Third Person’s POV
“Demitri!” tawag ni Mialyn sa kaniyang anak na bunso.
“Ano ba ‘yun, Mom? Nakailang tawag ka na po sa akin. Pwede mo naman pong tawagin si Kuya hindi lang po puro ako.”
“Huwag ka na ngang magreklamo. Samahan mo kaming manood ng balita rito.”
“Para saan?” Inis na umupo si Demirtri sa pang-isahang sofa at nakasimangot na tinignan ang kanilang TV. “Ano naman ang gagawin ko sa balita na ‘yan, Mom? Imbis na nag-aaral ako e,” dagdag pa nito.
“Ano naman ngayon? E ‘d dito mo gawin ‘yang pag-aaral na sinasabi mo. Pwede mo naman ‘yun gawin dito.”
“Ano ba naman ‘yan.”
“Gusto ka lang makita ng Nanay mo, Demitri. Kaya gawin mo na lang ang gusto niya. Kung nag-aaral ka, mag-aral ka rito. Huwag kang mag-alala, makakapag-aral ka naman ng maayos dahil hindi naman kami maingay manood ng Nanay mo.” Napabuntong hininga na lang si Demitri dahil sa sinabi ng kaniyang Ama.
Inis siyang pumunta sa kwarto niya, pero bago siya bumalik sa sala ay pinasok niya muna ang kwarto ng kaniyang kapatid. Magsasalita na sana siya nang bigla siyang unahan ng kaniyang kuya.
“Hindi ka ba marunong kumatok?” Napalunok ng laway si Demitri at lalabas na sana siya nang magsalita ulit ang lalaki. “Ano ang kailangan mo?”
Agad tumabi si Demitri sa kuya niya na nakaupo sa study table habang nag-aaral.
“Kailangan ko kasing malaman kung ano ang gagawin ko rito. Pwede mo ba akong turuan?” Napatigil ang lalaki at tinignan si Demitri ng walang emosyon.
“Ilang taon ka na?” seryosong tanong nito sa kaniya.
“Ten?”
“Ten ka na kaya alam mo na ‘yan. Kaya mo na dapat gawin ‘yan dahil nag-aaral ka.”
“Kahit ngayon lang hindi mo ako maturuan. Isang subject lang naman e.”
“Isa lang naman pala bakit hindi ikaw ang gumawa?” Napa’tsk’ na lang si Demitri at lumabas na sa kwarto ng kapatid.
Nang makapunta siya sa sala ay nakita niya ang kaniyang nanay na umiiyak.
“Ano pong nangyare, Dad?” Tinignan lang siya ng kaniyang Ama at nagsign na bumalik na lang sa kaniyang kwarto.
**
“Anong gagawin natin ngayon?” umiiyak na saad ni Mialyn sa kaniyang asawa nang matapos nilang malaman na ang kanilang kaibigan ay wala na.
“Gagawa tayo ng paraan para mahanap ang kanilang anak, Hon. Kaya huwag ka nang umiyak dahil mahahanap natin si Allianna.”
“Paano kung hindi na?”
“Hindi pwedeng hindi, Hon. Siguro naman alam ng mga taong ‘yun kung nasaan ang anak ng mga kaibigan natin. Kaya mahahanap natin agad siya.” Niyakap ng mahigpit ni Mialyn ang kaniyang asawa at doon humagulgol.
Ngayon lang din kasi nila nalaman na wala na pala ang mga kaibigan nila na matagal na nilang hinahanap. Ngayon lang din nila nalaman na may anak na itong babae. Hindi nila alam kung saan hahanapin ang babaeng ‘yun, pero sigurado ang Ama na may alam ang mga taong nasa korte kung saan nila dinala si Allianna. Kaya hindi sila mahihirapan.
**
“Nasaan na ba ang dalawang ‘yun. Bakit ang tagal naman nilang magising?” inis na sabi ni Mialyn sa kaniyang asawa habang nilalagay ang mga pang-umagahan nilang pagkain.
