Share

Chapter 5

Pagkaraan ng dalawang buwan. Naging matagumpay naman ang ginawang pag d-diet ni Zara. Halos isang beses lang siya kumakain ng kanin. Puro fruits at pampa-diet lang ang kinakain niya.

Hanggang sa isang araw. Namangha silang lahat dahil sa bagong mukha ni Zara.

Kung noon ay sobrang nerd niya. Ngayon ay isa na siya sa masabi kung miss universe ng pilipinas.

Halos hubaran siya ni Dave sa kakatitig sa kanya. Habang si Zara ay naka fucos lang sa kanyang trabaho. Mula loob tanaw niyang naka upo sa kanyang table ang babae.

Walang kamalay malay si Zara na unti unting nahuhulog ang loob nito sa kanya.

“Damn it!” Sabi niya sa kanyang sarili, habang ninanakawan niya ng tingin ang babae.

“Hi, Zara” Bati sa kanya ng isang empleyada.

“Zara, im Liza” Pagpapakilala nito.

“Anung ginawa mo, at gumanda ka ng bonggang bongga?” Sabi ni Liza at nakangiti ito.

“Wala” Basta nag diet lang ako.” Sabi pa niya na nakangiti din.

Wala siyang kamalay malay na nakatitig sa kanya si Dave.

“Wala pabang tumatawag sayo.?” Tanong naman ni Jun sa kaibigan. Habang naka upo ito sa kaniyang maliit na kama.

“Wala pa nga e’ gusto kung bumalik pero, sa hapon nalang.” Dogtong nito.

Pagsapit ng hapon naka abang sila sa may gate. Hindi sila bumaba sa sasakyan nila. Para hindi sila makilala ng guard.

Maya’t maya pa napansin nilang may sasakyan na parating na kulay itim.

Agad naman bumaba mula sa sasakyan si Mateo.

At lumapit agad sa guard.

“Excuse me boss anung kailangan nila.?” Sabi pa ng guard.

“Ako po si Mateo. Yung nagbigay sayo ng cellphone number ko, para ibigay niyo po sa dalawa kung kapatid. Toloy- toloy na sabi nito.

Tamang tama sasagot na sana siya ng biglang bumaba sa kanyang SUV na sasakyan si Ethan.

“Lando!” Sabi niya habang lumalapit sa dalawa.

“Boss magandang hapon po” Sabi pa ng guard.

“May problema ba?” Tugon nito.

“Wala po boss.?” Si Mateo po kasi boss. Hinahanap kayo” Sabi pa ni Lando.

“Nabigla si Ethan, ng lingunin si Mateo’ lalo na at may pagka hawig sila ng kanyang yumaong ama.

“Who are you?” Sabi nito

“Ako nga pala si Mateo. Mateo Cueva Delos Reyes.” Sabay lahat sa kanyang mga kamay.

Na siya naman ikinagulat ni Ethan.

Alam niya noon na may kapatid sila ng Kuya niya dahil sa naririnig niya noon. Bulong bulongan ng kanilang mga katulong.

At narinig din niya noon mula sa kanyang ina na may kapatid sila, sa isang babaeng katulong na pinatulan ng kanyang Daddy.

“Gusto kulang malaman kung nasaan si Itay.” Sabi pa niya.

“Huh? Uhm! Ma-Mateo. Nauutal niyang sabi dito.

“Anung pangalan ng iyong Ama.?” Sabi niya ulit.

“Fabio Delos Reyes.” Ani Mateo.

Nakomperma niya na ito na nga iyong kapatid nila sa ama.

Noong maliliit pa sila ng kanyang kuya. Pinagsabihan na niya ang kanyang mga anak na huwag nilang pagdamutan ang kanilang kapatid sa ama. At hahanapin nila ito.

Subalit hindi nila ginawa dahil sa takot sa ina nila.

Pinatuloy niya sa loob si Mateo, para makapag usap sila ng mabuti.

“Paano mo nalaman na dito kami nakatira.” Ngiting sabi nito.

“Kay inay.’ Sabi pa nito sa kaharap.

