sa sinabi
Nang makapasok ako sa kwarto ko, ay humiga agad ako sa kama. Nahihilo at gusto ko nang sumuka kanina pa, pero hindi ako pwedeng masuka dahil baka mag-alala si Tita. Maling desisyon ata na umuw agad ako, pero tama rin na umalis ako dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos sa loob ng hospital.Daing ako nang daing sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, pero hinihinaan ko lang dahil baka marinig ako sa labas. Baka mamaya idala ulit ako sa hospital dahil hindi oa ako magaling. Kakaalis ko lang babalik agad.Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para mabawasan kahit kunti ang pagkahilo ko. Sa sobrang sakit kasi gusto ko na lang itulog para hindi ko masyadong maramdaman.Makakatulog na sana ako nang biglang magising ang diwa ko dahil sa pagbukas ng pintuan ng kwarto ko."Wake up, you need to eat this lugaw." Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Daylon na nakaupo na sa gilid ko. "Gusto mo pang subuan kita? You have your own hands, use them." Dahan-dahan akong umupo sa ka
Habang nakatingin si Allian kila Daylon at Kiari ay bigla siyang nakaramdaman ng kirot sa kaniyang puso. Ang kaniyang mga mata ay nagsisimula nang mamasa dahil sa kaniyang luha na hindi niya mapigilang ilabas. Sa dami nilang pinagsamahan ni Daylon, hindi siya makapaniwala na sobra siyang masasaktan sa nakikita niya ngayon. Hindi niya rin maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit siya nagiging ganito. Kung bakit naluluha na lang siya bigla at nanlulumo ang mga binti. Ito na ata ang palatandaan na kailangan niya nang itigil ang kahihibangan na ginagawa niya. Hindi naman masamang sumuko hindi ba? Wala namang sinabi na kailangan ipagpilitan ang gusto para makuha ang iyong inaasam. Sa kalagitnaan ng basketball court doon umamin ang lalaking si Daylon na pinakamamahal niya sa babaeng pinakamamahal nito. Siya dapat ang nasa hindi si Kiara. Siya dapat ang luluhudan ni Daylon hindi si Kiara. Siya dapat ang minamahal ni Daylon hindi si Kiara. Siya dapat ang nagpapasaya kay Daylon hindi a
Pagkatapos kong maghugas, ay lumabas na ako sa kusina."Ate! Tara maglaro tayo! Namiss ka naming kalaro e," masayang mga saad ng mga bata. Gustong-gusto kasi nila ako kalaro. Hinawakan nila ang mga braso ko at hinila papunta sa kanila. Naglalaro kasi sila ng taya-tayaan. Kung sino ang mahawakan ng taya, ay siya ang taya tapos siya naman ang maghahabol. Ang paborito nilang laro, ay ang tagu-aguan. Lalo na kapag gabi dahil hindi nila basta-basta mahanap ang mga nagtatago kaya lugi ang taya.habang naglalaro kami, ay biglang may tumawag sa akin."May bisita po kayo nasa visitor's room po sila ngayon." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi sa akin ng babae. Sila? So ibig sabihin ba nito madami ang bumisita sa akin ngayon? Sino naman? Nakita ko ang aking Tiya kasama ang kaniyang anak na babae nakaupo sa dulo ng visitor's room. Nang makita nila ako ay ngumisi ang aking Tiya at nagsign na lumapit ako sa kaniya.Ilang taon na rin silang hindi bumibisita sa akin at sa tuwing bumibisita sila, ay
Third Person’s POV “Demitri!” tawag ni Mialyn sa kaniyang anak na bunso. “Ano ba ‘yun, Mom? Nakailang tawag ka na po sa akin. Pwede mo naman pong tawagin si Kuya hindi lang po puro ako.” “Huwag ka na ngang magreklamo. Samahan mo kaming manood ng balita rito.” “Para saan?” Inis na umupo si Demirtri sa pang-isahang sofa at nakasimangot na tinignan ang kanilang TV. “Ano naman ang gagawin ko sa balita na ‘yan, Mom? Imbis na nag-aaral ako e,” dagdag pa nito. “Ano naman ngayon? E ‘d dito mo gawin ‘yang pag-aaral na sinasabi mo. Pwede mo naman ‘yun gawin dito.” “Ano ba naman ‘yan.” “Gusto ka lang makita ng Nanay mo, Demitri. Kaya gawin mo na lang ang gusto niya. Kung nag-aaral ka, mag-aral ka rito. Huwag kang mag-alala, makakapag-aral ka naman ng maayos dahil hindi naman kami maingay manood ng Nanay mo.” Napabuntong hininga na lang si Demitri dahil sa sinabi ng kaniyang Ama. Inis siyang pumunta sa kwarto niya, pero bago siya bumalik sa sala ay pinasok niya muna ang kwarto ng kaniyang
“Attorney, bakit kailangan mo pa kaming papuntahin sa inyo kung pwede mo naman sabihin sa amin kung nasaan si Allianna?” seryosong saad ni Benjamin Quinter nang makaupo silang dalawa ng kaniyang asawa sa harap ng attorney.“Sa totoo lang, Mr. and Mrs. Quinter. Iyon po dapat ang gagawin ko, pero hindi ko po maintindihan kung bakit po nandoon si Allianna.”“Nasaan ba siya?” kinakabahang tanong ni Mialyn. Kinakabahan siya na parang anak niya ay nawawala at gusto niya na itong makita.“Napagdesisyonan po ng korte na idala sa bahay ampunan si Ms. Allianna.” Kumunot ang noo ng mag-asawa.“Anong ibig mong sabihin, Attorney? Hindi ba merong kapatid ang nanay ni Allianna? Paano siya napunta sa bahay ampunan? Hindi pwede ‘yun saka meron din siyang mga Ninong at Ninang.”“Iyan po ang ating problema, Mrs. Quinter. Wala pong may gustong kumuha kay Allianna dahil na rin sa teenager na ang bata kaya hindi niya na raw po kailangan ng magulang na magpapalaki sa kaniya. Saka walang kung sino man ang na