Share

Kabanata 71 : WAYDE'S PERSPECTIVE PT. 1

WAYDE

"Wayde?" Bakas ang gulat sa mukha ni Janus nang makita ako. Buhat n'ya ngayon ang isang sanggol na sa tingin ko ay anak n'ya. "W-What brought you here?" tanong n'ya bago ibaling kina Mavey at Keegan ang tingin n'ya.

"Do you have spare time? I need to talk to you."

"Y-Yeah. Sure. Pasok kayo." Nilakihan n'ya ang pagkakaawang ng pinto para makapasok kaming tatlo.

Sa tulong ni Mavey ay mabilis naming nahagilap ang kinaroroonan ni Janus. Prioridad ko pa rin ang paghahanap kay Pixie sa mga oras na ‘to at hindi ako titigil hangga't hindi ko s’ya natatagpuan.

Sa ngayon ay kailangan ko munang malinawan sa totoong nangyari sa kanila ni Janus bago ako magpadala sa emosyon ko.

Alam kong huling-huli na ako. Dapat noon pa ay hinarap ko na si Janus pero wala nang magagawa ang pagsisisi ko ngayon.

Inilapag muna ni Janus ang natutulog n'yang anak sa crib bago maupo sa kaharap kong sofa.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Janus. Nandito ako para marinig ang totoong n-namamagitan sa iny
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status