“Hon, kanina ka pa stress diyan. Pwede bang huwag mo na muna sila intindihin? Alam mo naman ‘yang mga anak mo. Hindi na nila kailangan tawagin pa dahil may mga kusa ‘yan. Saka hindi ka na nasasay sa kanila.”
“Hindi naman sa gano’n, Hon. Ang punto ko kasi ay baka malate tayo sa pagbisita kay Attorney. Hindi ba ngayon ‘yun?”
“Ngayon na ba ‘yun? Bakit parang ang bilis naman ata?”
“Isang buwan nilang hinanap si Allianna at ngayon alam na nila. Kaya kailangan natin siyang puntahan.”
“Bakit hindi na lang siya sabihin sa atin kung nasaan si Allianna? Bakit pa natin siya kailangan puntahan?”
“Meron siyang sasabihin sa atin. Hindi mo ba maintindihan?” Napailing na lang ang lalaki at ininom ang kaniyang kape. Ayaw niya kasing makipagtalo sa kaniyang asawa dahil alam niya na hindi naman siya mananalo.
“Goodmorning, Mom.” Nagulat si Mialyn nang bigla na lang may lumapit sa kaniya at hinalikan ang kaniyang pisngi.
“Bakit ngayon ka lang bumaba? Hindi mo ba alam kung anong oras na? Nasaan ang kapatid mo?” Hinawakan ng lalaki ang kaniyang noo at umupo sa kaniyang upuan na katabi ng upuan ni Demitri.
“Malaki na si Demitri, Mom. Hindi niya na kailangan gisingin pa.”
“Napakakulit niyo talagang dalawa.” Umupo na lang ang babae at inumpisahan na ang pagkakain ng almusal.
“Aalis kami pagkatapos niyo mag-almusal. Ikaw na muna ang maghatid sa kapatid mo mamaya sa paaralan.”
“Ano? Bakit ako? Pwede niyo naman siyang ihatid mamaya hindi ba?”
“Mas mauuna kami umalis kaya ikaw ang maghahatid kay Demitri. Wala kang magagawa kung hindi ang gawin ang utos ko dahil tulog pa ang kapatid mo.” Napabuntong hininga na lang lalaki at kinain na ang kaniyang almusal.
“Tapos na ako, mauuna na akong maligo, Hon.” Tumayo si Mialyn nang makita niyang tumungo ang kaniyang asawa.
“Anong meron kay, Mom? Hindi naman siya gano’n.” Napatawa ang kaniyang Ama at ibinaba ang tasa na hawak-hawak nito.
“May nalaman kasi ang Mom mo kagabi kaya gan’yan siya.”
“Nalaman niya na may kabet ka?”
“Ano? Wala akong kabet dahil hindi ko ‘yun magagawa sa Mommy mo. Hindi ko muna sasabihin ngayon kung ano ang dahilan. Basta gawin mo na lang ang sinabi sa’yo ng Nanay mo.”
“Okay.”
“Goodmorning, nasaan si Mom?” Nang makaupo si Demitri sa kaniyang upuan ay agad niyang sinonggaban ang pagkain. Naghihintay siya ng sagot pero walang nagsalita. “Bakit ang tahimik niyo?” dagdag pa nito.
“Kumain ka na lang dahil ihahatid pa kita.” Kumunot ang noo ni Demitri.
“Bakit ikaw ba ang maghahatid sa akin?”
“Hindi ba obvious?” Inirapan ni Demitri ang kaniyang kapatid at kumain na lang.
“Thank you sa pagkain.” Napatingin ang mag-ama sa lalaki dahil tumayo ito.
“Kaunti pa lang ang nakakain mo, Daylon. Kaumain ka pa.”
“Hindi ko na kailangan, Dad. Kailangan ko nang maligo dahil ayaw kong malate.” nang tumungo ang kaniyang ama ay tinignan niya si Demitri. “Bilisan mo kumain dahil kapag nalate ako, ikaw ang sisisihin ko.”
