Para akong nanliit dahil sa mala-dyosa at mala-anghel na fiance ni Wayde na bumaba ngayon sa double staircase. Walang sino man ang hindi napalingon ng ipakilala si Catalina Marie Ortega bilang fiance ng dati kong nobyo. Ang ganda n'ya. Wait, understatement ang salitang 'yon para sa kanya. Para s'yang prinsesa, hindi lang sa taglay n'ya kagandahan kundi pati na rin sa mahinahon at mayumi n'yang galaw. Kung ipagtatabi kaming dalawa ay baka magmukha akong basurahan kesa tao. Ako na ang mananakit sa feelings ko. "Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Devan. "Itatanong mo talaga 'yan sa akin?" inis kong saad na mahina n'yang ikinatawa. Para kasing nang-iinis s'ya sa tanong n'yang iyon. Kitang-kita ko kung paano matamis na ngitian ni Wayde ang fiance n'ya. Puno ng pagmamahal at paghanga ang mga mata n'ya habang hinihintay si Catalina sa ibaba ng hagdan. Parang may mga tumamang palaso sa dibdib ko ng makita ang paghalik ni Wayde sa labi ni Catalina bago n'ya hawakan ang kamay ng dala
"If you want me to listen to you then you also have to do things for me Ms. Alvarez. Mahalaga ang bawat oras ko kaya naman kailangan mo 'yong paghirapang makuha sa akin." He said with his stoic voice. Sumandal s'ya sa office table n'ya habang niluluwagan ang suot n'yang kurbata. Napayuko ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. "D-Do things like what?" "I will listen to you once you satisfy me." Muli akong napaangat ng tingin sa kanya. "S-Satisfy you?" Kumunot ang noo. Alam ko ang gusto n'yang ipahiwatig pero gusto kong kompirmahin kung tama ba ang nasa isip ko o baka naga-assume lang ako. "Huwag kang magkunwaring hindi mo alam ang sinasabi ko, Pixie." Nag-igting ang panga n'ya sa galit. Pixie? Ito ang unang beses na tinawag n'ya ako sa pangalan ko. Simula ng magkakilala kami ay palaging doll or chaka na ang itinatawag n'ya sa akin. Noong una ay naiirita ako sa tuwing naririnig ko 'yon sa labi n'ya pero nang umusbong ang pagtingin ko sa kanya ay doon ako nag-assume na es
Katangahan na nga 'to. Sumama ako sa kanya para gawin ang bagay na pagsisihan ko na naman sa huli. Mamaya ay mag-iinarte ako at iiyak sa banyo kapag kinain ako ng konsensya ko. Ang tanga-tanga ko! Catalina don't deserve to be fooled like this. Kahit kagabi ko lang s'ya na kilala ay alam ko na mabait s'ya. Kung alam siguro ni Marcia ang pinaggagagawa ko ay baka nabatukan n'ya na ako or worst. "Itigil mo nga 'yan," iritabling pahayag ni Wayde. Doon ko lang napagtanto na inuuntog ko na pala ang ulo ko sa katabi kong bintana. Napaayos ako ng upo saka s'ya pasimpling sinilip. Sa limang taon naming hindi pagkikita ay maraming ipinagbago ang lalaking 'to. Hindi lang sa pag-uugali kundi pati na rin sa pisikal na aspeto. Bumaba ang tingin ko sa braso n'ya. Nakaangat kasi hanggang siko ang long sleeve n'ya kaya naman kitang-kita ko ang maugat n'yang braso na nagpadagdag pa lalo ng kakisigan n'ya. "F*ck! Stop staring at me, b*tch!' Mabilis akong napaiwas ng tingin sa kanya. Tss. Anong karap
"Hey sis! Long time no see." "P-Pennie?" "Your one and only pretty sister." Nakangisi n'yang saad habang nakaangat ang isa n'yang kilay na ang sarap ahitin. Ano naman ang ginagawa ng 'sang 'to rito? Tumayo ako saka s'ya hinarap. Mag-aayos kasi ako ng stocks ng mga delata at noodles sa grocery store na pinagtatrabahuhan ko nang dumating s'ya. Kung tama ang pagkakatanda ko ay mahigit dalawang taon na rin nang huli ko s'yang makita. Hindi ko akalaing lumuhod ako noon sa harap n'ya para lang makahiram ng pera para sa pagpapagamot ng anak ko. Binigyan n'ya naman ako pero pinahiya n'ya muna ako sa maraming tao bago isampal sa mukha ko ang pera n'yang hindi man lang nabayaran ang isang araw na hospital bills ng anak ko. Sa tuwing naaalala ko ang nangyaring 'yon ay hindi ko mapigilang kaawaan ng paulit-ulit ang sarili ko. Itinaga ko nun sa bato na hindi na ako hihingi ng tulong sa kanya kahit na anong mangyari. Pinasadahan ako ni Pennie ng tingin mula ulo hanggang paa bago n'ya mulin
