Share

My Husband's Cruelty
My Husband's Cruelty
Author: Jhemie

Chapter 0ne

Yaena POV.

                   “ Yaena! Open this damn door,  mag-usap tayo! “  bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga ng marinig ko ang sigaw ng aking asawa. Wala itong tigil sa pagkatok ng pinto at kulang na lang ay sirain ito. Nanginiginig ang aking mga kamay ng pagbuksan ko sya ng pintuan. Agad bumungad sa akin ang matatalim niyang tingin at pag-igting ng kanyang panga. Galit na galit ito ngunit gwapo pa ding tingnan. 

                  "Didn't I tell you never to tamper with my belongings ?!" Galit nitong turan sa akin.

                      S-sorry,  w-wala kasi akong magawa sa bahay tsaka medyo magulo na yung kwarto mo. W-wala naman akong kinuha kahit isa”. Nauutal ko pang sagot sa kanya na agad naman niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

                   “Tang*na Yaena, are you still going to interfere with my life huh ?!” Halos mabingi pa ako sa lakas ng sigaw niya sa akin.

                    “S-sorry,  hindi ko na uulitin”  tanging sambit ko sa kanya habang nakayuko dahil hindi ko kayang salubungin ang galit niyang mukha.

                   “ Sorry? Tang*na sorry yan.  You know what,  this is your fault! You’re so desperate to have me! See nagkanda-letse-letse na ang buhay ko! . Aren't you tired of the situation between the two of us huh ?!”sigaw ulit niya habang nanlilisik ang mga mata.

           “ B-bakit  naman ako mapapagod sa atin,  Cyver? Mahal kita. H-handa akong masaktan ng paulit-ulit para sayo kah-“ di ko pa tapos sasabihin ko nang dumapo ang palad nya sa mukha ko. Ang lakas ng pagkakasampal nya sa akin. Bigla akong namanhid kasabay ang pagpatak ng aking mga luha.

          “ Fuck your love! I don't care, pakawalan mo na ako sa impyernong buhay na ito! Kunng di ka naaawa sa sarili mo pwes ako ang naaawa sayo!” akma na sana siyang aalis sa harapan ko nang yakapin ko sya ng sobrang higpit pero tinulak nya lang ako ng sobrang lakas dahilan para matumba ako at tumama ang aking ulo sa dingding.

            “ H-hindi, hindi kita papakawalan. Mahal na mahal kita Cyver.Hindi kita iiwan” I started to cry as he just looked at me. I don’t see any pity in his eyes. All I saw was anger and hatred. He didn't even waste time helping me get up. Pakiramdam ko ang hina-hina ko.  Ang lupit-lupit niya sa akin.

          “ TANG*NA YAENA,  TIGILAN MO NA KABALIWAN MO SA AKIN! HINDI MO PA DIN BA MATANGGAP NA HINDI IKAW ANG MAHAL KO? NA HINDING-HINDI KITA MAMAHALIN KAHIT KAILAN?!” halos um-echo ang boses nya sa loob ng kwarto ko sa sobrang lakas ng  pagsigaw nya sa akin.

            “B-BAKIT BA KASI HANGGANG NGAYON HINDI MO PA DIN MATANGGGAP NA ASAWA NA KITA? NA AKO NA ANG NAGMAMAY-ARI SAYO AT HINDI SI ANGELA?!” balik kong sigaw sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa loob ng taong taon ng aming pagsasama ngayon ko lang nagawang sumagot sa kanya. Sa loob ng tatlong taon na kasama sya sa isang bubong ay puro pasakit lang ang natatanggap ko mula sa kanya. Tatlong taon pero di man lang niya ako magawang mahalin at irespeto. At bigla na naman akong namulat sa reyalidad ng dumapo ulit ang mga palad nya sa aking mukha. This time mas masakit,  yung tipong halos umikot ang paningin ko at dumugo pa ang bibig ko.