Hindi inaasahan ni Dave na makikilala nila si Mateo, na noon pa man binilin ng kanilang ama na hanapin ang kanilang kapatid. Subalit di nila nagawa dahil sa takot sa kanilang ina.

Noon pa man suklam na suklam na ito sa kanila, dahil sa pagtataksil sa kanya ni Fabio.

At kahit kailanman ay hindi niya matatanggap ang anak sa labas ni Fabio.

Noon, nagalit si Dave sa kanila ng kanyang ina na si Veronica dahil sa ginawa niya muntikan ng masira ang kanilang pamilya.

Pero di akalain ni Mateo, na matagal ng patay ang kanyang ama. Dahil sa sakit sa puso. Inataki ito noong iwanan siya ng asawa nito.

Dahil kahit na napatawad na ito ng asawa, palagi parin sumasagi sa isip ng ginang ang pagtataksil ng asawa sa kanya. Kaya sila nakabuo ng isang Mateo.

Ngumiti si Dave, habang pinagmamasdan si Mateo. Dahil kuhang kuha nito ang mukha ng kanilang ama.

“Saan ka nakatira ngayon Mateo.? Unang tanong ni Dave sa kanya. Habang naka upo sila sa kanilang malawak na sala. Habang ang kanilang mga katulong ay busy sa paghahanda ng kanilang pagkain.

“Oo, sa apartment ng kaibigan ko. Sabi niya habang napasulyap sa kinaroroonan ni Jun.

“May trabaho kaba? Aniya

“Janitor” Agad niyang sabi.

“Janitor?!” Sabi pa niya habang nagkatinginan sila ni Ethan.

“Anu bang natapos mo?’ Ani Ethan.

Hindi ko natapos.” Sasabihin sana niya ang dahilan kung bakit di niya natapos ang engineering.

Pero bigla niyang naisip na huwag nalang niya banggitin ang maaga niyang pag aasawa sa mga kuya nito. Dahil para sa kanya, ay isa iyon bangungut sa buhay niya.

Di niya maatim sa kanyang sarili kung bakit siya napapayag sa gusto ng ina na magpakasal sa isang nerd na babae.

Muling nagkatinginan ang dalawang magkapatid. Ilang sandali ding tahimik.

Si Dave ang unang nagsalita. Tinanong nila si Mateo kung mag aaral ba siya ulit para makatapos sa kanyang kurso o magtrabaho. Dahil kukunin siya ni Ethan at ipasok ito sa kanilang company. Gagawin siyang assistance ni Ethan.

Bigla siyang natuwa sa sinabi ng kapatid. Kaya pinili nalang niyang mag work.

Laki ng kanyang pasasalamat sa dalawa niyang kapatid, dahil tinanggap nila ito ng buong puso at hindi sila nasuklam dito.

“Anak ka ni dad.” Isa kang Delos Reyes. Kaya we are brother?” Ngiting sabi ni Ethan at tinapik niya sa balikat si Mateo.

“Dito kana tumira bro.” Sabi pa ni Ethan.

“Okay, kuya.” Tugon niya agad dito.

Pagkatapos nila kumain agad siyang nagpaalam sa dalawa para makuha ang kanyang gamit sa apartment ng kaibigang si Jun.

Pero sinamahan siya ni Ethan binilihan siya ng bagong damit.

Mabait sina Ethan at Dave. Kaya taos puso nilang tinanggap ang kanilang kapatid sa labas.

Grabe ka pinsan, ginulat mo si sir Dave.” Tuwang sabi ni Tricia habang pinagmamasdan ang pinsang sobrang ibang iba na ang dating. Kaysa noon

Ngayon halos dimo na siya makilala. Mga galaw at kilos niya. Hindi mo inaakala na ang babaeng nerd noon. Sobrang ganda na ngayon.

“Paano kung magkita kayo ulit ng husband mo pinsan.” Seryoso niyang tanong sa pinsan.

Bigla siyang napalingon sa pinsan at biglang nalukot ang mukha.

“Hindi mangyayari iyon pinsan. Kasi niloko lang ako noon.” Aniya

“Sabi ni inay nandito sila sa maynila. Kasama si Elane.” Sabi pa niya at biglang naiyak dahil doon.