Nang makaalis si Daylon sa dining area ay kinamot ni Demitri ang kaniyang ulo.
“Ano ba ang mga problema ng mga tao rito. May problema ka rin po ba, Dad?”
“Ako? Ano naman ang problema ko?” Napangiti at napailing na lang si Demitri. Hindi naintindihan ng Tatay niya kaya uubusin niya na lang ang pagkain niya.
**
“Ano sa tingin mo ang problema ni Mom?” tanong ni Demitri kay Daylon nang makalabas sila ng bahay. Nang makasakay sila sa kanilang mga bike ay hindi pa rin sinasagot ni Daylon ang tanong ng kapatid.
“Bakit hindi mo palagi sinasagot mga tanong ko?”
“Wala namang kwenta ang mga tinatanong mo.”
“Anong walang kwenta ron?”
“Problema nila Mom ‘yun. Kaya hindi dapat tayo nangengeelam.”
“Ang daming alam, nag-aalala lang naman ako kay Mom.”
“Huwag kang mag-alala. Hayaan mo silang maayos ang sarili nilang problema.” Nanahimik na lang si Demitri dahil tama naman ang sinabi ng kaniyang kapatid. Saka kapag nangeelam sila baka mas lalong lumala ang problema ng kanilang magulang.
Nang makadating sila sa paaralan ni Demitri ay nagpaalam na agad ito sa kaniyang kuya at pumasok na sa paaralan. Habang si Daylon naman ay dumeretsyo na sa kaniyang paaralan.
Nang makita niya ang orasan sa kaniyang relo ay agad niyang binilisan ang pagpaandar ng bisikleta. Iniiwasan niya lang ang mga taong nakakasalamuha niya at minsan naman ay hindi nakikinig sa kaniyang pito na tumabi, kaya muntikan niya nang mabangga.
“Tang-ina,” mahinang saad niya dahil nakita niya ang gate ng paaralan na nakasara na.
May mga estudyante na nasa labas at kausap ang guard ng paaralan kaya pumunta siya roon para makinig.
“Ano namang rason kung bakit kayo late?” tanong ng guard. Ang mga estudyante naman ay nakayuko lang at hindi sinasagot ang tanong ng guard.
“Hinatid ko ang kaipatid ko sa paaralan niya. Kaya ako nalate.” Ang lahat ng tao ay napatingin kay Daylon. Pati na rin ang guard na ngayon ay nakangisi na.
“Hindi ko makapaniwala na nalelate pala ang isang Quinter.” Tumawa bigla ang guard at pinalapit si Daylon sa kaniya.
Siyampre hindi mawawala ang mga bulungan ng mga estudyante. Hindi rin sila makapaniwala na nalate si Daylon. First time kasing malate ng lalaki.
“Dahil reasonable naman ang reason mo at ngayon ka lang nalate, papapasukin kita. Pero ngayon lang ‘to, Mr. Quinter. Sa susunod na nalate ka na isasama na kita sa mga nalate at paparusahan.”
“Hindi pwede ‘yun, Sir. Nalate po ako kaya kailangan niyoakong ilista sa mga nalate at parusahan ngayon. Hindi magiging fair sa mga nalate ngayon kung ako lang ang papapasukin mo.” Nagulat ang mga estudyante pati na rin ang guard. May mga babae rin na kinikilig.
“Sigurado ka ba?” Tumungo si Daylon at nagsalita.
“Bilang isang SSG President, gusto kong maging pantay-pantay ang pagtatrato ng mga estudyante sa paaralan na ‘to. Hanggat ako ang president tuloy-tuloy ang patakaran na binigay ko.” Napatahimik ang guard, kaya agad na pumunta sa likod si Daylon para hinatayin kung ano sasabihin ng guard.
“Dahil sa sinabi ni Mr. Quinter isasama ko siya sa paparusahan ngayon. Pumila kayo rito sa gilid.”
