Share

Kabanata 1 : Break Up

PIXIE

"I'm sorry Pixie. Let's end this," pahayag ni Janus. Bumagsak ang kamay kong may hawak na lunchbox na para dapat sa kanya.

"E-End what?" Nanginginig ang labing tanong ko kay Janus.

"This relationship. Hindi na ako masaya," sagot n'ya na nagpakunot ng noo ko.

"Hindi ka lang masaya bibitaw ka na? That's not an acceptable reasson! Pwede bang diretsuhin mo na lang ako! May iba na ba?!" asik ko kasabay nang pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilang huwag kumawala sa mga mata ko pero dahil sa halo-halong emosyon sa dibdib ko ay hindi ko na ito napigilan.

"I-I'm sorry."

"P*tangina naman! Ba't ka ba sorry nang sorry! Sabihin mo sa akin ang totoong dahilan!" sigaw ko sa kanya.

"I had s*x with your sister."

Natigil ang pagpatak ng mga luha ko nang marinig ang naging rebelasyon n'ya. Tumalim ang tingin ko sa kanya kaya naman mabilis s'yang napaiwas ng tingin sa akin. Sa dami ng pwede n'yang ipalit sa akin ay sa kapatid ko pa talaga.

Bobo ba s'ya?

Alam n'ya ang mga hinanaing ko sa kapatid ko at ang galit ko rito pero nagawa n'ya pa rin akong traydurin. Akala ko sa isang taon naming magkarelasyon ay nakahanap na ako ng kakampi ko sa buhay pero nagkamali ako. Isa ring traydor ang tarantadong 'to.

"Janus," sambit ko sa pangalan n'ya.

Mula sa balikat ay dumausdos sa kamay ko ang strap ng backpack ko. Nang ibaba ni Janus ang tingin n'ya sa akin ay doon ko na inihampas sa kanya ang backpack ko.

"Walanghiya kang h*yop ka!" Paulit-ulit ko s'yang pinaghahampas ng bag ko dahil sa sobrang galit. Hindi lang ako nagagalit na pinatulan n'ya ang kapatid ko, nanggagalaiti rin ako dahil iniyakan ko pa ang pakikipag-break n'ya sa akin kani-kanina lang. Nagsayang ako ng luha at emosyon sa kanya siraulong 'to!

Pucha! May pa- 'Hindi na ako masaya' pa s'yang nalalaman!

"Aray! What the hell!"

Mabilis s'yang tumakbo palayo sa akin. Huh! Dapat lang dahil hindi ako magdadal'wang isip na tapusin ang buhay n'ya gamit ang bag ko na unang magiging murder weapon dahil sa kanya.

"Witch!" pahabol n'yang sigaw. I raised my middle finger before storming out to the gym.

Hindi na ako pumasok sa huling klase ko. Kaagad akong umuwi sa bahay para sugurin ang kapatid kong  makati at nagpapakamot palagi sa mga lalaking taken na. She's a relationship wrecker. Hindi ko akalain na pati ang love life ko ay sisirain n'ya rin.

Sa sobrang bigat nang nararamdaman ko ay hindi ko mapigilang mapaluha habang nasa byahe. Ang sakit dahil sarili kong kapatid ay magawa akong traydurin. Alam kong hindi kami super close katulad ng ibang magkakapatid. Never kaming nagkasundong dalawa sa isang bagay at s'ya rin ang naituturing kong bully at discourager ko pero hindi ibigsabihin nun may karapatan na s'yang makipag-chukchukan sa boyfriend ko.

"Pennie!" sigaw ko nang makapasok sa bahay. Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng bahay dahil sa malakas na pagtawag ko sa kanya. I know she's here. Tamad s'yang pumasok tuwing friday kaya alam kong nandito lang s'ya kasama ang lalaki n'yang weekly n'yang pinapalitan o 'di naman kaya ang mga tropa n'yang katulad n'ya ay malalandi rin.

Mabibigat ang mga paa ko na nag-martsa paaktay sa kwarto n'ya. Nang ma-unlock ang doorknob ay malakas kong sinipa ang pinto pabukas.

"P*****a naman doll! Ano ba 'yan!" sigaw ni Wayde na s'yang naabutan ko sa kwarto ng kapatid mo.

Hindi s'ya isa sa mga lalaki ni Pennie na naka-schedule sa kama nito ngayon. Wayde is gay. Bestfriend s'ya ng ate ko simula 10th grade at hanggang ngayon na junior na sila sa college ay magkadikit pa rin ang mga kaluluwa nila.

Pareho silang bitchesa at demonyita.

Alam n'ya kayang pinagnanasaan s'ya ang kaibigan n'ya? Narinig ko noon si Pennie sa phone na may kausap at guess what kung sino ang topic nila? Walang iba kundi si Wayde. Si Wayde na walang malay.

May malalaswang salita na ginamit si Pennie na ayoko nang alalahanin pa.

"Nasaan si Pennie?" tanong ko habang inililibot sa buong kwarto ang paningin ko.

"She went outside. Bakit para kang dianasour na humahangos sa galit?" tanong ni Wayde.

"Lulumpuhin ko ang babaing 'yon! Malandi s'ya! Tatanggapin ko ang mga pambu-bully at pagpapahiya n'ya sa akin per–" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mapahagulgol ako. Ibinaon ko ang mukha ko sa dalawa kong palad at doon umiyak.

