Share

02

“Good morning,” Cherinna chirped happily when I went down to eat breakfast. I looked at her and frowned. Kung iniisip nito na napatawad ko na sila ni Jahann, nagkakamali siya dahil hindi pa. 

Enzo drove me home last night after we ate at Mcdo’s parking lot. It was a good meal, actually. Bukod sa masarap naman talaga ang pagkain sa Mcdo, okay naman ang naging pagsasama namin ni Enzo. 

I sent him a message last night telling him to drive safely. Hindi naman ito nagreply sa akin kaya hindi na ako muling nagmessage pa. 

“You’re still mad? Sorry na, I had a headache yesterday, kaya hinatid na ako ni Jahann pauwi,” nilingon naman nito si Jahann na naglalagay ng pagkain sa plato niya. 

“You, you’re not going to apologize?” I asked him, frowning. Kumunot naman ang noo ni Jahann sa akin. “Why would I? I already told you to just bring your car yesterday,” sabi naman nito sa akin. 

“Jahann,” saway ni Cherinna sa lalaki. Imbes na magsalita, nagkibit ng balikat na lamang ito at pinagpatuloy ang pagkain. 

“I’ll make you cupcakes na lang on Monday, bati na tayo?” Cherinna asked me again. Hinawakan pa nito ang kamay ko at ngumiti sa akin. 

I rolled my eyes and sighed. “As if naman matitiis kita, no?” napailing na lang ako. Natural lang naman na hindi ko naman siya matitiis dahil kambal kaming dalawa. Isa pa, what happened was just a petty thing. Kapag nalaman pa iyon ng mga magulang namin, pagtatawanan pa kami ng mga iyon. 

“Did you prepare your clothes for later?” I asked Cherinna while we’re eating. We’re having fried rice, bacon, ham and eggs now. Nagalit noong nakaraan si Mommy nang malaman niya na toasted bread lang ang kinakain namin ni Cherinna kaya sinabihan nito ang mga kasambahay namin na dapat laging kanin ang kakainin namin sa umaga. 

Tumingin naman sa akin si Cherinna at tumango. “Yes, naayos ko naman na. Kukunin ko na lang mamaya kapag aalis na tayo,” sagot naman niya sa akin. Tumango-tango naman ako ng maliit. 

Isang bag lang naman ang dadalhin ko rin. Tinuruan ako ni Cherinna kung paano magkakasya ang mga dala-dala ko noong nakaraan. Isang pangtulog ngayong gabi at damit na pamalit bukas ang dala ko. May mga toiletries din na nasa maliliit na bote na laging ginagamit ko kapag aalis kami o kaya ay mag-out of town. 

Jahann looked at his phone before looking at me. “You’re with Enzo last night?” tanong niya sa akin. Uminom na muna ako ng orange juice bago sumagot sa kanya. 

“Yeah, hinatid niya ako kagabi. Hindi lang siya pumasok na kasi gagabihin siya lalo,” sagot ko naman sa kanya. “I guess mas okay naman iyon kaysa nag-cab ako, diba?” dagdag ko pa. Jahann just looked at me and shrugged. 

What a snob!

Matapos kaming kumain ay kinuha ko na rin ang bag ko sa may kwarto ko. Isinukbit ko sa balikat ang back pack ko at maging ang school bag ko. Halos sabay naman kaming nakalabas ni Cherinna ng kwarto. 

Nang makababa na kami ay si Jahann na ang nagdala ng mga bag namin sa sasakyan nito. We will use his car since later, we will go with Enzo and Lean. Sa likod na ako umupo dahil si Cherinna naman talaga ang laging nakaupo sa shotgun seat sa sasakyan ni Jahann. Minsan lang nababago iyon kapag kasama namin ang mga kakambal ni Jahann: si Enzo at si Kol.

“Have you picked a move for later, Alyanna?” Cherinna asked me while she’s also busy scrolling on her phone. Hindi naman nagsasalita si Jahann habang nagmamaneho. 

I wasn’t able to pick a movie yesterday but I told Cherinna we will just pick when we get there. Marami namang movies na mapagpipilian kung sakali. 

Sinuot ko na lang muli ang earbuds ko habang nakatingin ako sa labas. Alam ko naman na ang eksena naming tatlo rito. Kapag ganyang tahimik si Cherinna rin, hindi rin magsasalita si Jahann. Kami lang talaga ni Lean ang maingay sa aming lahat. 