“Malapit na malaglag ang panty ko kanina sa sobrang kilig.”
“Naiinlove ako.”
“Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya ‘yun. Para ko siyang naging jowa.”
“Girls!” Napatigil sa pagbubulungan ang mga babae nang sigawan sila ng guard. “Hindi ba sinabi ko sa inyo na pumunta kayo rito? Mukha kayong mga tanga riyan na nakatayo!”
Lahat na kasi ng estudyante ay nakapila sa gilid ang tatlong babae na lang ang hindi.
Nang makapila sila, ay sinabi ng guard na ibaba ang kanilang mga gamit sa sahig dahil sila ay mag-squat.
“Thirty minutes kayong nakagan’yan. Kung sino man ang magbababa ng kanilang mga kamay ay madadagdagan ng ten minutes.” May mga nagreklamong estudyante, pero si Daylon ay nanatiling kalmado.
Hindi mapakali ang mga babaeng katabi ni Daylon, pero walang pakeelam si Daylon dahil ang gusto niya lang, ay makapagconcentrate sa ginagawa niya. Hindi niya nga alam kung bakit ganito ang reaksyon ng babae sa kaniya, pero halata naman na nagagwapuhan sa kaniya ang mga babae. Kaya dedma na lang siya.
“Palit tayo, Charlie.”
“Ano ba, Rosie? Masyado ka nang lumalandi ngayong araw. Pwede bang manahimik ka muna ngayon? Baka gusto mong madagdagan ang oras mo rito? Dahil ako ayaw ko. Kaya huwag mo akong daldalin.”
“Ang kill joy mo naman. Minsan na nga lang ako humingi ng favor e.”
“Manahimik ka.”
“Attorney, bakit kailangan mo pa kaming papuntahin sa inyo kung pwede mo naman sabihin sa amin kung nasaan si Allianna?” seryosong saad ni Benjamin Quinter nang makaupo silang dalawa ng kaniyang asawa sa harap ng attorney.“Sa totoo lang, Mr. and Mrs. Quinter. Iyon po dapat ang gagawin ko, pero hindi ko po maintindihan kung bakit po nandoon si Allianna.”“Nasaan ba siya?” kinakabahang tanong ni Mialyn. Kinakabahan siya na parang anak niya ay nawawala at gusto niya na itong makita.“Napagdesisyonan po ng korte na idala sa bahay ampunan si Ms. Allianna.” Kumunot ang noo ng mag-asawa.“Anong ibig mong sabihin, Attorney? Hindi ba merong kapatid ang nanay ni Allianna? Paano siya napunta sa bahay ampunan? Hindi pwede ‘yun saka meron din siyang mga Ninong at Ninang.”“Iyan po ang ating problema, Mrs. Quinter. Wala pong may gustong kumuha kay Allianna dahil na rin sa teenager na ang bata kaya hindi niya na raw po kailangan ng magulang na magpapalaki sa kaniya. Saka walang kung sino man ang na
“Miss Allianna Gregorio, do you want Mr. and Mrs. Quinter to be your guardian?” tanong sa akin ng judge kaya mas lalo akong sumaya.“Opo,” nakangiti kong sagot.Sa wakas, natapos na rin ang mahirap kong buhay. Simula ngayon magbabago na ulit ang aking buhay at mas lalo akong magiging masaya kapag nakilala ko na ang mga anak ng mga kaibigan ng magulang ko.Sana hindi sila katulad ng mga nasa kulungan na masasama ang ugali. Sana katulad sila ng mga batang nasa bahay ampunan. ‘Yung tipong kahit meron silang mga problema, ay palagi pa rin silang masaya.Siguro naman mababait at masiyahin din ang mga anak nila dahil gano’n din ang kanilang magulang.“Mr. And Mrs. Quinter, tinatanggap niyo rin bang maging guardian si Miss Allianna Gregorio?”“Yes, your honor.”Nang sabihin ng judge na kaibigan na ng magulang ako titira ay bigla akong niyakap ng mag-asawa.“Sa wakas, isang taon din tayo naghintay para makuha ko, at ngayon mapupunta ka na sa amin,” umiiyak na saad ni Mrs. Quinter habang nakay