“Sorry pinsan.” Malungkot naman tugon ng pinsan. Agad naman siya nakayakap dito.

“Sshhh! Sorry!” Aniya

“Zara?” Tawag ni Dave sa kanya habang naka upo ito.

“Yes‘Sir!”

“This coming week mayroon kaming ipakilala sainyo na bunso naming kapatid ni Ethan.

Sabi niya habang naka ngiti.

Malakas ang kanyang pagkakasabi kaya narinig ng ibang empleyado.

“Isa pang kapatid.?” Sabi naman noong isa.

“Gwapo din siguro tulad nila. Sabi noong isa pang empleyado at kinilig pa.

“Okay,’sir” Turan naman niya.

“We are celebrating.” Tugon ni Ethan.

Nagkatinginan naman sina Tricia at Zara.

Pagkatapos ng ilang sandali. Agad niyang tinawag si Zara upang magtimpla ng kape.

Hindi niya maisip kung bakit siya masaya sa tuwing nakakausap niya ang babae.

Ganyan na ganyan din ang feeling nito sa dating girlfriend.

He know that feeling.

“I’m inlove with her” Bulong niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan si Zara. Lalo na at ibang iba na ngayon kumpara sa dati.

Nahuli siya ni Zara na nakatitig ito sa kanya. Bigla naman siya kinabahan. Dahil kahit na niloko siya ng asawa ay mahal parin niya ito. Kaya lang minsan naisip niya na baka masaya na sa ngayon si Mateo kapiling si Elane ang matalik niyang kaibigan na nagtaksil sa kanya.

“Grabe! Zara, ang laki na talaga ng pinagbago ni sir Dave. Mula ng dumating ka.” Bulong ni Liza sa kanya.

“Ganoon ba?” Sabi naman niya.

“Oo, kasi dati rati naninigaw iyan. Dimo maka usap ng maayos, palagi kang sisigawan.?” Sabi pa niya ulit

Tumikhim muna siya bago nagsalita. Dahil nadinig niya ang bulong bulungan ni Liza sa kay Zara.

Biglang humarorot ng alis si Liza. Ngumiti naman siya sa harap ng kanyang boss.

“Sir! Kape niyo po” Pagkatapos niyang ilagay sa table ang isang tasang kape. Agad siyang umalis at agad naman siya nahawakan ni Dave.

Nabigla siya.

“Zara, kailangan mong mag paalam kasi mag out of country tayo. Mayroon akung mahalagang transaction sa Canada.” Seryosong sabi nito.

Nabigla siya sa agad -agad nilang mag out of country. Lalo na at firstime niyang pupunta ng Canada.

Magkahalo ang kanyang nararamdaman, exciting siya makarating ng Canada.

“Agad- agad” Sabi naman ni Tricia. Kahit siya nabigla.

“E’di excited kana makarating ng Canada.?” Ngiting sabi ng pinsan.

“Oo, naman pinsan”

“Naku mag impaki kana pagdating mo sa bahay.”

“Agad -agad?” Sabi naman niya.

“Oo, kasi kilala ko iyan.” Aniya

Tumawag siya sa kanyang mga magulang sa probinsya, dahil nagpaalam ito sa kanila.

Natutuwa naman ang kaniyang mga magulang dahil sa magandang kapalaran ng kanilang anak sa maynila dahil nakatagpo ito ng trabaho.

Walang mahirap sa taong mapera kaya agad natapos ang kailangan para sa mga papers ni zara papuntang Canada.

Para lang makasama ito sa kanya.

Pag alis nila Dave at Zara, siya naman pagdating ni Mateo sa kanilang opisina at ipinakilala siya ni Ethan sa kaniyang mga empleyado.

Noong time na ikasal sina Mateo at Zara hindi nakadalo sina Tricia at ang kanyang ina sa kanilang kasal dahil busy ito sa bago niyang trabaho.

Si Tita Lucia naman ay hindi siya natuloy dahil ayaw niyang iwan si Tricia mag isa sa kanilang bahay sa maynila.

Kaya hindi nila nakilala si Mateo kahit sa picture man lang. Pangalan lang ang alam nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status