Share

Chapter 6

Ladies and gentleman this is my brother, Mateo Delos Reyes!” Pagkatapos ipakilala ni ethan ang kapatid sa kanilang mga empleyado.

Nag inuman ang ilan. Para sa kunting salo- salo sa pagpapakilala niya sa kanyang kapatid.

Ang ibang girls, kinikilig sa taglay niyang ka guwapuhan.

“Mateo, si Tricia ang aking secretarya.” Pagpakilala niya dito.

“Hi, nice to meet you Mateo. Ngiting sabi ni Tricia, at nakipagkamayan pa dito.

“Hi, me too!” Ani Mateo

“Tuturuan kita kung paano humawak ng kompanya Mateo. Kaya ikaw ang assistance ko. Kayo ni Tricia. Para matutunan mo ang lahat ng bagay dito sa opisina.” Mahinahong sabi nito.

“Okay, kuya salamat!”

Ilang sandali pa. Biglang tumawag ang kanyang girlfriend.

Si Rachel, babalik na ito galing Brazil. Kaya nagpapasundo ito kay Ethan.

Matagal ng may gusto si Tricia sa kanya, kaya lang ay may girlfriend na ito.

Minsan pinagseselosan din siya ni Rachel kaya nga siya umuwi agad dahil kay Tricia.

Laking Gulat naman ni Elane nang malaman nitong may kapatid pala si Mateo na isang napakayamang tao.

“Bakit, dimo sinabi saakin iyan hon? Bakit kailangan mo pa itago!” May pagtatampong turan niya sa nubyo.

“Hon, ayaw kuna kasing pati ikaw ay magulo pa sa kahahanap ko sa kanila. Kaya hindi kuna lang sinabi.” Pagpaliwanag nito.

Sinabi din niya sa kanyang ina na nahanap na niya ang kanyang mga kapatid. Bigla din naman nalungkot si Veronica nang malaman matagal ng patay si Fabio.

Kaya nawalan na ito ng kumunikasyon sa kanila.

Maganda naman ang takbo ng buhay ni Elane. Dahil nakikita na siya sa tv. Bilang isang model ng mga cosmetic.

Mga body lotion at sabon, at marami pang iba.

Dahil sa magandang kapalaran ni Zara sa manila kaya naisipan niyang kunin ang mga magulang sa probinsya. Kaya lamang ayaw ng mga ito dahil sa kanilang mga alagang hayop at mga pananim.

Tama na sa mga ito na naging maayos ang kalagayan ng nag iisa nilang anak, at masaya sila dahil unti -unti na itong nakaka move on sa ginawang pagtataksil ng asawa at kaibigan nito.

Paglabas ni Dave sa isang conference meeting dumiretso sila sa isang high class na hotel sa Canada.

Halos malula sa ganda ng hotel na iyon si Zara. Hindi niya akalain na makakarating siya sa ganoon kagandang lugar.

Ang buong paligid ay animo’y isang yelo sa sobrang lamig. Napakapit siya ng mahigpit sa bitbit niyang bag habang nakasunod siya kay Dave. Ilang minuto din wala silang imikan hanggang makasakay sila ng elevator.

Halos manginig siya sa nerbiyos sa hindi niya may ipaliwanag. Dahil sa marahil firstime siyang makaranas ng ganon.

Nasa likod siya lagi ni Dave. Para siyang robot na sunud sunuran sa kanyang likod.

Huminto sa ika limang palapag ang elevetor nang makita niyang humakbang palabas si Dave, agad naman siyang sumunod at muntikan pa niyang maapakan ang paa nito.

Pero hindi niya alam kanina pa siyang nahahalata ni Dave. Nabigla siya ng hawakan siya ni Dave sa kanyang kamay.

“Nilalamig ka? Ngiting sabi ng binata. Bigla siyang namula sa turan ng binata. Halatang nahiya siya.

“Relak’s!” Bulong niya dito. Nakaramdam siya ng init nang hawakan ng binata ang kanyang kamay, hanggang sa marating nila ang kanilang room.

Nakita niyang may dalawang kama sa loob ng kuwarto ang isa ay para kay Dave at ang isa naman ay para sa kanya at may mga pagkain ng nakahanda sa mesa at anytime na gusto mong kumain ay mayron na ito.

Nakita niyang binuksan ni Dave ang laptop nito. Masipag si Dave pagdating sa trabaho.

Imbis na kumain at magpahinga. Ayon laptop parin ang kaharap nito at subsub sa trabaho walang pinapalampas.

