Share

01

I sat down and waited for Enzo while he was ordering coffee for us. Hindi maalis ang lasa ng luya sa bibig ko dahil sa kagagawan nito kaya naman inaya ko na ito sa coffee shop na nasa labas lang naman ng school namin. 

Nagmessage na lang din ako kay Lean na mauuna na kami roon ni Enzo, at dahil alam ko naman na magtataka ito kung bakit kami magkasama na dalawa, sinundan ko na agad iyon ng message tungkol sa nangyari. 

Sumandal lang ako sa may upuan na naroon habang naghahanap ng magandang movie na panunuorin bukas ng gabi. Since weekend na at wala naman din akong schedule ng photoshoot sa Ai’s, napagdesisyunan namin na mag-overnight kina Lean. We usually do it in our house but for a change, we will sleep at the De Guzman’s residence tomorrow night.

I already prepared my clothes for the sleepover, actually. Sinabihan ko na nga rin si Cherinna na ihanda na ang kanya para siguradong wala kaming magiging aberya. Of course, matchy ang damit naming dalawa. 

It’s the perks of having a twin sister. 

I looked at Enzo who’s looking at me while frowning. He doesn’t really like ordering when we’re at a different coffee shop. Sa Sweet Desire lang naman talaga sila kumportableng umorder dahil kilala naman na namin ang staff na naroon. 

Tinaasan ko siya ng kilay. Anong akala niya, lalapitan ko siya at tutulungan? He made me drink ginger water! Hindi ko talaga gusto ang lasa ‘nun kaya naman naiinis ako sa kanya. 

Ibinalik ko na lang ang tingin sa phone ko habang naghahanap pa rin ng movies. Kung si Lean ang papipiliin ko, it’s either si Kevyn ang pipiliin nito o kaya naman ay puro romance. Okay naman sana pero mas okay rin kung may ibang genre naman. 

“Hmm…” I hummed as I scroll down on the list of the sci-fi movies that are available. 

Nag-angat ako ng ulo nang ilapag ni Enzo ang tray na may laman ng order naming dalawa. Hindi muna niya inorderan si Lean dahil baka matunaw at mawalan iyon agad ng lasa. 

“Galit ka?” I asked him. He scoffed and sipped from his coffee. Hindi naman mahilig si Enzo sa frappuccino or iced coffee kaya naman black coffee ang inorder nito. He also ordered two cinnamon rolls. 

Now that he’s away from his books, he’s scrolling on his iPad. Kumunot ang noo ko sa kanya at tinignan kung ano naman ang ginagawa nito. 

“You’re reading again?” I asked him. Hindi man lang ba ito makakapagkape o kakain ng hindi nagbabasa? 

He looked at me. “Hmm?”

I rolled my eyes. “That’s what you always do, you know? Kaya ang dami sigurong may gusto sa’yo kasi ganyan ka,” kumento ko pang muli. 

Mas lumalim naman ang kunot ng noo ni Enzo habang nakatingin sa akin. “What? What are you talking about?” tanong nitong muli sa akin bago kinuha ang tinidor at kumuha sa cinnamon roll nito. 

“Are you aware that maybe 70% of the school’s population likes you? I mean, you, Kol, Jahann, Theon, Keij and even Kuya Kiro? And around 40% of that 70% are pestering us to know you more,” sabi ko naman sa kanya. Nakatingin lang sa akin si Enzo na para bang may sinasabi akong napakanormal na bagay lang. 

“Then just ignore them? Don’t waste your energy on unimportant things,” ani Enzo sa akin. “Let them do what they want. They’re just tiring themselves,” dagdag pa nitong sabi. 

Well, that’s true. Wala naman silang pinapansin sa mga iyon. Tanging si Theon at Keij lang naman ang natutuwa sa atensyon na nakukuha ng mga ito sa mga babae sa school namin. 