When we reached the school, Jahann parked his car beside Theon’s car. Naroon na rin ang sasakyan ni Enzo at hinihintay na lang nila kami. 

“Good morning!” Bati sa amin ni Lean nang makababa na kami. Agad naman itong lumapit sa akin para humingi rin ng sorry dahil sa nangyari kahapon. 

“It’s okay,” sabi ko naman dito. Wala naman na akong plano pang palakin ang issue na iyon. Gaya ng sabi ko, it was a petty thing. 

“Kila Enzo kayo mamaya?” tanong ni Keij sa amin. Tumango naman si Cherinna rito. “Yes, magmomovie marathon kami,” dagdag na sabi pa nito.

“Bakit hindi kami kasama?” tanong ulit ni Keij sa aming tatlo. 

“Bakit kailangan kang kasama?” tinaasan ko siya ng kilay kaya naman sinimangutan niya ako. “Wag din kayong sasama kapag aalis kami,” ganti ni Keij sa akin. Hindi naman napigilan matawa dahil alam naman namin na imposible ang sinasabi ni Keij. 

Napalingon naman ako kay Enzo na tahimik lang na nakaupo. Nakasandal ito kay Kol. 

“I’ll go ahead na,” paalam ko sa kanila bago ako naunang maglakad papunta sa building namin. Tinawag naman ako ni Lean kaya huminto muna ako sa paglalakad at hinintay siya. 

“Sorry, I forgot to mention, mag-oovernight din ang boys sa bahay,” sabi niya sa akin habang naglalakad kami. I looked at her and creased my forehead. “Seriously?” I asked her and she nodded at me. 

It’s not that we don’t want them there, wala namang kaso sa amin. Akala ko lang kami-kami lang. 

“That’s why Dad allowed us to have a drink, but not much kasi baka magalit si Mommy sa atin,” sabi pa ni Lean sa akin. Tumango na lang ako sa kanya. Since we’re all allowed to drink, we don’t have to lie to our parents anymore. Kapag nagpupunta kami sa bar, ang alam ng mga ito ay nasa Blue’s Haven lang kami, at doon lang naman talaga kami pumupunta. 

Tito Blue owns it, why would we bother to go somewhere else?

“Alright, see you later!” paalam ko kay Lean nang makarating na ako sa klase ko. As usual, they all looked at me and tried to be friends with me. 

If I know, gusto lang ng mga ito na mapalapit sa mga pinsan ko. 

I was so happy when we had an early dismissal. Natuwa ang professor namin na nagawa namin lahat ng designs na pinapagawa nito kaya naman nagbigay lang ito ng pointers to review at nagdismiss na rin ng klase. Karamihan sa mga kasama ko ay nagstay pa muna sa loob ng classroom para magpalamig dahil nakatodo ang aircon pero mas pinili ko na lang na lumabas na. 

Wala naman din akong kaibigan doon, bakit pa ako magstay sa loob?

I walked towards the field and occupied the vacant bench. Nagpadala na lang din ako ng message sa mga kasama ko kung nasaan ako para sa kung sinuman ang mauunang makalabas ay mapuntahan ako o kaya naman ay mapuntahan ko. 

I smiled a little while watching the soccer team train in the field. Mabuti na lang din at malilim sa kinauupuan ko kaya hindi ko problema ang init ng araw. I remember one time, they made us plant trees and of course, marami ang sumama dahil sila Kol at Jahann ang pinag-announce ng Dean nila ng tungkol doon. It was part of the freshmen NSTP program. 

Kinuha ko na lang ulit ang sketchpad ko at nagsimulang magdisenyo ng damit. Ilan na rin ang nagawa kong mga design at ang ilan sa mga iyon, napagawa ko na ring gown sa kakilala ni Mommy. 

I was busy doing my thing when someone sat beside me. 

Nag-angat ako ng tingin at nakita kong si Enzo iyon. 

“Hey,” I smiled at him and he just nodded his head a little. I just rolled my eyes. Wala naman ng bago sa lalaking ito. Napaka mahal ng ngiti nito. 

Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa ko at hinayaan si Enzo na naroon. Hindi ko alam kung nanunuod ba siya sa mga atleta na nag-eensayo o nanunuod siya sa akin. Alinman doon ay hindi ko na inalam. 