"Pagkakataon mo na 'to para patayin ako Wayde." "Shut up," singhal n'ya sa akin bago n'ya ako maingat na inilapag sa kama ko. "Uminom ka na ba ng gamot?" tanong n'ya sa akin. Pinigilan kong huwag maging assuming at kiligin pero sa huli ay nanalo ang pagiging marupok ko. Urrggh! Kainis ka self!"Hindi pa. Can you get it for me?""Tss. Saan nakalagay?" "Nasa cabinet sa kusina. Sa blue na jar," sagot ko sa kanya. Nang makaalis s'ya ay kaagad kong kinuha ng phone ko at tinawagan si inay."Napatawag ka hija?""Pauwi na po ba kayo?""Hindi pa. May bagong kalaro kasing nakilala si Wynter sa parke. Niyaya kami ng nanay ng bata na kumain. Baka mayamaya pa kami makauwi. Ayos lang ba 'yon hija?""Opo. Ayos lang po."Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni inay. Kailangan kong paalisin si Wayde bago pa sila magkita ng anak ko. Oo! Buo na ang desisyon kong itago sa kanya si Wynter. Ayokong idamay ang anak ko sa away naming dalawa. Masasaktan lang si Wynter kapag nalaman n'yang im
"Kelan ang balik mo rito?" tanong ko kay Devan. Pagkatapos ng shift ko sa restaurant n'ya ay sumama ako sa kanya rito sa airport para ihatid s'ya."Hindi pa nga ako nakakaalis ay pagbabalik ko na kaagad ang itinatanong mo. Na-touch naman ako," pabiro n'yang pahayag na nagpaikot ng mga mata ko. "Ang totoo n'yan ay hindi ko pa alam kung kelan ang balik ko rito. Matagal pa siguro. Pumunta lang naman kasi ako rito para sa engagement party ni Wayde at Catalina. Tsaka kahit walang supervision ko ang restaurant rito ay maganda naman ang agos ng negosyo kaya sa pinas muna talaga ako maglalagi." "Devan, pwede bang huwag mo munang banggitin kay Marcia na nagkita tayo rito? Gusto ko s'yang i-surprise kasama si Wynter pagbalik ko.""Yeah. Sure. Mag-iingat kayo rito. Kapag may problema kayo ay tawagan mo lang ako. Isa pa nga pala, balitaan mo kaagad ako kapag pabalik na kayo sa pinas."Tumango ako. "Thanks, Devan." Lumapit ako sa kanya at yinakap s'ya. "Mami-miss kita.""Iyan talaga ang h
"Sh*t!" Napamura ako sa gulat at muntik ko na rin mabitawan ang hawak kong kape nang makita ang isang pigura ng lalaki na prenteng nakaupo sa may dining area. Pinaningkitan ko s'ya ng mata at doon ko na kompirmang si Wayde ang lalaking ito.Kanina pa ba s'ya nand'yan? Tsk. Magkakasakit talaga ako sa puso ng dahil sa kanya. Kung saan-saan na lang s'ya sumusulpot. May lahi ba s'yang kabute?Muntik ko ng makalimutan na dito nga pala s'ya natulog kagabi. Hindi ba s'ya nakatulog ng maayos? Kasalanan n'ya dahil nagpumilit s'yang magsumiksik dito. Pwede n'ya namang bisitahin si Wynter kahit kelan n'ya gusto nang hindi kailangang natutulog dito tuwing gabi."K-Kape? Gusto mo ba ng kape?" tanong ko sa kanya."Yeah, sure.""3-in-1 lang ang meron kami." Marahan s'yang tumango kaya naman kaagad ko s'yang tinalikuran para ipagtimpla s'ya ng kape.Alas-quatro palang ng umaga. Hindi naman ako nagigising ng gan'tong oras pero dahil maaga akong nakatulog kagabi ay maaga rin akong nagising ngayo
"Wynter!" tawag ko sa anak ko paglabas n'ya sa classroom nila. Tumakbo s'ya papalapit sa akin saka s'ya yumakap sa hita ko. Nang umalis si inay ay nagpasya akong tumigil na rin sa pagtatrabaho para maalagaan ko ang anak ko. Sa ngayon ay iyon ang pinaka-magandang desisyon na nagawa ko. Ang sarap sa pakiramdam na ako na ang nakabantay kay Wynter at nag-aasikaso sa kanya. Babawi ako sa mga oras na nawala sa aming dalawa. Simula kasi ng mag-2 years old si Wynter ay si inay na ang palaging nakabantay sa kanya kaya naman gagawin ko ang lahat para makabawi sa mga pagkukulang ko sa anak ko.Tinupad ni Wayde ang ipinangako n'yang susustentuhan n'ya ang anak n'ya habang wala akong trabaho. Hindi s'ya nagkulang sa perang ibinibigay n'ya sa amin. Ang totoo n'yan ay sobra-sobra pa nga ang inilalagay n'ya sa bank account ko. Nakakahiya kaya kinausap ko s'yang bawasan ang ibinibigay n'ya sa amin pero hindi s'ya pumayag.Naisip kong itabi na lang 'yon para sa future ni Wynter. "Mama, I want