“Hi, Enzo!” lakas-loob na sabi ng babaeng nasa kabilang mesa lang namin. Nilingon ko iyon at tila isang grupo silang may planong magpapansin kay Enzo. Napailing na lang ako dahil alam ko naman na hindi sila magugustuhan ni Enzo. 

To be honest, hindi ko naman din alam kung ano ba ang gusto nito sa babae. We never talked about that. Si Keij at Theon, we all know they like girls with curves. Iyon naman ang laging sinasabi ng dalawang iyon. Kuya Kiro likes Ate Caryl. Ang triplets ang hindi namin alam. 

Enzo looked at them and just nodded his head a little. Animo naman ay inasinan sa kilig ang mga babaeng naroon. They kept on staring at Enzo and he didn't really mind it. They’re used to it, maybe?

“Wala kang type sa kanila?” dumukwang ako sa lamesa upang ilapit ang mukha kay Enzo at maibulong ko lang ang sasabihin ko. Of course I can say it normally but I am afraid that would embarrass them. 

Enzo looked at me and he stared at me for a moment. Ito ang nagkusang ilayo ang ulo sa akin. Kumunot naman ang noo ko. “Arte mo, ah,” sabi ko naman sa kanya bago umupo na ng maayos. 

Hindi naman nito sinagot ang tanong ko kaya hindi na rin ako nangulit sa kanya. Tinawagan ko na lang si Lean para alamin kung nasaan na ba ito. 

“What? Ang daya, kanina pa kaya kami ni Enzo rito,” nakasimangot kong sabi. Nilingon naman ako ni Enzo. I showed him my palm, telling him I will tell him what happened after the call. Hindi naman ito umimik. 

“Whatever. Okay, okay. See you tomorrow, then.”

“Hmm?” Enzo hummed while looking at me. I frowned at him. “May gagawin pa raw si Lean, eh,” sabi ko naman sa lalaki. Tumango lang naman ito. Enzo’s like Jahann. They’re both protective and a little strict but they don’t command us to always be with them.

I looked at him and smiled a little. “So, I guess, I’ll go home now,” sabi ko sa kanya. Ipinasok ko na ulit sa bag ko ang iPad ko at wallet kong nilabas ko pero hindi ko rin nagamit dahil si Enzo ang nagbayad ng binili nito. 

“Thank you, ha. Though it’s your fault pa rin. Pinainom mo ako ‘nun,” sabi ko. Inubos ko na lang din ang cinnamon roll na naroon. Cherinna gets mad at me whenever I leave food on my plate. 

“I’ll drive you home,” alok ni Enzo sa akin. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. “Seryoso ‘yan?” I asked him and he rolled his eyes. “You can hail a cab if you want, then,” he scoffed. 

Natawa naman ako ng mahina dahil napaka ikli ng pasensya ni Enzo. Minsan ay napakahirap nitong biruin, bilib lang talaga ako kay Keij at Theon dahil ang tatapang nila para asarin si Enzo. 

“Hmm. Okay, then I will tell Jahann that you let his sister ride in a cab instead of driving her home,” sabi ko naman dito. I know the brother’s code they have. Gaya ng pang-aasar namin sa kanilang tatlo, triplets talaga sila. 

Napailing na lang ito bago kinuha ang susi ng sasakyan at dinala ang kape pa nitong hindi pa nauubos. Sumunod na lang ako sa kanya paglabas ng coffee shop habang tanaw pa rin siya ng mga babaeng naroon. 

Enzo is actually good looking. Matangkad ito at makisig naman din ang pangangatawan. He likes wearing plain shirt, kahit anong kulay basta plain, ayos lang sa kanya. He’s wearing his eyeglasses and I think that made him look hot. 

Well, he’s little Blue De Guzman afterall. Kahit nga may asawa at anak na si Tito Blue ay may mga nagpapapansin pa rito, eh. Ano pa kay Enzo?

Naupo na ako sa harap ng sasakyan nito dahil wala naman si Lean, isinuot ko na agad ang seatbelt ko at ngumiti kay Enzo nang makasakay na rin ito. 