"What happened? Anong ginawa ni Pennie?" sunod-sunod na tanong ni Wayde sa akin. Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay n'ya sa kaliwa kong braso kaya iniangat ko ang tingin sa kanya. I glared at him. He sounded so concerned. Muntik na akong maniwala sa acting skills n'ya.

Katulad ng kapatid ko ay isa rin s'ya sa katuwang nito sa pangbubully at pagda-down sa akin. I'm a complete opposite of my sister. Nerd at boring ako para sa kanila kaya naman nagagawa nila akong pagtulungan.

Marahas kong inalis ang kamay n'ya sa braso ko at umatras palayo sa kanya.

"Don't play dumb at me! Sigurado akong alam mo ang pinaggagagawa ng bestfriend mo!"

"I don't know what your talking about doll. Hindi ako magtatanong kung may alam ako para umiyak ka ng gan'yan," depensa n'ya.

"Wag kang magmalinis Wayde! Partners in crime kayo ng kapatid ko kaya sigurado akong alam mo ang tinutukoy ko!"

Nang marinig ko ang pagbukas at pagsara nang pinto sa baba ay kaagad ako naglakad palabas ng kwarto at tinungo ang hagdan para silipin kung dumating na ang kapatid ko pero naningkit ang mga mata ko ng makita si Janus at Pennie na naghahalikan sa baba na kulang na lang ay kainin ang labi ng isa't-isa.

Mga hayop!

Susugurin ko na sana sila nang may malakas na braso ang pumaikot sa bewang ko. Akmang sisigaw na sana ako ng bigla na lang hulihin ni Wayde ang labi ako.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginagawa n'ya. Gusto ko s'yang itulak palayo pero para bang hinigop n'ya ang lakas ko dahil sa paggalaw ng labi n'ya sa akin. Napayakap ako sa batok n'ya. Namalayan ko na lang ang sarili kong sinasagot ang mga halik n'ya na iginagawad sa akin.

Damn this lips!

I think I'm under his spell. Hindi ko magawang itulak s'ya palayo dahil aminin ko man o hindi ay sarap na sarap ako sa labi n'ya.

Anong lipbalm ba ang gamit n'ya? Bakit hindi mawala ang tamis sa labi n'ya?

Napaungol ako sa gitna kissing session naming dalawa nang pisilin n'ya ang tagiliran ko sa loob ng suot kong uniform. Para kaming uhaw na uhaw sa labi ng isa't-isa. Sandaling humiwalay ang labi ni Wayne sa akin. Tinagggal n'ya ang suot kong eyeglasses saka muling ibinalik ang labi n'ya sa akin na kaagad ko namang tinanggap.

Wtf?!

He's gay. Bakit hinahayaan n'yang mangyari 'to? Bakit hinahayaan kong gawin n'ya 'to?

Nang muling maghiwalay ang mga labi namin ay doon ko lang napansin na nasa loob na kami ng kwarto ko. Nakaupo s'ya sa kama ko habang ako naman ay nasa kandungan n'ya. Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng mukha ko pero mukhang hindi lang ako ang na-shock at hiyang-hiya ngayon dahil sa pinaggagagawa namin.

"What the ewww!" tili n'ya. Nanlaki ang mga mata ni Wayde nang makita ang posisyon naming dalawa. Ngayon lang ata rumihestro sa kabaklaan n'ya ang ginawa n'ya sa akin. Aba! 'Wag s'yang pa-biktim dahil s'ya naman ang unang nag-initiate na halikan ako.

Pero bakit naman kasi ako pumayag na gawin n'ya 'yon? I mentally pulled my hair. Kanina lang ay nakikipagsigawan ako sa kanya and the next thing I knew, nandito na kami sa kwarto at nagma-make out.

Napatili ako nang itulak n'ya ako palayo sa kanya. Napapikit ako at hinintay ang paglagapak ko sa sahig pero ang inaakala kong malakas na impact nang pagbagsak ko ay kabaliktaran sa inaasahan ko.

Pareho kaming bumagsak ni Wayde pero sinigurado n'yang hindi tatama ang ulo ko sa sahig dahil sa kamay n'yang nasa uluhan ko at isang braso sa bewang ko. Mas lalo atang lumala ang posisyon naming dalawa dahil nakapatong na s'ya sa akin ngayon.

"Pixie, what did you do to me?" tanong n'ya na para bang kasalanan ko pa kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon.

"I should be the one asking you that!" inis na saad ko saka s'ya itinulak palayo sa akin.

"Nakita mo ba?" tanong ni Wayde sa akin.

"Nakipag-break na sa akin si Janus dahil may nangyari na sa kanila ni Pennie. Alam ko na lahat pero mas masakit pala na ma-witness ko ang pagiging ahas ng kapatid ko."

"I didn't know. I promise."

"Pero hinalikan mo ako para itago sa akin ang ginagawa ng dalawang lintik na 'yon. You failed Wayde," mangiyak-ngiyak na pahayag ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya para hindi n'ya makita ang pagtulo ng luha ko. Ayokong umiyak ulit sa harap ng baklang 'to. Baka patalikod n'ya akong i-chismiss sa kapatid ko.

Tama na muna sa araw na ito ang mga nalaman ko.

"Kakalimutan ko ang nangyari sa atin ngayong araw na 'to. Lumabas ka na Wayde," pagtataboy ko sa kanya na kaagad n'ya naman sinunod nang walang sali-salita at pagtutol.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status