"Goodmorning, Allian," bati ni Mrs. Quinter nang makapunta ako sa dining area ng kanilang bahay."Goodmorning po, Mrs. Quinter," bati ko naman pabalik. Nilapitan ko siya at hinawakan ang isang plato na punong-puno ng pancake. "Tulungan ko na po kayo. Ayaw ko pong nakikita kayong napapagod," saad ko ulit at kinuha na ang plato sabay inilagay sa lamesa."Ano ka ba, Allian. Hindi ba sabi ko sa'yo tawagin mo na lang akong Tita?" Nginitian ko na lang si Tita at kinamot ang ulo ko.Nakakahiya kasi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito dahil hindi ko naman sila masyadong close at ngayon ko lang sila nakilala."Umupo ka na lang diyan, Allian. Ako na ang bahala sa inumin mo dahil meron ka pang pasok ngayon." Napatingin ako kay Tita sa gulat."Pasok po?""Oo, napagdesisyonan ko na ienroll ka sa school ni Daylon dahil magkasing idad naman kayong dalawa hindi ba?" Tutungo na sana ako nang biglang magsalita ang bunso nilang anak na si Demetri."Bakit mo pa ieenroll 'yan, Mom? Eh baka nga hin
“Nakalimutan kong bilihan ka ng bisekleta, Allianna. Pero huwag kang mag-alala, sigurado akong bukas na bukas ay mag magagamit ka na rin. Sa ngayon kay Daylon ka muna aangkas.” Napanganga ako dahil hindi pa rin pumapasok sa utak ko ang mga sinabi ni Tita. Tinignan ni Tita si Daylon. “Narinig mo naman kung ano ang sinabi ko hindi ba?” Walang nagawa si Daylon kung hindi ang tumungo.Nang makapasok si Tita sa bahay, ay napatingin ako kay Daylon na seryosong nakatingin sa akin habang nakasakay na sa bike.“Sasakay ka ba o makikipagtitiggan ka lang sa akin?” Nabuhayan ako bigla at umangkas na sa likod ng bike ni Daylon.Grade 11 si Daylon habang ako ay grade 10 dahil nagstop ako ng isang taon sa pag-aaral. Nahihiya na nga ako pumasok dahil grade 11 na rin dapat ako ngayon. Hindi ko naman kasalanan kung bakit ako natigil ng isang taon.Mga ilang minuto, biglang tumigil sa bike.“Baba.” Dahil kakaiba ang boses ni Daylon, ay sinunod ko agad ang kaniyang utos. Nang makababa ako nakatingin na p
Nang makapasok ako sa classroom namin ay lahat ng estudyante ay napatingin sa akin dahil sila ay nagkaklase.Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare sa akin. E ‘d sana hindi na lang muna ako pumasok sa unang klase.Late na nga ako tapos ganito pa ang mangyayare sa akin. Hindi naman siguro ako papagalitan ng guro rito hindi ba? Hindi naman siya magagalit sa akin dahil late ako.Nang tumingin ako sa guro naming nakatingin sa akin habang nakatayo at may hawak na libro, ay bigla akong napayuko dahil sa hiya. Iba kasi ang tingin niya sa akin at sabayan pa ng mga estudyanteng nakatingin din.“Muntikan ko nang makalimutan na meron pala tayong bagong kaklase. Miss, lumapit ka sa akin at ipakilala mo ang ‘yong sarili sa kanila.” Napatingin ako sa guro at nagulat ako nang nakangiti ito sa akin.Hindi siya galit sa akin? Hindi niya ako papagalitan? Bakit?“Ano pa ang hinihintay mo, Miss? Tumatakbo ang oras kaya magpakilala ka na rito.” Dahil baka magalit pa sa akin ang guro na babae ay tumabi