Magkalayo ang bahay namin kung tutuusin. Mas sila nila Keij ang pwedeng magsabay dahil nasa iisang subdivision lang naman sila. That’s because of Tita Zyline and Tito Blue. 

“Is it really okay to drive me home?” tanong ko kay Enzo. Tila naman napantastikuhan ito sa sinabi ko at tinignan ako. “You’re already in my car, Alyanna Samantha,” he said. 

I pouted a little. “I was just asking kasi alam ko naman na malayo,” sabi ko naman dito. “Baka mamaya nagrereklamo ka na pala diyan, ayaw mo lang sabihin sa akin,” usal ko namang muli. Hindi naman kumibo si Enzo sa mga sinabi ko at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. 

They live in Makati while we live in Quezon City. Alam ko naman na grabe rin ang traffic kaya tiyak na maiipit si Enzo sa daan. 

Hindi naman ito kumikibo habang nagmamaneho kaya ako na lang ang nakialam sa pagpapatugtog ng music. Kung hindi ko gagawin iyon ay baka mabingi ako sa katahimikan. 

Etiquette na rin siguro ng mga uupo sa shotgun seat na dapat may good taste sa music at hindi mo tutulugan ang nagmamaneho kahit pa hindi ito kumikibo. 

Baka kapag pumikit ako dahil sa katahimikan ni Enzo ay mas mainis pa ito sa akin. 

I picked Coldplay songs while he’s driving. Hindi naman ito nagreklamo sa music na pinili ko, also I don’t think Enzo is the type of person na gusto ng mga loud musics.

“You’re managing Blue’s Haven na?” I asked him to make a conversation. Tuwing kumpleto naman kaming magpipinsan at sila ni Lean ay nakakausap ko naman si Enzo, pero madalang siguro ‘yung kami lang dalawa. 

“Not yet, just observing the operations,” sagot naman niya sa akin. Tumango-tango ako. “Pero ikaw ang magmamanage nun in the future?” tanong ko ulit sa kanya. I think it’s natural if he will be the one to manage it. 

Ganoon din naman sa Ai’s. Si Jahann din ang next in line na magpapatakbo ng negosyo na iyon ni Daddy. 

“I think so. If Dad will trust me enough to manage that,” sagot nitong muli sa akin. Gusto kong sumimangot dahil parang wala man lang itong balak pahabain ang usapan namin. Laging tiyak ang sagot nito kaya naman ako ang kailangan umisip ng sunod na itatanong ko sa kanya. 

“Pero kung papipiliin ka, ayaw mo?” pag-uusisa ko ulit sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Enzo at nilingon ako. “I don’t have any reasons to decline it,” he replied before turning his head back to the road again. 

“Hmm… okay,” I shrugged and looked outside, Wala naman na akong maisip na sabihin sa kanya dahil mukhang ayaw naman din niyang makipag-usap. Hindi na lang ako ulit nagsalita habang binabagtas namin ang daan pauwi sa bahay namin. 

“I’m hungry,” maya-maya ay si Enzo ang bumasag sa katahimikan. 

Nilingon ko ito at tinignan. “You’re what?” hindi ko sigurado kung tama ba ang pandinig ko sa sinabi nito. 

“I am hungry,” ulit ni Enzo sa akin. “That cinnamon roll is not enough to keep me full.”

I chuckled softly and nodded a little. 

“Where do you want to eat?” tanong ko sa kanya. Kinuha ko naman ang phone ko para maghanap ng restaurant na pwede naming mapuntahan nang hawakan ni Enzo ang kamay ko para kunin ang phone ko sa akin. 

“Let’s just look for a drive thru,” he said while his eyes were still on the road. 

“Oh… okay…” maliit naman akong tumango. Mabuti na lang din at napakarami ng kainan sa Quezon City at hindi kami mahihirapan na dalawa na maghanap ng makakainan. 

Enzo chose Mcdo since it was the first fast food chain that has a drive thru that we saw. 