“I heard they’re all coming,” sabi ko kay Enzo nang hindi talaga ito nagsalita. Lumingon naman siya sa akin at tumango. “Yeah,” tipid na sagot nito bago inalis ang tingin sa akin. 

“Can we go to Summer’s first? Para may dala naman kaming makakain,” aya ko sa lalaki. I know hindi mauubusan ng stock sina Lean pero mas maganda na rin siguro kung may dala kami na pagkain. Isa pa ay iinom ang mga ito… or kami. I am not really sure about their plan. 

“Okay,” tipid na sagot ulit sa akin ni Enzo. 

I frowned at him. Hindi ko alam kung boring ba akong kausap o talagang ayaw lang niya akong kausapin dahil laging parang kapag sasagot ito sa akin ay tinatapos na nito ang conversation naming dalawa. 

“You’re into soccer?” tanong ko sa lalaki kahit na hindi ko na rin maunawaan bakit ko pa ba ito kinakausap. Napansin ko lang din kasi na nakamasid siya sa mga athlete. 

Umiling ito sa akin bilang sagot. Nilingon niya akong muli bago nagsalita. “I am just amazed with their dedication to get something they want. The training is tiring, the sun is too hot for them, yet, they are there…” he shrugged. 

I stared at him for a moment and slowly clapped my hands. 

“Ang haba ng sinabi mo ngayon…” pang-aasar ko sa kanya. “Kailangan lang pala manuod tayo ng soccer…” sabi ko rito, hindi ko na rin napigilan ang pagtawa. 

Sumimangot naman si Enzo sa akin dahil hindi ko pa rin mapigil ang pagtawa rito. He got a point there, yes. Natuwa lang naman ako na biglang ang haba ng sinabi nito sa akin. 

Tumayo naman si Enzo at naglakad papalayo sa akin kaya agad akong tumayo rin at inilagay ang gamit ko sa bag ko. Sinundan ko naman siya kaagad dahil alam kong nainis na naman ang lalaking iyon sa akin. 

“Hey, Enzo!” tawag ko sa kanya. I walked faster to be able to catch up with him. 

“Aray!” napaupo ako nang mabangga ako ng isang tumatakbo rin pataliwas sa direksyon ko. 

“I’m sorry, Miss,” ani ng lalaking nakabangga sa akin. Hinawakan naman nito ang kamay ko at inalalayan akong makatayo. 

“It’s okay, I’m--”

“Are you okay?” hinawakan ni Enzo ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya. He looked at the guy who bumped into me. 

“I’m sorry, hindi ko siya napansin,” hinging paumanhin naman nitong muli. Umiling ako sa kanya dahil may kasalanan naman din ako. Dapat ay mas naging mindful ako sa dinaraanan ko.

“Let’s go,” aya ni Enzo sa akin. Hawak pa rin nito ang braso ko habang akay-akay ako sa paglalakad. Hindi ito nagsasalita at blanko rin ang ekspresyon ng mga mata. 

“Enzo, are you mad at me? I’m sorry, okay? Natuwa lang naman ako na mahaba ang nasabi mo, eh,” paliwanag ko sa kanya. I am still trying to justify my reaction. 

Dinala naman ako ni Enzo sa bench na malapit sa pinagpaparadahan namin ng mga sasakyan. Naupo na lang ako at tumabi naman sa akin ang lalaki. 

Nilingon ko siya at tinitigan. 

“Ayaw mo talagang sabihing okay na tayo?” tanong ko sa kanya. Saglit lang akong nilingon ng lalaki bago itinuon ang atensyon sa may iPad nito at muling nagbasa roon. 

I frowned and just leaned on the bench while waiting for others. 

Hindi naman na rin kami naghintay ng matagal dahil isa-isa na silang nagpuntahan sa may parking lot. 

“Let’s go to Summer’s first?” aya ko sa mga ito. Lahat naman sila ay umoo sa akin para makabili kami ng mga kailangan namin kahit na isang gabi lang naman ang sleepover na ito.

Since kasama naman pala namin si Jahann ay sumakay na akong muli sa saakyan nito. Si Kol at Keij ay sumabay kay Theon dahil hindi dinala ni Kol ang sasakyan nito sapagkat tinatamad itong magmaneho. Si Lean naman ay kasabay ni Enzo. 

Mabilis lang naman kaming nakarating sa Summer’s dahil wala pang masyadong traffic. Hindi pa naman rush hour ngayon pero sinabihan kami ni Enzo na bilisan dahil mabigat ang traffic mamaya. 