Dahil sa pagod at sobrang stress na rin. Agad nakatulog si Zara na hindi man lang tumikim ng pagkain. Pati damit ay hindi man lang nakapagpalit.

Mga ilang oras din siyang nakatotok sa trabaho at nang kumalam ang kanyang sikmura agad siyang tumayo at tinungo ang lamesa na may lamang pagkain.

Nabigla siya ng makitang hindi man lang nagalaw ang mga ito. Bigla siyang napasulyap sa kinaroroonan ni Zara.

Nakita niyang mahimbing itong natutulog at di naman napigilan ng binata ang kanyang feeling at dahan- dahan lumapit sa babae.

Pinagmamasdan niya ito habang natutulog.

“Such a beautiful woman.” Sa isip nito habang nakangiti.

Sa tagpong iyon, parang magnitong gustong gusto niyang halikan si Zara habang natutulog ito.

Biglang napabalikwas ng bangon si Zara ng maramdaman niyang may kung anung bagay ang dumampi sa kanyang labi habang siya’y mahimbing na natutulog.

Mukha agad ni Dave ang kanyang nakita na nakatitig ito sa kanya.

Nabigla siya ng makitang dumilat si Zara.

“Uhm, uh Z-Zara gigisingin sana kita dahil ang himbing ng tulog mo pero dika pa kumakain.” Pagdadahilan niya na obviously na nahiya siya bigla. Dahil sa ginawa niyang pagnakaw ng halik sa babaeng kasama.

“Uhm, sorry po Sir! Nakatulog ako!” Hiyang sagot nito sa amo at agad na tumayo at tinungo ang banyo para magbihis. Ilang sandali pa ay lumabas na ito sa banyo. Tama naman naka upo na ang binata sa lamesa at nagsimula na itong sumubo sa pagkain.

Paglabas naman ni Elane sa kanyang trabaho dumeretso siya sa kanilang tagpuan ni Mateo. May usapan silang gumala sa mall. Mag-date paminsan minsan.

“Thank you! Hon, kasi napatunayan kung mahal mo ako.” Paglalambing ni Elane sa katipan habang nasa private room sila. Pagkatapos nilang mamasyal, kumain at manuod ng sine. Napagpasyahan nilang mag hotel.

“Because I love you so much Elane. Kapag may sapat na akung pera at kung magkita kami ulit ni Zara makipag hiwalay na ako sa kanya.” Ani Mateo at sabay hinalikan niya ang mga labi ng katipan. Gumanti naman ng mas maalab na halik si Elane. Iginiya naman siya ni Mateo sa kama at tuluyang inangkin ang babae ng paulit.

“Aaaaahhh!!! Sigaw ni Tricia ng makausap ang pinsan. Dahil sobra siyang na excite sa kwento ng pinsan about Dave.

“Hindi ako maaring magkamali Tricia.! He kiss me !” Bulong nitong sabi sa pinsan habang magkausap sa video call.

“Yes i know that na noon pa man ang lakas na ng tama sayo pinsan!” Hiyaw niya ulit

“Sshhh! Huwag ka ngang ma-ingay baka marinig tayo.” Ani Zara sa pinsan na seryosong nakipagkwentuhan dito.

“Pero, pinsan may asawa na ako! Dipa kami hiwalay ni Mateo.” Turan nito sa pinsan.

“Alam mo Kung ako sayo pagbalik mo dito hanapin mo si Mateo dito sa maynila at makipaghiwalay kana doon.” Sagot naman sa kanya ni Tricia.

Di niya sinagot ang sinabi ng pinsan. Bagkus agad ito nagpaalam sa kabilang linya dahil nagsisimula na sila ni Dave aalis dahil may mahalaga itong appointment sa kanyang ka meeting.

“Wait!” Sabi ni Tricia dito dahil gusto nitong sabihin na magkapareho ng pangalan ang asawa nito sa bunsong kapatid ni Dave at Ethan.

Subalit naka off na ang camera ni Zara.

Kagaya kahapon parang robot na sumusunod si Zara kay Dave ang bilis pa ng hakbang ng binata. Lalo na at naka suot ito ng Americana na kulay blue with necktie naka eyeglasses ito ng mamahalin at puno ng begote na kaka shave palang niya dito at sobrang tangkad hanggang balikat lang niya si Zara.

Ang sarap amoyin ang kanyang panglalaking cologne na alam naman na may kamahalan ang price nito. May bitbit itong folder.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status