             “ ALAM MO KUNG BAKIT DI KO MATANGGAP?! KASI BESTFRIEND KITA!  GINAGO MO AKO! GINAGO MO KAMI! ALAM NA ALAM MO PLANO KO DATI PERO ANONG GINAWA MO? NILASING MO AKO! “  akala ko masakit ang mapagbuhatan ng kamay pero mas masakit pala talaga ang makitang nasasaktan at umiiyak ang taong mahal mo dahil sayo. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit pero di ko magawa.

          “ N-nagawa ko lang naman yun kasi m-mahal kita. Mahal na mahal kita na handa kong gawin lahat kahit ang sakit-sakit na” pigil kong pag-iyak habang pinupunasan ang mga luha.

         “ Is that your definition about love huh? Ang manira ng relasyon ng iba para maging sayo? Yaena ang tanga mo! “ Sa bawat salita nya tila punyal itong tumutusok sa puso ko. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ko kayang gawin dahil sa matatalim na tingon na ipinupukol niya sa akin. Tuluyan na siyang umalis sa harapan ko habang ako naiwan sa kawalan. Naiwan akong luhaan. Naiwan akong nagsisi at nagtatanong kung bakit nangyayari sa amin ang lahat ng ito.

 Masama bang magmahal ng sobra? Ganito ba talaga pag nagpakatanga ka pagmamahal? Ganito ba ang kapalit ng pagmamahal na binigay ko sa kanya? Bakit ang sakit-sakit? Hindi naman siya ganito dati eh. Malayong-malayo siya sa Cyver na lihim kong minahal.

  Dati,  masaya kaming dalawa. Bago pa man dumating si Angela sa buhay nya ako na ang naunang babaeng pinahalagahan nya ng sobra. Ni minsan di ko naranasan na saktan nya dati. Lagi kaming magkasama,  sabay pumapasok sa school,  sabay kumakain ng lunch ,  sabay umuuwi. Kung tutuusin nga parang magkasintahan na kami eh.

Kilalang-kilala na namin ang isa't isa kasi sabay kaming lumaki,  childhood bestfriends ‘ika nga. Magkaibigan din kasi talaga ang mga parents namin dati pa. Pero bakit ganito kami ngayon?

 Masama bang mahalin sya at mag expect na mahal nya di  ako? Kahit sino naman kasi mahuhulog sa kanya eh. Halos lahat ng katangian ng lalaki na gugustuhin ng babae sa kanya na lahat pero bakit ngayon nagbago sya? Simula ng makilala nya si Angela hindi na siya nagkakaroon ng oras sa akin. Hindi na niya ako pinupuntahan sa bahay. Hindi na niya ako ina-update. That time I realized that I love him pero nalaman ko ding sila na ni Angela.

Sabihin mang masama ako but yes, I broke them. I broke them because I love him. I broke them because I deserved more than Angela. I broke them because that's what I think is right. I broke them because I was the first in his life so I should also be his last. Pero masakit pala. Mahirap pala.

Gusto ko syang habulin,  magmakaawa at humingi ng tawad pero natatakot ako. Natatakot ako na baka saktan na naman niya ako. Natatakot ako na magalit na naman siya dahil sa akin. Natatakot akong magsalita at mag-explain dahil alam kong sarado ang tenga nya para makinig sa mga sasabihin ko. Natatakot akong mawala sya pero natatakot din akong maubos dahil sa kanya.

Hanggang kailan ako magtitiis? Hanggang kailan ako maghihintay sa walang kasiguraduhang rekasyon na meron kami? Hanggang kailan ako maghihintay na mahalin nya pabalik? Hanggang kailan pa ba ako maghihintay na makita niya ang halaga ko? Hanggang kailan kami magiging ganito? Kasi handa akong maghintay kahit gaano pa yan katagal. Hangga't kaya kong maghintay,  maghihintay pa rin ako kahit unti-unti na akong nauubos. Kahit hindi umaayon ang pagkakataon sa amin at sana kapag dumating man ang panahon na sumuko na ako sa kanya,  sana kaya nya din akong ipaglaban dahil tao lang din ako. Nauubos. Napapagod. Nagsasawa. Nagbabago.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status