“Kumusta naman ang mga klase mo, Allianna?” nakangiting tanong sa akin ni Tita nang makaupo ako sa dining area.Kami ngayon ay naghahapunan na. Kaya nagtatanong na si Tita tungkol sa mga araw naming lahat sa paaralan. Mas lalo ko tuloy namiss ang mga magulang ko. Ganito rin kasi sila tuwing naghahapunan na kami. Palagi nila akong tinatanong kung kumusta ang araw ko sa paaralan.Pakiramdam ko tuloy magulang ko na rin sila Tita. Pakiramdam ko nasa bahay na namin ako. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting lungkot dahil namimiss ko ang mga magulang ko lalong-lalo na ang mga masasayang nakaraan namin.“Ayus naman po, Tita, Ang problema nga lang, wala po akong naintindihan sa lesson namin ngayon.”“Huwag kang mag-alala. Maiintindihan mo rin ‘yun dahil nag-uumpisa ka pa lang. Hindi mo kailangan mastress. Saka madami ka pang oras para pag-aralan ang mga ‘yan.”“Kaya hindi mo maintindihan ang mga tinuturo sa’yo dahil hindi mo pinapakinggan ng maayos. Wala ka kasing utak.” Napatingin kaming lahat ka
Nang makalabas ako sa opisina ni principal, ay hindi ko na nakita si Daylon sa labas. Saan kaya ‘yun nagpunta?Ngayon ko lang naisip na nakakahiyang magpaturo kay Daylon dahil hindi naman kami masyadong close. Saka baka mainis lang ‘yun sa akin dahil bobo ako. Hindi ako madaling matuto. Pakikinig na nga lang sa guro namin ngayon hindi ko maintindihan e. Turo pa kaya ni Daylon?Mag-aral na lang kaya ako mag-isa? Nakakahiya naman kung iistorbohin ko si Daylon. Siguro akong nag-aaral palagi ‘yun dahil siya ang pinakamatalino sa paaralan na ‘to, pero sino naman ang magtuturo sa akin kung hindi ako magpapaturo kay Daylon?Habang naglalakad ako. Meron akong narinig na babae at lalaki na nag-uusap sa loob ng storage room. Nakabukas kasi ang pintuan kaya narinig ko.“Seryoso ka ba? Hindi mo kailangan gawin sa akin ‘to,” umiiyak na saad ng babae. Hindi ko kilala ko kung sino ang lalaki dahil hindi ko nakikita ang mukha nito, pati na rin ‘yung babae.“Kaya kong gawin ‘yun.” Napakunot ang noo ko
“Sinabi na ba sa’yo ni Principal tungkol sa pagkakaron ng pangalawang pagkakataon.” Napatingin ako kay Tita at tinigil ang paghuhugas.“About nga po pala roon, Tita. Marami pong salamat dahil pinakiusapan niyo po siya tungkol po sa sitwasyon ko.”“Iha, deserve mo ang magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Wala ka namang kasalanan dahil pinagbintangan ka lang. Saka ilang sabi ko na sa’yo na hindi mo kailangan magpasalamat.” “Kahit gano’n po, Tita. Kailangan ko pa rin po magpasalamat.”“Meron ka na bang naisip na strand?”“Wala pa nga po e. Hindi po kasi ‘yan ang iniisip ko. Saka hindi ko pa po alam kung ano po ang pangarap kong trabaho. Kaya hindi pa po ako nakakapagdesisyon.”“Gano’n ba? Hindi mo naman din kailangan magmadali dahil madami ka pa namang araw para makapagdecide. Ipagpray natin ‘yan para ang makuha mong strand ay tama at makatulong sa’yo.”“Salamat po, Tita. Ang dami niyo na pong nagawang maganda sa akin.” Nginitian ako ni Tita at hinawakan ang aking buhok. “Nga pala, pu