Kami ni Lean at Enzo ang magkasama, kukuha lang naman kami ng chips na pwede naming kainin mamaya dahil nagsabi si Cherinna na gagawa ito ng nachos para sa movie night. Sila ni Jahann ang magkasama ngayon habang si Keij at Theon naman ang kukuha ng mga canned beers. 

“Wait here, I will just tell them to get fries,” paalam ni Lean sa amin bago naglakad papalayo. Naiwan kaming dalawa ni Enzo na naroon sa aisle na iyon. Hinawakan ko naman ang cart at itinulak iyon. 

“Wala ka bang gustong kunin?” tanong ko dahil napansin kong parang wala pa itong nailagay sa push cart na tulak-tulak ko. Nagkibig-balikat naman si Enzo sa akin. Ano pa nga ba ang ineexpect ko?

I stopped the car and looked at the chips on the top shelf. I looked at Enzo and pointed at the chips with my index finger. 

Para saan pa ba kung hindi namin mapapakinabangan ang tangkad ni Enzo? Ito na rin ang nagtulak ng cart hanggang sa magkita na kaming lahat at magbayad. 

Kol paid for our groceries.

Kanya-kanya na rin kami ng sakay papunta kina Enzo. Sila Enzo ang nauuna habang nakasunod ang sasakyan ni Jahann at ang kay Theon. Wala naman kaming problema sa direksyon dahil alam naman ng mga ito ang bahay ng isa’t isa. 

“Ang feel at home mo talaga,” natatawang kumento ni Cherinna sa akin nang naupo ako kaagad sa may couch sa bahay nila Lean nang makarating na kami roon. Ngumiti naman ako ng malaki sa kanya dahil ganoon naman na talaga kami sa bahay ng isa’t isa. 

Lahat naman kami ay halos lumaki na sa kani-kaniyang bahay dahil magkakaibigan ang parents naming lahat. Kamag-anak namin sina Theon, Keij at Kol, habang pinsan naman ni Lean at Enzo si Keij at Kol dahil kay Tito Blue at Tita Zyline. 

Madalas lang talaga naming hindi nakakasama sina Ate Caryl, Kuya Kiro at Kuya Cloud.

Sila Jahann ang nagdala ng mga pinamili namin. Tumulong naman doon ang mga kasambahay nila Enzo kaya napabilis lang ang pagpasok nila ng mga kailangan. 

I looked at the portrait on the wall. Lahat naman ng bahay naming magkakaibigan ay may kani-kaniyang family portrait. Hindi ko lang talaga malaman kung saan ba pinaglihi si Enzo at hindi man lang ngumiti ang lalaking iyon kahit sa picture. 

Nagpaalam naman na muna ako kay Lean na aakyat muna para makapagpalit ng damit. Alam ko naman kung nasaan ang kwarto nito kaya sinagot lang ako ng oo nito at mabilis na umakyat na lang. Inaya ko naman si Cherinna pero tinanggihan niya lang ako kaya umakyat na ako mag-isa dala ang bag ko. 

Mabilis kong pinihit ang pinto ng kwarto at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko si Enzo na walang suot na t-shirt at salamin dahil mukhang nagpapalit din ito. 

Napalingon ito sa akin at kumunot ang noo nang nakita ako. “What the hell?” humakbang ito papalapit sa pinto kaya naman mabilis kong isinara ang pinto at tumakbo pababa ng bahay nila. Mabilis ang tibok ng puso ko nang makaupo akong muli. 

“Oh, akala ko magbibihis ka?” tanong ni Cherinna sa akin “What happened to you?” she asked me again. 

“Uhm…” huminga ako ng malalim at tumingin sa kakambal ko. “I just thought we should go there together…” palusot kong sabi. Hindi ko alam kung bakit nandoon si Enzo dahil alam kong iyon ang kwarto ni Lean!

Nag-iwas ako ng tingin nang makita ko si Enzo na pababa ng hagdan. Pilit akong hindi tumingin sa direksyon ng lalaki dahil nakakahiya naman ang nangyari. 

Kapag nasa beach nga kami ay nagsusuot ito ng sando, tapos ngayon nakita ko ang katawan nito?

Nanlaki naman ang mata ko nang naupo ito sa upuan kung saan nakapaling ang ulo ko. 

He looked at me and smirked. 

What the hell?

He smirked? Why?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status