“What do you want to eat?” he asked me. May isa pang sasakyan sa harap namin na umoorder kaya naman may time pa ako para mamili. 

“Hmm…” I looked at the boards outside. Kung kakain kami, ito na rin ang hapunan ko ngayon. Hindi ko na kakayanin kumain sa bahay. 

“Ano na, Alyanna?” tanong ni Enzo na nainip na yata kahit wala pa namang isang minuto ang nakalipas. Inirapan ko ito bago nagsalita. 

“Cheeseburger deluxe, tapos medium fries, diet coke,” sambit ko ng orders ko. Kinuha ko na lang ang phone ko habang umoorder si Enzo. Hinayaan ko na lang ito umorder ng kung anong gusto nito. Siya naman ang magbabayad. 

Nang makapagbayad na si Enzo ay sinabihan kami na maghintay na lang muna sa parking lot at ihahatid na lang sa amin ang order namin. 

“I thought you don’t like fast food?” I asked him. 

“I’ll hit the gym later,” he replied. 

“You go to the gym?” hindi maikaila na nagulat ako sa sinabi nito dahil hindi ko naman talaga alam na nagpupunta si Enzo roon. Ang alam kong pinaka-exercise na nito ay jogging at basketball with the others. 

“That’s news for you?” ito naman ang kumunot habang nakatingin sa akin. Tumango ako sa kanya. Talaga namang news para sa amin ang bagay na iyon. 

“I go to gym thrice a week, I usually do it at night,” pagbabahagi nito. Tumango akong muli sa kanya. “Eh, bakit hindi ka na lang sumabay kina Keij?” Keij and Theon go to the gym regularly. Laging magkasama ang dalawang iyon, kung sasama si Enzo, baka matulungan pa nila si Enzo kung ano ang mga dapat na ginagawa. 

“I’m fine on my own, thank you very much,” sagot niya naman sa akin. Hindi naman na ako nagsalita pa dahil malamang ay sungitan pa ako nito kapag pinilit ko. 

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang order namin. He ordered the exact same thing I ordered. Instead of ordering medium fries, he upgraded it to large. Nag-order din si Enzo ng sundae dahil alam niya na gustong-gusto namin na isinasawsaw ang fries doon. 

“Where are we going to eat?” I asked him when he placed the paperbag between us. 

“Here,” he shrugged and looked at me. “Do you want to go anywhere else?” tanong niya namang muli sa akin. Umiling ako sa kanya at ngumiti. 

“I am fine here,” sagot ko habang kumakain ng french fries.

We’re both silent while eating, he played a Maroon 5 song and I kind of liked it, too, so I didn’t voice out any complaints. 

Tahimik lang si Enzo habang kumakain. I noticed the mayo on the side of his lips so I took a tissue and wiped it. Para namang nagulat si Enzo sa ginawa ko. 

“Relax, may mayo, oh,” sabi ko sa kanya sabay pakita ng pinunasan ko sa gilid ng labi niya. Kinuha naman na niya sa akin ang tissue at siya na ang nagpunas ng labi nito. 

I smiled a little. Hindi lang siguro sanay si Enzo na hindi kasama ang iba at isang tao lang ang kasama kaya parang hindi siya kumportable.  

“You always want to be alone, no? Well, you like being with Jahann and Kol, pero sa iba, ayaw mo no? Gusto mo ikaw lang mag-isa,” sabi ko sa kanya bago nagpatuloy sa pagkain. 

Nilingon niya naman ako at kumunot ang noo niya sa akin. 

“I am with you now…” he said softly while he’s still looking at me. 

Nilingon ko naman siya at ngumiti ako sa kanya. 

“Yeah, and I hope you are comfortable with me, kasi I am your sister’s best friend,” I smiled widely. Magkakasama pa man din kaming lumaki lahat. 

He looked at me and a small smile appeared on his face. 

“Yeah, my sister’s best friend,” he mumbled and continued to eat his burger. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status